Ang Alamat ng Ampalaya

Sumagi na ba sa isip ninyo kung bakit mapait ang Ampalaya? Tara, kuwentuhan ko kayo:

Kilalanin natin si Tatang Pido, na isang magsasaka. Di tulad ng ibang magsasaka, gumagawa siya ng mga kanta, na inaawit niya sa tuwing magtatanim siya. Madalas, kapag aani na si Tatang Pido ng mga gulay, isinasama niya ang halos lahat ng mga gulay sa kanta niya.

Isang araw, may dumaan at nagustuhan ang boses ni Tatang Pido. Nakiusap siya na kung puwedeng isama ang orihinal na komposisyon tungkol sa mga tanim na gulay. Natuwa ang mga gulay at iba pang mga tanim sa narinig, at lahat ay gustong sumikat. Gusto din nilang mapasama sa Bahay Kubo.

Pero sa dami ng mga gustong mapasama sa kanta, kakaunti lang ang napili. Sila ay sina Singkamas, Talong, Sigarilyas, Mani, Sitaw, Bataw, Patani, at iba pa. Pero hindi napasama ang pinakasikat sa kanila – si Ampalaya. Siya kasi ang pinakamasarap na gulay sa kanilang bakuran.

Kawawang Ampalaya. Naging bitter na si Ampalaya dahil hindi siya napasama sa kantang Bahay Kubo.

Sa sobrang bitter niya, naging bitter siya hanggang sa pinakaloob niya.

Kaya nga nang nalaman ng mga tao na bitter talaga siya, merong mga umiiwas sa kanya. Pero marami ring mga tao na gusto siyang isahog.

At iyon ang dahilan kung bakit naging bitter na ang Ampalaya.


Featured Image Credit: Ampalaya hanging in garden.

Sinangag na Lugaw Recipe

Para sa recipe ngayong taon, magluluto tayo ng espesyal na pagkain: Sinangag na Lugaw Recipe.

Marami siguro ang magtataka sa ganitong klaseng dish. But anyway, tuturuan ko naman kayo kung paano lulutuin iyan. Sige, simulan na natin!


Ingredients:

  1. Kanin. Ito ang main ingredient sa recipe natin. Paano magkakaroon ng lugaw at sinangag kung walang kanin?
  2. Manok (chicken). As is, kasi ito ang isasahog natin sa lugaw. Pero puwede ring pagpira-pirasuhin kung ipiprito natin.
  3. Itlog (eggs). Para magdagdag ng kulay at lasa sa lugaw na lulutuin.
  4. Sibuyas (onions). Chopped into small bits.
  5. Onion chives. Optional ito, dahil magbibigay din ito ng dagdag na kulay sa dish.
  6. Bawang (garlic). Also chopped into pieces.
  7. Luya, o ginger. This will give added flavor sa dish na niluluto natin.
  8. Tubig. We will use this later.
  9. Cooking oil.
  10. Salt and pepper, to taste.

Paano lutuin? Simple lang.

  1. Sa isang kawali, ilagay ang mantika. Kahit hindi pa mainit, igisa ang sibuyas, bawang, at luya. Sunod ang pira-pirasong manok. Haluin hanggang sa maluto nang bahagya.
  2. Ilagay ang kanin at onion chives. Magbudbod ng asin, vetsin, at iba pang pampalasa. Saka haluin.
  3. Ilagay ang sabaw. Pakuluin.
  4. Oras na kumulo, ilagay ang hilaw na itlog sa sabaw. Magbibigay ito ng dagdag na lapot sa dish na niluluto natin.
  5. Tikman ang lugaw. Magdagdag ng sangkap ayon sa panlasa. Pakuluin uli bago patayin ang apoy. The Sinigang na Lugaw Recipe is now ready to be served.

Salamat sa pagsubaybay sa recipes ng may-akda at sa site na ito. Sana may natutunan din kayo na bago sa dish na ito. Tamang-tama ito, lalo na’t lumalamig na ang panahon, at tag-ulan na. Happy cooking!

(Note: For those who only know English, don’t worry. We will provide a direct translation for this recipe. Stay tuned.)


Featured Image Credit: Rice in Soup, for illustrative purposes only.