Love Advice No. 96

Isa ito sa mga bagay na gusto kong talakayin, dahil tila may mga nalilito kung dapat ba itong ipagmalaki ito o hindi. Bagaman hindi ito talaga sukatan ng pagmamahal ninyo sa isa’t isa, importante rin ito lalo na sa panahon ng social media. Sige, simulan na natin!

Isang tanong:

Dapat bang ipagmalaki ang relasyon ninyo sa social media?

My Answer:

Dalawa ang sagot ko diyan: Oo at Hindi.

Oo, dahil parang sinasabi mo sa maraming tao na siya ang mahal mo. Sapat na ang larawan o status update na ipinapakita na syota mo siya. Kung tutuusin, hindi na ito kailangan, pero maari mo itong gawin upang malaman ng lahat kung sino ang mahal mo.

Bakit? Mahirap kapag curious ang tao sa kung sino ang syota mo, pero ang nakalagay sa profile mo ay single ka. Pag sinabi mo na single ka, eh hindi naman, lalo na kung babae ka at maganda ka, hindi maiiwasan na ligawan ka. O kung lalaki ka, ligawan mo pag inilihim niya ang bagay sa iyo. Patay siya. Bugbog siya sa boyfriend mo. O sabunot sa girlfriend mo.

Kung sakaling magkaroon ng negatibong komento sa pic o sa status ninyo, hayaan niyo na lang.

Wala din namang masama kung ipopost ninyo ang moments na magkasama kayo. Lalo na kung ito ay tungkol sa public gathering, o kung kasama ninyo ang mga katropa o magulang ninyo. Lalo na rin kung ito ay isang bagay na gusto ninyong i-share sa lahat.

Pero hindi ibig sabihin nito ay minu-minuto kayong mag-uupdate sa social media. Magtira din ng pribadong sandali ninyo.

Isa pang tanong: Dapat bang hingin ang permiso niya bago ka mag-post sa social media? Siyempre. Dahil posibleng pagmumulan ito ng away niyo pag di mo ginawa iyan. Paano kung gustong isapribado lang niya ang moments mo? Tapos eh basta-basta mo ipinost sa social media nang wala kang permiso? Ang gulo, di ba?

Love Advice No. 95

Saw this on FTTM comment thread:

I have plenty of students na unknown ang tatay sa birth certificate, o kaya naman tatay lang ang kasama nila. Laging single parent. kaya awkward lagi pag diniscuss ang family tree, family day etc. Bakit ganito sa panahong ito? bakit di gaya ng dati na matibay ang samahan ng mag asawa? bakit ganun kadali manloko? maghiwalay? di gaya ng mga lolo at lola natin? Yung pangangatawanan ang “Kasama kang tumanda” at “Kahit maputi na ang buhok ko?”

Eto ang tunay na “marupok” hindi yung madali mainlove magka crush etc. Ang marupok ay yung sumumpa ng matibay na samahan pero sa isang iglap, sisirain na. Nawala na yung essence ng salawikain na “Ang pag-aasawa ay di mainit na kanin na kapag napaso ka ay iluluwa mo basta”

I always tell my bf of 10 years na ayokong magkaganun ang pamilya namin. We both came from a happy family with strong ties. Na gagawin namin ang best na namin na wag masira ang pamilyang pinaplano namin nang matagal whatever happens. We will never let our future children to have a broken family.

Bata ang nagsasuffer eh. Nakakatakot na baka makasanayan na ito at maging kultura na sa mga susunod na panahon.

Gagawa-gawa ng pamilya sabay sisirain.

Sana diyan sa mga gustong magjowa at may jowa na…

DATE NOT ONLY TO BRAG IT TO SOCIAL MEDIA, DATE NOT ONLY BECAUSE YOU WANT TO CHANGE YOUR FB RELATIONSHIP STATUS, DATE NOT ONLY BECAUSE OF ENVY, DATE NOT ONLY BECAUSE YOU JUST LIKE IT BUT DATE BECAUSE YOU WANT TO BUILD A HAPPY AND STRONG FAMILY IN THE FUTURE.. and I thank you.

Additional:

AT PARA SA PAMILYADO NA, PLEASE KUNG MAY DI PAGKAKAUNAWAAN, IDAAN SA TAMANG USAPAN, NA KONTING PROBLEMA, MAGHAHAMON AGAD NG HIWALAYAN. LISTEN AND UNDERSTAND BOTH PARTIES AT WALANG IBA PANG PARTIES. BE FAITHFUL! WAG NYONG KALIMUTAN ANG SINIMULAN NYO! HANGGA’T KAYA. THE MOMENT NA NILIGAWAN MO SI BABAE, THE MOMENT NA SINAGOT MO SI LALAKE, THE MOMENT NA NAGPLANO KAYO, NAGPRENUP, NAGPAKASAL, NAGTALO SA IPAPANGALAN SA ANAK! THE BUMPY ROADS YOU WALK THROUGH. THE VOW YOU TOOK SA HARAP NI FATHER O NG HUWES. THROUGH THICK AND THIN, TIL DEATH DO US PART. PLEASE. NEVER BE THE SAME AS THE ONE POSTED IN THIS THREAD And whoever the mother and kid sa post, I PRAY NA MABUO ULIT ANG PAMILYA NYO and I thank you ulit.

(ayan nakapanermon pa tuloy, wala po akong balak palitan si father ha😅)

My Answer:

Di na bale kung ganyang ka-harsh ang sermon mo, basta ipamukha sa kanila kung ano ang totoo. Bakit, di ba’t masakit tanggapin ang katotohanan?

Trending single parent

Bakit ba laging nauuso ang pagiging “single parent”?

Magmasid sa paligid. Pinakaimportante sa isang nagdadalaga o nagbibinata ang magabayan nang tama tungkol sa sekswalidad. Importante rin na maipaintindi kung ano ang magiging bunga kapag mali ang desisyon nila. Ngayon, kung hindi sila magabayan, o kung hindi nila mapigilan ang bugso ng damdamin, malaking gulo iyan. Pag nabuntis nang di-oras ang dalaga, most likely ay iiwanan siya ng lalaki dahil sa takot. O iiwasan ang responsiblidad na maging ama o ina.

Mapapansin niyo rin na tuwing nagbibigay ako ng love advice, lalo pag sex ang usapan, pinag-iingat ko ang mga babae. Tulad na lang sa Love Advice No. 20, na tatalakayin ko mamaya.

Aminin natin: Nakakarinig na tayo ng mga bata na ikinuwento ang sitwasyon na wala silang ama at/o ina. Kahit sa TV o sa kapitbahay natin. At ang nakakabahala, padami na ng padami ang mga batang kapos sa kalinga ng ama o ina. Nakakatakot din dahil pag ito ang nakasanayan na natin, darating ang panahon na masisira ang tunay na halaga ng pag-aasawa, o kahit na ng pagkakaroon ng jowa. Lalong masisira ang halaga ng isang pamilya.

Marupok

Sino ba ang talagang “marupok”? Gaya ng sinabi niya, hindi porke’t nagka-crush o jowa agad ay marupok na. Lalabas ang totoong marupok kapag sumumpa na magsasama habambuhay, pero yun pala ay sisirain din.

Bakit niya ito nasabi? Kasi pag sinabi mo siyang marupok, mahina siya. Saan siya mahina? Di niya kayang panindigan ang pangako na magsasama sila habambuhay.

Kasama kang tumanda

Bakit hindi gaya ng dati na matibay ang samahan ng mag-asawa? Bakit hindi natin magaya ang mga lolo’t lola natin – na pinanindigan ang “Kasama kang tumanda” at “Kahit maputi na ang buhok ko”?

Noong panahon ng mga lolo at lola natin – o kahit pa ng mga ninuno natin – hindi uso sa kanila ang katagang “Walang forever.” Mas naniniwala pa nga sila sa kasabihan na “Ang pag-aasawa ay hindi kanin na basta iluluwa pag napaso.” At mataas din ang moralidad noon.

Ngayon, uso na ang katagang “Walang forever.” Bakit? Kasabay ng pagiging “liberated” ng lipunan ay ang unti-unting paghina ng moralidad. Nakakarinig na tayo ng mga mag-asawa na naghihiwalay. At ang mas masama pa nito, kung ang rason ay dahil sa kabit o dahil hindi na mahal ang isa’t isa.

Why so fast?

Bakit ganoong kadaling manloko at makipaghiwalay? Dahil hindi nila nakikita ang tunay na halaga ng isang tao. Di nila namamalayan na tinitingnan ang mga syota-syota na iyan o ang pag-aasawa bilang isang libangan lamang.

Tanungin ninyo ang mga lolo at lola (o kahit mga magulang niyo), at sasabihin nila sa inyo kung gaano kahirap ang manligaw. Magsisibak sila ng kahoy, magbubuhat ng sako, o gagawa ng gawaing bahay para mapasagot ang babae. Kung minsan, susuyuin pa ang magiging biyenan pag masungit. Kaya binibigyang-halaga nila ang kanilang jowa (at ang kanilang mga asawa), dahil alam nila na hindi basta-basta ang mga pinagdaanan mapasagot lang siya.

Eh ngayon, text at chat na lang ang ginagamit sa panliligaw. Doon hindi makikita ng isang tao kung gaano kaimportante siya, di gaya noon. Doon hindi niya marerealize kung bakit hindi dapat basta tinetake for granted ang isang tao.

Iyan ang hindi naiintindihan ng boyfriend ni Sharmaine sa Love Advice No. 20. Malamang, basta-basta na rin ang panliligaw. Kaya hindi rin maintindihan ng boyfriend kung gaano kaimportante ang dalaga sa kanya. Di rin maapreciate ang worth ng babae. Basta nakaramdam na kailangang makipag-sex, kailangang ibigay.

Kung pagtitiisan ng dalaga ang ganyang ugali, alam na natin kung anong mangyayari. Pag nabuntis, itetake for granted siya ng lalaking iyon. Iiwanan siya. Madali lang lokohin at hiwalayan ang dalaga.

Test yourself

Malamang na nag-iisip ka rin na magkaroon ng asawa. Isa lamang ang tanong, “Sigurado ka ba diyan?”

Ang pag-aasawa, tulad ng panliligaw, ay pinag-iisipan ding mabuti. Hindi ito isang laro na puwede kang kumalas nang ganoon na lang. Commitment is the key.

Simple lang naman ang test na gagawin mo. Kung manliligaw ka, gawin mo na. Bahala ka na sa kung anong diskarte ang gagawin mo. Ngayon, kung magseseryoso ka, malaki ang tsansa na magkaroon ng “Forever” sa inyong dalawa. Kung happy-go-lucky ka, at nagloko ka, malaki naman ang tsansa na magbebreak kayo. Same principle applies pag naging kayo na.

Paano ang mga bata?

Isa pang tanong: Bakit ka mag-aasawa?

Kung hindi ka makapagbigay ng diretsong sagot sa tanong na iyan, isantabi mo muna ang pangarap na iyan. At kung gagawa ka lang ng pamilya, tapos sisirain mo lang, huwag na lang. Maawa naman tayo sa mga bata.

Sa pag-aasawa, bakit dapat isaalang-alang ang mga bata? Kasi sila ang unang maaapektuhan kapag hindi maganda ang relasyon ninyo. Tulad nga ng sinabi ng netizen kanina, mahihirapan ang mga bata na i-discuss ang family tree sa kahit sino. Magiging awkward sila pag pinag-uusapan na ang pamilya. Sila rin ang mahihirapan everytime na may “Family Day.” At sila rin ang mahihirapan dahil may kulang talaga sa kanilang pagkatao.

Salamat sa pagbabasa ng artikulong ito. Sensitibo ang pinag-uusapan dito, pero kailangang talakayin ito. Ito ay sampal sa reyalidad na dapat malaman ng lahat, upang tayong mga responsable ay kumilos upang maiwasan ang paghina ng moralidad sa lipunan.