Love Advice No. 61

From e-mail:

Hi. Ask ko po what if si ex nakikipagbalikan ulit? Dapat ko pa ba siyang bigyan ng chance kahit na twice na niya akong niloko at iniwan for other girls?

My Advice:

Dapat mo siyang bigyan ng chance.

Kaya lang, bibigyan mo lang siya ng chance para patunayan na deserving siya sa ikatlo mong pagkakataon. Saka mo pa lang siya bibigyan ng chance, this time, para maging isang mabuting boyfriend para sa iyo.

Ano ang ibig sabihin nito? Kailangan niyang patunayan na karapat-dapat siya na maging boyfriend mo. Hindi naman kasi puwede na basta-basta na lang siyang makikipagbalikan matapos ka niyang lokohin at iwanan. Ano ito, iniwan ka niya nang pak na pak, tapos babalik sa iyo nang ganern ganern na lang? Walang ganern. 😡

The mere fact na nakipagbalikan ulit siya sa iyo ay nangangahulugang may problema siya pagdating sa pag-handle sa inyong relationship. Kasi, ang problema sa kanya, hindi niya kayang panindigan ang pagmamahal niya sa iyo. Na kaunting ihip lang ng hangin, bibigay na agad sa iba. Naku, walang magtatagal sa kanya kung ganyan ang ugali niya.

Hindi rin puwedeng basta-basta na lang siya makikipagbalikan sa iyo.

Bakit?

Tatanungin kita: Ilang balde ba ng luha mo ang iyong nahahakot? Ngayon, kung basta-basta na lang siyang makikipagbalikan sa iyo, at sakaling iwanan ka niya the third time, iiyak ka na naman. Hanggang sa tuluyan nang madurog ang puso mo.

This time, dito mo na makikita kung gaano siya kaseryoso sa paghandle sa relationship ninyong dalawa. Dito mo rin makikita kung nagsasabi siya ng totoo o hindi. At sa ganitong paraan matutunan niya ang halaga mo bilang kanyang girlfriend.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s