Himig Handog 2019: MV Reviews and Assessment

Pag-uusapan natin sa artikulong ito kung ano ang dapat pang paghusayan ng Himig Handog sa mga susunod na taon.


Ngayong tapos na nating suriin ang lahat ng mga kanta ng Himig Handog, ating pag-usapan ang tungkol sa kabuuan ng musika na ginamit ngayon.

Marami sa mga awit ang binigyan ko ng mataas na marka. Ito ay dahil sa visuals na ginamit, at kinonsidera natin ang konteksto ng mga awit. Mas mataas pa nga kung tutuusin, dahil maluwag ako pagdating sa ganyang klase. Pero may mga bagay na dapat pang paghusayan. Atin itong gagawin para sa ikagaganda ng musikang Pinoy.

Personally, pinakagusto ko sa mga kanta ng Himig ay ang Mabagal nina Daniel at Moira, at ang Nung Tayo Pa ni Janella Salvador.

Improvements

Kung mapapansin ninyo, kakaunti lang ang nasasabi sa mga MV reviews. Ito ay dahil may mga kulang sa aspetong ito.

Sinasalamin ng musika kung ano tayo. Kung masayahin tayo, bakit kakaunti lang ang masasayang kanta? Bakit ba lagi itong tumatalakay sa sugatang puso?

Nakakamiss ang mga ganyang tipo sa Himig Handog noon, tulad ng Kahit Na ni Toni Gonzaga, Nasa Iyo Na Ang Lahat ni DJ, at Walang Basagan ng Trip ni Jugs at Teddy.

Isa pang bagay na kulang ay ang dagdag na special effects, na dapat sana’y magbibigay ng dagdag aliw at panlasa sa MV.

Bukod sa mga kinasanayang kuwento, ano pang bago at mas exciting na ibibigay pa sa atin? Bukod sa Please Lang ni Alex Gonzaga, na binigyan ng kakaibang rendisyon ang mga dating pelikula (SDTG, One More Chance).

Dito na papasok ang brainstorming ng mga konsepto, na magbibigay rin ng dagdag bentahe para sa Himig Handog. Dito sila makakabuo ng bagong istorya at magdagdag ng special effects.

Panghuli ay ang pagdagdag ng mga nakakatawang eksena, gaya ng Nung Tayo Pa at Please Lang. Ito sana ang magpapagaan ng mood ng mga manonood.

Next projects?

Sa mga susunod na kanta, dapat maghain sila ng mas exciting na tugtugin. Ito ang magbibigay ng gana at interes sa iba na lalong pakinggan ang ating himig.

Isa pang bagay: Hindi lang ito dapat ginagawa minsan sa isang taon. Kung tutuusin, dapat ito ay laging ginagawa. Bakit hindi gawin ito quarterly, o monthly? Dahil hindi tayo mauubusan ng mga kompositor na handang magbigay ng awit sa atin.

Sa panahon ngayon na matindi ang kompetisyon sa musika, kailangan din nating makipagsabayan. Kung maari, gayahin ang sistema na ginagamit sa ibang bansa. Walang masama doon. Doon tayo matututo sa kanila, at magagamit para mapahusay ang ating musika.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s