I Belong To The Zoo – Ingat: MV Review

Sa ating ikatlong MV Review ng Himig Handog, ating suriin ang isang kanta na Ingat ng I Belong to the Zoo.

Sa unang tingin pa lang sa pangalan ng grupo, aakalain na iyon ay isang kanta. (Dahil nga sa parody ng Happy Birthday na may ganyang lyrics.) Actually, akala ko nga noong una ay kinanta ni Sana (ng TWICE) ang I Belong to the Zoo. Pero baliktad pala. Anyway, ating aalamin kung pasado sa panlasa ng may-akda si I Belong habang sinusuri natin ito. Sige, simulan na natin!

Umiikot ang kuwento sa dalawang magkaiba pero magkaugnay na kuwento. Sa gitna ng problemang hinaharap ng lalaki ngayon, binalikan niya ang alaala na nagsimula sa paglalakbay; tulad ng tulay, riles ng tren, at bangka. Bago iyan, dumating sa punto na kinailangan ng babae na lumisan.

Paano natin masasabi na magkaugnay ang dalawang kuwento (dalawang teenager at magsyota ngayon)? Nakaramdam kasi ang lalaki ng lungkot at hinagpis habang naroon siya sa lugar na iyon. Doon din sa lugar na iyon ay masaya sila sa isa’t isa.

Ang aral ng kuwento ay tungkol sa pagbibigay-halaga sa mga taong nagmamalasakit. Makikita ito sa babae noon na ginagawa ang lahat dahil importante siya sa kanya. Nagmalasakit din ang lalaki, kahit mukhang hindi na sila para sa isa’t isa. Mahal man o hindi, sinasabihan pa rin ang dalaga na mag-ingat.

Pagsusuri

Sa visuals, ipinakita din dito ang halaga ng simpleng buhay, kung saan walang anumang bakas ng modernong teknolohiya.

Slow motion reverse shot ang daloy ng kuwento. Mukhang teknikal ang wording, pero ito ang isang bagay na “stand-out” factor nila sa MV. Iyan ang mas nagpatingkad sa “throwback” message na gusto nilang iparating sa atin. Mapapansin ito sa lalaki na naglalakad pabalik, habang napapagitna ng mga siga at basagulero. Kasabay ng pagbalik sa nakaraan, bumabaliktad ang daloy ng pangyayari ng lalaki sa “present time”.

Pagdating sa musika, ang pre-chorus ay may marching beat, tapos bubulusok pababa. Inilarawan ng tugtugin ang feeling na ginagawa ang lahat upang maisalba ang relasyon, pero bandang huli ay walang magawa sa sitwasyon.

TweetNewscaster’s Overall Rating: 91.76%
Grade: A-
Assessment: Very Good

Scoreboard

Aspect   Criterion Points
Storyline 1 May kuwento 4
Storyline 2 May temang sinusunod 5
Appearance 3 Makulay/inilalahad ng kulay ang emosyon 4
Appearance 4 Magandang panoorin 4
Appearance 5 Walang Haloween, Easter, atbp. 5
Appearance 6 Walang bakas ng astrolohiya 5
Appearance 7 Di masyadong nakakatakot 5
Appearance 8 Di masyadong lantad na kasuotan 5
Music 9 Kapana-panabik/Nagsasaad ng emosyon 5
Music 10 Di lubhang nakakabingi 3
Dance 11 Madaling matutunan ng mga bagito
Dance 12 Hindi masyadong mahalay
Lessons 13 Malinaw ang aral 5
Lessons 14 May pakinabang dito ang mga manonood 5
Other Matters 15 May komedya/May emosyon 8
Other Matters 16 Patugtugin sa TV at/o radio 5
Other Matters 17 Review ng ibang website
Other Matters 18 Pagsusuri ng MV sa kabuuan 5
Other Matters 19 Kakaibang konsepto (slomo reverse shot) 5

Janella Salvador – Nung Tayo Pa: MV Review

Pagkatapos nating bigyan ng Love Advice si Janella Salvador, atin naman siyang suriin sa MV review ng Nung Tayo Pa. Ito ang ikalawa nating pagsusuri sa mga awitin ng Himig Handog 2019.

Sinimulan ang music video sa isang dalaga, na nag-ala Charo Santos. Habang nakaupo, ikinukuwento niya ang pag-ibig, mula sa suyuan at tampuhan hanggang sa hiwalayan.

Di man sabihin, ipinapaalala ng music video ang pagpapahalaga sa kalikasan. Isa pa, nagbibigay din ito ng aral na kailangang tuparin ang pangakong binitawan noong suyuan, o kahit pa sa panahon ng pakikipagrelasyon.

Pagsusuri

Ang tema na malinaw sa music video ay ito: Mahirap kalimutan at iwan ang nang-iwan sa atin, lalo’t siya pa ang tanging nagpapaligaya sa atin.

Makikita sa visuals ang special effects na taglay ni Jea. May magic na nagiging puno sa paglipas ng panahon. Siguro, gusto ni Jea na gumawa ng gubat, bilang “ganti” sa mga nang-iiwan sa kanya.

Natawa ako sa isang eksena sa 2:19 – 2:29, dahil dala-dala pa rin niya ang reaksyon niya sa Be Careful noon. Tingnan kung paano mag-react si Jea. Kahit paano, nagawa pa rin na isingit ang funny side sa music video para pagaanin ang loob ng mga viewers.

Pagdating sa musika, malapit ang tono sa kantang Alipin ni Morissette Amon. Mapapansin ito sa simula ng tugtugin.

TweetNewscaster’s Overall Rating: 94.12%
Grade: A+
Assessment: Excellent

Scoreboard

Aspect   Criterion Points
Storyline 1 May kuwento 4
Storyline 2 May temang sinusunod 5
Appearance 3 Makulay/inilalahad ng kulay ang emosyon 5
Appearance 4 Magandang panoorin 5
Appearance 5 Walang Haloween, Easter, atbp. 5
Appearance 6 Walang bakas ng astrolohiya 5
Appearance 7 Di masyadong nakakatakot 4
Appearance 8 Di masyadong lantad na kasuotan 5
Music 9 Kapana-panabik/Nagsasaad ng emosyon 5
Music 10 Di lubhang nakakabingi 4
Dance 11 Madaling matutunan ng mga bagito  
Dance 12 Hindi masyadong mahalay  
Lessons 13 Malinaw ang aral 4
Lessons 14 May pakinabang dito ang mga manonood 4
Other Matters 15 May komedya/May emosyon 10
Other Matters 16 Patugtugin sa TV at/o radio 5
Other Matters 17 Review ng ibang website  
Other Matters 18 Pagsusuri ng MV sa kabuuan 5
Other Matters 19 Pagkakahawig sa ibang kanta 5

Daniel Padilla & Moira Dela Torre – Mabagal: MV Review

Bilang bahagi ng paghahatid ng naiibang balita, susuriin ng TweetNewscaster ang lahat ng music videos ng Himig Handog 2019.

Sisimulan ito ngayong Setyembre, at matatapos ito pag nakumpleto ang review ng lahat ng 12 kanta. Ang unang review ay sisimulan kay Daniel at Moira.


Umiikot ang kuwento sa isang lola na binabalikan ang masayang nakaraan. Doon niya kasi nakita ang lalaki na nagpatibok ng kanyang puso. Tanging hiling lamang niya, maisayaw siya nang mabagal tulad ng dati.

Higit pa sa sayaw, ipinapakita ang aral na kailangang dahan-dahanin at lasapin ang mga magandang alaala, kahit na bumibilis ang oras. Samantala, magigising nito ang interes ng marami sa buhay ng mga magulang at/o lolo’t lola natin, at kung paano sila nabubuhay noon.

Pagsusuri

Ang awit ay halaw sa 50s/60s vibe na may halong kaunting 70s. Iniaayon ang Mabagal sa iba pang mga awitin na sadyang sinasayaw sa mga dancing halls o sa mga bahay noon. Mula visuals hanggang sa awit, may feel-good vibe na mararamdaman dito sa music video.

Pagdating sa vocals, mapupuna ang kakaibang approach nina Daniel at Moira sa Mabagal. Swak ang boses ni Moira sa “calm mode” na hinihingi ng awitin. Para kay DJ, matagal nang kilala si DJ sa rock genre, pero ipinakita niya na puwede siya sa ballad. Maigi na rin ang pagdiskubre sa ibang talento para lumago ang kanilang career.

Sa visuals naman, given na ang limitasyon ng space sa second floor ng bahay. Mas maigi sana kung ito ay ginawa sa mga lumang gusali noon para mas ma-feel ang “throwback” vibes. And speaking of throwback, iba ang approach: Sa halip na i-feature sila na sumasayaw noong mga bata pa (tulad ng El Bimbo), sumasayaw sila bilang lolo at lola.

Kapansin-pansin din na isinasama ng dalawa sina Kathryn Bernardo at Jason Fernandez. Dito pa lang ay malinaw gusto rin silang maisayaw nang mabagal.

TweetNewscaster’s Overall Rating: 94.44%
Grade: A+
Assessment: Excellent

Scoreboard

Aspect   Criterion Points
Storyline 1 May kuwento 5
Storyline 2 May temang sinusunod 5
Appearance 3 Makulay/inilalahad ng kulay ang emosyon 4
Appearance 4 Magandang panoorin 5
Appearance 5 Walang Haloween, Easter, atbp. 5
Appearance 6 Walang bakas ng astrolohiya 5
Appearance 7 Di masyadong nakakatakot 5
Appearance 8 Di masyadong lantad na kasuotan 5
Music 9 Kapana-panabik/Nagsasaad ng emosyon 4
Music 10 Di lubhang nakakabingi 5
Dance 11 Madaling matutunan ng mga bagito 5
Dance 12 Hindi masyadong mahalay 5
Lessons 13 Malinaw ang aral 5
Lessons 14 May pakinabang dito ang mga manonood 4
Other Matters 15 May komedya/May emosyon 8
Other Matters 16 Patugtugin sa TV at/o radio 5
Other Matters 17 Review ng ibang website  
Other Matters 18 Pagsusuri ng MV sa kabuuan 5
Other Matters 19