Love Advice No. 64

From e-mail:

Hello, need ko po ng advice niyo ngayon.

Seven years na kami ng ex-boyfriend ko nang maghiwalay kami sa kadahilanang nakakilala siya ng isang babae sa Dubai. One year pa lang siya sa Dubai at three months na lang uuwi na siya nang bigla siyang nanlamig sa relasyon namin.

Tinanong ko siya kung may problema ba, kasi hindi naman siya ganoon dati-rati kahit gaano siya ka-busy. Binibigyan pa rin niya ako ng time para makapag-usap. Pero nitong buwan lang, may nag-add sa kanyang babae na nakilala niya at nakasama sa pagba-bike sa Dubai. Bigla na niyang sinabi sa akin na hindi na niya ako mahal. Pilit niya akong pinapagmove-on. Lagi niyang sinasabi na kung kami talaga, gagawa daw si Lord ng paraan para maging kami ulit.

Tanong ko lang po:

  1. Possible ba na mawala kaagad ang pagmamahal niya sa akin na pitong taon na wala kaming ibang pinag-awayan ni minsan? Lahat ng gusto niya, suportado ko. Lahat ng makakapagpasaya sa kanya, ginawa ko.
  2. Possible ba na mas mahal niya ang babae at wala na akong dapat pang panghawakan? Ang unfair kasi nila: Nasa Pilipinas ako, at sila ay nasa Dubai. Hindi ko maibibigay ang comfort ba na naibibigay ng iba sa kanya.
  3. Dapat pa ba akong umasa at hintayin siya hanggang sa makauwi siya? Or let go na at mag-move forward.

Salamat po sa pagsagot.

My Answer:

Sagutin ko muna ang mga tanong mo.

Oo. Posibleng mawala agad ang pagmamahal na binigay niya sa iyo. In the first place, love entails risks. Maaring inaasahan natin na tuluy-tuloy lang ang pagmamahal niya sa iyo, palibhasa’y wala naman kayong masyadong problema hanggang nito lang.

Sa totoo lang, meron akong nakilala na dati ay patay na patay sa isang babae, pero dumating sa point na lahat ng pagmamahal sa babaeng iyon ay nawala bigla-bigla.

Tatanungin naman kita: Unti-unti mo bang nararamdaman na nanlalamig siya sa iyo? Maari kasing mangyari na noong panahon na nag-uusap kayo nang maayos hanggang nito lang, inilihim niya sa iyo ang kanyang ginawa.

Short Affair

Posible talaga na mas mahal niya ang babaeng iyon. Pero meron kang panghahawakan. Sinabi mo pa nga na “nitong buwan lang, may nag-add sa kanyang babae na nakilala niya at nakasama sa pagba-bike sa Dubai”.

Binigyang-diin ko lang ang pariralang iyan dahil mahalaga din ang oras. Kung tutuusin, hindi makukuha ang pag-ibig sa madaliang paraan. Kung umiibig ka agad sa isang tao, malamang eh hindi na ito true love. Nahuhumaling lang talaga ang ex boyfriend mo sa babaeng iyan.

Sa madaling salita, walang “love at first sight,” pero merong “admiration at first sight.”

Less accountable

Sorry talaga, pero mali ang ex boyfriend mo. Sinabi niya na “kung kami talaga, gagawa daw si Lord ng paraan para maging kami ulit.”

Bakit ko sinabing mali siya? Personal decision na niya na hiwalayan ka. Bakit, si Lord ba talaga ang dahilan ng paghihiwalay ninyo? Hindi naman ah.

Puwede sana niya itong sabihin sa iyo kung hindi kayo ang may kasalanan sa break-up ninyo. Sa totoo lang, sa isang love advice, sinisisi ko ang kanilang mga magulang kung bakit nagkahiwalay ang isang magsyota. Malinaw naman kung sino ang may sala, at malinaw din na hindi ginusto ng mag-ex ang sitwasyong hinarap nila. Dito pa lang maari nilang ikatuwiran sa akin na “kung kami talaga, gagawa si Lord ng paraan para maging kami ulit.”

Sa kanyang sariling bibig lumalabas na hindi siya isang responsableng tao. Kasi kung responsable talaga siya, aamin siya na kasalanan niya iyon kung bakit sila nagkahiwalay. O di kaya ay makikipagbreak-up sa iyo nang maayos. Pero hindi eh. Mukhang sisisihin na niya ang sitwasyon kung bakit sila nagkahiwalay, gayong wala naman kayong problema hanggang nito lang.

Sa madaling salita, nagpapalusot lang siya sa ganitong statement para ikatuwiran niya ang pang-iiwan niya sa iyo.

Waiting for him

At ngayon, sa ikatlo mong tanong:

Ang tanging maipapayo ko ay hintayin muna ang kanyang pagbabalik, at ibuhos ang lahat ng atensyon at pagmamahal sa kanya hanggang sa makalimutan niya ang babaeng iyon. Pero habang nangyayari ang lahat ng ito, huwag ka munang umasa.

Medyo weird, ano? Pero isipin mo na lang din na ito ang phase kung saan masusubok mo kung mahal ka talaga niya o hindi.

Sa kasong ito, tuturuan natin siya na magbago at bumalik sa tamang landas. Minsan na kasi siyang naligaw. At isa pa, alam ko naman sa sarili mo na mahal mo pa rin siya.

Kung hindi pa rin siya nagbabago, panahon na para magmove-on ka.

Sige. Hanggang dito na lang ang aking love advice sa iyo. Maraming salamat sa pagdudulog mo ng iyong problema dito sa site. Sana makatulong itong aking payo sa iyo, at sana malampasan mo rin kung ano man ang problema na pinagdadaanan mo ngayon. Muli, maraming salamat!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s