Sa isang inspirational message, doon natin inilagay ang mga tips na specific para sa May/October 2019 CPA examinees. Dito natin isusulat ang SWOT analysis, na malaking tulong din para diskartehan ang pagpasa sa board exam.
So far, ito ang aking SWOT analysis, from the time na kinuha ko ang October 2016 exam till naipasa ko last May 2018. Ang Strengths and Weaknesses ay tungkol sa iyo lang, at iyon ang aspeto na kaya mo pang i-improve at baguhin (Internal Factors). Ang Opportunities and Threats ay hindi mo hawak, at manggagaling iyan sa ibang tao. Mahirap baguhin iyan (External Factors).
Feel free to add or subtract sa mga nakalista diyan, depende sa estado ng buhay mo ngayon. Sana makatulong ito para pagplanuhan ang life-changing goal sa buhay: ang maging CPA in the future.
Strengths:
- Establishing linkages sa mga kapwa reviewees.
- Laging nakikinig sa lectures at perfect sa attendance
- Faith in God
- Having general knowledge
Weakness:
- Mahinang kalooban
- Mahina pa ang kakayahang i-absorb ang concepts sa accounting
- Laging bumabagsak sa mga quizzes at exams
- Medyo disorganized sa pag-aaral
- Nahihirapang makahabol sa lectures
Opportunities:
- Di pa updated ang coverage ng CPA board exam sa ngayon, kumpara sa susunod na board exam.
- Maraming reviewees na handang tumulong
- Magandang review centers sa Maynila
- May trabaho related sa accounting
- Laging exposed sa reyalidad at sa kung paano gumagana ang sistema.
Threats:
- Low passing rate
- Changes on accounting syllabus
- Malayo ang bahay sa review center
- Kakulangan sa oras
- Kahirapan/kakulangan sa pera
- Teknolohiyang hawak ay kulang para makaagapay sa itinuturo (outdated cellphone at camera di tulad ng ibang reviewees).
Featured Image Credit: HR Journal of Myanmar.