Love Advice No. 60

From a curious friend:

Dapat pa bang itago ang picture ng ex mo?

My Advice:

Ang sagot diyan ay hindi “dapat”, kundi “maaring” itago ang picture ng ex mo.

Sa totoo lang, personal decision mo na kung dapat bang itago iyon. Kung feel mo na iyon ang dapat mong gawin, gawin mo.

Ano ang meron kapag tinago mo ang picture ng ex mo?

Isa ito sa mga paraan kung paano ka makakamove-on. (Ang ibang paraan ay pagsira, pag-delete, o pagsunog sa picture ni ex.) Kasi naman, kung may pagkakataon ka na titigan ang larawan niya (at tinitigan mo), baka masaktan ka lang. Lalo na kung may pinagdadaanan kayong dalawa. 😥

Ex still part of your life

Sa totoo lang, kahit anong tago ng picture ng ex mo, kung siya at siya pa rin ang nasa isip mo, balewala rin. Hindi lang kasi siya ang nasa larawan, nasa isip at puso mo pa siya.

Kahit anong tago ng picture ng ex mo, “it’s still part of your past and nothing will change.” Except sa status ninyong dalawa. 😥

May bahagi na rin kasi si ex sa puso mo. At dahil diyan, hindi natin basta-basta mabubura ang alaala at feelings mo sa ex, maganda man iyan o hindi. Once na na-meet natin siya, tatatak siya sa ating puso at/o alaala. “Hindi ito parang flash drive o hard drive na puwedeng i-reformat nang ganoon-ganoon na lang”. Unless may amnesia o Alzheimer’s ka. XD

From the author

Kahit na wala pa akong ex, let me share with you my experience.

Meron akong nagustuhan dati. O sabihin na natin na mahal na mahal ko siya.

At that time, ang tanging paraan para sa akin upang magustuhan niya ako ay maging “aggressive” sa panliligaw sa kanya. May mga moments pa nga na magkasama kami, at sa tingin ko ay nasisiyahan siya. Umasa pa man din ako na baka ma-fall siya sa akin. Pero hindi pala.

Nami-miss ko siya mula nang hindi na sila pumasok. 😦 May gagawin kasi silang magkakaklase. Nang nagkaroon ako ng free time, sinamantala ko na ang pagkakataong iyon para pumunta sa kanila. 😀 Naglakbay pa man din ako ng napakalayo makita ko lang hindi lang sila, kundi pati ang babaeng iyon.

Dumaan ang mga araw, at dumating sa punto na nasira na ang friendship namin. Naputol pa nga. Iyon ang napakalungkot na nangyari sa akin, at iyon ang aking pinagsisisihan hanggang sa mga oras na isinusulat ko ang artikulong ito. Totoo naman na kasalanan ko kung bakit ko ipinilit ang isang bagay na dapat eh inuunti-unti.

Masakit pa rin hanggang sa ngayon ang nangyari. Alam ko na hindi ko na maibabalik pa ang dati naming samahan. At iyon ang napakasaklap. 😥 😥 😥

Pero isang araw, nagkaroon ako ng lakas ng loob na i-download ang kanyang larawan. Hanggang ngayon, may kopya pa ako ng mga larawan niya. Hindi ko ito itinatago o dinedelete.

Meron din akong picture ng mga moments na masaya kaming nag-uusap. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito tinatago o binubura.

Iniisip ko na lang kasi na minsan na siyang dumaan sa buhay ko. Masaya man o malungkot ang naging experience ko sa kanya, tatatak pa rin siya sa aking puso at alaala. Iyon na ang starting point ko para simulan ko ang pagbabago sa aking sarili.

Nai-share ko lang ang bagay na ito upang makita at maramdaman mo kung ano ang reyalidad kapag nagdedesisyon ka kung itatago mo ba ang picture ng ex mo o hindi.

Final Words

Since irrelevant na siya sa buhay mo, gamitin mo na lang ang natutunan mo sa past to be “a better person, not a bitter person.”

Actually, puwede mong itago ang picture ng ex mo para hindi ka masaktan. O di kaya, puwedeng hindi itago ang picture niya, kasi dito may matutunan ka sa inyong nakaraan.

Another suggestion: Maaring ibigay sa ex mo ang kanyang mga larawan. Dito hindi ka matutuksong balikan ang kanyang mga larawan na siyang ikasasakit ng iyong damdamin. Isa pa, senyales na ito para sa kanya na natapos na ang inyong relationship. Paraan na rin ito ng pagpapasalamat sa kanya sa mahabang panahon na kayo’y magkasama.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s