Love Advice No. 62

Good day, dear readers! Salamat sa pagkakataon na makapagbigay ng payo sa inyo. Actually, matagal na din akong naging inactive sa aking site dahil sa trabaho at sa sunud-sunod na problema, lalo na sa personal na buhay. Hanggang sa nagbukas ako ng aking e-mail, at dito nakita ko na nangangailangan siya ng love advice.

Sa kasalukuyan ay ginagawa ko ang love advice na ito. Feeling ko kasi masyado na itong overdue, at talagang humihingi na siya ng tulong. Sige, simulan na natin!


From e-mail:

My Advice:

Tama ang desisyon mo na ipaglaban siya.

Kasi naman bes, unang-una, hindi pa naman sila. Maaring sa simula ay mabigat sa kanyang dibdib, lalo pa’t sariwa pa rin ang sakit na pinagdaanan nilang dalawa. Pero pagdating ng panahon eh makakamove-on din naman siya. Basta tulungan mo lang ang boyfriend mo.

Bakit naguguluhan?

Kung ang itinatanong mo sa akin eh kung bakit siya naguguluhan, ang tanging magagawa ko ay manghula:

  • Nang tanungin mo siya kung masaya ba siya nang nagkausap sila, sabi niya na “Masayang hindi.” Mixed emotion iyan, bes. Masaya kasi nagkita din sila pagkatapos ng matagal na panahong nawalay sa isa’t isa. Pero at the same time, hindi siya masaya dahil ikaw ang mahal niya, at siyempre may nami-miss siyang moments kasama ang ex.

Dahil ganito ang expression niya sa iyo, huwag kang mag-alala. Dapat kang kabahan kapag sinabi niya sa iyo, “Masayang-masaya.”

  • Maaring bumalik na ang pagtingin niya sa girl na iyan. Na matapos niyang iwan ang ex (at iwasan pa), maaring dumating sa point na ma-realize niya na mahal pa rin niya iyon. Maaring magkaroon ng pagsisisi ang boyfriend mo dahil iniwan niya ang kanyang ex. And that’s the point na puwedeng unti-unti siyang mawawalay sa tabi ng ex. May kasabihang “Absence makes the heart grow fonder.”
  • Maaring nakumbinse ang boyfriend mo sa mga salita na sinasabi ni ex. Kaya mapapaisip na siya, at pagkatapos ay maniniwala na siya sa mga sinasabi ni ex.
  • Maaring sa buong panahon na nag-uusap sila (na inorganize pa man din ng tropa niya), meron silang natutuklasang problema at nahanap nila ang pinakadahilan kung bakit nagkahiwalay sila. Gustuhin man nilang bumalik sa dati (kung sakali), hindi na maari dahil ikaw ang mahal niya. This time eh malilito na siya.

Sinabi nga niya, “Parang bumabalik,” which means na naguguluhan talaga siya. At hindi pa siya sigurado kung bumalik nga ba ang nararamdaman niya sa ex. Ngayon, kabahan ka na kung sinabi niya sa iyo, “Bumabalik na talaga,” implying na hindi malayong magkabalikan sila.

Magkikita pa rin

Bes, aminin natin na hindi talaga natin maiiwasan ang mga ganitong insidente. Hindi natin maiiwasan na mangyaring magkita silang dalawa. Sabi nga sa isang kanta, “It’s a small world after all.”

Sa kabilang banda, maganda din naman na magkita silang dalawa. Dito kasi nasusubok kung kaya pa bang tiisin ang isa’t isa matapos ang break-up. Masasagot ng ganitong sitwasyon kung sino sa inyong dalawa ang kanyang pagtitiisan.

Isa pa, ito na rin ang pagkakataon nilang dalawa na magkaroon ng closure sa isa’t isa. (Lalo pa’t nang makipag-break siya sa kanyang ex ay iniiwasan na niya ang dalaga.) Maganda na rin na harapin ng bf mo ang ex niya kahit sa huling pagkakataon. Bakit? Mabibigyang-linaw din nito kung hanggang saan dapat ang relasyon ng boyfriend mo at ng ex niya. Mabibigyan mo rin ang bf mo ng pagkakataon na sabihin sa ex na “it’s over” ang kanilang relasyon.

Final Words

Nangyari na nga ang nangyari. Nagkita silang dalawa. Dahil dito, mukhang nagkaroon ng kaunting pagtingin ang boyfriend mo sa ex niya. Dito masusubok kung alin ang kanyang isasakripisyo, at dito mo rin makikita kung mahal ka ba niya talaga.

Pero kumbinsido ako na mahal ka pa rin niya. The mere fact na nag-effort siya sa iyo, na sabi mo “araw-araw niyang pinaparamdam sa akin iyon” and the mere fact na iniiwasan niya ang ex niya habang boyfriend mo siya states that he still loves you. Kung hindi sana nangyari ang ganitong sitwasyon, lalo pa niya itong ipaparamdam sa iyo. Gusto mo, 24/7 ang paglambing sa iyo? (Parang BoybandPH ang peg, ‘no?)

Nararapat lamang na ipaglaban mo ang relasyon ninyo. Tulungan mo din siyang makamove-on sa kanyang pinagdadaanan. Bukod sa wala pa namang senyales na magkakabalikan sila, maipapakita at maipaparamdam mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal.

Sige, bes. 😀 Iyan ang aking opinion o advice para sa iyo. Sana makatulong ito sa iyo. 🙂 Maraming salamat sa pag-email sa akin, and God bless din sa iyo. 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s