Love Advice No. 65

From e-mail:

Hello po. Six years na po kami ng gf ko (ex na ngayon). Sa panahong iyon, marami akong pagkukulang sa kanya. Marami akong pagkakamali at nagawang kasalanan sa kanya. Minsan, nagawa ko siyang lokohin pero pinatawad niya ako. Naging seloso ako at overprotective. Nagawa ko lang naman iyon dahil mahal ko siya, na ayaw kong mawala siya sa akin. Deep inside, mahal na mahal ko siya. Pero di ako ganoong ka-showy at ka-sweet sa kanya. Pero deep inside, mahal na mahal ko siya.

Dumating ang time na may nakilala siyang iba. Sa maikling panahon at na-in love na daw siya. Na-fall out of love siya sa akin, at [ilang] weeks pa lang ay may nangyari na sa kanila. Then, inamin niya sa akin iyon. Hindi na niya daw kaya so nakokonsensya na siya. Humingi siya ng tawad sa akin, pero thru text lang. Hindi na siya nakipagkita sa akin simula nang umamin siya. Inaantay ko lang naman siya na kausapin niya ako nang personal at humingi ng tawad sa akin.

Sabi niya sa text niya, gusto niya na mapatawad ko siya at maging kami uli, basta huwag ko daw isusumbat sa kanya ang nagawa niyang mali. Pero kung hindi ko daw magagawa, huwag na lang daw, kasi mahal daw siya ng bago niya at nag-aantay lang daw sa kanya.

Please, ano po ang gagawin ko: Ako ba ang lalapit sa kanya? Kakausapin ko ba? Papatawarin ko pa ba siya? Mahal na mahal ko po siya at hindi ko kayang mawala siya sa akin. Sayang ang anim na taon naming pinagsamahan. Salamat po.

My Advice:

Sundin mo na lang ang sinabi sa iyo ng babaeng iyan.

Sinasabi ko ito sa iyo dahil masuwerte ka. Kahit na ilang beses mo na siyang niloko, at kahit na ilang beses kang naging mahigpit sa kanya, binigyan ka pa rin niya ng chance.

May kaunti pa siyang natitirang respeto at pag-ibig sa iyo. Kaya samantalahin mo na habang maaga pa, kung ayaw mong masayang ang anim na taong pinagsamahan ninyo.

Ikaw ba?

Ngayon, doon sa mga tanong mo:

Ikaw pa ba ang lalapit sa kanya? Oo. Ito na mismo ang effort na puwede mong gawin para makabawi ka sa kanya.

Kakausapin mo ba siya? Puwede naman. Ipaalala mo sa kanya na humingi siya ng tawad sa iyo nang harapan. Isa pa, puwede mo rin siyang tanungin o kausapin kung sa tingin mo kailangan mo ng closure o kailangan ninyong magkabalikan ulit.

Papatawarin ko pa ba siya? Oo naman. Anuman ang mangyayari sa relasyon ninyong dalawa, kailangan mo pa rin siyang patawarin. Lalo pa’t kailangan mo rin siyang intindihin. Kailangan mong intindihin ang sitwasyon niya dahil ikaw ang may kasalanan.

Tatanungin kita: Nung time na nakilala na niya ang lalaking iyon, nakita mo ba ang sigla at saya sa kanyang mga mata at ngiti? Maari kasing iyon ang makikita sa kanya di tulad noong mga panahon na nagsusuyuan pa kayo o noong mga panahon na kayo pa.

Bakit umiiwas?

Iniiwasan ka ng girlfriend mo. Bakit?

Siguro, nakikita ng girlfriend mo na wala na talagang patutunguhan ang relationship ninyong dalawa. Siguro, alam na niya na kahit na may nangyari sa kanilang dalawa, handa siyang tanggapin at ibigin ng lalaking iyon, kaya ipinahiwatig niya sa iyo na iiwan ka niya para sa naturang lalaki. At mukhang doon lang niya nakita sa lalaking iyon ang tunay na pag-ibig, bagay na hindi niya nakita sa iyo noon.

Isa pa, the mere fact na ayaw niyang humingi ng tawad sa iyo sa personal (at gusto pa ay sa text lang) ay nagpapakita na hindi na siya interesado sa iyo. Na kahit na magkapatawaran pa kayo, nangyari na nga ang nangyari. Nakatatak na ang masakit na alaala sa inyong dalawa.

Crossing Limitations

May itatanong ako sa iyo: May napatunayan ka na ba sa kanya na puwede mong pagselosan? Kasi, kung wala ka namang napatunayan, hindi ka dapat magselos.

Isa pang tanong: May tiwala ka ba sa kanya? Iyon ay isang bagay na hinihingi ng girlfriend mo, pero naibigay mo ba? Tiwala ang kailangan upang magtagal ang isang relasyon. Kapag nawala ito, mawawala rin ang relasyon ninyong dalawa.

Uulitin ko ang sinabi ng isang dalaga sa isang love advice: Cute ang selos, pero nakakasakal na kapag sobra na. Tandaan natin na kahit na “maganda” na merong selos para subukan ang relasyon, masama talaga kapag umabot na ito sa sukdulan. Aabot talaga sa punto na mapupuno na ang ex-girfriend mo sa iyo dahil sa sobrang selos. At aabot talaga sa punto na maghahanap siya ng iba na hindi ganoong kaseloso at hindi masyadong protective.

Si Ate Showy

Sinabi mo rin na hindi ka showy. Naku, malamang na ito rin ang dahilan kung bakit parang nanlalamig siya sa iyo. Hindi niya kasi maramdaman sa iyo na espesyal siya sa paningin mo. Hindi niya maramdaman na ikaw ang boyfriend niya.

Kahit na talagang mahiyain ka, dapat mo pa ring ipakita sa kanya na mahal mo siya. Sa totoo lang, marami akong ibinahaging mga paraan kung paano maging showy sa kasintahan. Nariyan ang palagiang pakikipag-usap sa kanya, paghahawak-kamay, pagde-date ninyong dalawa, makipagharutan sa isa’t isa, at iba pa.

Isa pa, hindi natatapos ang ligawan kapag sinagot ka niya. Dapat tuluy-tuloy iyan. Sabi sa isang kanta, “Liligawan, haharanahin ka lagi.” Lalo na ngayong namumuro na siyang maghanap ng iba. Suyuin mo siya. Ganoon lang ang gawin mo.

At saka pag naging kayo ulit, dapat eh lagi-lagi mong sasabihin sa kanya na mahal mo siya. At dapat effort ka rin kahit na sa panahon na magsyota na kayo.

Final Advice

Huwag mo nang uulitin iyon. Mahirap na talaga kapag gumawa ka ulit ng isa pang kalokohan. Mauulit talaga ang sitwasyong mong iyan kapag hindi ka pa natuto sa relasyon ninyo dati.

Isa pang suggestion: Kapag nagkaroon ka ulit ng bagong relasyon (o kung sakaling magkabalikan kayo), subukan mong tanungin ang iyong sarili kung naging mabuti kang boyfriend sa kanya.

Hindi naman masamang gawin ang bagay na iyan. Dito mo kasi makikita kung saan ka malakas o mahina pagdating sa paghawak sa isang relasyon. At dito mo matatanto kung ano ang mga bagay o ugali na dapat mong baguhin para hindi na masira pa ang inyong relasyon.

Nasa sa iyo na rin kung ano ang puwede mong gawin para ipakita sa kanya na mahal mo siya.

Muli: Nagtatagal ang isang relasyon dahil sa tiwala sa isa’t isa. Ngayon, kaya mo kayang ibigay ang tiwala mo sa kanya? Ikaw ang makakasagot niyan.

Maraming salamat talaga sa pagtitiwala. O, ayan, dahil dito, mukhang magtatagal ang relasyon natin. Haha. 😀 De. Joke lang! 😀 Pero seryoso na ito.

Salamat din sa pagbabahagi mo ng iyong hinaing sa site na ito. Humahanga ako sa iyo dahil inamin mo rin kahit sa akin lang na ikaw ang may kasalanan. Sana nakatulong ako sa pagdedesisyon mo, lalo’t alam ko na nahihirapan ka na sa sitwasyon mong iyan. Sana patnubayan ka ng Diyos sa anumang mangyayari sa buhay mo. Muli, maraming salamat sa iyo. 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s