Love Advice No. 59

From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang dapat gawin para sa taong naguguluhan kung sino sa dalawa ang pipiliin niyang mahalin?

My Answer:

Tulungan mo siya sa kanyang pagdedesisyon.

Salamat sa iyong malasakit, kung ganoon. Base sa aking personal na karanasan, mahirap talagang magdesisyon kung sino sa dalawa ang kanyang mamahalin. Kaya isang malaking bagay kung tutulungan mo siya.

The Process…

Maari mo itong ipasulat sa kanya: Isang papel para sa isang mahal niya, at isa namang papel para sa isa pa. Isusulat niya ang mga magaganda at hindi magandang katangian ng dalawa. Una sa lahat, siya kasi ang mas nakakakilala sa dalawa.

Ikaw bilang kaibigan niya ay puwedeng tumulong sa kanya. Ikaw kasi bilang katropa niya ay may pagkakataong kilalanin ang kanyang (mga) mahal.

Sa pagsusuri sa pagkatao ng dalawang mahal, makakatulong ka (pati na ng ibang mga kaibigan ninyo, mga kaanak nila, at mga kaibigan nila) sa prosesong ito para matulungan siya sa kanyang desisyon.

Ang mahalaga dito, makita niya (at makita mo) kung sino sa kanilang dalawa ang mas lamang. Patagisan na ito ng mga mahahalagang katangian na dapat taglayin ng isang lalaki (o babae).

…Used by author

Bigyan kita ng halimbawa. Noong nasa high school pa lang ako, meron akong gusto. Kaya nga lang, consistent honor student siya pagdating sa pagsasabi niya na hindi niya ako gusto. Meron namang isa na gusto ako. Na kulang na lang ay sabihin niya sa akin na mahal niya ako.

Siyempre, litung-lito ako kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin ko. Upang magabayan ako sa aking pagdedesisyon, nagsulat ako sa isang papel ng mga katangian nila base sa pagkakilala ko sa kanilang dalawa.

Gabi na noong mga panahong iyon, at hindi talaga ako makatulog. Kinailangan ko kasing tapusin ang aking pagsusulat para makapagdesisyon nang maayos. Nang matapos ang aking pagsusulat, buo na ang aking desisyon. Pipiliin ko na ang isa na may gusto sa akin. Bakit? Nakita ko na mas maganda ang kanyang ugali. Isa pa, inamin nga niya na gusto niya ako. Iiwan ko na ang isa dahil minsan, sobra akong nasaktan sa ginawa niya sa akin.

(Ang kaibahan nga lamang, hindi ako humingi ng tulong sa kanilang mga kaibigan o sa kanilang kakilala dahil awkward para sa akin na gawin ito. Isa pa, talagang malalaman ng “lahat” ang prosesong ito kung hihingi pa ako ng tulong sa kanila. Kumbaga, mas madaling kakalat ang naturang tsismis. Turing ko pa nga sa sarili ko ay artista pagdating sa ganyan, dahil iyon ang totoo.)

Sana kahit paano ay natulungan ko ang kaibigan mo sa prosesong ito. Maraming salamat sa pagtatanong. 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s