Mango Flute Recipe

Good day, dear readers! Narito na naman tayo sa isang serye ng pagluluto kasama ang may-akda. Sa pagkakataong ito, ating lulutuin ang isang special dish sa araw na ito. Ito ay walang iba kundi ang “Mango Flute”.

Tamang-tama lang na i-publish ang recipe na ito, lalo na’t malapit na ring sumapit ang Pasko. Bakit di natin i-try itong ihain sa Noche Buena?

Ngayon, maitatanong mo sa akin, “Bakit mango flute? Hindi ba dapat mango float ang itawag diyan?” Meron kasing actual case na nagluto siya ng mango flute. Narito ang kanyang post:

May isa ding babae na nagpost din ng kanyang mango flute dish, pero kino-correct siya. Nang kino-correct siya, narito ang kanyang tweet:

Nakakatawa nga lamang na hindi niya masyadong inaral ang spelling ng recipe na iyan, pero siya pa mismo ang nagsabi na mag-aral muna sila.

Sa ngayon ay wala munang hugot, dahil wala pa akong maisip na hugot statements para sa recipe na ito. Well, anyway, susubukan nating lutuin ang mango flute recipe base sa kanilang post at tweet.

Tara, ihanda na natin ang mga ingredients:

  1. Mango. Any kind of mango will do. Preferred na variety yung matatagpuan sa Guimaras. Pero kung wala nito, puwede kang kumuha ng kinalabaw na mangga na mabibili sa inyong palengke. At kung hilaw o hinog ang ilalagay mo diyan sa dish natin, go ahead. 😀 These should be sliced.
  2. Grahams. Siguraduhin lang na kulay brown ang crackers na lulutuin natin. Kung hindi, at iyon ang ginamit mo, bahala ka na sa buhay mo! 😡
  3. Condensed milk. Gagamitin din natin ito para mas lalong maging malasa ang dish natin. Tanong lang: Merong evaporated at condensed milk. Meron din kayang precipitated milk?
  4. All-purpose cream.
  5. Honey. Hindi yung sweetie mo, ha? Iyan ang matamis na inilalabas ng mga bubuyog. Any kind of honey will do.
  6. Stick-o wafers. Kung wala nito, mas maganda ang kawayan na hugis flute. O literal na flute. Ito ang magiging pinakadekorasyon natin sa Mango Flute Recipe.
  7. Plastic ware. Dito na natin ilalagay ang ating magiging recipe. Bakit, saan mo gustong ilagay, sa bowl?

Simulan natin ang pagluluto!

  1. Ilagay ang buong Grahams, All-purpose cream, at honey sa plastic ware. Salitan ang paglalagay ng Grahams at all-purpose cream.
  2. Kapag tapos nang ilagay ang Grahams at cream, puwede nang ilagay ang honey at ang durog na grahams.
  3. Ilagay ang sliced mangos sa ibabaw ng ating recipe. Ito ang magbibigay ng dagdag na kulay sa Mango Flute natin.
  4. Ilagay ang Stick-o wafers o ang kawayan as toppings. Kung wala kasi iyan, hindi natin talaga mapapanindigan ang term na “Mango Flute” sa dish natin.
  5. Ilagay sa freezer for five hours o overnight for 4 degrees Celsius (39.2 degrees Fahrenheit) or lower. Sapat ang oras na iyon para kumapit ang lasa ng ating dish. The Mango Flute Recipe is now ready to be served.

Sa mga nagtatanong kung bakit ito tinawag na “Mango Flute,” simple lang ang sagot. Ito ay  may mangga/mangoes at may flute. Pareho silang nakalutang, o “floated”, kaya tamang-tama lang na tawagin itong “Mango Flute.”

Sana nakatulong ako sa pagbibigay ng dish na puwede ninyong pagsaluhan ngayong Pasko. Sana maging mas matamis at mas masarap ang Noche Buena natin. O, paano ba iyan? Enjoy your meal, and happy cooking! 🙂

(Note: For those who only know English, we will translate this recipe for your benefit. Stay tuned.)


Featured Image Credit: Mango flute recipe from a website.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s