Para sa ikapitong awit ng Himig Handog 2019, ating suriin ang interpretasyon ng Ikaw at Linggo ni Eamarie.
Sinimulan ang kuwento sa magkasintahan na sumasayaw araw at gabi. Hanggang sa isang araw, na hindi na nagising ang lalaki sa pagkakatulog. Ang totoo, namatay siya. Iyon na ang nagsilbing huling linggo na magkasama sila. Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggap ng dalaga ang pagkawala ng lalaki.
Pagsusuri
May kaunting aral na makikita dito, tulad ng reyalidad tungkol sa pag-iisa, kung saan lahat tayo ay pupunta sa ganyang punto. Isa pang aral ay ang pag-alaga sa mga tao at paglikha ng masasayang alaala habang nabubuhay pa. Samantala, dinadala ng MV ang mga viewers sa kasaysayan, kung saan makikita ang lumang radyo, pati na rin ang antigong bahay.
Umiikot ang tema sa iba’t ibang kahulugan ng salitang “espesyal” o “natatangi”. Una, natatangi ang lalaki sa puso niya. Isa pa, espesyal ang araw ng Linggo sa kanilang dalawa, dahil ito ang araw kung saan tinatampok ang kanilang nakaraan, tulad ng lumang bahay at lumang awitin. Normal na kasi sa atin na mapatugtog ang mga lumang awitin tuwing Linggo.
Malinaw din ang ipinakitang mensahe, na tulad ng mga lumang awitin, ang pag-ibig ng dalaga ay hindi pa rin kumukupas.
Kapansin-pansin din na itinulad ang reverse shot (2:46 – 3:00) sa Ingat ng I Belong To The Zoo. May pagkakaiba lang sa kung gaano kabilis silang tino-throwback.
TweetNewscaster’s Overall Rating: 91.76%
Grade: A-
Assessment: Very Good
Scoreboard
Aspect | Criterion | Points | |
Storyline | 1 | May kuwento | 5 |
Storyline | 2 | May temang sinusunod | 5 |
Appearance | 3 | Makulay/inilalahad ng kulay ang emosyon | 4 |
Appearance | 4 | Magandang panoorin | 5 |
Appearance | 5 | Walang Haloween, Easter, atbp. | 5 |
Appearance | 6 | Walang bakas ng astrolohiya | 5 |
Appearance | 7 | Di masyadong nakakatakot | 3 |
Appearance | 8 | Di masyadong lantad na kasuotan | 5 |
Music | 9 | Kapana-panabik/Nagsasaad ng emosyon | 4 |
Music | 10 | Di lubhang nakakabingi | 5 |
Dance | 11 | Madaling matutunan ng mga bagito | |
Dance | 12 | Hindi masyadong mahalay | |
Lessons | 13 | Malinaw ang aral | 5 |
Lessons | 14 | May pakinabang dito ang mga manonood | 5 |
Other Matters | 15 | May komedya/May emosyon | 7 |
Other Matters | 16 | Patugtugin sa TV at/o radio | 5 |
Other Matters | 17 | Review ng ibang website | |
Other Matters | 18 | Pagsusuri ng MV sa kabuuan | 5 |
Other Matters | 19 | Pagkakahalintulad sa MV ng ibang awitin | 5 |