Love Advice No. 79

Sa post na ito, pagsasama-samahin ng may-akda ang mga tanong na nangangailangan lamang ng maikling sagot:


From a reader who asked a question via Search Box:

Ano ang ibig sabihin pag inaya ka ng boyfriend mo ng sex?

Rason kung bakit gusto makuha ng lalaki ang virginity ng babae?

My Answer:

  • Sexual desire. Iyon ang nasa isip niya. At umabot na sa punto na pinagnanasahan ka niya.
  • Mahal ka niya. Sa sobrang tindi ng pagmamahal sa iyo, umaabot sa punto na gusto na niya itong iparamdam sa iyo sa pagtatalik.
  • Gustong makasiguro ang lalaki na mahal siya. Nakarinig ka ba ng ganitong kataga? “Kung mahal mo ako, patunayan mo.” This mostly involves sexual satisfaction.

From a reader who asked a question via Search Box:

Tatlong rason bakit kita sasagutin?

My Answer:

Kung liligawan kita, at ito ang itatanong mo sa akin, heto ang sagot:

  1. Dahil mahal kita. Hindi basta mahal – mahal na mahal. Kung walang pagmamahal, ano pa ang silbi ng panliligaw sa iyo? Bakit kita liligawan sa simula pa kung di kita mahal, di ba?
  2. Dahil pinatunayan ko ang aking magandang hangarin sa iyo.
  3. Dahil pinatunayan ko na deserving ako sa pagmamahal mo.

From a reader who asked a question via Search Box:

Paano malalaman na crush ka ng iyong pinsan?

My Answer:

Malalaman mo iyon kapag naging mas interesado siya sa iyo. At malalaman mo din iyon kapag na-feel mo na gusto ka niya, lalo pag tuwing lalapit siya sa iyo.

At siyempre, dahil crush is paghanga, malalaman mo na may crush siya sa iyo kung laging bukambibig niya ang mga magagandang attributes mo. Iyon ang isang dahilan para hangaan ka.


From a reader who asked a question via Search Box:

Bakit kailangan magsinungaling ng lakaki sa kanyang present tungkol sa ex?

My Answer:

Ito ang mga posiblidad:

  • Nahihiya siyang aminin sa kanyang present girlfriend ang nangyari sa kanila ni ex.
  • Gusto niyang limutin na ang nakaraan, pati na ang mismong ex. Kaya everytime na tinatanong kung ano ang status nila ni ex, dinedeny na niya ito sa present girlfriend.
  • Siguro, ayaw niyang mapahiya si ex sa harap ng present. Especially kung hindi maganda ang nakaraan, at kung sa akala ni guy eh ito ang makahadlang sa relationship nila ni present. Halimbawa, kung naka-sex na niya si ex.

From a reader who asked a question via Search Box:

Paano mo malalaman na magtatagal yung ex mo saka yung bago niya?

My Answer:

Simple lang. Maghintay ka.

No choice ka na lang kundi maghintay. Hihintayin mo kung naging sila na ba after two years, five years, o ten years. At hintayin mo na magpakasal sila. Saka mo malalaman na nagtatagal ang kanilang relasyon.

And no. Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako. Kasi hindi rin naman natin masasabi kung magtatagal ba sila o hindi. Saka mo lang malalaman iyon kung may makakapaghiwalay sa kanilang dalawa (either divorce or death).


From a reader who asked a question via Search Box:

Kung ibibigay mo ba ang virginity mo sa bf mo, mamahalin ka ba nang sobra?

My Answer:

Suwerte ka kung makatagpo ka ng ganoong lalaki. Eh paano kung hindi?

Ngayon, bakit ko ito nasabi? Tumingin ka sa paligid. Kung dati ay bibihira lang ang mga single moms, ngayon ay trending na ito.

Share ko sa iyo ang nangyari noon kay Sharmaine sa Love Advice No. 20. Hiniling ng kanyang boyfriend na ibigay ang virginity, at hindi naging maganda ang ugali ng lalaki nang tanggihan siya. Kahit nakikita ko na hindi talaga mamahalin siya nang sobra ni guy pag binigay ang virginity, wala pa ring kadala-dala si Sharmaine. Gusto niyang iwanan ang present boyfriend para lang sa balahurang iyan. Buti na lang at pumalag si present boyfriend niya. Kung ganito ang ugali nilang dalawa, alam mo na kung ano ang mangyayari sa kanila.

Sadly (and most of the time), nawawala ang excitement ninyong dalawa kapag ibinigay mo na ang pagkababae sa boyfriend mo. Yung pinaka-critical point na pagsasaluhan ninyo ay pinutok mo na kahit na hindi pa Bagong Taon. Tuloy, nawawala talaga ang excitement factor. Baka pa mawala ang feelings niya sa iyo, at baka ma-feel niya na guilty siya sa kanyang ginawa. At malamang, pag nalaman niyang buntis ka, mawala na lang basta-basta ang feelings sa iyo at iwan ka niya.

So, iyon na ang sagot ko sa tanong mo kung mamahalin ka ba niya nang sobra.


From a reader who asked a question via Search Box:

Hugot mahirap balikan ang nakalipas

My Answer:

Ito na ang aking hugot lines sa mga nahihirapang balikan ang past:

“Kung nandiyan si present, bakit mo pahihirapan ang sarili mo sa past?”

“Minsan dumarating sa point na mas mahirap balikan ang nakalipas kaysa harapin ang ngayon.”

“Si Past? Sino ba siya?”


From a reader who asked a question via Search Box:

Paano ko malalaman na handa na ako magka gf?

My Answer:

  • Malalaman mo na lang iyon kapag ikaw ay nasa wastong gulang na.
  • Malalaman mo na din iyon pag ikaw ay mature na. Kung alam mo ang reyalidad tungkol sa pag-ibig, at kung alam mo kung paano ka dapat kumilos (gaya ng pag-aayos sa sarili), malalaman mo na lang na handa kang magka-girlfriend.
  • Malalamanan mo na din iyon kung maarami na ang nagkakagusto sa iyo. Malamang, ang iyong magagandang katangian ang alam ng maraming dalaga na nakakakilala sa iyo.
  • Pero minsan, bigla-bigla na siyang dadating sa iyo. Minsan, mararamdaman mo lang na ready ka na kapag bigla mong nakita si Miss Maganda. At minsan, malalaman mo na din iyon kapag nagtapat na si gal ng kanyang feelings sa iyo.

From a reader who asked a question via Search Box:

Paano pasayahin ang boyfriend sa text?

My Answer:

  • Laging i-text ang “I love you sa kanya.” Importante sa mga lalaki na maramdaman na minamahal sila. Yun lang, sapat na para pasayahin siya.
  • Patawanin mo siya. Maari kang magbigay ng jokes sa kanya, either kinopya mo lang iyon o sarili mong joke iyon. Ang importante, mapatawa mo siya.
  • Provide him also with emojis. Ang mga emojis o smileys ang magseset ng mood mo sa kanya habang nagtetext kayong dalawa.

Make sure na happy o funny ang emojis na gagamitin mo. Kasi naman, kapag nakikita niya na masaya o funny ang emoji, mabubuo sa isip niya na masaya ka.

Another reminder: Dapat everytime na magtetext ka, make sure na basahin mo muna ang isesend na message sa kanya. Palaging tanungin sa sarili kung mabubuo sa isip niya na masayahin ka. Tandaan din, kapag naging masaya ang nilalaman ng message mo sa kanya, magiging masaya din siya. Dahil ang masayang mensahe ay nakakahawa.


From a reader who asked a question via Search Box:

Navirgin ako ng bf ko. Ngayon, gusto kong makipaghiwalay dahil di ko siya mahal talaga.

My Answer:

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa. Pero ito lang ang masasabi ko sa ngayon:

Mahirap para sa isang lalaki o babae na ituloy ang relationship kung hindi nila mahal ang isa’t isa. Kaya, kung gusto mo siyang hiwalayan, desisyon mo na iyan.

Eh paano kung mahal ka pa rin niya? Kung makikipaghiwalay ka lang sa kanya dahil di mo na siya mahal, mag-isip kang mabuti.

Bakit? Kasi napakasuwerte mo. Kung marami sa mga babae ang iniiwan nang mabuntis at hindi na minamahal, ikaw naman itong may syota na nagmamahal pa rin sa iyo. (At malamang eh alam na ng lalaking iyon na nabuntisan ka niya, kung ganoon. Pero di ka pa rin niya iniiwan.)

Regardless kung ano ang magiging decision mo, isipin mo lagi kung alin ba talaga ang magpapasaya sa iyo. Magiging masaya ba ako kung ako lang ang mag-aalaga sa aking anak? O magiging masaya ba ako na may aalalay sa akin sa pag-aalaga sa bata?

Sa totoo lang, sana nagpadala ka sa akin ng private message o e-mail ng totoong sitwasyon ninyo. Ito ay para mapayuhan kita nang maayos. Promise ko na magiging confidential ang lahat ng magiging contacts mo sa akin. Maraming salamat sa pagtatanong.