Love Advice No. 94

Pag-usapan natin ang kasabihang ito:

Masakit ang katotohanang iyan. Pero ang ganitong pag-iisip ay hindi tinatalakay nang maigi sa maraming love programs sa bansa at sa discussion ng mga love DJs, kahit pa ni Papa Jack. So this time, atin itong suriin.

Paano mo nasabi?

Unang Tanong: Kailangan ba talagang tanggapin na di kayo para sa isa’t isa?

Dalawa ang sagot diyan: Oo at Hindi. May mga pagkakataon na kailangan nating tanggapin ito. May pagkakataon na hindi dapat. Bukod sa tadhana (na laging sinisisi), marami kasing factors na kontrolado o hindi, na kailangang ikonsidera bago natin sabihin na hindi kayo para sa isa’t isa. Iyan ang tatalakayin natin sa artikulong ito.

Ikalawang Tanong: Paano natin masasabi na tayo ba talaga o hindi sa isa’t isa? Sa totoo lang, hindi natin masasabi na siya na nga. Maaring sa ngayon ay siya na, pero posibleng mag-iba ang pagtingin sa kanya pag napasabak sa isang sitwasyon o nilamon ng sistema. Isa pa, walang perpekto sa atin.

Di talaga tayo

Ikatlong Tanong: Bakit kailangang tanggapin na di tayo sa isa’t isa?

Merong magandang dahilan kung bakit ito nangyayari:

  • Isyu ng moralidad. May mga pagkakataon kung saan di puwedeng maging “kayo”. Lalo na kung isa sa inyo (o pareho) ay pamilyado na. O kung bawal talaga sa patakaran (ng kompanya o organisasyon) na maging kayo.

Pinakamagandang halimbawa ang nangyari sa programang Halik. Nais mang ituloy nina Lino at Jackie ang relasyon, hindi nila ito magagawa kasi hindi sila para sa isa’t isa. Bakit? Pareho na silang kasal kina Jade at Ace.

  • May mga madadamay. Nakakarinig tayo ng mga bata o kamag-anak na maaring madamay kapag itinuloy ang pag-ibig. O mga bagay na nadadamay kapag iyon ang inuuna, tulad ng sustento at scholarships.
  • May mga masasaktan din. Lalo na kung ang isa sa inyo ay may asawa na o pamilyado na. O kung ang isa’y may existing bf/gf at matatamaan din sakaling itinuloy ang relasyon ninyong dalawa.

Manood din ng Halik. Nang pinilit nina Jade at Ace ang bawal na relasyon, nasaktan sina Jackie at Lino. Nasaktan din pati ang kanilang mga magulang.

Sa mga kasong ito, no choice na sila kundi maghiwalay talaga. Kasi may rason talaga para di sila maging sa isa’t isa.

May paraan pa

Huling Tanong: May paraan pa ba?

Magagawan iyan ng paraan! Kung wala namang seryosong hadlang sa relasyon ninyo, bakit natin tatanggapin na di kayo para sa isa’t isa?

Kung ito ay tungkol sa katuwiran na “bata pa kayong dalawa,” may paraan din para diyan. Habang bata pa, ito na ang pagkakataon na kilalanin ninyo ang isa’t isa. Kahit na this time, hindi kayo sa isa’t isa. Suspend muna ang relationship ninyo habang may kanya-kanya kayong career. But don’t forget to communicate with each other. Importante iyan.

Kung dumating sa punto na “long distance relationship” kayo, ibig sabihin ba nito di kayo para sa isa’t isa? Maling-mali. May paraan pa. Importante na mag-usap kayo palagi. Nasa iyo na kung gagawin mo iyon para di ka malungkot sa kanya. May mga kaso na inaabot ng ilang taon ang relasyon kahit na malayo sa isa’t isa. Pero going strong pa rin.

Kung sakaling ito ay dahil sa pagtutol ng magulang, nasa inyo na ang desisyon kung kayo ba ay para sa isa’t isa. Hindi pa rin iyan didiktahan ng tadhana. At lalong hindi nila masasabi na kayo ay di talo sa isa’t isa, kahit paghiwalayin kayo nang todo.

Sa totoo lang, may mga kaso na ipinaglaban nila ang relasyon nila kahit tutol ang magulang. May kaso din na hinintay muna ng dalawa na magkaroon ng magandang buhay bago i-resume ulit ang naudlot na relationship. Bandang huli, sila pa rin.

Dito pa lang, ginagawa nila ng paraan na maging sila pa rin hanggang ngayon.

Kung ito ay dahil “hindi kagustuhan ng Diyos,” maling-mali iyan. Alam naman natin na ang Diyos ay may kontrol sa maraming bagay. Pero binigyan din Niya tayo ng free will para makapagdesisyon (Santiago 1:13-14). Ang mas magandang gawin ay humingi ng tulong at gabay sa Kanya anuman ang mangyari sa inyong dalawa.

Most of the time, ito ay tungkol sa desisyon na huwag ituloy ang relasyon ninyong dalawa. Kung sakaling ayaw mo na, problema mo na iyon. Kung si bf o gf naman ang ayaw, problema na niya iyan. Wala na tayong magagawa.

Final Words

So, what’s the point? Love is also a matter of choice. Decision niyo na kung kayo ba talaga o hindi. Di dapat iniaasa sa kapalaran ang magiging status ninyo in the future. Kung magkaroon man ng role si Tadhana sa inyong dalawa, maliit na bagay iyon. Suwertehan na lang.

Isa pa, hindi natin masasabi na siya na nga talaga unless handa tayong umibig, sumugal, maghintay, masaktan, at magsakripisyo para sa kanya. Sabi nga ng isang netizen, kung mag-eeffort ka at ginagawa ninyo ang best niyo, talagang kayo ay para sa isa’t isa.

Gawin mo ang lahat ng best mo para maging kayo talaga. Kung talagang mahal mo siya, at mahal ka, at nasa katuwiran ka, ipaglaban mo siya.

Love also depends on how you view it. How you respond and how you find ways to make relationship stronger is up to us.

Salamat sa pagbabasa ng artikulong ito. Ang naturang kasabihan ay hindi madalas pinag-uusapan at pinagdedebatehan, pero kailangan pa rin itong talakayin. Dahil ito ay hindi applicable sa lahat. At kahit paano, maitama ang maling akala lalo na sa pag-ibig.

Love Advice No. 93

Ngayong Valentines Day, tunghayan natin ang isa pang serye ng love problem na bibigyan natin ng payo at solusyon.

Dahil ang originating post na ito ay mukhang na-delete na, aangkinin na ng may-akda ang naturang post. Narito ang kanyang mala-MMK na kuwento:

You must read.

Ako si Althea. Alam kong pag nabasa ng mga kababaihan ito, maiinis at magagalit sila sa akin. Pero alam kong may babae ding iintindi sa akin.

When I was in second year high school, may kaklase ako na ang pangalan niya ay “Chris”. Until fourth year high school ay kaklase ko pa din siya. Second year high school pa lang kami, niligawan niya ako. Hindi ko siya sinagot. After nang binasted ko siya, hindi kami nag-usap. Naging bitter siya. But after how many weeks, nagkaayos na kami.

Nung nag-third year naman kami, niligawan niya ulit ako pero basted na naman siya kasi nang mga pagkakataong iyon, meron akong boyfriend. So, sinabe ko sa kanya na best friend na lang kami. Para walang break-up. Pumayag siya.

Naging maayos at masaya ang friendship namin. Hanggang minsan, nasa bahay nila ako at ganun din siya sa akin. Para nga kaming couple noon. Parehas kaming committed na, pero ang boyfriend ko at girlfriend niya ay hindi legal sa parents namin kasi gusto ako ng parents ni Chris for him at ganun din ang parents ko.

Hanggang nag-fourth year na kami. Going strong pa din ang friendship namin. Naalala ko pa nang nasagasaan siya dahil niligtas niya ang aso na masasagasaan na. Mahilig sa hayop si Chris. Hindi siya nakalakad nang pinaoperahan siya. Sobrang nag-alala ako nang mga oras na iyon. Binibisita ko siya sa bahay nila, at every time na dinadalaw ko siya, thankful siya doon. Kasi nararamdaman daw niyang mahalaga siya sa akin. After two months, nakarecover na siya.

Hindi ko akalain na after niya palang gumaling, may balak silang pumuntang States with his family para doon mag-aral si Chris. Halos natakluban ako ng isandaang hollow blocks nun. :)))) Sa iba ko pa nalaman iyon. Kaya sobrang nagalit ako. Nag-sorry siya. Ipinaliwanag niya na ayaw niya daw malaman ko iyon. Ayaw niya daw makita akong umiyak, kasi nga, pati siya, hindi niya kayang mahiwalay sa akin.

Hanggang sa makaalis siya, hindi ko siya kinausap. Pumunta siya ng bahay. Kinabukasan ang alis niya.

Pero pinasabi ko na nagbakasyon ako. Sobrang sakit. Hagulgol ang iyak ko noon. Hindi ko man lang siya nayakap at nasabing MAHAL KO SIYA. MAHAL NA MAHAL!

After two months, nagkaayos kami. Nag-uusap kami through chat and Skype.

First year college na ako. Sobrang saya. Then noong August, sinurprised ako ni Chris. Sinundo niya ako dahil nakabalik na pala siya. Nang nakita ko siya, para akong nakakita ng artista sa sobrang guwapo niya. XD Ang daming tumitingin sa amin noon. May dala siyang flowers and chocolate. Pati isang plastic na Milo. Biro mo, naalala niya pa na favorite kong papakin iyon.

After one week, niligawan na naman niya ako. Pumayag na ako kasi wala na din kami ng boyfriend ko.

Sinorpresa na naman niya ako. May ipapakita daw siyang project sa bahay nila. At hayun, nakita ko sa kwarto: madilim. Pagbukas ng ilaw, nakita ko ang mga kaibigan namin noong fourth year. Madaming nakasabit na heart sa taas ng dingding.

May nakasabit, tapos may nakadikit sa wall nila, “I LOVE YOU, ALTHEA” with teddy bear. May Christmas light pa that time. With sounds 🙂 Then lumuhod siya. Then he asked me, “Althea, can I court you?” Kinilig ako doon. ❤ Pangarap kong effortan nang ganoon. Dream come true. So agad Yes ako. Harot, di ba? XD Niyakap niya ako after niyang marinig ang Yes ko.

After ng time na iyon, lagi na niya akong sinusundo. Two hours ang biyahe from his school bago siya makarating sa beloved alma matter ko (School ko). Every time susunduin niya ako, meron akong bulaklak. So sweet. HAHA.

Two months pa lang siyang nanliligaw, pero nagkakalabuan na kami. Ewan ko ba. 😦 Naging hot-tempered ako at super moody. :3 At hayun, tinigilan niya na ako. Sino ba namang di titigil? Tinataboy ko na, inaaway ko na, pinahihiya ko pa. 😦

Blinock niya ako. At after one month, inunblock niya ako. Pero hindi niya ako inadd. After two months, nalaman kong may girlfriend na siya. -_- So bilis! Masaya na sila at naka-move on na din ako. Kaya girls, “Matutong magpahalaga kung ayaw mo makita syang may kasamang iba”.

My Answer:

Kahit kung tutuusin ay may na-realize ka na, bibigyan pa rin kita ng love advice. Dahil merong mga bagay na dapat mong matutunan sa sitwasyong ito:

Una sa lahat, hindi ka pa rin natuto. Saka mo pa lang na-feel ang worth ni Chris nang una siyang umalis pa-Amerika.

The second time around, binigyan ka ng second chance. Kaya lang, naging moody ka. Nang iniwan ka ulit ni Chris, na-feel mo ang worth niya (na naman!) kung kailan wala na siya sa tabi mo. Sa madaling salita, lagi mong tine-take for granted ang pagmamahal niya sa iyo.

Isa pang bagay: Sa sobrang gwapo ni Chris, bakit mo susungitan? Isipin mo rin na sa guwapo niyang ito, pinagnanasahan siya ng maraming babae. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangang mag-effort pa. Pakunsuwelo na lang ito sa kanya sa lahat ng panliligaw niya sa iyo. Sa lahat ng hirap na pinagdaanan niya para mapasagot mo siya. Pero bakit ikaw pa rin ang pinili ni Chris kahit ka ganyang kasungit? Ikaw ang makakasagot niyan.

Lack of understanding

Kulang ka sa effort at pang-unawa. Nag-effort ka ba para sa kanya? Sobra-sobra ang ginawa ni Chris kung tutuusin. Ikaw naman, kabig ka nang kabig, pero wala ka namang binibigay.

Iniintindi niya kung ano ang feelings mo, pero naiintindihan mo ba siya? Sa paglabo ng inyong relasyon, naiintindihan mo ba na ang pagiging emotera mo ang dahilan ng break-up niyo? Nung dumaan kayo sa sitwasyong ito, gumawa ka ba ng paraan para magkaayos kayo? Nag-sorry ka ba sa kanya? Parang hindi eh. Hinayaan mo lang na umabot siya sa punto na iwan ka.

Tingin ko, inalalayan si Chris ng kanyang naging girlfriend sa panahong nasasaktan siya sa iyo. Iyon ang reason kung bakit sila na kaagad. Alam naman niya kasi na may babae na pupuno sa naging pagkukulang mo.

Missed opportunity

Kung tutuusin, masakit ang katotohanan na ang “effort” ay thru chat at text na lang. Bibihira ang mga lalaki na handang mag-effort para sa dalaga. Kapag ganoon ang nangyari, di mo makikita kung seryoso ba talaga siya sa iyo.

Bibihira na nga ang mga ganyang lalaki, tinataboy mo na, pinapakawalan mo pa. Ngayon, saan ka pa makakakita ng ganyang klaseng lalaki? Ikaw na ang sasagot niyan.

Di puro emosyon lang

Hindi ko alam kung ano ang talagang dahilan ng paglabo ninyong dalawa. Baka dito ko mabigyan ng katuwiran iyang pagiging emotera mo.

Maiintindihan ko pa ang pagiging emotera mo kung si Chris ay robot. Kahit bulyawan mo ang robot ay di siya masasaktan. At di ka iiwanan. Pero tao din siya. May damdamin iyon eh. Nasasaktan din siya.

Sa susunod, hinay-hinay lang din sa pag-emote. Dito ka kasi nawawala sa huwisyo at di ka makapagdesisyon nang tama. Kung nagkakaroon ka na, at may mood swings ka, puwede ka namang makiusap na huwag kang abalahin. O magpa-alalay sa kanya. Maiintindihan naman niya ang iyong sitwasyon.

What if…

Ngayon, mapapaisip ka: “What if siya ang naging boyfriend ko?”

Kung ako ang magiging girlfriend niya, pipigilan ko ang emotions ko. Kung hindi man, magsosori ako sa kanya. Dahil paiba-iba din naman ang mood ko, nawawala ako sa huwisyo at hindi maayos ang pakikitungo ko sa kanya. Kailangan ko itong gawin dahil ako naman talaga ang mali dito.

Kung ako ang magiging girlfriend niya, tutumbasan ko ang effort niya para sa akin. Hindi ako yung tipong kabig lang nang kabig sa relationship namin. Dahil pag wala siyang natatanggap miski isa galing sa akin, posibleng iwanan din niya ako.

Final Words

Masakit para kay Chris na ginaganyan mo siya. Masakit iyon dahil bad habit mo ang isinukli mo sa kanya. Pakiramdam niya, para bang hindi mo na siya mahal. Na kahit anong effort ang gawin niya, useless din. Na kahit na magpa-blow out ang lalaki para lang sa iyo, wala din. Na kahit anong bigay ng flowers niya sa iyo, wala din. Kung ganyan ang trato mo sa kanya, paano pa kaya kung mag-asawa na kayo?

Nakakadegrade para sa kanya ang palagi mong panghihiya sa kanya. Tinapakan mo ang ego niya at ang dignidad niya. Kailangan din niyang mahalin ang sarili niya. After all, binigay niya ang lahat sa iyo, di ba?

Wag mo nang uulitin iyon. Walang forever na dadating sa iyo pag di mo kinontrol ang emosyon mo. At lalong walang forever sa iyo kung di ka marunong magpahalaga kahit kaunti.

Malinaw na ikaw ang responsable sa sakit na nararamdaman mo ngayon. Hanapin mo na ang pag-ibig kung gusto mong magmahal muli. Hindi iyan darating sa iyo kung hindi mo pipigilan ang emosyon mo. This time, matuto ka na maging responsable sa pag-handle ng relationship.

Love Advice No. 92

Sa post na ito, pagsasama-samahin ng may-akda ang mga tanong na nangangailangan lamang ng maikling sagot:


From the reader who asked a question via Search Box:

Advice sa taong pamilyado pero hindi kasal pero pumatol pa din ako dahil minahal ko na siya

My Advice:

Okay lang din kung pumatol ka rin sa kanya. Pero pag-isipan mong mabuti bago ituloy ang relasyong iyan.

Aakalain ng marami na kinukunsinti ko ang ganyang bagay. Pero may basehan din kung bakit.

Kung tutuusin, wala namang kasal, kaya walang obligasyon si lalaki/babae bilang asawa. May obligasyon lang siya sa kanyang mga anak. As compared sa pamilyado’t kasal na, walang masyadong magiging problema sa sitwasyon mo. Pero tatlo ang magiging isyu dito:

  1. Mahal ka ba niya talaga?
  2. Mahal ba siya ng kinakasama niya? Malaki ang problema mo kung oo, dahil mas may laban siya.
  3. Handa ka bang mahalin at tanggapin ang kanyang mga anak? Aminin natin, sa kanilang mga anak umiikot ang oras ng syota mo.

Kung sakaling siya ay pamilyado na at kasal na, “definitely no” ang sagot ko diyan. Para diyan, please refer to Love Advice No. 81 for further discussion.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang trabaho ng isang cpa?

My Answer:

Iba’t iba ang trabaho ng isang CPA:

  • Accountant. Bilang isang accountant, ineexpect na siya ang gagawa ng financial systems ng organisasyon. Depende sa uri ng trabaho, puwede siyang magprocess ng financial transactions, gumawa ng monthly/quarterly/annual reports, at magrekomenda ng solusyon sa management. Bukod pa diyan, puwede rin siyang mag-install ng accounting systems sa isang kompanya.
  • Auditor. Ito ang trabaho kung saan pinakakilala ang mga CPAs. Sa kasong ito, susuriin ng auditor kung tama ba ang financial statements ng isang organisasyon, at kung sumusunod ito sa pamantayang itinakda ng batas at/o ng kanyang propesyon.
  • Taxman. Dito inaasikaso ng isang CPA ang pag-file ng tax returns sa BIR. Aminin natin na ito ang madalas na problema ng mga negosyo lalo pa’t komplikado pa rin ang sistema ng pagbabayad ng buwis. Dagdag pa ang samu’t saring regulasyon na ipinatutupad ng ahensya. Diyan na papasok ang serbisyo ng isang CPA.

Kung tungkol naman sa mga sektor kung saan puwedeng magtrabaho ang isang CPA, puwede silang sumali sa public practice (tulad sa SGV) o magtayo ng sariling accounting firm. Puwede silang maging bahagi ng academe at magturo sa mga magiging CPAs din. Puwede rin silang magtrabaho sa commerce and industry bilang Accountant o Chief Financial Officer sa isang kompanya. At puwede rin silang magtrabaho sa gobyerno bilang Accountant o Chief Accountant ng alinmang ahensya.

Expected sa isang CPA ang pagiging flexible at updated sa mga pagbabago sa propesyon. Sa katunayan, hindi pa man tapos ang isyu sa CPD units at ang isyu sa sahod, ineexpect na ang mga CPAs na maging responsive sa mga sitwasyon tulad ng Blockchains at Artificial Intelligence.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano malaman ang itlog kung luto na?

My Answer:

Kung tungkol ito sa nilaga/inihaw na itlog, simple lang. Paikutin mo. Mas mabilis umikot ang lutong itlog kaysa sa hilaw na itlog.

Kung tungkol naman sa scramble o sunny side-up, masasabing luto na ito kapag may (golden) brown spots na sa itlog.


From the reader who asked a question via Search Box:

Magkano pag ang presyo ng board exam?

My Answer:

Ang presyo sa pagkuha ng board exam pa lang ay P950.00. Maaring mag-iba ito kung sa ibang payment channel mo ipinaabot ang bayad, tulad sa 7Eleven.

Hindi kasama dito ang gagastusin mo sa review center, na maaring umabot mula 16,000 hanggang 30,000 depende sa review center. Pati na rin ang iba pang gastusin tulad ng photocopy, handouts, pagkain, renta, at iba pa.


From the reader who asked a question via Search Box:

Gaano karaming asin ang ilalagay sa alamang pag gagawing bagoong?

My Answer:

Depende kung gaano kaalat ang alamang. Matatawa na lang ako pag maalat na, eh lalagyan mo pa ng asin.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ilang minuto lutuin ang nilagang itlog?

Ilang minuto lutuin ang itlog?

My Answer:

Aabutin ang pagluluto ng scrambled o sunny side up ng three to five minutes, depende sa lakas ng apoy.

Kung sa nilagang itlog, kasabay na ito ng pagkulo ng tubig. Add more one minute para maluto ang nilagang itlog.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano maging malutong ang chicken na prito?

My Answer:

Suggested na huwag takluban ang kawali pag piniprito. Kahit tumalsik ang mantika. Haha. Mas malutong ang manok na walang takip, dahil lumalabas ang katas ng tubig na nasa manok.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano ka makakaluto ng itlog ng walang mantika

Gawing nilagang itlog. May recipe ako diyan. Puwede mo ring gayahin ang process sa paggawa ng salted egg at century egg. Puwede rin itong i-bake sa oven.


From the reader who asked a question via Search Box:

Kanta sa panliligaw

My Answer:

Recommended ang mga kantang ito para sa iyo:

  • Dahil Sa’yo by Iñigo Pascual
  • Unli Pag-ibig by BoybandPH
  • Dying Inside by Darren Espanto
  • Alipin by Shamrock
  • Harana by Parokya ni Edgar
  • Di Ko Kayang Tanggapin by April Boy Regino
  • Superhero by Rocksteddy
  • Gusto Ko Lamang Sa Buhay by Itchyworms

From the reader who asked a question via Search Box:

Pagpapaunlad na plano ni duterte sa edukasyon

My Answer:

Isang malaking hakbang ang pagpirma sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act o RA 10931. Simula pa lang ito ng magandang plano ni Duterte sa edukasyon. Nilulutas na rin ang isyu ng kawalan ng classrooms at upuan.

Kung sakaling matuloy ang panukalang Federalismo ni Duterte, isipin kung ano ang mabuting idudulot nito sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas: Darami ang pondo ng lokal na gobyerno para sa scholarships at dagdag na classrooms. Marami na rin ang makakapag-afford na mag-aral sa private schools, at makakaavail ng scholarships ang mga talagang kapos sa pera. Hindi na magiging dagdag pasanin pa ng mga magulang ang edukasyon ng kanilang mga anak.

Ang tanong nga lamang ay handa ba ang mga Pilipino sa ganitong pagbabago.


From the reader who asked a question via Search Box:

Essay tungkol sa pamamahala ni rodrigo duterte

My Answer:

Will do. Sorry na kung matagal na akong hindi nakakapagsulat ng essay tungkol sa ating Pangulo. I’ll update you once na nai-publish ko ito.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang gagawin mo kapag may gusto ka sa pinsan mo?

My Answer:

Matuwa ka. Pero huwag lalampas sa limitasyon, especially kung first cousin mo siya.

Kung second cousin mo siya, ang problema nga lang ay kung gusto ka rin niya. Lalo na kung bawal sa inyo na magkagusto sa second cousin.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ikaw pa rin ang pipiliin ko kahit dumating yung oras na wala na akong maramdaman essay

My Answer:

Sige. Isasama natin iyan sa next love advice. Iyon na ang magiging essay para diyan.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano maging masuwerte sa darating na board exam

My Answer:

Para maging masuwerte sa board exam, tatlong bagay lang ang kailangan: Confidence, Persistence, Action. Ieexplain ko ito sa iyo sa isang inspirational message dito.


From the reader who asked a question via Search Box:

Maghintay sa true love advice

My Answer:

Kung may kuwento ka na gustong i-share dito, feel free na i-email sa akin sa tweetnewscaster@yahoo.com. Sa ngayon, basahin ang Love Advice No. 80 para sa detalye tungkol sa problema mo.