Davey Langit – Simula Ng Dulo: MV Review

Tunghayan natin sa ikawalong awitin ng Himig Handog ang Simula ng Dulo, na binigyang-himig ni Davey Langit. Sa mga hindi nakakaalam, siya rin ang singer sa likod ng awiting Selfie Song kasama ang Jamich.

Umiikot ang kuwento sa nawalang pagmamahal ng magkasintahan, kahit na magkatabi. Di man parehong nagsasalita, may tensiyon na lumilitaw sa loob ng isa’t isa, na sasabog lang mamaya sa 2:13 – 2:37 at sa 3:24 – 3:27. Sa buong MV mapapansin ang unti-unting paglayo ng loob sa isa’t isa.

Pagsusuri

Maganda rin ang aral na ipinarating ng awit sa atin. Kung may problema, mas mabuting pag-usapan muna kaysa ito pa ang maging sanhi ng hiwalayan.

Pagdating sa musika nito, mapapansin na boses na ang umaalalay sa buong kanta. Sa simula hanggang sa interlude ng awitin, sobrang angat ang boses, na nasasapawan ang kalmadong instrumentals hanggang sa puntong iyon. Pagsapit ng interlude, doon na aangat ang instrumentals bago muling magiging kalmante sa huling chorus.

Dagdag bentahe para kay Davey na isama ang rap part (3:14 – 3:36). Ito ang magbibigay ng buhay at kulay sa awitin, at ito rin ang magpapagising sa mga tao na laging nakikinig ng mga malungkot na awit.

TweetNewscaster’s Overall Rating: 89.41%
Grade: B+
Assessment: Good

Scoreboard

Aspect   Criterion Points
Storyline 1 May kuwento 5
Storyline 2 May temang sinusunod 4
Appearance 3 Makulay/inilalahad ng kulay ang emosyon 3
Appearance 4 Magandang panoorin 5
Appearance 5 Walang Haloween, Easter, atbp. 5
Appearance 6 Walang bakas ng astrolohiya 5
Appearance 7 Di masyadong nakakatakot 5
Appearance 8 Di masyadong lantad na kasuotan 5
Music 9 Kapana-panabik/Nagsasaad ng emosyon 4
Music 10 Di lubhang nakakabingi 5
Dance 11 Madaling matutunan ng mga bagito  
Dance 12 Hindi masyadong mahalay  
Lessons 13 Malinaw ang aral 5
Lessons 14 May pakinabang dito ang mga manonood 1
Other Matters 15 May komedya/May emosyon 9
Other Matters 16 Patugtugin sa TV at/o radio 5
Other Matters 17 Review ng ibang website  
Other Matters 18 Pagsusuri ng MV sa kabuuan 5
Other Matters 19 Dagdag na rap 5

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s