Love Advice No. 117

Sa pagkakataong ito, ating bubuhaying muli ang Love Advice. Ang love problem ngayon ay base sa tunay na kuwento. Nag-react kasi ang isang netizen sa isang post:

May isang netizen na naglabas ng matinding sama ng loob sa kanyang mga kamag-anak. Dahil na rin sa kurso na gusto niya. Sayang nga lamang at hindi ko na-screenshot ang kanyang sinabi. Pero ito lang ang masasabi ko:

Mahirap talagang makipagtalo sa mga titos and titas, dahil kadalasan, sila ang laging tama. Given na iyan. Pero kung meron kang maeencounter na open-minded, iyon ang dapat nating ipagpasalamat.

Throwback

Share ko lang ang naging experience ko.

Ang pinakamatinding insulto para sa akin ay tungkol sa paghahanap ng trabaho. Hanggang ngayon, nakatatak pa rin sa isip (ang sabi ng lola ko) na: “Iba pa rin ang may diskarte.” While this is an advice, iba ang dating nito sa akin.

Masakit ito sa akin dahil wala akong nagawa noong time na iyon. Pero ngayon na inaalok na akong magtrabaho (kung kailan meron na), napapatawa na lang ako.

What to do

So, kung gusto mong itama ang maling assumptions sa iyo, better speak out to defend yourself. Never mind kung marinig ito ng iba. Mas mabuti na rin ito para hindi ka mapahiya. Lalo na’t kung ikaw ay nasa tama.

Madalas makakarinig tayo na iniinsulto ang kurso na gusto natin. Kung ganoon, maganda ring sabihin ito sa kanila:

“Kung lahat kami ay nag-nursing (dahil mataas ang suweldo), baka wala nang magpapakain sa atin. Baka wala nang mag-aartista.”

Even basic respect will do. Pero minsan, try mo ring mag-reflect kung bakit ganoon ang puna sa iyo.

Root cause

Merong tinatawag na generation gap. Kung ano ang natutunan ng ating mga tita noon, ibang-iba ito sa natutunan natin ngayon. Kung ngayon, flexible at open-minded pa tayo sa mga bagay-bagay, fixated naman sila sa kung anong meron sa kanila noon.

Kaya, mahirap baguhin ang kanilang mindset. Nakasanayan nila ito simula’t sapul pa lang. Di natin kontrolado ang bagay na iyan. Ang tanging magagawa natin ay patunayan sila na mali ang impression sa atin. Iyon ang pinakamabuting gawin.

Tiis muna

Sa ngayon, tayo na mismo ang mag-aadjust. Tiis-tiis lang muna. Balang araw, darating din tayo sa pagiging Titos and Titas, and that’s the time na hindi natin ito ipaparamdam sa ating magiging mga pamangkin.

Kung tutuusin, sila pa ang lesser version ng mga ninuno natin. Kung para sa atin ay judgmental na ang kanilang remarks, mas matindi pa sa mga Titos and Titas nila. At malamang, nag-adjust din sila sa sobrang tindi ng toxic remarks na binabato sa kanila noon.

Have a good time

Personally, tinatanong din ako kung kailan ako magkaka-girlfriend. I treat this lightly, at hindi ko itinuturing na insulto. Sinasabi ko na lang na “mahirap maghanap,” which is true. Sa totoo lang, lately nagiging sakit na ng ulo sa akin ang paghahanap ng girlfriend…

So, on your part, never take these things very seriously. Kung ginagawang biro iyon, better dismiss it. Have fun. Because life is too short to deal with serious matters.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s