Adobong Manok Hugot Recipe

Hello, dear readers! Narito na naman tayo sa isa na namang serye ng pagluluto mula sa may-akda. For the day, ang lulutuin naman natin ay isang katakam-takam na recipe, at tiyak na paborito nating lahat. Ito ang Adobong Manok.

At siyempre pa, hindi lang ito basta Adobong Manok, kundi ang adobong manok na may hugot. Ibinahagi ito sa atin ng isang netizen, and as usual, may idadagdag pa ang may-akda para maging mas masarap ang ating pagluluto. Sige, simulan na natin ang pagluluto!

Ano nga ba ang mga sangkap sa masarap na Adobong Manok?

Ingredients:

  • Manok. Mga isang kilo lang, sapat na iyon para sa ating lulutuin. Wag mong dadamihan. Alam ko naman na hindi ka na nga marunong makuntento sa isa. Kasi, kuha ka pa rin nang kuha ng ibang babae.
  • Paminta. Piliin ang mga pinakamaanghang na pamintang mabibili sa tindahan o supermarket. Kasing-init ng mga mata ko tuwing makikita ko ang bago mo.
  • Toyo. Dapat kulay-itim ang toyo. Sabagay, may toyo ang utak mo.
  • Suka. Tulad ng pakiramdam ko – na nasusuka ako sa pag-uugali mong iyan. Nasusuka ako sa pagiging mayabang mo. Feeling mo eh ikinapogi mo ang pagpalit mo sa akin?
  • Bawang. Bumili ka ng maraming bawang, tapos talian mo ang lahat na parang rosaryo. Akin na iyan pag natapos mo na. Isasabit ko ito sa leeg ko para matakot ka sa akin. May gana ka pang balikan ako pagkatapos ka niyang iwanan. Ang kapal mo rin, ano?

Ang daming sangkap, ano? Kasingdami ng ipinalit mo sa akin.


Paano lutuin?

  1. Durugin mo yung bawang, gaya ng pagdurog ng puso mo sa akin. Kaya ko namang tiisiin na saktan mo ako sa mga sinasabi mo. Ang hindi ko nga lang matanggap, yung time na dinurog mo ang puso ko nang sinabi mo sa akin na “Break na tayo.” Tapos yun pala ay may bago ka na. Nakakadurog talaga.
  2. Ilagay ang lahat ng sangkap sa isang palayok. Oo, sabay-sabay, tulad ng ginawa mo sa akin. Diyan ka naman magaling eh.
  3. Pakuluan mo para mag-init. Kasi darating din tayo sa point na manlalamig ka na sa akin. Sabagay, kung ganyan ang ugali mo, aba, huwag kang maghanap ng forever. Ikaw na mismo ang magrerequest ng cool-off pagkatapos ng paglalambing mo sa akin.
  4. At siyempre, babantayan mo siya. Kasi darating din tayo sa point na magsasawa ka sa akin at iiwanan mo ako. Kung hindi babantayan, aalpas ka at gagawa ng kalokohan. Baka matuyo pa ang adobo tulad ng pagmamahal mo sa akin. The Adobong Manok dish is now ready to be served.

Sana nakatulong ang mga tips na ibinahagi ng netizen sa atin upang makagawa ng isa pang katakam-takam na recipe. Kung naka-relate ka sa recipe na ito, eh di magaling. Pero kung nadala ka sa emosyon na ipinakita niya, mas magaling. Paano ba iyan? Have a good appetite, and happy cooking! 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s