Love Advice No. 63

From e-mail:

Hi po. Tawagin niyo na lang po ako bilang Lyn.

Four years na po akong nagtatrabaho dito sa Middle East, hanggang sa may nakilala akong tagarito at nagpakasal sa kanya.

Magtatatlong taon na po kami. Sa una pa lamang po ay alam kong napakaseloso niya – kahit na sa trabaho ko ay palagi niya akong inaaway dahil sa pakikipag-usap sa aming mga guest. Isa po kasi akong restaurant supervisor, kaya hindi po maiwasan na makipag-usap o mag-entertain ng mga tao. Minsan, kahit mga kapwa ko pa Pinoy na babae ay pinagseselosan niya.

Hanggang sa dumating po ang araw na pinag-resign na niya ako sa trabaho at manatili na lamang sa bahay kasama ng pamilya niya. Wala naman po akong problema sa kanyang pamilya bukod lamang sa kanya lately. Palihim kong pinakialaman ang kanyang cp. May password po iyon pero lingid sa kanyang kaalaman ay nalaman ko na ang password.

Hindi ko na po pahahabain pa. Nabasa ko kasi na marami siyang ka-chat at kinakatagpong babae. Sobrang nadurog po ang aking kalooban kasi ang buong akala ko ay tapat siya sa akin. Minabuti ko pong manahimik, dahil ayaw ko ng nag-aaway kami. Medyo iba po din kasi ang ugali niya. Siguro po’y dahil sa trabaho niya bilang sundalo kaya parang medyo palaging galit. Hanggang sa nagkaroon po ako ng lakas ng loob na kausapin siya about sa mga nagawa niya.

Ang hindi ko maintindihan, bakit hindi man lang siya mag-reply na kausapin ako? Bakit nakatahimik lang siya? Mas mabuti pa yatang sigawan niya ako at awayin tungkol sa mga natuklasan ko, kaysa na para lang akong tanga na nagsasayang ng oras na sabihin ang lahat ng hinanakit ko.

Habang ipinapaliwanag ko sa kanya ang ibig kong sabihin, pinaintindi ko pa rin kung gaano ko siya kamahal at ang pamilya niya. Sinabi ko din sa kanya na sana ay matauhan na siya at kontrolin ang kahit ano mang tukso na nakapaligid sa kanya. Pero mukha lang akong tanga na nagsasalitang mag-isa sa harapan niya! Bakit hindi siya kumibo sa akin? Ano po kaya ang nasa isipan niya? Ayaw na kaya niya sa akin?

Sana po ay bigyan niyo ako ng magandang payo na maari kong gawin.

My Answer:

Hello, Ms. Lyn. Sasagutin ko po muna ang inyong tanong bago ako magbigay ng payo.

“Bakit?”

Bakit nakatahimik lang siya? Hindi na kasi siya makakatanggi eh. Huli na siya sa akto. Alam niya na kahit na awayin at sigawan ka niya, lalabas at lalabas na nagkamali din siya. Siguro, alam din niya na maaring malaman sa ibang tao ang kanyang ginawa.

Bakit hindi siya kumibo sa iyo? Ano kaya ang nasa isipan niya? Malamang, naisip niya na tumalab sa kanya ang karma, dahil naani niya ang itinanim niyang pangseselos sa iyo. At malamang, iniisip din niya ang mga bagay na sinabi mo sa kanya.

O baka wala na siyang pakialam sa iyo. Iyan ay kung nasisiyahan siya sa ginagawa niya kahit na naghihirap na ang kalooban mo.

Selos na wala sa lugar

Dito na lumalabas ang kanyang pagkaipokrito o ang kanyang pagkukunwari. Sobra-sobra ang selos niya sa iyo kahit na sa kaunting pagkikita mo sa ibang lalaki, samantalang siya naman ay naghahanap pala ng iba. Na kung tutuusin ay mas may karapatan ka na magselos kaysa sa kanya.

At malamang, narerealize na din niya kung ano ang meron sa kanyang mga pinagsasabi. Sa simula, parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi niya sa iyo. Madali lang para sa kanya ang pagsabihan ka dahil hindi pa niya naeexperience ang sitwasyon mo.

Pero nang nakahanap na siya ng iba, at pinagsabihan mo, kita mo na nahihirapan siyang kainin ang mga sinabi niya noon sa iyo. Sa madaling salita, alam niya na wala talagang basehan para magselos sa iyo.

Natandaan ko ang sinabi ng isang dalaga sa isang love advice: Cute iyon, pero pag sobra na, nakakasakal na. At totoong-totoo ito sa sitwasyon ninyong dalawa.

Tawanan mo ang problema

Sa totoo lang, puwede mo siyang tawanan. Bakit? Wala sa lugar ang selos niya. Iisipin ba naman niya na pati kapwa mo Pilipino (at babae pa!) ay pagseselosan niya? Sabi mo eh sundalo siya, pero mukhang hindi niya alam ang batas sa kanila na bawal ang relasyon sa kapwa babae. Kung may duda ka, puwede kang magtanong sa kapamilya niya o sa kahit sinong tagaroon kung totoo ba ang sinasabi ko.

Let him go or still wait?

Ibig sabihin ba nito eh ayaw na niya sa iyo? Hindi natin alam.

Hindi natin talaga natin masasabi kung ano ang nasa isip niya hangga’t hindi pa natin alam ang hinaharap. Dalawa kasi ang maaring maging bunga: Kung tumigil na siya sa pangseselos niya sa iyo, ang nasa isip niya ay ang mga pangaral mo sa kanya. Pero kung sige-sige pa rin ang lalaki sa kalokohan niya, ang isip niya ay nasa mga babae at hindi sa iyo.

Final Words

Ang magandang payo ko sa iyo ay hintayin kung ano ang mangyayari sa kanya. Saka ka magdesisyon. Dito natin titingnan kung mayroon pa ba siyang natitirang pagpapahalaga sa iyo bilang kanyang asawa. At dito natin titingnan kung talagang mahal ka niya.

Kung wala na talaga siyang tiwala sa iyo sa hinaharap kahit pa sa totoo lang ay hindi ka naman nangangaliwa, mukhang wala nang patutunguhan ang naturang relasyon. Palagay ko eh mas may tiwala siya sa nahanap niyang babae kaysa sa iyo.

At kapag di nagbago o lumala pa ang sitwasyon ninyong dalawa, kailangan mo na siyang hiwalayan. Tingin ko, kung kinasal kayo sa naturang bansa, magiging madali na para sa iyo na maghain ng diborsyo (at hindi annulment). Sa ganitong pagkakataon ay maipapahinga mo na rin ang iyong sarili. At kung may mga anak kayo, mukhang hindi ka na magkakaproblema dahil ang pagtutuunan mo na lang ng pansin ay ang mga anak ninyo.

Maraming salamat po sa pagdudulog ninyo ng problema sa site na ito. Pasensya na po talaga kung matagal bago ko pa naisulat ang payong ito. Muli, ipinapaabot ko ang taos-pusong pasasalamat sa paghahatid ng kuwento na kapupulutan ng aral ng ating mga mambabasa. Mag-ingat po kayo at sana gabayan po kayo ng Diyos sa inyong pagtatrabaho sa ibang bansa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s