Love Advice No. 104 (Lessons of Love)

Bilang bahagi ng ating pag-review sa lahat ng artikulo ng Love Advice, simple lang ang tanong: Ano ang leksyon na makukuha natin sa pag-ibig? Tingnan ang sagot dito:


Sa loob ng halos limang taon na tumatakbo ang love advice sa site na ito, at dahil isandaang artikulo na ang na-publish, kailangan nating huminto at mag-reflect muna kung ano ba ang dapat matutunan at ma-realize dito:

  • Love is risky, and can be very costly. Magastos, at mahirap ang umibig. Susugal ka talaga sa isang bagay, na hindi ka sigurado kung ibabalik din sa iyo ang pag-ibig. Alam ko na hindi ka basta-basta susugal sa pag-ibig kung hindi ka sigurado sa resulta.
  • Simplify the process. Kung alam mo na gusto ka niya, at gusto mo siya, aminin na ang feelings. Wala nang paliguy-ligoy pa. Saka na magpakipot kung ganoon. Kasi, kung magtataguan lang din ng feelings, ang daming masisirang relasyon. At ang daming masasayang na pag-ibig.
  • Maging realista pagdating sa pag-ibig. Iyan siguro ang hindi naiintindihan ng lalaki sa Love Advice No. 99. Iibig lang daw siya ulit, kung kaya niyang ibigay ang lahat. Pero sa totoo lang, kailangang magtira sa sarili.

Sa Love Advice No. 2, umaasa pa rin ang una na gusto siya ni guy, pero wala namang aksyon. Anong nangyari? Eh di wala rin.

Iyan siguro ang isang bagay na hindi taglay ng mga nag-eexpect na mag-top sa CPA Board Exam. Considering na ito ang pinakamahirap na exam, at sa tindi ng kompetisyon, iilan ang pinalad na mag-top dito.

  • Hindi natin sigurado ang bukas. Kahit sabihin na “almost perfect” na ang relationship, darating ang panahon na susubok sa tatag ninyong dalawa. Hindi mawawala ang mga pagsubok na iyan. That is part of your relationship. At ang mas masaklap pa, pwede itong humantong sa breakup pag di inagapan.
  • Huwag basta-basta papasok sa isang relasyon na hindi mo panghahawakan. Mukhang ito ang isang bagay na nakakalimutan ng babae sa Love Advice No. 20. Kung hindi pala siya sigurado sa present bf niya, dapat in the first place ay hindi niya sinagot si guy.

Ito rin ang isang bagay na nakakalimutan ng mga lalaki na hihingi ng sex, and after mabuntis ay iiwanan ang dalaga. Kung hindi nila kayang panghawakan ang relasyon, anuman ang mangyari sa kanila, huwag na silang pumasok pa dito. Refer to Love Advice No. 95 for further discussion.

  • Kailangang maging resourceful sa pag-ibig. Kung ito ay higit pa sa chocolates at flowers, ok lang. Pero may mga sitwasyon kung saan kailangan nating maging mas resourceful. Kung napasubo sa sitwasyon na di mo gusto, need mong gumawa ng paraan. Think out of the box. Halimbawa, kung ikaw ay pinapipili sa studies o boyfriend, puwede namang mag-lie low muna.

Puwedeng si bf muna ang tutustos sa pag-aaral mo. Puwede kang tulungan ni bf sa studies mo. So when the time comes na nakatupad ka sa obligasyon sa magulang, puwede mo na siyang balikan. Makakabawi ka pa sa kanya.

  • Maging kuntento sa pag-ibig. Tingnan ang Love Advice No. 6, kung saan di nakuntento ang lalaki sa kanyang girlfriend. Pero mas malala pa sa Love Advice No. 99, kasi ang babae naman ang di makuntento sa kanyang bf na todo-effort sa kanya.

Bakit ko ito sinasabi? Ang daming nasasayang na pag-ibig. Marami pa rin ang naghahanap ng pag-ibig, pero di pa rin nila ito matagpuan. Samantalang ikaw na may boyfriend o girlfriend, ay higit na masuwerte.

  • There’s no such thing as “love at first sight,” pero puwedeng magka-crush sa kanya at first sight. Ang pag-ibig kasi ay nabubuo sa pagdaan ng panahon. Di tulad sa crush concept kung saan puwedeng magka-crush agad.
  • Kung siya ang tipong one of the kind, huwag mo nang pakawalan pa. Iyan siguro ang bagay na hindi naiintindihan ni Althea nang sinungitan niya si Chris (Love Advice No. 93). At iyan din ang pinagsisihan ni gal nang iwan niya ang lalaki (Love Advice No. 50). Mind you, mahirap maghanap ng lalaki na mabait, responsable, at masipag. Same goes sa mga lalaki.
  • Kung feel mo naman na nagseselos ka, try mong akitin ang lalaki. O haplusin din paminsan-minsan. Actually, effort mo na din iyan on your part. May mga tips akong binigay para diyan.
  • Kailangan ng mga babae ang matinding tapang para i-express ang feelings sa lalaki. Iyon ay kung gusto niya talaga si guy.

Kaya nga sinasabi ko ito: Pag di ka nag-open up ng feelings kay guy, tulad ng ginawa ni Kisses, wala ring mangyayari. Same goes sa mga lalaki.

  • Face the possibility na iwasan ka ng taong gusto mo, pag inamin mo ang feelings sa kanya. Maging totoo tayo dito, dahil hindi natin kontrolado ang emosyon nila. Mahirap timbangin ito lalo’t malaki ang risk na masira ang friendship niyo dahil lang sa pag-amin.
  • Bago makipag-break, “isipin kung kaya mo siyang makita na may kasamang iba.” Kasi sa totoo lang, suwerte na kung may babalikan ka. Pero hindi laging ganoon ang kaso. Baka pagbalik mo ay wala na ang feelings niya sa iyo. At baka pagbalik mo ay may kasama na siyang iba, na mas maganda pa ang hitsura at/o ugali sa iyo.
  • “If you can’t handle him/her at the worst, you don’t deserve him/her at the best.” Kung alam niya na sinamahan mo siya sa hirap, hindi ka niya iiwanan. At mas lalong titindi ang pag-ibig niya sa iyo.
  • Kung hindi kayang i-handle ang relationship, magpatulong sa magulang o kaibigan. Lalo pa’t kung hindi ka pa mature para sa pag-ibig. Iyan siguro ang dapat ginawa ng babae sa Love Advice No. 20, dahil nakikita ko na mali-mali ang mga desisyon niya pagdating sa pakikipagrelasyon.
  • Kailangan ng matinding pagpipigil lalo na pag sex ang usapan. Anong ibig sabihin? Sa usapang pang-kanto, ilagay sa lugar ang libog. Hindi yung tipong pag nag-init na ay magdedemand sa dalaga na makipag-sex.
  • Isa pang bagay: Ang pag-aasawa ay hindi parang kanin, na kapag napaso ay iluluwa na lang. Iyan ang isang bagay na madalas nakakalimutan natin ngayon. Kaya, hindi nakakagulat ang dami ng mga bata na kapos sa kalinga ng magulang, single moms/dads, o galing sa broken families.

5 thoughts on “Love Advice No. 104 (Lessons of Love)

  1. “Face the possibility na iwasan ka ng taong gusto mo, pag inamin mo ang feelings sa kanya. Maging totoo tayo dito, dahil hindi natin kontrolado ang emosyon nila.”—grabee awtsuuuu

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s