Ang Alamat ng Ampalaya

Sumagi na ba sa isip ninyo kung bakit mapait ang Ampalaya? Tara, kuwentuhan ko kayo:

Kilalanin natin si Tatang Pido, na isang magsasaka. Di tulad ng ibang magsasaka, gumagawa siya ng mga kanta, na inaawit niya sa tuwing magtatanim siya. Madalas, kapag aani na si Tatang Pido ng mga gulay, isinasama niya ang halos lahat ng mga gulay sa kanta niya.

Isang araw, may dumaan at nagustuhan ang boses ni Tatang Pido. Nakiusap siya na kung puwedeng isama ang orihinal na komposisyon tungkol sa mga tanim na gulay. Natuwa ang mga gulay at iba pang mga tanim sa narinig, at lahat ay gustong sumikat. Gusto din nilang mapasama sa Bahay Kubo.

Pero sa dami ng mga gustong mapasama sa kanta, kakaunti lang ang napili. Sila ay sina Singkamas, Talong, Sigarilyas, Mani, Sitaw, Bataw, Patani, at iba pa. Pero hindi napasama ang pinakasikat sa kanila – si Ampalaya. Siya kasi ang pinakamasarap na gulay sa kanilang bakuran.

Kawawang Ampalaya. Naging bitter na si Ampalaya dahil hindi siya napasama sa kantang Bahay Kubo.

Sa sobrang bitter niya, naging bitter siya hanggang sa pinakaloob niya.

Kaya nga nang nalaman ng mga tao na bitter talaga siya, merong mga umiiwas sa kanya. Pero marami ring mga tao na gusto siyang isahog.

At iyon ang dahilan kung bakit naging bitter na ang Ampalaya.


Featured Image Credit: Ampalaya hanging in garden.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s