Love Advice No. 67

Noon ay nabigyan na natin ang e-mail sender ng mga payo kung ano ang dapat niyang gawin kapag matigas pa rin ang ulo ng kanyang ex. Ipinaliwanag na natin kung bakit iyon ang dapat gawin ng lalaki, at ipinaliwanag natin na mali ang magiging desisyon kung palalayin na niya ang babaeng iyon.

Malamang na dahil unti-unti na niyang sinunod ang ating payo na magtiwala, eh nagpadala ulit siya ng isa pang follow-up na tanong. Sige, simulan na natin siyang bigyan ng payo!


From e-mail:

Good am po. Maraming salamat po sa advice. Sa ngayon po, cool off muna kami. Nag-usap kami. Sabi niya, kailangan daw niya ng panahon para baguhin ang sarili niya, na itama ang mga pagkakamali niya, at susundin na daw niya ang mga magulang nya.

Para naman daw sa amin iyon – para tanggapin ko daw siya ulit at nang makalimot din daw ako sa ginawa niyang kasalanan.

Sinabi niya din na matagal na daw niyang pinutol ang ugnayan nila ng lalaki, at ako daw ang mahal na mahal niya.

Ano po ang gagawin ko: Susundin ko ba siya? Maniniwala ba ako? Eh ilang beses na siyang nagsinungaling sa akin, at feeling ko pa rin na baka mag-ugnayan pa rin sila ng lalaki niya. Salamat po.

My Advice:

No choice ka na lang kundi maghintay sa kanya.

Siya na mismo ang nagsabi.

Pero last na iyan. This time, sasabihin mo na sa kanya na huwag na niyang uulitin ang ginawa niyang kalokohan. Kailangan na niyang magsisi at magbago.

Sa pagkakataong ito, bigyan mo na siya ng deadline. Dito mo makikita kung talaga bang seryoso siya sa iyo. Dito mo rin makikita kung sineseryoso ba niya ang mga pangako niya sa iyo. At dito mo rin makikita kung talaga bang mahal ka niya.

Sa panahong ito, kahit sa huling pagkakataon, ibigay mo pa rin sa kanya ang tiwala na hinahanap niya. Last chance na ito na maari mong ibigay sa kanya. And yes, susundin mo pa rin siya. Kailangan mo pa ring maniwala sa kanya, kahit na sa huling pagkakataon na ito.

Still convince her

Kung ganoon pala ang dahilan niya kung bakit kailangan niya ng panahon, bakit hindi mo rin siya kumbinsihin na mali ang inaakala niya? Na talagang mahal mo siya?

Ipaliwanag mo pa rin sa kanya na sa kabila ng lahat ng mga kalokohang ginawa niya, handang-handa ka na tanggapin siya. Na handa kang kalimutan ang lahat ng masasakit na nangyari sa inyo. Na handa ka na magsimula kayo ng bagong kabanata sa inyong relasyon.

Ipaliwanag mo sa kanya na kahit na anong mangyari, eh lagi ka pa ring nariyan para sa kanya.

Accept, but still monitor.

Ano ang puwede mong gawin para malaman kung totoo na nakikipag-ugnayan pa rin sila ng lalaki niya? Kailangan mo silang bantayang mabuti.

Sorry, pero ito ang pinakamagandang bagay na maari mong gawin.

Paano mo sila imomonitor? Narito ang aking suggestions:

  1. Alamin mo kung saan sila madalas magkita. Sa mall, sa bahay ng ex mo, sa bahay ng lalaki niya, o sa ibang lugar? Maari kang magtanong sa mga kaibigan nila o sa mga magulang ng dalaga tungkol sa kanilang mga pinupuntahan.
  2. Mag-isip ng mga gamit, bagay, o sitwasyon na hawak mo sa ngayon. Ito ang gagamitin mo para malaman mo kung tama ba ang kutob mo. Halimbawa, mayroon ka bang app o device na maaring gamitin para mahuli kung nag-uusap ba sila? Ito ang istilo na ginawa ng dating girlfriend ni Jovit na si Shara Chavez para mahuli kung sino ang kausap ni Jovit sa oras na iyon.
  3. Maari kang magpatulong sa mga magulang, kaibigan, at kapamilya ng ex mo, (at kung maari, pati na rin sa kakilala ng lalaking iyan). Alamin mula sa kanila kung ano ang ginagawa ng ex mo – kung nagsisisi na ba siya, kung nagpepenitensya siya, kung nag-aayuno siya, etc. at kung nakikipagkita pa rin siya sa ibang lalaki.
  4. Kung nahihiya ka na lumapit sa kanila, mag-hire ka ng isang espiya na gagawa niyan para sa iyo. Lalayo muna tayo ng kaunti dahil may naalala ako. Kasi sa totoo lang, naranasan sa isang branch ang ganitong istilo. Gustong malaman ng management kung ano talaga ang nangyari sa naturang branch. Kumuha sila ng ilang espiya na papasok sa cubicle ng branch na iyon, na kunwari ay gagamit ng CR o kukuha ng tubig. Pero ang totoo, magmamasid sila sa kung ano ang ginagawa ng mga tao sa branch na iyon.

Self-reflection

Isa pang bagay: Kahit na hindi niya sabihin o ipakiusap sa iyo, dapat mo siyang samahan sa pagbabago sa kanyang sarili.

Isang bagay na nakikita ko na maaring gawin ng ex mo ay ang tinatawag na self-reflection.

This time, sasamahan mo siya sa bagay na ito. Ibibigay mo sa kanya ang mga tanong na binigay ko sa ibaba. Bahala ka na din kung meron ka pang idadagdag bukod sa mga nabanggit.

Dapat niyang basahin ang mga ito kung talagang seryoso siya sa sinabi niya sa iyo. Kailangan niyang tanungin ang sarili (nang paulit-ulit). At siya mismo ang sasagot sa mga tanong na iyan. Habang naghahanap siya ng mga sagot sa tanong na iyan, makikita niya kung saan siya talagang nagkamali. Palagay ko, ito na ang point na matatauhan siya, at gagawa ng paraan upang maibalik ang relasyong sinira niya.

  1. Nagkulang ba talaga ako bilang isang girlfriend at bilang isang anak?
  2. Kung hindi ako nakikinig sa mga magulang ko, naiisip ko ba na maari itong gawin sa magiging mga anak ko?
  3. Iniisip ko ba kung ano ang mangyayari sa akin kapag pumasok ako sa maling relasyon?
  4. Iniisip ko ba na may mga madadamay kapag itinuloy ko ang pagmamahalan namin?
  5. Nung time na iniwan ko ang ex ko, tama ba ang naging inasal ko sa kanya porke’t di ako maihatid at maisundo? (Ito yung sinasabi mo na “Nang naaksidente ko ang motor, sa bahay na nila ako nakatira. Tapos, nang time na iyon, doon niya po ako pinagloloko, kasi hindi ko na po siya maihatid at maisundo.”)
  6. Naiintindihan ko ba talaga ang rason kung bakit di niya ako maihatid at maisundo?
  7. Naging mature ba ako sa pakikipagrelasyon?
  8. Sa ginagawa kong ito, may respeto pa ba ako sa aking sarili?
  9. Alam ko ba na kung ano ang ginawa ko sa aking ex noon, eh puwedeng ito ang gawin sa akin?
  10. Nagsasabi ba ako ng totoo? Alam ko ba na kapag palagi akong nagsisinungaling, maaring hindi na ako paniwalaan kahit kailan?

Makakatulong ito sa kanya habang cool off kayong dalawa, at habang hindi pa siya bumabalik sa iyo.

Final Words

Wala ka nang magagawa kundi maghintay. Wala ka nang magagawa kundi ibigay ang tiwala sa kanya, kahit na kailangang bantayan kung nagsasabi siya ng totoo.

Pero hindi ito ibig sabihin eh paulit-ulit na siyang makikipaglokohan sa iyo. Sa pagkakataong ito, maghihigpit ka na sa kanya. Set a deadline. Sabihin mo sa kanya na last chance na ito para sa kanya. Pagkatapos nito, at hindi pa rin siya nagbago, saka mo na siya iwanan.

Hindi natin makokontrol ang anumang desisyon na gagawin ng babae. Maaring balikan ka niya o hindi. Pero kahit paano eh lalo mong naipakita na mahal mo siya.

Maraming salamat sa pagbabahagi ulit ng iyong problema sa site na ito. Sana nakatulong ulit ako sa iyo, kahit na sa totoo lang eh isang advice lamang ang aking ibinibigay sa iyo. Gabayan ka nawa ng Diyos sa kung anuman ang pinagdadaanan mo. Muli, maraming salamat!  😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s