Davey Langit – Simula Ng Dulo: MV Review

Tunghayan natin sa ikawalong awitin ng Himig Handog ang Simula ng Dulo, na binigyang-himig ni Davey Langit. Sa mga hindi nakakaalam, siya rin ang singer sa likod ng awiting Selfie Song kasama ang Jamich.

Umiikot ang kuwento sa nawalang pagmamahal ng magkasintahan, kahit na magkatabi. Di man parehong nagsasalita, may tensiyon na lumilitaw sa loob ng isa’t isa, na sasabog lang mamaya sa 2:13 – 2:37 at sa 3:24 – 3:27. Sa buong MV mapapansin ang unti-unting paglayo ng loob sa isa’t isa.

Pagsusuri

Maganda rin ang aral na ipinarating ng awit sa atin. Kung may problema, mas mabuting pag-usapan muna kaysa ito pa ang maging sanhi ng hiwalayan.

Pagdating sa musika nito, mapapansin na boses na ang umaalalay sa buong kanta. Sa simula hanggang sa interlude ng awitin, sobrang angat ang boses, na nasasapawan ang kalmadong instrumentals hanggang sa puntong iyon. Pagsapit ng interlude, doon na aangat ang instrumentals bago muling magiging kalmante sa huling chorus.

Dagdag bentahe para kay Davey na isama ang rap part (3:14 – 3:36). Ito ang magbibigay ng buhay at kulay sa awitin, at ito rin ang magpapagising sa mga tao na laging nakikinig ng mga malungkot na awit.

TweetNewscaster’s Overall Rating: 89.41%
Grade: B+
Assessment: Good

Scoreboard

Aspect   Criterion Points
Storyline 1 May kuwento 5
Storyline 2 May temang sinusunod 4
Appearance 3 Makulay/inilalahad ng kulay ang emosyon 3
Appearance 4 Magandang panoorin 5
Appearance 5 Walang Haloween, Easter, atbp. 5
Appearance 6 Walang bakas ng astrolohiya 5
Appearance 7 Di masyadong nakakatakot 5
Appearance 8 Di masyadong lantad na kasuotan 5
Music 9 Kapana-panabik/Nagsasaad ng emosyon 4
Music 10 Di lubhang nakakabingi 5
Dance 11 Madaling matutunan ng mga bagito  
Dance 12 Hindi masyadong mahalay  
Lessons 13 Malinaw ang aral 5
Lessons 14 May pakinabang dito ang mga manonood 1
Other Matters 15 May komedya/May emosyon 9
Other Matters 16 Patugtugin sa TV at/o radio 5
Other Matters 17 Review ng ibang website  
Other Matters 18 Pagsusuri ng MV sa kabuuan 5
Other Matters 19 Dagdag na rap 5

Eamarie – Ikaw At Linggo: MV Review

Para sa ikapitong awit ng Himig Handog 2019, ating suriin ang interpretasyon ng Ikaw at Linggo ni Eamarie.

Sinimulan ang kuwento sa magkasintahan na sumasayaw araw at gabi. Hanggang sa isang araw, na hindi na nagising ang lalaki sa pagkakatulog. Ang totoo, namatay siya. Iyon na ang nagsilbing huling linggo na magkasama sila. Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggap ng dalaga ang pagkawala ng lalaki.

Pagsusuri

May kaunting aral na makikita dito, tulad ng reyalidad tungkol sa pag-iisa, kung saan lahat tayo ay pupunta sa ganyang punto. Isa pang aral ay ang pag-alaga sa mga tao at paglikha ng masasayang alaala habang nabubuhay pa. Samantala, dinadala ng MV ang mga viewers sa kasaysayan, kung saan makikita ang lumang radyo, pati na rin ang antigong bahay.

Umiikot ang tema sa iba’t ibang kahulugan ng salitang “espesyal” o “natatangi”. Una, natatangi ang lalaki sa puso niya. Isa pa, espesyal ang araw ng Linggo sa kanilang dalawa, dahil ito ang araw kung saan tinatampok ang kanilang nakaraan, tulad ng lumang bahay at lumang awitin. Normal na kasi sa atin na mapatugtog ang mga lumang awitin tuwing Linggo.

Malinaw din ang ipinakitang mensahe, na tulad ng mga lumang awitin, ang pag-ibig ng dalaga ay hindi pa rin kumukupas.

Kapansin-pansin din na itinulad ang reverse shot (2:46 – 3:00) sa Ingat ng I Belong To The Zoo. May pagkakaiba lang sa kung gaano kabilis silang tino-throwback.

TweetNewscaster’s Overall Rating: 91.76%
Grade: A-
Assessment: Very Good

Scoreboard

Aspect   Criterion Points
Storyline 1 May kuwento 5
Storyline 2 May temang sinusunod 5
Appearance 3 Makulay/inilalahad ng kulay ang emosyon 4
Appearance 4 Magandang panoorin 5
Appearance 5 Walang Haloween, Easter, atbp. 5
Appearance 6 Walang bakas ng astrolohiya 5
Appearance 7 Di masyadong nakakatakot 3
Appearance 8 Di masyadong lantad na kasuotan 5
Music 9 Kapana-panabik/Nagsasaad ng emosyon 4
Music 10 Di lubhang nakakabingi 5
Dance 11 Madaling matutunan ng mga bagito  
Dance 12 Hindi masyadong mahalay  
Lessons 13 Malinaw ang aral 5
Lessons 14 May pakinabang dito ang mga manonood 5
Other Matters 15 May komedya/May emosyon 7
Other Matters 16 Patugtugin sa TV at/o radio 5
Other Matters 17 Review ng ibang website  
Other Matters 18 Pagsusuri ng MV sa kabuuan 5
Other Matters 19 Pagkakahalintulad sa MV ng ibang awitin 5

Janine Berdin – Sa’yong Mundo: MV Review

Tampok sa ikaanim na pagsusuri ng mga awitin ng Himig Handog 2019 ang kay Janine Berdin, sa kanyang awitin na Sa’yong Mundo.

Nagsimula ang kuwento sa isang babae na naghihintay at umaasa sa pagbabalik. Habang tumatagal, unti-unti siyang nawawalan ng pag-asa na makakabalik ang lalaki. Sinubukan niyang ilubog ang sarili, pati na rin ang ibang bagay na nagpapaalala sa kanilang relasyon, hanggang sa nakitang muli ang lalaki. Bandang huli, inilubog ang baul ng alaala nilang dalawa.

Pagsusuri

Tinuturo ng MV sa atin na sa bawat araw, lumalayo ang hakbang palayo sa puso. Na darating din ang araw na hindi na hahanapin ang pag-ibig, dahil nakakapagod rin ang masaktan. (Bigla kong naalala dito ang isang love problem sa Dear MOR na halos ganito din ang sitwasyon.)

Inilalarawan sa music video ang estado ng pagiging lugmok sa pag-ibig, at ang paraan para makabangon dito. Sa paglubog niya, iniwan niya ang mga bagay na related sa kanilang dalawa, tulad ng baul, larawan, at kuwintas. Ibinabaon niya ang lahat ng ito sa tubig para di na alalahanin pa.

Pagdating sa musika, mapapansin na palaging ginagamit ang cymbals sa maraming bahagi ng video. Dagdag pa rito ang slow rock na madidinig sa buong chorus.

TweetNewscaster’s Overall Rating: 92.50%
Grade: A-
Assessment: Very Good

Scoreboard

Aspect   Criterion Points
Storyline 1 May kuwento 5
Storyline 2 May temang sinusunod 5
Appearance 3 Makulay/inilalahad ng kulay ang emosyon 5
Appearance 4 Magandang panoorin 5
Appearance 5 Walang Haloween, Easter, atbp. 5
Appearance 6 Walang bakas ng astrolohiya 5
Appearance 7 Di masyadong nakakatakot 5
Appearance 8 Di masyadong lantad na kasuotan 5
Music 9 Kapana-panabik/Nagsasaad ng emosyon 5
Music 10 Di lubhang nakakabingi 4
Dance 11 Madaling matutunan ng mga bagito  
Dance 12 Hindi masyadong mahalay  
Lessons 13 Malinaw ang aral 5
Lessons 14 May pakinabang dito ang mga manonood 3
Other Matters 15 May komedya/May emosyon 7
Other Matters 16 Patugtugin sa TV at/o radio 5
Other Matters 17 Review ng ibang website  
Other Matters 18 Pagsusuri ng MV sa kabuuan 5
Other Matters 19