Love Advice No. 85

Sa isang relasyon, mahalaga ang give and take. Hindi puwede ang puro kabig nang kabig, pero wala namang binibigay. Dito nagkulang ang gobyerno nang ipatupad ang CPD Law nang walang konsultasyon o maayos na mekanismo para masunod ito (maliban sa self-directed learning). Iyan ang pag-uusapan natin sa love advice na ito.

(Side note: Ilang oras na lang, at malalaman na rin ang resulta ng October 2018 CPA Board Exam. To those who will pass, congrats, but prepare to face 120 units.)


Background

Ano ba ang meron sa CPD Law at hindi agree dito ang maraming propesyonal?

Ang layunin ng Continuing Professional Development (CPD Law) ay ihanda ang mga propesyonal sa mga pagbabago. Kahit maganda ang intensyon nito, hindi nagiging maayos ang sistema ng implementasyon, di tulad sa ibang bansa. Kung sa ibang bansa, ito ay tinutustusan ng kanilang gobyerno, sa Pilipinas ay binabayaran pa ito ng mga propesyonal kahit pa hindi sapat ang kanilang suweldo.

Diyan may problema ang gobyerno. Nag-set sila ng batas na mahirap i-comply.

Naging usap-usapan ang plano ni Senator Ralph Recto na alisin ang CPD Law. Dito na makakahinga nang maluwag ang mga propesyonal, kung matutuloy. Sana maisabatas ito. Let’s wait na maipasa ito ng Senado at Kamara, at dapat matapos ito bago mag-eleksyon. (Btw, hindi tatakbo ulit si Sen. Recto sa sunod na taon.)

Ang mga concerns at reklamo na babanggitin sa artikulong ito ang dapat solusyunan ng Pilipinas, kung gusto talaga nitong itaas ang kalidad ng lahat ng propesyon sa bansa.

Sadyang may mga taong hindi nakakaintindi kung gaano kahirap i-comply ang CPD units. O na-miss ang punto ng reklamo naming mga propesyonal. Tulad na lamang ni Erika:

Ikaw ang ulol education does not stop when you pass the board exam. Its is a continuing process. Japan korea europe america and the rest have it thats is why they always search for new tech to make their lives easier. You are a typical stagnant mind. It is nice to be contented with what you have but its better to have improvement that you can leave to the next generation to come. Hmmp makasarili. I will be gradiating ce this year hope to pass the board and participate in what they call CPD.

That must be our cry to the government. Give it to you for free and not against the law or the one who authored the law hmmp ang tatanda na natin di pa maayus ang logic. Kailangan nyo talaga ng cpd.

We need to sacrifies to attain a better life. Kailangan ng bansa natin ang progreso para makapagcompetensia sa stiff competition sa buong mundo. Our neighbors are now catching on us. Its no longer your future but already ours and our childrens to come. Please look ahead and secure a better future for us.

yaw nyo po kasi maging competetive sa mundo ang mga professional natin po. Sa implementation ang problem po hindi po yung batas. Kung makapag bigay ng gov ng free educ frer irrigation at 4ps bakit di makapagbigay sa mga professional natin po.

Walang problem sa batas nasa implementation ang problema. Ang mga ayaw ng cpd ang mga salot. Kulelat na ang rp sa mundo.

Kung totoo man na ang mga ayaw sa CPD ay salot, si Erika ang mas salot. Dahil wala talaga siyang pakialam sa pagtitiis ng mga professionals ma-comply lang ito.

Dapat siyang pagsabihan by way of love advice. Dahil hindi ko matiis ang kawalan niya ng malasakit sa aming mga propesyonal. Pasensya na, magiging brutal at prangka na ako sa kanya. Gagawin ko ito bilang pagmamalasakit at pagmamahal na rin sa mga kapwa ko propesyonal.

My Advice to Erica at sa lahat ng tulad niya:

Ayusin mo ang pag-iisip mo. Hindi mo talaga nakuha ang punto naming mga propesyonal.

Unang-una, naiintindihan din namin ang purpose ng CPD Law. Willing din naman kaming mag-comply. Ang problema, saan kami kukuha ng perang panggastos para ma-comply ang CPD units? Lalo pa’t most of the time ay hindi rin naman ito libreng binibigay.

It is not compliance per se that is the problem. The problem is on HOW do we attain it and WHAT are the action plans of PRC and respective Boards to ease the burden of complying it.

The most important question is this: What are the tools given by the government for us professionals to easily comply with the requirements?

Sa isang relasyon, tulad ng relasyon namin sa gobyerno, hindi puwede na ang gobyerno ay tanggap lang ng tanggap ng anuman mula sa amin. Dapat give and take. Dapat merong ibigay na mekanismo ang gobyerno para maka-comply kami sa CPD Law, gaya ng ididiscuss ko sa iyo mamaya.

Take me as an example. As CPAs, we are expected to fulfill 120 units. But as of now, 9 units pa lang ang na-complete ko. Ang salary ko ay napupunta sa gastusin sa bahay namin. Now, tell me, paano kaya ako makaka-comply sa ganitong salary? And take note, di lang ako ang nagrereklamo diyan. MARAMI.

Sampal ng katotohanan

Oo, alam na namin Erika na “education is a lifelong process.” Pero isasampal ko sa iyo ang katotohanan na hindi lang ito nakukuha sa CPD units, kundi pati na rin sa trabaho at sa real-life experience.

Isasampal ko rin sa iyo ang reyalidad na ito: 120 units ang Accountancy, samantalang ang ibang propesyon ay 45 units (for 3 years). Kung sa ilang units lang ay pahirapan na, how much more kaya ang pagkumpleto ng ganoong karaming units? Go figure.

Isa pang tatandaan mo: Kinabukasan ng ating bansa ang nakasalalay dito. Hindi mo talaga naiisip iyan, kahit sabihin mo iyan sa amin. Bakit?

Tingnan mo kung gaano karami ang mga hindi na nagrerenew ng lisensya. Dahil mabigat at magastos ito para sa amin.

Go figure kung gaano kalaki ang mawawala sa Pilipinas kapag hindi nila nirenew ang professional license nila. Kahit maliit lang ang bilang, hindi ito dapat ipagwalang-bahala. Especially if they have special skills that will be helpful for the nation.

While being competitive is of prime importance, we must give equal importance in caring for our professionals.

Tight budget

Siguro alam mo na din na tumataas ang presyo ng bilihin dahil sa inflation. Kaya nasasabi din namin ito dahil umaaray din kami sa pagtaas ng presyo, kahit di sapat ang kinikita namin.

Kahit na anong kumbinse sa amin na ito’y investment, cost ito sa amin. Bakit? Sige, isipin mo:

  1. Anong maipapakain namin sa aming pamilya? Lalo kung solo parent kami?
  2. Paano namin matutustusan ang pag-aaral ng aming mga anak?
  3. Paano kami makakapag-ipon ng sapat para sa aming pangangailangan?

Ikonsidera mo din kung magkano ang sinusuweldo ng mga nasa private companies at mga small-time professionals (pati sa government). Ikonsidera mo din kung magkano ang cost of living namin. Doon mo malalaman kung gaano kaliit ang matitira before ibayad iyon sa CPD units.

Halimbawa: Isang propesyonal na sumusuweldo ng P9,500 isang buwan. Partida, basic pa lang iyan. Ang overtime ay aabot sa P1,500 kung kaya mong mag-OT. Heto ang mga gastusin:

P 1,000 – Kuryente at tubig
P 2,000 – Pagkain at Grocery Items
P 1,500 – Kalahating sakong bigas
P 2,000 – Pamasahe sa buong buwang trabaho
P 2,000 – Iba pang mga personal expenses
P 1,000 – Cleaning materials tulad ng sabong panlaba
P 2,000 – Allowance ng mga bata

Compute mo ang gastusing iyan sa isang buwan. Magkano ang matitira sa kanya?

Tapos, may P 3,000 pa siyang gagastusin sa loob ng isang araw sa Maynila. Credit units ay 8. Partida, di pa kasama ang hotel at lodging, pati sariling pagkain.

Suwerte kung ang company mismo ang magiging sponsor ng kanyang CPD units. Eh paano kung hindi, at magleave siya? At gagastos pa ng pamasahe o gasolina? At “no work, no pay” ang policy?

Okay. Magkano ang net income? Go figure kung paano siya makakapag-ipon. Hindi mo naiintindihan na ito ang pinagdadaanan ng maraming propesyonal, lalo na ng mga pamilyado na.

Tatanungin kita:

  1. Paano kaya siya makaka-comply sa CPD requirements?
  2. Madali lang bang pumulot ng pera kung saan-saan? Kung oo, ituro mo sa amin kung saan, para maka-comply kami.
  3. At kung hindi, bakit pinipilit mo ang isang bagay na impraktikal at magastos para sa aming mga propesyonal?

Hihintayin ko ang sagot mo diyan.

On the issue of passing the law

Sige, for the sake of argument, ipinasa ito pareho ng Senado at Kamara. But that does not change the fact na si Trillanes ang pangunahing may-akda ng batas na ito.

Isa pa, kahit sinabi ni Trillanes na meron siyang simpatya sa mga propesyonal, wala pa ring resulta hanggang ngayon na magpapagaan ng CPD compliance, maliban sa isa. Sa madaling salita, wala siyang pakunsuwelo sa amin kahit konti.

Isa pang tatandaan mo: Di porke’t aprubado nila ito ay naiintindihan nila ang laman ng CPD Law. Kahit nga si P-Noy ay hinayaan na lang na maging batas ito, kasi nga wala siyang alam diyan. They just approved it without realizing its effect on small-time professionals.

What about OFWs?

Pati mga OFWs ay pinako-comply din sa CPD units. Buti sana kung ang seminar/other activities ay malapit lang, halimbawa’y sa Singapore. Eh paano kung ang seminar/activities ay nasa Jeddah, at ang OFW ay nasa Dammam? O kung ito ay nasa New York, at ang OFW ay nasa Los Angeles? Mas malayo ito sa distance from Laoag to Davao, at gagastos pa ang OFW para sa pamasahe (car o airplane).

Ineng, sa mga sinabi mo, wala ka din talagang pakialam sa mga propesyonal na OFW. Lumalabas na ikaw ay ignorante pagdating sa totoong lagay namin.

Ease the CPD

Kung gusto mong mabawasan ang reklamo namin sa CPD Law, ito ang dapat mong gawin:

  1. Manguna ka sa pagsusulong ng bukas na ekonomiya. Iyon ay kung gusto mong maging competitive ang mga propesyonal. At iyon ang pinaka-sacrifice na gagawin natin kung gusto natin ng mas magandang buhay.

Bukod sa mataas na suweldong maibibigay ng mga foreign investors, na kailangan para maka-comply kami sa CPD units, ma-eexpose din kami sa mga best practices na magagamit namin, para maging competitive sa ibang bansa. Di ba’t iyon naman talaga ang purpose ng CPD Law? Iyon na lang ang pakunsuwelo mo sa amin, para tumahimik na kami sa kakareklamo diyan.

Sige, ganito ang magiging agreement natin: Buksan mo ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga dayuhang investors (up to 100% capital ownership), ok na ang CPD. Pero kung ayaw mo, abolish na lang natin iyan. No more, no less.

  1. Isulong mo ang pagpaparami ng CPD Providers. Isa pang bagay na nagpapahirap sa CPD compliance ay ang kakaunting bilang ng mga CPD Providers. Sa pagdami nila, titindi ang kompetensya na magdudulot ng mas mabuting serbisyo. Makakatulong din ang pagdami nila para maging affordable at accessible ang CPD units para sa aming mga propesyonal.

Tigas ng ulo?

Kung ipipilit mo pa rin ang katuwiran mo, at wala kang malasakit sa aming mga propesyonal, heto ang gawin mo:

  1. Huwag ka nang kumuha pa ng board exam. Sabi mo pa nga: “I will be gradiating ce this year hope to pass the board and participate in what they call CPD.” Huwag na lang, ate girl, kung wala ka talagang pakialam sa amin. Buti ka pa nga kung afford mo iyan. Eh paano naman kami?
  2. I-surrender mo na ang PRC license mo, kung meron ka man. Pag matigas pa rin ang ulo mo, hindi ka dapat tawaging propesyonal. Umalis ka na lang sa pagiging propesyonal.
  3. Shut up ka na lang. Ang mga comments mo sa amin ay hindi talaga nakakatulong sa lahat ng professionals. You have absolute disregard on our needs, at wala kang nilalatag na long-term solutions para maka-comply kami.

Final Words

Hindi uubra sa aming mga propesyonal ang ugali mong iyan.

Sadly, ipinakita mo sa amin na hindi ka deserving na maging propesyonal. Kasi, hindi ka talaga sensitive sa nararamdaman ng maraming propesyonal na tulad namin, na iginagapang ang sarili at ginagawa ang lahat. Para sa aming pamilya. Para sa aming sarili. Para sa mga taong pinagsisilbihan namin. At para sa bayan.

Ang isang tunay na propesyonal ay dapat magpakita ng kahit kaunting malasakit sa propesyon at sa kapwa niya. Sa ganitong klaseng thinking na taglay mo, lumalabas ang pagiging immature mo pagdating sa mga ganitong problema.

Hindi dapat ganoon. I-ayon mo ang expressions mo sa reyalidad na nangyayari sa aming mga propesyonal. And you’ll have to think of long-lasting solutions, dahil ikaw din naman ang makikinabang diyan pagdating ng panahon.

Pasensya na kung ako ay prangka at brutal pagdating sa iyo. Ipinapakita ko lang sa iyo kung ano ang talagang nangyayari sa mga propesyonal na tulad ko sa buong bansa. Kailangan ko itong gawin di lang para sa sarili ko kundi para sa lahat ng propesyonal. Gusto kong makita na maayos ang pagpapatupad nito nang walang problema.


UPDATE: In fairness sa PRC at sa aming propesyon, meron ding tinatawag na “self-directed learning” na puwedeng tumbasan ng ilang CPD units. Sa Accountancy, ito ay puwedeng makuha sa mga seminars ng mga hindi CPD Providers. Requirements ay ang summary ng seminar/training, evidence tulad ng certificates, at P500.00 application fee.

Sa ibang propesyon, contact your respective boards on how to attain CU under “self-directed learning”.

 

2 thoughts on “Love Advice No. 85

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s