A Love To Last: TonDeng and Future Father-in-Law

The cast of A Love to Last, with Tony Noble at the forefront. Photo credits from ALTL Official Page

Marami ang tila nagulat sa naging pagharap ni Tony Noble at ni Andeng sa bahay ng huli. Ngayon, ano nga ba ang napag-usapan nila?

Tungkol ito sa naging desisyon ni Andeng tungkol sa prenup agreement, na sa palagay ni Tony Noble ay makakabuti ito para sa magiging apo niya na sina Lucas, Chloe, at Kitty. Bagaman wala namang problema kung ito’y pipirmahan ni Andeng, mukhang ipinararating ni Tony na wala siyang tiwala sa babae.

Sa naging mungkahi ni Andeng na mag-usap silang mag-ama ni Anton, dito na naungkat ang matagal nilang “away”. Iniisip kasi ni Tony na ibinigay na niya ang lahat ng bagay at ang mga natutunan niya upang mailagay ang kanyang anak sa kinalalagyan nito ngayon. Pero ayon naman kay Anton, hindi niya maramdaman ang pagmamahal sa ginagawa ng kanyang ama.

Naging isang twist ang pagdating ni Anton sa bahay ng dalaga. Nang makita na niya ang kotse ng kanyang ama, nagkaroon siya ng hinala na nag-aaway si Tony Noble at si Andeng. Ito na sana ang pagkakataon para mag-usap silang mag-ama, pero naunahan na si Anton ng galit at sinabi sa ama na hindi siya maaring maimbitahan sa kasal.

And to make the story short, dahil sa magandang trato ni Andeng, nakumbinse na ni Tony na hindi na niya mapipigilan pa ang dalawa sa kanilang pagpapakasal. Ika nga niya noon, “She really knows how to play cards well.” At dahil dito, ang tanging bilin niya kay Grace ay asikasuhin ang mga anak.

Marami ang nakatutok sa takbo ng istorya, nagbigay ng kilig, at nagbigay ng aral tungkol sa respeto at pagmamahal ng anak at magulang sa isa’t isa. Inilahad din nito ang pag-ibig na tunay at pinaninindigan, tulad na lamang ng linya nilang ito:

Ngayon, tingnan natin ang naiibang balita sa seryeng ito thru the netizens’ reactions:

Kakatuwa habang papalapit na ang kasal nagsilabasan na ang mga kontrabida😂😂😂😂 pati tuloy manonood ay nawalan na ng gana!😂😂😂😂 baka pati tuloy kasal ni anton at andeng mapopostpone din… Pwede ba directly palitan ang title ng #agraceandtonytolast😂😂😂😂

  • Kung magkakatotoo man ang palit-title ng ALTL, mag-iiba na ang takbo ng kuwento. Magkakabalikan na naman si Anton at Grace, tapos eh hahabulin ni Andeng, tapos magkakabalikan ulit ang TonDeng. Hanggang sa wala nang katapusan ang kuwento. Actually, merong hindi nawawalan ng gana (pati ako) na panoorin iyan.

May mga nagpapakita ng suporta kay Andeng at kay Anton:

Wag kang pasisindak Andeng. Galingan mo lang ang sagot at maging magalang sa kanya.

Ok lang magsilabasan ang mga kontrabida basta ang tondeng di sila magpapaapekto. Patuloy nilang lalabanan ang mga pagsubok #labanlangtondeng

Meron din namang mga netizens na napansin ang paglilipat-bakod ni Tony Noble:

Tony pera pera sa Wildflower ganoon din nasa utak niya nung pakakasalan si Ivy at huthutan daw ng apo niya lahat ng kayamanan ni Ivy magkakaruon mg karapatan un apo…

Hay, ang daming kontrabida. Puwede ba ibalik niyo na si tony noble sa wild flower at doon siya magkontrabida ni maja.

Pakialamero, pati kina Arnaldo at Ivy pinakikialaman din

Dapat sa wildflower ka na lang maghasik ng galit mo. Wag mo nang idamay si andrea

Ikaw Julio Ardiente kontrabida ka! Dami mo nang kalaban umayos ka!

Kaya naman ang reaksyon ng isa:

Ala eh si Tatay Julio, pinuntahan ba naman si andeng.. ano ito, “A Wild to Last?”

  • Ala, eh kaya nga nagpunta diyaan si Tatay Julio kay Andeng, at nang may makakahuntahan. Di ga? 😀

Isang netizen naman ang chill na chill sa panonood ng programa:

The mere fact na naglalabas tayo ng emotion – inis man yan o galit o kilig – means nae-entertain tayo, kaya ok lang yang mga kontrabida na iyan. Direk, bring it on!!!

Si Tupe, si Fort…

Samantala, maaring napansin natin na hindi maintindihan ni Chloe kung paano siya makakalusot sa problema. At ito’y walang iba kundi ang paghanga sa kanya ni Tupe at ni Fort. Sa wakas, alam na niya kung ano ang dapat gawin, base sa naging pag-uusap nila ni Ms. Andrea. Nag-text siya kay Fort at ang sabi:

“Sige, Fort. Kung gusto mong manligaw, manligaw ka. Pero magkaibigan pa rin tayo.”

With this in mind, sinabi ng isang netizen na ipinahiwatig ni Chloe na magkaibigan pa rin sila, pero posibleng may chance pa si Tupe.

  • Sige, mag-iinject ako ng love advice diyan. Tama naman ang ginawa ni Chloe. Sa ganitong paraan kasi makakapag-focus siya sa kanyang pag-aaral. Isa pa, malaking tulong ito para hindi siya masyadong mamroblema, lalo pa’t tulad ng kanyang mga kapatid, sari-sari na ang nararanasang problema ngayon.

…at iba pa

Napansin ko lang din sa naging eksena kung saan gumagawa si Kitty ng streamer bilang isang sorpresa para sa kanilang tatay. Humingi ng tulong si Kitty para matapos ang kanyang artwork kay Kuya Lucas.

Kung ganoon, bakit kaya nakalimutan niya kung ano ang mga tinuturo niya? Di ba’t siya ang nakatoka sa paggawa ng mga artworks?

Kasi naman, lagi niyang sinasabi, “Wednesday, makulay ‘to!” Photo from Yey Channel Youtube page.

Ngayon, kahit na nakalimutan na ni Kitty ang skill na iyan, hindi na siya nagpatulong sa mga kasama niya sa Yey, at sa halip ay nagpatulong na lang siya kay Chloe at kay Lucas.

Tawid-Bakod

Tanong lang: Ano ang meron kay Tony Noble?

Kung matatandaan, nangyari ang isang eksena sa Wildflower kung saan nagkaroon ng komprontasyon sina Emilia at Ivy kung saan pag-alis ng huli ay pasimpleng hinampas si Emilia ng cake:

Dito na nagalit si Tony Noble. Naisip niya na dahil sa matinding tensyon, kailangan na niyang magpalamig. Buti na lang at napadaan siya sa bahay ni Andeng.

Sabi nga niya, “Buti pa dito sa bahay ni Andeng, tahimik. Eh samantalang sa aking bahay eh puro away na lang.” Dahil na rin sa magandang approach ni Andeng sa kanya, mukhang gusto na ni Tony Noble na manatili na lang muna dito. At dahil din dito kaya hindi na niya kinailangan pang dalhin ang mga bodyguard niya. Iniwan niya lang sila sa Poblacion Ardiente.

Gayunman ay hindi pa rin nagbago ang kanyang pakikitungo sa magiging mga manugang hanggang nito lang. Kung doon sa Wildflower ay pinagdududahan pa niya si Ivy, dala-dala pa rin niya ang ganitong pagdududa nang makausap niya si Andrea.

Siguro eh dahil sa respeto na binigay ni Andrea kay Tony Noble, mukhang magiging kalmado na siya kapag nagbalik siya sa susunod na mga serye ng Wildflower. Baka maisip din niya kasi ang mga sinabi ni Andrea sakaling makita niya sina Arnaldo at Ivy na magkasama.


Featured Image Credit: Photo from Star Creatives Official Page

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s