Alekzandra – Alaala: MV Review

Para sa ating ikalimang pagsusuri sa Himig Handog 2019, tunghayan natin ang interpretasyon ng Alaala ni Alekzandra.

Ang kuwento ay nagsisimula sa kuwento ng magsyota. Sila ay nagsuyuan sa isang liblib na lugar sa nayon. Sa pag-iisa ng babae, inaala niya ang mga panahong kasama ang kasintahan.

Sa ngayon, ang aral na puwedeng mabanaag dito ay tulad ng isang apoy. Posibleng mamatay ang relasyon pag di inalagaan, tulad ng apoy na namamatay pag di binantayan. Pero maiiwan pa rin ang abo ng alaala. Mapupukaw nito ang interes ng mga viewers sa pag-alaga sa kalikasan, pati na rin ang halaga ng paglalakbay sa nayon.

Pagsusuri

Pagdating sa musika, nangingibabaw ang mala-gitarang tugtugin. Ito ay nabibigyan ng dagdag na “texture” ng iba pang instrumentals. Sa daloy nito, may transition mula sa kalmanteng tono, at pagkatapos papunta sa rock tune bago matapos ang awit. Saka pa lamang idinagdag ang tono nito sa huling chorus.

Ipinahihiwatig ng MV na kahit matapos ang relasyon, mananatili siya sa kanyang isip, at na ito ang kanyang sasauluhin. Dito niya inisa-isa kung ano ang nangyari sa kanila noon. Sa paglisan ng kapareha, dadalhin niya ang lahat ng alaala kasama siya habambuhay.

Kulang pa ang effects o dagdag na kuwento, na magsasabi sana kung alin ang panahon ng “alaala” at alin ang “nangyayari ngayon”. Kasi, sa unang tingin, aakalain na ito ay nangyayari ngayon. Ito sana ang dapat nilang mapahusay, sakaling gamitin ulit ang konsepto ng “alaala.”

TweetNewscaster’s Overall Rating: 91.25%
Grade: A-
Assessment: Very Good

Scoreboard

Aspect   Criterion Points
Storyline 1 May kuwento 4
Storyline 2 May temang sinusunod 5
Appearance 3 Makulay/inilalahad ng kulay ang emosyon 4
Appearance 4 Magandang panoorin 5
Appearance 5 Walang Haloween, Easter, atbp. 5
Appearance 6 Walang bakas ng astrolohiya 5
Appearance 7 Di masyadong nakakatakot 5
Appearance 8 Di masyadong lantad na kasuotan 4
Music 9 Kapana-panabik/Nagsasaad ng emosyon 5
Music 10 Di lubhang nakakabingi 5
Dance 11 Madaling matutunan ng mga bagito  
Dance 12 Hindi masyadong mahalay  
Lessons 13 Malinaw ang aral 5
Lessons 14 May pakinabang dito ang mga manonood 5
Other Matters 15 May komedya/May emosyon 7
Other Matters 16 Patugtugin sa TV at/o radio 5
Other Matters 17 Review ng ibang website  
Other Matters 18 Pagsusuri ng MV sa kabuuan 4
Other Matters 19    

Alex Gonzaga – Please Lang (ft. Toni Gonzaga): MV Review

Sa ating ikaapat na pagsusuri sa mga awitin ng Himig Handog, ating suriin ang performance ni Alex Gonzaga, sa interpretasyon ng awiting Please Lang.

Sinimulan ang kuwento sa mag-ina na nanood ng TV. Habang nanood, naiisip ng dalaga na siya ay nasa TV na iyon. Iniisip niya na kapag naroon siya sa eksena, doon pa lang siya magkakaroon ng happy ending.

May lakip na aral na puwedeng makuha sa awit na ito. Una, ang reyalidad na hindi sa lahat ng oras, kusang darating ang pag-ibig. At isa pa, sa lahat ng time na binuhos niya sa ibang tao, wala namang masama kung magkajowa naman siya.

Samantala, nakakatawa ang nasa 1:41 – 2:10, kung saan ginaya ang eksena sa She’s Dating The Gangster. Ang mas nakakatawa ay nasa 3:19, kung saan kinain ng dalaga ang papel. Tingnan ang reaksyon sa kanyang mukha.

Pagsusuri

May mga bagay na dapat i-improve. Hindi ko nagustuhan ang pag-feature sa movie ng Feng Shui, lalo na sa 2:27 – 2:43, dahil hindi ako mahilig sa horror films. Isa pang bawas puntos ay ang pag-feature sa bagwa. Actually, hindi ito dapat pini-feature sa MVs.

Isa pang kulang sa MV na hindi itinampok si Toni Gonzaga, kahit ilang saglit lang. Kahit maliit na bagay, mukhang unfair naman ito para sa kanya na ibinigay ang kaunting boses sa awitin.

Merong eksena kung saan pinipilit na buksan ang pinto na puno ng love notes, pero wala pa rin (3:11 – 3:13). Laman ng love notes ang mga pick-up lines (3:03). Ano kaya ang mensahe na nais iparating sa atin? May mga oras na napapagod tayo na buksan ang kanyang puso, kahit ulit-ulitin ang pagkumbinsi na mahalin siya.

Ilang konsepto ang ginamit sa paggawa ng video na ito. Halimbawa, ginamit ng MV ang ilang eksena sa pelikula, tulad ng SDTG at One More Chance (2:16 – 2:27). At sa simula ng video, halos katunog lang ito ng “Oh Babe” ng Jeremiah (0:11 – 0:21).

TweetNewscaster’s Overall Rating: 77.50%
Grade: F
Assessment: Failed

Scoreboard

Aspect   Criterion Points
Storyline 1 May kuwento 5
Storyline 2 May temang sinusunod 5
Appearance 3 Makulay/inilalahad ng kulay ang emosyon 5
Appearance 4 Magandang panoorin 2
Appearance 5 Walang Haloween, Easter, atbp. 1
Appearance 6 Walang bakas ng astrolohiya 1
Appearance 7 Di masyadong nakakatakot 1
Appearance 8 Di masyadong lantad na kasuotan 5
Music 9 Kapana-panabik 5
Music 10 Di lubhang nakakabingi 5
Dance 11 Madaling matutunan ng mga bagito  
Dance 12 Hindi masyadong mahalay  
Lessons 13 Malinaw ang aral 5
Lessons 14 May pakinabang dito ang mga manonood 4
Other Matters 15 May komedya/May emosyon 10
Other Matters 16 Patugtugin sa TV at/o radio 5
Other Matters 17 Review ng ibang website  
Other Matters 18 Pagsusuri ng MV sa kabuuan 3
Other Matters 19