Love Advice No. 92

Sa post na ito, pagsasama-samahin ng may-akda ang mga tanong na nangangailangan lamang ng maikling sagot:


From the reader who asked a question via Search Box:

Advice sa taong pamilyado pero hindi kasal pero pumatol pa din ako dahil minahal ko na siya

My Advice:

Okay lang din kung pumatol ka rin sa kanya. Pero pag-isipan mong mabuti bago ituloy ang relasyong iyan.

Aakalain ng marami na kinukunsinti ko ang ganyang bagay. Pero may basehan din kung bakit.

Kung tutuusin, wala namang kasal, kaya walang obligasyon si lalaki/babae bilang asawa. May obligasyon lang siya sa kanyang mga anak. As compared sa pamilyado’t kasal na, walang masyadong magiging problema sa sitwasyon mo. Pero tatlo ang magiging isyu dito:

  1. Mahal ka ba niya talaga?
  2. Mahal ba siya ng kinakasama niya? Malaki ang problema mo kung oo, dahil mas may laban siya.
  3. Handa ka bang mahalin at tanggapin ang kanyang mga anak? Aminin natin, sa kanilang mga anak umiikot ang oras ng syota mo.

Kung sakaling siya ay pamilyado na at kasal na, “definitely no” ang sagot ko diyan. Para diyan, please refer to Love Advice No. 81 for further discussion.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang trabaho ng isang cpa?

My Answer:

Iba’t iba ang trabaho ng isang CPA:

  • Accountant. Bilang isang accountant, ineexpect na siya ang gagawa ng financial systems ng organisasyon. Depende sa uri ng trabaho, puwede siyang magprocess ng financial transactions, gumawa ng monthly/quarterly/annual reports, at magrekomenda ng solusyon sa management. Bukod pa diyan, puwede rin siyang mag-install ng accounting systems sa isang kompanya.
  • Auditor. Ito ang trabaho kung saan pinakakilala ang mga CPAs. Sa kasong ito, susuriin ng auditor kung tama ba ang financial statements ng isang organisasyon, at kung sumusunod ito sa pamantayang itinakda ng batas at/o ng kanyang propesyon.
  • Taxman. Dito inaasikaso ng isang CPA ang pag-file ng tax returns sa BIR. Aminin natin na ito ang madalas na problema ng mga negosyo lalo pa’t komplikado pa rin ang sistema ng pagbabayad ng buwis. Dagdag pa ang samu’t saring regulasyon na ipinatutupad ng ahensya. Diyan na papasok ang serbisyo ng isang CPA.

Kung tungkol naman sa mga sektor kung saan puwedeng magtrabaho ang isang CPA, puwede silang sumali sa public practice (tulad sa SGV) o magtayo ng sariling accounting firm. Puwede silang maging bahagi ng academe at magturo sa mga magiging CPAs din. Puwede rin silang magtrabaho sa commerce and industry bilang Accountant o Chief Financial Officer sa isang kompanya. At puwede rin silang magtrabaho sa gobyerno bilang Accountant o Chief Accountant ng alinmang ahensya.

Expected sa isang CPA ang pagiging flexible at updated sa mga pagbabago sa propesyon. Sa katunayan, hindi pa man tapos ang isyu sa CPD units at ang isyu sa sahod, ineexpect na ang mga CPAs na maging responsive sa mga sitwasyon tulad ng Blockchains at Artificial Intelligence.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano malaman ang itlog kung luto na?

My Answer:

Kung tungkol ito sa nilaga/inihaw na itlog, simple lang. Paikutin mo. Mas mabilis umikot ang lutong itlog kaysa sa hilaw na itlog.

Kung tungkol naman sa scramble o sunny side-up, masasabing luto na ito kapag may (golden) brown spots na sa itlog.


From the reader who asked a question via Search Box:

Magkano pag ang presyo ng board exam?

My Answer:

Ang presyo sa pagkuha ng board exam pa lang ay P950.00. Maaring mag-iba ito kung sa ibang payment channel mo ipinaabot ang bayad, tulad sa 7Eleven.

Hindi kasama dito ang gagastusin mo sa review center, na maaring umabot mula 16,000 hanggang 30,000 depende sa review center. Pati na rin ang iba pang gastusin tulad ng photocopy, handouts, pagkain, renta, at iba pa.


From the reader who asked a question via Search Box:

Gaano karaming asin ang ilalagay sa alamang pag gagawing bagoong?

My Answer:

Depende kung gaano kaalat ang alamang. Matatawa na lang ako pag maalat na, eh lalagyan mo pa ng asin.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ilang minuto lutuin ang nilagang itlog?

Ilang minuto lutuin ang itlog?

My Answer:

Aabutin ang pagluluto ng scrambled o sunny side up ng three to five minutes, depende sa lakas ng apoy.

Kung sa nilagang itlog, kasabay na ito ng pagkulo ng tubig. Add more one minute para maluto ang nilagang itlog.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano maging malutong ang chicken na prito?

My Answer:

Suggested na huwag takluban ang kawali pag piniprito. Kahit tumalsik ang mantika. Haha. Mas malutong ang manok na walang takip, dahil lumalabas ang katas ng tubig na nasa manok.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano ka makakaluto ng itlog ng walang mantika

Gawing nilagang itlog. May recipe ako diyan. Puwede mo ring gayahin ang process sa paggawa ng salted egg at century egg. Puwede rin itong i-bake sa oven.


From the reader who asked a question via Search Box:

Kanta sa panliligaw

My Answer:

Recommended ang mga kantang ito para sa iyo:

  • Dahil Sa’yo by Iñigo Pascual
  • Unli Pag-ibig by BoybandPH
  • Dying Inside by Darren Espanto
  • Alipin by Shamrock
  • Harana by Parokya ni Edgar
  • Di Ko Kayang Tanggapin by April Boy Regino
  • Superhero by Rocksteddy
  • Gusto Ko Lamang Sa Buhay by Itchyworms

From the reader who asked a question via Search Box:

Pagpapaunlad na plano ni duterte sa edukasyon

My Answer:

Isang malaking hakbang ang pagpirma sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act o RA 10931. Simula pa lang ito ng magandang plano ni Duterte sa edukasyon. Nilulutas na rin ang isyu ng kawalan ng classrooms at upuan.

Kung sakaling matuloy ang panukalang Federalismo ni Duterte, isipin kung ano ang mabuting idudulot nito sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas: Darami ang pondo ng lokal na gobyerno para sa scholarships at dagdag na classrooms. Marami na rin ang makakapag-afford na mag-aral sa private schools, at makakaavail ng scholarships ang mga talagang kapos sa pera. Hindi na magiging dagdag pasanin pa ng mga magulang ang edukasyon ng kanilang mga anak.

Ang tanong nga lamang ay handa ba ang mga Pilipino sa ganitong pagbabago.


From the reader who asked a question via Search Box:

Essay tungkol sa pamamahala ni rodrigo duterte

My Answer:

Will do. Sorry na kung matagal na akong hindi nakakapagsulat ng essay tungkol sa ating Pangulo. I’ll update you once na nai-publish ko ito.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang gagawin mo kapag may gusto ka sa pinsan mo?

My Answer:

Matuwa ka. Pero huwag lalampas sa limitasyon, especially kung first cousin mo siya.

Kung second cousin mo siya, ang problema nga lang ay kung gusto ka rin niya. Lalo na kung bawal sa inyo na magkagusto sa second cousin.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ikaw pa rin ang pipiliin ko kahit dumating yung oras na wala na akong maramdaman essay

My Answer:

Sige. Isasama natin iyan sa next love advice. Iyon na ang magiging essay para diyan.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano maging masuwerte sa darating na board exam

My Answer:

Para maging masuwerte sa board exam, tatlong bagay lang ang kailangan: Confidence, Persistence, Action. Ieexplain ko ito sa iyo sa isang inspirational message dito.


From the reader who asked a question via Search Box:

Maghintay sa true love advice

My Answer:

Kung may kuwento ka na gustong i-share dito, feel free na i-email sa akin sa tweetnewscaster@yahoo.com. Sa ngayon, basahin ang Love Advice No. 80 para sa detalye tungkol sa problema mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s