SB19 – GO UP: MV Review

Side Note: Sinisimulan ko na ang MV Reviews para sa lahat ng kanta ng Himig Handog 2019. Abangan.


Sa espesyal na MV Review, ating irereview ang isa pang grupo na SB19, sa kanilang awit na Go Up.

Sa mga nagtatanong, sila ang all-Filipino group na nakabase sa Korea. Ang mga members ay sina Sejun, Josh, Stell, Ken, at Justin, at managed sila ng ShowBT, isang Korean entertainment company. Ang format ng grupo ay puwedeng ihalintulad sa WayV ng SM Entertainment at Boy Story ng JYP.

Excited na ako, kasi for the first time ay irereview natin sila. Nakakaproud din na meron tayong mga Pinoy na involved sa ganitong uri ng musika. (Una na diyan sina Josh Bautista at Carlyn Ocampo ng Z-Boys at Z-Girls.)

Ang kuwento ay umiikot sa kanila na handang harapin ang lahat, patungo sa inaasam na pangarap. Dito nila itinuturo sa atin ang isang importanteng aral: Kahit na ilang ulit matumba, kailangan pa ring bumangon.

Sa ngayon, maganda na ipinakita nila kung ano ang nangyayari sa loob ng recording studio. Dito magkakaroon ng interes ang mga viewers kung paano ginagawa ang mga kanta.

Pagsusuri

Ginamit din ng grupo ang K-Pop vibe upang magkaroon ng bagong bihis ang awiting Pinoy. Meron din itong mga importanteng sangkap na meron sa mga K-Pop songs tulad ng rap, awit, at sayaw. So, ganito pala ang nararamdaman ng mga Koreano, na napapaindak sa kanilang awitin at naiintindihan ang liriko. Puwede na ito, pero suggested na magkaroon ng dagdag na upbeat sa tugtugin para mas maging exciting.

Malaking tulong din ang kantang “Go Up” lalo na sa mga K-Pop lovers na kukuha ng CPA Board Exam ngayong Oktubre. Magsisilbi rin itong inspirasyon sa kanila na abutin ang naturang pangarap.

Sana mapansin din ito ng mga TV at radio stations sa atin. Bakit? Dahil illan lamang ang mga Pinoy na nabibigyan ng chance na ma-feature sa international music.

Isa pang bagay: Kung titingnan ang kanilang hitsura, hindi naman sila ganoong kaguwapo. Pero dapat mas binibigyang-pansin ang talento kaysa sa hitsura. At base sa level of difficulty ng kanilang performance, may mararating ang kanilang talento sa mga susunod na taon. Iyan ang dapat nating abangan.

TweetNewscaster’s Overall Rating: 90.00%
Grade: A-
Assessment: Very Good

Scoreboard

Aspect   Criterion Points
Storyline 1 May kuwento 5
Storyline 2 May temang sinusunod 5
Appearance 3 Makulay/inilalahad ng kulay ang emosyon 5
Appearance 4 Magandang panoorin 5
Appearance 5 Walang Haloween, Easter, atbp. 5
Appearance 6 Walang bakas ng astrolohiya 5
Appearance 7 Di masyadong nakakatakot 5
Appearance 8 Di masyadong lantad na kasuotan 5
Music 9 Kapana-panabik 5
Music 10 Di lubhang nakakabingi 5
Dance 11 Madaling matutunan ng mga bagito 4
Dance 12 Hindi masyadong mahalay 5
Lessons 13 Malinaw ang aral 5
Lessons 14 May pakinabang dito ang mga manonood 4
Other Matters 15 May komedya/May emosyon 5
Other Matters 16 Patugtugin sa TV at/o radio 3
Other Matters 17 Review ng ibang website  
Other Matters 18 Pagsusuri ng MV sa kabuuan 5
Other Matters 19    

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s