Love Advice No. 78

Author-constructed problem:

Sayang ang pag-ibig.

Isang araw, ibinalita sa akin ng friend ko na si Mae (di niya tunay na pangalan) ay may dala-dala na one by one (1×1) picture ko, at nasa ID niya iyon. Hindi ko po alam kung bakit meron siyang kopya ng ID pic ko. Sabi pa nga niya, may gusto daw si Mae sa akin. Siguro, nakikita niya ako na laging tambay sa library ng school namin.

Pero nung time na magkakaharap kami, iniiwasan niya ako. Tinataklob pa nga niya ang mukha, para hindi ko daw makita. Di ko alam kung bakit iba ang feeling na gusto ko siyang makasama, pero dahil bigla na lang nawala ang feelings niya sa akin, nakaramdam ako ng kirot.

Nasa isip ko na sundan siya, pero baka baliktarin niya ako, at sabihin na istalker daw ako. Na ako ang nanghahabol, sa halip na siya.

Sa sitwasyong ito, feeling ko eh hopeless ako.

My Advice:

Tingnan mo muna kung talagang mahal mo siya. Mahal mo ba talaga siya dahil mahal ka niya? Maari kang dayain ng puso, na sinasabi sa iyo na mahal mo talaga siya, pero ang totoo eh hindi naman pala. O maaring naawa ka lang sa kanya nung time na iyon.

Hindi sa dinidiscourage kita na ibigin siya, pero kailangang ma-assess mo kung tama ba ang nararamdaman mo sa kanya. Hindi na bale sana kung mawala man ang feelings niya. At least, pagdating ng panahon eh may possibility na babalik din ang feelings niya sa iyo. Ang tanong nga lang ay kung may matinding rason ka para ipaglaban ang feelings mo kay Mae.

Hanggang crush lang

Sa kasong ito, mahirap talagang panghawakan ang isang bagay na hindi talaga sa iyo. Mahirap talaga kapag hindi niya sineryoso ang feelings mo after ninyong magkita.

Sa nakikita ko, hindi tunay ang pag-ibig na nararamdaman niya sa iyo. At sa nakikita ko, hanggang crush lang ang pagtingin niya sa iyo. At posible na hanggang doon lang ang feeling na maari niyang ibigay sa iyo.

To illustrate kung ano ang nararamdaman ni Mae sa iyo, kuwentuhan muna kita:

May crush ako dati noong college. Siya ang nagsilbing class president namin, at itago na lang natin sa pangalang Lea. Nagka-crush lang ako sa kanya dahil maganda siya, at pa-cute siya kung magsalita.

Dumating sa point na nawala ang feelings ko sa kanya, kasi nga hanggang paghanga lang ang ibinigay ko sa kanya. Actually, hindi ko pa nga siya niligawan. Dumating kasi ako sa point na naiisip ko, baka kami mag-away dahil nga hindi kami match.

Maaring hanggang crush lang ang turing niya sa iyo. Ito’y dahil hindi pa gumagawa ng paraan si Mae na kilalanin ka. Tuloy, wala siyang mapanghahawakang rason para ibigin ka

Ngayon, sa pag-ibig, kinakailangan mo na makilala si Mae dahil ngayon lang kayo nagkita. Kailangan ka ring kilalanin ni Mae para ibigin ka niya. Muli, paano ka iibig sa isang tao na hindi mo naman kilala?

Some strategies

Ngayon, kung nag-aalala ka na babaliktarin ka niya, mahiya naman siya sa kanyang sarili. Siya pa itong gumagawa ng motibo para suyuin mo siya.

Well, anyway, kung sakaling maka-encounter ka ng ganito, ito ang puwede mong gawin:

  • Una, alamin mo kung saan siya tumatambay. This will be your first strategy para hindi ka mahalata sa mga susunod mong steps. Eh di para ka na ring nakaganti sa kanya – dahil hindi mo naman mahahalata sa kanya na gusto ka niya dati. Just make sure na mapagkakatiwalaan mo ang mga taong tatanungin mo kung nasaan siya. And make sure na hindi ka mahahalata, or else sira na ang diskarte mo.
  • Doon pa lang ay ibigay mo na ang espesyal na regalo sa kanya. Seek a perfect timing para ibigay ang espesyal na regalo para sa kanya. Ikaw ang bahala, pero preferred sa ngayon ang mga sikat na novel, comics, cake, bulaklak, o cute na teddy bear. Kung kilala mo naman siya, mas mabuti. Makakapagbigay ka ng regalo na bagay sa kanyang personalidad.
  • Send a thank you card. O kung medyo expressive ka, puwede kang magpadala ng love letter. Maaring hindi na uso ito sa panahon ngayon, pero maipapakita mo sa kanya na naapreciate niya ang effort niya para sa iyo. Puwede mong sabihin sa kanya na, “Thank you sa pagconfess ng feelings mo sa akin. Naapreciate ko iyon.”
  • Ngumiti pag nagkasalubong kayo. Nakakahawa ang ngiti mula sa isang tao. Ngayon, maaring magsungit siya sa iyo, pero baka di mo alam eh nakangiti siya pag-alis mo. At baka kinikilig pa siya.

Kung tutuusin, masuwerte siya. Sa pag-amin niyang ito mapapalapit na siya sa taong mamahalin niya (dahil malamang eh crush pa lang naman ang turing niya sa iyo). Sa totoo lang kasi, hindi dapat kimi ang babae, lalo na sa panahon ngayon. Kailangan din ng kaunting tapang kung gusto niyang magkaroon ng isang happy ending.

Final Words

Nakakapanghinayang din ang nangyari sa iyo. Magkakaroon sana kayo ng masayang relationship, pero hindi naman natuloy dahil biglang nagbago ang feelings niya sa iyo. Tulad nga ng sinabi ko sa isang love advice, ang nasayang na pag-ibig ay hindi na maaring palitan.

Basta subukan mo lang siyang ligawan. Mga ilang buwan lang ay sapat na para unti-unti mong ma-bring up ang feelings niya sa iyo.

Pero kung ayaw na niya talaga sa iyo, don’t worry. Kung paulit-ulit ang ganitong kaso sa iyo, ang kailangan mo na lang gawin ay hintayin ang pag-ibig. Kusa naman kasi itong darating sa iyo. Di ba?