Vanya Castor – Paano Ba: MV Review

Pagkatapos nito, sisimulan na natin ang pagsusuri sa Himig Handog ngayong 2019. Doon natin pag-uusapan kung ano ang dapat pang paghusayan ng Himig Handog sa mga susunod na taon.


Sa ating huling pagsusuri sa mga kanta ng Himig Handog, ating talakayin ang interpretasyon ng Paano Ba ni Vanya Castor.

Umiikot ang kuwento sa isang babae, na naglalakbay sa isang campus. Doon niya nakilala ang lalaki, na inilaan ang moments kasama siya. Sa kasong ito, nalilito na siya kung ipaglalaban ang damdamin o hindi. Paano ba dapat siyang kalimutan?

Pagsusuri

Ipinapaalala ng MV ang reyalidad na hindi basta-basta makakalimutan ang isang tao na minsang nagpatibok ng puso. Samantala, malaking tulong ang pagtugtog ng piano sa 2:33 – 2:44. Sana makonsidera ng mga manonood ang piano bilang dagdag na libangan.

Sa visuals, humihiram ang MV ng konsepto ng interpretative dance mula kay Justin Vasquez. Pagdating sa musika, mapapansin na laging ginagamit ang percussion instruments, pati ang gitara. Nagustuhan ko ang sparkling tune ng gitara, na maririnig sa 3:50 – 3:54.

Sa build-up ng awit, nakulangan ako sa ending ng kanta. Kulang ito ng mahinang tinig, na magsasabi na ito na ang wakas ng awit.

TweetNewscaster’s Overall Rating: 90.00%
Grade: A-
Assessment: Very Good

Scoreboard

Aspect   Criterion Points
Storyline 1 May kuwento 5
Storyline 2 May temang sinusunod 4
Appearance 3 Makulay/inilalahad ng kulay ang emosyon 4
Appearance 4 Magandang panoorin 5
Appearance 5 Walang Haloween, Easter, atbp. 5
Appearance 6 Walang bakas ng astrolohiya 5
Appearance 7 Di masyadong nakakatakot 5
Appearance 8 Di masyadong lantad na kasuotan 5
Music 9 Kapana-panabik/Nagsasaad ng emosyon 4
Music 10 Di lubhang nakakabingi 5
Dance 11 Madaling matutunan ng mga bagito  
Dance 12 Hindi masyadong mahalay  
Lessons 13 Malinaw ang aral 4
Lessons 14 May pakinabang dito ang mga manonood 5
Other Matters 15 May komedya/May emosyon 7
Other Matters 16 Patugtugin sa TV at/o radio 5
Other Matters 17 Review ng ibang website  
Other Matters 18 Pagsusuri ng MV sa kabuuan 4
Other Matters 19    

TJ Monterde – Panandalian: MV Review

Sa ikalabing-isang pagsusuri sa mga awitin ng Himig Handog 2019, ating pag-usapan ang Panandalian, na binigyang-buhay ni TJ Monterde.

Ikinukuwento ang buhay ng isang migrante, na pag-uwi ay pinanood ang mga VHS. Sa simula ay masaya siya, at pagkatapos ay lulungkot pagsapit ng Pasko. Aabot sa punto na siya’y iiyak hanggang sa maabot ang sira-sirang VHS at aalis na ng bahay.

Pagsusuri

Ipinapaala ng awit ang reyalidad na panandalian ang mga bagay, pati ang pag-ibig. Pero maiiwan pa rin ang mga alaala na maaring balikan. Malaking tulong ang pag-feature sa VHS sa simula ng MV, dahil marami na ang tila nakakalimot kung paano ito ginagamit. Magugunita nito kung ano ang mga libangan noon bago nauso ang mga gadgets na alam natin ngayon.

Simple lamang ang instrumentals na ginamit, na mala-gitara ang tono nito.

Pagdating sa visuals, ipinakita ng VHS ang ilang kabanata ng buhay kasama ang dalaga. Sinasagisag ng VHS na walang pamagat ang isang kabanata na dapat kalimutan – ang awayan at tampuhan. Doble naman ang kahulugan ng VHS na nasira ang spool: (1) di-magandang kabanata na di na dapat i-play, at (2) natapos na relasyon.

TweetNewscaster’s Overall Rating: 92.50%
Grade: A-
Assessment: Very Good

Scoreboard

Aspect   Criterion Points
Storyline 1 May kuwento 5
Storyline 2 May temang sinusunod 5
Appearance 3 Makulay/inilalahad ng kulay ang emosyon 4
Appearance 4 Magandang panoorin 5
Appearance 5 Walang Haloween, Easter, atbp. 5
Appearance 6 Walang bakas ng astrolohiya 5
Appearance 7 Di masyadong nakakatakot 5
Appearance 8 Di masyadong lantad na kasuotan 5
Music 9 Kapana-panabik/Nagsasaad ng emosyon 4
Music 10 Di lubhang nakakabingi 5
Dance 11 Madaling matutunan ng mga bagito  
Dance 12 Hindi masyadong mahalay  
Lessons 13 Malinaw ang aral 4
Lessons 14 May pakinabang dito ang mga manonood 5
Other Matters 15 May komedya/May emosyon 8
Other Matters 16 Patugtugin sa TV at/o radio 5
Other Matters 17 Review ng ibang website  
Other Matters 18 Pagsusuri ng MV sa kabuuan 4
Other Matters 19