Goosebombs Hugot Recipe

Good day, dear readers! Narito na naman tayo sa isang serye ng pagluluto kasama ang may-akda. Sa pagkakataong ito, ating lulutuin ang isang gansa. Ang recipe natin sa araw na ito ay “Goosebombs Recipe.” Yes, you read it right. Goosebombs talaga. Sa pagnguya pa lang ng dish na ito, sasabog na sa bibig mo ang iba’t ibang lasa ng gansa.

Bakit nga ba nagkaroon ng Goosebombs recipe? Ayon sa isang picture na nai-post noon ni Senyora:

Anyhow, siya ang ating inspirasyon sa paggawa natin ng katakam-takam na dish na ito.


Heto na ang mga ingredients na ihahanda natin:

  • Goose. Any kind of goose will do. Preferred na ang gansa na gagamitin natin ay mataba. And another warning: Huwag lulutuin ang gansa na nangingitlog ng ginto. Otherwise, kawawa ka kapag ginawa mo iyan. Bago natin lutuin iyan, dapat dressed ang goose para mas manuot ang lasa.

Tanong lang: Cash cow ang tawag sa alinmang bagay na nagbibigay ng malaking halaga. Pero hindi naman ito puwedeng itawag sa gansa, kasi ang gansa ay hindi naman baka, hindi ba? So, puwede kaya natin siyang tawaging cash goose?

  • Cooking oil. Dapat ang piliin na oil ay yung ginagamit sa pagluluto. Kaya nga cooking oil eh. Pero kung ayaw mo ng oil na pangluto, puwede na ang kerosene, gasolina, o gaas. Bahala ka na sa buhay mo kung ipiprito mo ang goose diyan.
  • Pepper. Huwag piliin ang mga paminta na hindi maanghang. Ibig sabihin kasi nito, manhid na ang paminta na magbigay ng naiibang anghang sa dish na lulutuin natin.
  • Chili (for spicier version of the recipe). Preferred ang mga sili na tinanim saanman sa Kabikulan.
  • Magic Sarap. Any variant of Magic Sarap will do. Pero kung walang Magic Sarap, preferable alternative na ang Aji Ginisa.
  • Toyo. Bilhin mo na iyon sa kapitbahay.
  • Suka. Yes, bilhin mo na din iyon sa kapitbahay.
  • Sugar. Preferable ang brown sugar. Bakit? Saka ko na ito sasabihin kapag nagluto na tayo.
  • Aluminum foil. Gagamitin lamang ito kapag iluluto natin ang gansa sa oven o sa turbo broiler. Dapat na ang foil na bibilhin mo ay gawa sa aluminum. Kaya nga aluminum foil ang tawag diyan eh.

Isa pa, kung lulutuin mo iyan sa gold foil (and yes, merong ganyang bagay), lalong mapapamahal ka pa sa paghahanda ng dish na iyan. Kung steel foil naman, at nagkaroon diyan ng kalawang, posibleng tamaan ka ng tetano sa halip na maging healthy sa dish na iyan.

Handa na ba ang ating mga ingredients? Kung oo, simulan na natin ang pagluluto!


  1. Paghalu-haluin ang toyo, suka, paminta, Magic Sarap, at brown sugar sa isang lalagyan. Tulad na lang ng ginawa mo sa amin. Sa sobrang dami ng mga naging syota mo, pinaghalu-halo mo na lang kami. Sa kakahalo mo, hindi mo na naintindihan kung sino ba talaga ang mahal mo.
  2. Pagkatapos gawin ang mixture, saka doon ilagay ang dressed goose. Huwag mong ilagay sa ibang lalagyan, otherwise, hindi doon manunuot ang sarap ng dish natin. Tulad na lang nang inilagay mo ang iyong puso sa iba. Kaya hayan, hindi na nagiging masarap at masaya ang relationship natin.
  3. (Optional) Pakuluan ito sa apoy nang matagal na matagal, preferably hanggang sa maging kaunti na lang ang matira sa mixture. Paikut-ikutin ang gansa para manuot ang sarap sa ibang parte. Alam mo kasi, gusto kong pakuluin nang matagal na matagal ang dugo ko, kasi ito ang magpapaalala sa akin kung gaano katindi ang sakit na ibinigay mo sa akin. Kulung-kulo ang dugo ko kasi kakaunti lang ang pag-ibig na itinira mo sa akin. Kulung-kulo na nga, pinaikot-ikot mo pa ako. 😡
  4. Iprito ito sa kumukulong mantika. Huwag iprito sa mantika na sobrang manhid. Tulad mo. Hindi ko talaga carry ang pagkamanhid ng puso mo. Kahit na nagpakalasing ako, at kahit na pinutol ko ang buhok sa tindi ng sakit na ibinigay mo, manhid ka pa rin.
  5. Habang piniprito, wisikan ng kaunting tubig. Tulad ng kaunting wisik na binigay mo sa akin, samantalang sa kanya ay balde-baldeng tubig na ang binigay mo.
  6. Ilagay ang naipritong gansa sa tissue paper. Para may sasalo ng sobrang mantika. Mas mainam kasi na may sasalo sa iyo. Buti pa kasi ang iba, may taong sasalo sa kanila. Eh ako? Wala pa rin.
  7. Para sa topping ng dish natin, magtunaw ng brown sugar. Yung tunaw na tunaw, ha? Tulad nung time na tunaw na tunaw ka sa kanya. Diyan ka naman magaling, hindi ba?
  8. Ilagay ang tinunaw na brown sugar sa ibabaw ng gansa. Pero kung gusto mo naman itong ilagay sa ilalim, go ahead. Walang basagan ng trip. Tulad nung kinompronta kita, “Bakit naghanap ka ng iba? Nagkulang ba ako sa iyo?” Tapos, ang sabi mo sa akin, “Walang basagan ng trip.” 😥 Handa nang kainin ang Goosebombs Recipe.

Alternative Preparation:

  1. Follow step number 1-2. Pero sa halip na pakuluin at/o iprito ang gansa, ibalot ito sa aluminum foil. Isama rin diyan ang mixture para sa gansa. Tutal, sabi mo naman ay masarap siya. Sige, isama mo na rin siya sa kuwarto mo. Magsama na kayong dalawa! 😡
  2. Ilagay sa turbo broiler at iluto nang ayon sa kagustuhan mo. Sige, hayaan mong pilitin ka nila na iluto iyan para sa iyo. Tutal, hindi masarap ang relasyon kapag napipilitan kang mahalin siya, di ba? Serve it hot.

So, iyan na ang paraan ng pagluluto ng Goosebombs recipe. Sana nagustuhan ninyo ang dish na iyan. Siguradong sa pagkain pa lang nito, sasabog na ang lasa ng Goosebombs sa iyong bibig. Sige, kain lang. 😀 Enjoy your meal and happy cooking! 🙂


Featured Image Credit: Visualization of our recipe. Taken from a recipe website.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s