Condensed Tips for CPA Board Exam (Inspirational Message)

Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang lagay ng 12,417 examinees na hindi nakapasa sa CPA Board Exam nitong October 2019. Ito ay dahil sa sobrang baba ng national passing percentage (14.32%).

As promised, sinulat ko ulit ang tips regarding sa CPA Board Exam. May mga tips din na tinipon ko from netizens sa Accounting Coach PH. Pero ito ay specific sa mga bumagsak nitong May at October 2019 exam, na kukuha ulit next time. Sana makatulong din kahit paano.

  1. Assess yourself. Ano ba ang strengths at weakness mo? Ano ba ang mga opportunities at threats na available para sa iyo? Importante ito dahil doon ka didiskarte sa board exam. Ididiscuss ko sa isa pang artikulo kung ano ang mga iyan using SWOT analysis.
  2. Be always prepared. Aminin din natin na hindi talaga masusunod ang nasa TOS, dahil ito ay guide at overview lamang kung ano ang magiging laman ng exam. Isa pa, computer din ang pumipili ng mga tanong out of thousand questions na inilalagay sa test bank. Which is a technological limitation. Tinetest din ng ganitong sistema kung gaano tayo ka-prepared sa exam.

So, treat every subjects equally. Mag-focus sa mga mahihirap na lessons, at pasadahan na lamang ang mga madadali.

For instance, sa AFAR. Madali lang ang Partnership at Corpo Liquidation, so iyon ang pinasadahan ko. Focused lang ako noon sa Conso problems at Forex. Sa lahat ng subjects, madali ang theories since plain common sense lang naman iyan. Doon na ako nag-focus sa problems.

  1. Analyze, analyze, analyze. Paulit-ulit kong ineemphasize ito, since malaking factor ang analysis sa passing/failing score sa board exam. More on memorization, kailangang intindihin din kung paano gumagana ang mga accounting topics. Learn the “hows” and “whys” of most concepts sa accounting subjects.

Nang nagrereview ako, pumupunta muna ako sa basic concepts ng isang topic, let’s say PPE o intangibles. Saka na nakikinig maigi sa mga specifics like cash-generating unit o PPE swap. At that point inaalam namin kung bakit iyon ang tamang sagot, at kung anong specifics ang ginamit.

  1. Take notes and listen. Malaking tulong din ito lalo na sa mga working reviewees, granted na lagi tayong naghahabol ng oras. Eat full breakfast, and have snacks kung alam mong aantukin ka.

Consider also having index cards, lalo na sa mga complex topics. Ilista kung ano ang summary ng understanding mo sa isang topic. Depende na sa iyo kung ilang index cards ang gagamitin.

  1. Be creative. You are free to make up your own understanding of concepts. Or take weird concept form your reviewers/teachers. Nung time na nahihirapan ako sa interpretation ng Currency Translation sa AFAR, tinake-up ko ang concept ni Sir Ngina. Na pag Peso to Peso, ito ang gagamitin. Pero pag Peso to Oppa (meaning other currency), ibang method naman.
  1. Have fun. Marami sa mga reviewers ang makuwela at palabiro. Malaking tulong din ito upang mabawasan ang stress. Kung tumawa ang buong batch, kailangang tumawa ka rin.

Kung ikaw ay nasa ReSA, sagana diyan si Sir Gor. May inside joke nga na inabot ng 5-10 minutes ang tawanan. Sabi niya (non-verbatim):

“FLO (Financial Lease Obligation) ang gagamitin natin. Kay Chris, anong ginamit? Fl…Flower?”

Matindi ang itinawa namin, to the point na lumuha ako sa katatawa. Kahit paano, nabawasan ang stress na dala-dala namin.

  1. Do what you love and relax. Nalulungkot din ako sa isang examinee na sinakripisyo lahat, pati ang oras para sa good time, para lang maipasa ito. Tumanda na siya sa pag-aaral. Pero di pa rin pasado hanggang ngayon.

Darating din sa punto na hindi kailangang sobrang seryoso habang pinaghahandaan ang CPA Board Exam. No need na ikulong ang sarili o itigil ang lahat ng mga bagay na gusto mo. Dahil tuloy pa rin ang buhay.

Sa kaso ko, as usual pa rin ang ginagawa ko kahit nagrereview pa, tulad ng paglalaro ng computer games, Candy Crush, o blogging sa site. Nanood pa nga ako ng Jang Geum, Team Yey, Peppa Pig, at Pleasant Goat. The point is: Iisa lang ang buhay na meron tayo.

  1. Always pray. Nung mga time na nahihirapan ako sa review at sa paghahanap ng trabaho, wala akong makapitan. Doon ko na-realize na dapat laging humingi ng tulong sa Diyos. From that point, nagdadasal na ako. Hanggang ngayon.

Darating din sa punto na ipagkakaloob ng Panginoon ang matagal na hinihiling. Basta laging kumatok sa Kanya.

Yun lang ang mga simpleng tips para maipasa ito. Maikli ito dahil alam ko na iyon ang mas nakatatak sa marami sa atin. Good luck and God bless sa lahat ng kukuha ng board exam!

One thought on “Condensed Tips for CPA Board Exam (Inspirational Message)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s