Love Advice No. 81

Sa post na ito, pagsasama-samahin ng may-akda ang mga tanong na nangangailangan lamang ng maikling sagot:


From a reader who asked a question via Search Box:

Masasabi mo bang mahal ka ng taong mahal mo kahit pamilyado na siya?

My Answer:

Maaring oo. Maaring hindi.

Bakit ko nasabi iyon? Maaring oo dahil meron pa rin siyang natitirang pag-ibig sa iyo (kahit konti), pero maaring hindi dahil feeling niya ay kailangan niyang mahalin ang pamilya. At feeling niya ay kailangan niyang mahalin ang asawa dahil nagpakasal naman sila.

Regardless kung mahal ka niya o hindi kahit pamilyado na, kailangan mong magparaya. Una, meron siyang pamilya na kailangang alagaan. Iyon na ang katuparan ng kanyang pangarap. Isa pa, maaring kasalanan niya o kasalanan mo rin kung bakit ngayon lang kayo nagmamahalan (kung kailan pamilyado na siya). Isa pa, para na rin ito sa proteksyon mo at ng magiging pamilya mo. Lalo na sa panahon ngayon na mahina ang pundasyon ng pamilya.


From a reader who asked a question via Search Box:

Ano ang katangi tangi-katangian na taglay ni duterte? na kahanga-hanga?

My Answer:

Bigyan kita ng ilang katangian na katangi-katangi kay Duterte, na puwedeng hangaan natin:

  1. Ang kanyang political will. Kung mapapansin mo, bibihira na ang mga pulitiko na may political will tulad nina Bayani Fernando at ni Rody Duterte. Importante ito lalo pa’t ang sikreto sa tagumpay ng proyekto ng gobyerno ay nasa kanyang pamumuno.

Nakita din naman natin ang political will niya sa iba’t ibang isyu tulad ng War on Drugs at pati sa isyu sa West Philippine Sea. Ang maganda, kapag sinabi niyang ipatutupad ito, ipatutupad niya ito. At kapag may mali doon sa programa, babaguhin niya ito para maging mas epektibo.

Pinatalsik o pinaalis niya sa puwesto ang ilang mataas na opisyal ng gobyerno sa Executive Department na inakusahan ng katiwalian, kahit pa sabihing ka-frat o kaibigan niya.

  1. Non-grandstanding. Sinabi mismo ni Duterte sa kanyang ikatlong SONA na hindi na niya kailangang magbuhat ng bangko, dahil may mga ahensya naman na magbabalita ng kanyang mga accomplishments sa loob ng dalawang taon. (Kung ikaw ay isang abogado o law student, inaaply ni Duterte ang legal maxim na Res ipsa loquitor.)
  2. Ang kanyang malasakit sa mga sundalo at pulis. Mapapansin natin iyan sa madalas na pagbisita ni Duterte sa mga sundalo at sa pulisya, buhay man o patay. Kahit ano pang sabihin ng iba, malaking bagay din ang presensya ni Deegong, dahil ito ang nagbigay-lakas sa mga sundalo sa Marawi.
  3. Madiskarte. Sa laro sa pulitika, kailangan ang diskarte, at ito ang nangyari sa Pangulo. Noong panahon ng kampanya, hindi siya basta-basta nagpa-file ng kandidatura. Uso kasi ang batuhan ng putik sa mga nagbabalak mangampanya. Ginamit ni Duterte ang substitution procedure, at dito na nagulat ang ibang kandidato sa ginawa niya. Hindi na sila basta makakapagbato ng putik bago matapos ang pag-file ng kanilang COC.

Hinahayaan din niya na gumana nang maayos ang iba pang mga sangay ng gobyerno. At hindi niya iyon pinapakialaman. At dahil dito, kusang nabubuking ang katiwalian sa iba’t ibang mga ahensiya.


From a reader who asked a question via Search Box:

Dapat ba na makipagkaibigan ka pa sa magulang at kapatid na ex girlfriend mo?

My Answer:

Oo naman.

Inaakala kasi ng ilan na dahil wala na silang feelings sa isa’t isa, kakalimutan na ang relasyon sa kani-kanilang mga magulang. Hindi dapat ganoon.

Hindi naman kasi porke’t mag-ex na kayo ay puputulin mo na ang relasyon mo sa magulang at kapatid niya. Lalo pa’t kung wala naman silang atraso sa iyo.


From a reader who asked a question via Search Box:

Pag ba ang course mo ay cpa acountancy it means kailangan magaling talaga sa math?

My Answer:

Sa accountancy, Top 2 lang si Math.

Top 1 ang Logic at Analysis. Dapat mo talagang intindihin kung ano ang accounting treatment sa mga transactions. Dapat maintindihan mo kung bakit ang account na ito ay nasa “debit” site, at nasa “credit” side. Dapat maintindihan mo ang katangian ng mga accounts sa “Asset”, “Liability”, o “Equity” side. At dapat maintindihan mo din kung paano tumatakbo ang taxation and business laws. Dito pa lang ay kailangan na ng matinding logic at analysis para maipasa ang course na iyan.

Secondary lang ang papel ni Math. Magkakaroon lang ng addition, subtraction, multiplication, o division kapag ito ang hinihingi ng analysis. Minsan pa nga ay algebra pa ang ginagamit. Pag mali ang analysis, mali din ang magiging math procedure mo, at mali din ang magiging sagot mo sa accounting.

Halimbawa: Irerecognize natin ang depreciation ng fixed asset

Analysis: Bakit idedepreciate si fixed asset? Dahil kailangang mag-match ang gagastusin mo (cost) sa pakinabang (benefits) na makukuha mo sa equipment na iyan.

Entry: Debit Depreciation Expense (para i-add ang expense na nasa debit side); Credit Accumulated Depreciation (para ibawas sa cost ng fixed asset na nasa debit side).

Anong math operation ang gagamitin? Dapat subtraction at division (para sa depreciation expense). Addition naman pag accumulated depreciation ang involved. Di puwede ang multiplication, otherwise magiging mali ang resulta.


From a reader who asked a question via Search Box:

Paano yun lalaki ay nangako sayo, tapos sila parin ng kasintahan niya ngkikita parin sila?

My Answer:

Ibig sabihin ay hindi niya kayang panghawakan ang pangako niya sa iyo.

As a general rule, kapag nangako siya, dapat niyang panghawakan iyon. At dapat gumawa siya ng paraan para tuparin iyon. Pero hindi ganoon ang nangyari. Sa halip na balikan ka, nagkikita pa rin sila ng kanyang present girlfriend.

Ang advice ko ay huwag nang umasa pa sa kanyang pangako, dahil masasaktan ka pa kapag umasa ka sa isang bagay na di naman niya pinaghahawakan.

Puwede mong ipadala sa tweetnewscaster@yahoo.com ang totoong nangyari sa inyo para mapayuhan kita nang maayos. Maraming salamat sa pagtatanong.


From a reader who asked a question via Search Box:

Bakit kulang ang city sa calabarzon hymm?

My Answer: 

Kulang ang mga cities sa CALABARZON Hymn. Palagay ko ay dalawa ang dahilan:

  1. Merong mga cities na nalikha ang sariling Division ng lungsod after ma-compose ang latest na CALABARZON Hymn. Tulad na lang halimbawa ng Biñan City at Cabuyao City na hindi kaagad naisama sa second edition ng kanta.

Sa unang CALABARZON Hymn, nagkaroon ng bagong distrito sa rehiyon: Dasmariñas, Tayabas, Imus, Bacoor, Biñan, at Cabuyao. At ang mga ito ang idinagdag sa bagong awitin.

  1. Maraming sasauluhin ang mga bata. Sa dami ng lungsod na naeestablish sa Region 4A, at kung lahat ng mga cities ay may sariling division, malilito na ang mga bata kung aling lungsod ang una nilang kakantahin.

From a reader who asked a question via Search Box:

nilagang itlog expiration

My Answer:

Sa assessment ko, aabutin ng mga dalawang araw bago ma-expire ang nilagang itlog. Pero puwede pa itong ma-extend. May mabibiling itlog sa San Jose, Batangas na uri ng nilagang itlog (o Korean roasted egg) na inaabot ng isang linggo o mahigit pa.

One thought on “Love Advice No. 81

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s