Love Advice No. 119

From Papa Jack Advice Facebook page:

Good eve po, Papa Jack. Gusto ko lang po sanang humingi ng advice.

May live-in partner ako for four years now. May 2 kids kami. Maraming beses na kaming nagkaroon ng problema. Buong buhay ko, ginawa ko ang lahat. Pinagsilbihan ko siya. May time po nung mga baguhan kaming nagsasama, sinasakal niya ako. Pero wala lang sa akin. Lalayas ako, tapos babalik din.

Hanggang sa mabuntis po ako sa panganay ko. Four months po yung baby ko sa loob ng tiyan ko. Nilalaglag ko, dahil gusto ko nang hiwalayan siya at sustento na lang sa bata. Pero wala rin po akong nagawa dahil kawawa naman ang bata. Lalaking walang tatay. At ayaw ko pong mangyari iyon. Hanggang sa nagsama kami ulit. Sa biyenan ko po doon kami nakatira. Always mag-away kami, nakapagitna sila. Iyon din po ang hindi ko matagalan. Hanggang sa inalok ko siyang bumukod pero di niya nagawa.

…Nabuntis na naman po ako sa sumunod. Ang aking bunso. Problema na naman dahil sa barkada. Puro siya barkada. Umiinom, umuuwi umaga na. Okay lang sa mga magulang niya. Mama’s boy po kasi siya. Sa tuwing uutusan ko siya, kailangan pang pukpukin para sundin ka. Utos ng nanay niya, sobrang bilis niya, nanginginig pa! At iyon nga po, puro barkada.

Nag-decide ako na umuwi sa amin… at hindi ako umuwi sa partner ko. Kinabukasan, kukunin ko yung panganay ko sa bahay nila. Pagdating ko, ayaw na ibigay yung bata. Dumating sa point na inapi na ako ng lola niya. Sinabunutan ako at pinagsisipa ako. Pinagtulungan ako ng tatay niya, lola, at kapatid niya. Nanonood lang siya! Wala siyang ginawa. Siyempre po, nanay ako. Masakit sa akin na ganoon.

Kaya nagpa-DSWD po ako dahil gusto kong mabawi ang anak ko. Kinausap ko sila nang matino, pero tinago pa rin nila ang bata. Hanggang sa nagkita na nga po kami sa DSWD office. Hindi nila dala ang bata. Pinaninindigan na ayaw ibigay sa akin. Subalit ako pa rin po ang nanalo sa labas na iyon. Hanggang sa nagsama po ulit kami. Binigyan ko ng maraming chance si guy kasi mahal ko naman po at siya ang ama ng mga anak ko. Hanggang ngayon, ganoon pa rin po siya. Isip-bata siya.

Hanggang ngayon po, sa tuwing mag-aaway kami, parang wala lang sa kanya. Hindi ko siya makausap nang matino. Gusto ko nang makipaghiwalay, pero hindi ko magawa dahil kawawa ang mga anak ko. ayaw kong hindi buo ang pamilya nila. Ano po ang dapat kong gawin: Makipaghiwalay na ba o mag-stay at magsakripisyo para sa mga anak ko? Itago niyo na lang po ako sa pangalang Kim. Salamat po.

My Advice:

Makipaghiwalay ka na.

Bakit? Hindi niya kayang gampanan nang lubos ang pagiging padre de pamilya.

Hindi siya humingi ng tawad sa lahat ng nangyari sa iyo. At kung hindi pa rin siya magbabago, mag-isip ka na. Mas lalong kawawa ang mga anak mo kung hindi pa rin niya kayang panindigan ang pagiging ama.

Prepare mentally

Sa puntong ito, tapos na ang mga araw ng pagiging binata. Wala sanang problema kung wala pa kayong anak. Bahala na siyang magwalwal kasama ang barkada. Pero ibang usapan na dahil iba na ang sitwasyon.

Sa umpisa pa lang ng pagsasama ninyo, hindi na siya dapat nakaasa sa kanyang ina. Kailangan na niyang magpaka-magulang. Kung tutuusin, kahiya-hiya rin ang lagay ng pamilya mo kung laging alak at barkada ang inaatupag niya.

Sa ugali pa lang kitang-kita na hindi siya deserving na balikan. Malaking pagkakamali na kung ganoon pa ang gagawin mo. Uulitin lang ng biyenan mo ang ginawa sa iyo.

Break-up

Pero kung pinproblema mo ang pagkakaroon ng isang “buong” pamilya, at kung lalaki silang walang tatay, mas mabuting maghanap na ng lalaki na mas responsable.

Mas pabor ito sa iyo kaysa balikan siya. Kung titingnang maigi, nasa posisyon ka na para makipaghiwalay sa kanya. Madali na iyan.

Update: Share ko lang ang napakagandang quote:

Screenshot_20200126_125137_com.android.chrome

“Isa sa mga pinakamagandang regalo na puwedeng ibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak ay ang masayang pagsasama.”

Custody

Kung nag-decide ka na tuluyang hiwalayan siya, mauulit din ang nangyari sa iyo sa DSWD. At iyan ay hindi natin maiiwasan.

Sakaling magmatigas pa sila, pumunta ka na sa Public Attorney’s Office para sa mga legal na hakbang. Bakit? Korte na ang pupuwersa sa kanila na ibigay ang kustodiya sa iyo.

Ito na ang pinakahuling hakbang na puwede mong gawin. Iyan ay para sa ikabubuti mo at ng mga anak mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s