Joan Da – Sasabihin Ko: MV Review

Sa ikasiyam na pagsusuri ng mga awitin ng Himig Handog 2019, atin namang suriin ang interpretasyon ng Sasabihin Ko ni Joan Da.

Ang kuwento ay umiikot sa magkasintahan na magkasamang naglalakad sa parke. Sa kanilang pag-uusap, dumating ang mga siga, na hinahamon ang lalaki. Nagkaroon ng gitgitan at awayan, kung saan nabugbog ang lalaki. Malungkot ang naging wakas nang saksakin siya, bagay na hindi matanggap ng dalaga.

Makikita sa MV ang halaga ng pagiging committed kahit anong mangyari. At na “sa hirap ma’y magkakahawak-kamay.” Importante ito, lalo na sa panahon ngayon na humihina ang moralidad. Malinaw ang aral sa music video, na pinaghahawakan ng babae ang pag-ibig hanggang sa huli.

Isa pang importanteng aral ay ang pag-amin ng nararamdaman habang maaga pa. At maging totoo sa feelings. Dahil hindi natin alam kung kailan siya mawawala sa atin, o kung kailan wala na ang feelings niya sa atin.

Pagsusuri

Sa musika, nakakagaan ng mood ang napiling instrumentals. Idagdag pa ang hagod na ginamit sa pagkanta, pati na rin ang mala-suspense na tugtog sa simula ng video.

Higit sa lahat, very impressive ang cute na boses na madidinig sa MV. Swak din ang timpla ng buong kanta: ang guitary at rock tune ng tugtugin ay tamang-tama sa maastig at kalmadong boses ni Joan Da.

Mema lang, kamukha ng babae (André Brouillette) si Pinky Webb sa isang anggulo, lalo sa simula ng video.

TweetNewscaster’s Overall Rating: 95.00%
Grade: A+
Assessment: Excellent

Scoreboard

Aspect   Criterion Points
Storyline 1 May kuwento 5
Storyline 2 May temang sinusunod 5
Appearance 3 Makulay/inilalahad ng kulay ang emosyon 5
Appearance 4 Magandang panoorin 5
Appearance 5 Walang Haloween, Easter, atbp. 5
Appearance 6 Walang bakas ng astrolohiya 5
Appearance 7 Di masyadong nakakatakot 5
Appearance 8 Di masyadong lantad na kasuotan 5
Music 9 Kapana-panabik 4
Music 10 Di lubhang nakakabingi 5
Dance 11 Madaling matutunan ng mga bagito  
Dance 12 Hindi masyadong mahalay  
Lessons 13 Malinaw ang aral 5
Lessons 14 May pakinabang dito ang mga manonood 4
Other Matters 15 May komedya/May emosyon 8
Other Matters 16 Patugtugin sa TV at/o radio 5
Other Matters 17 Review ng ibang website  
Other Matters 18 Pagsusuri ng MV sa kabuuan 5
Other Matters 19    

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s