Adobong Lumpia Recipe

Para sa isa pang espesyal na dish mula sa may-akda, ating lalagyan ng twist ang lumpia. Given na ito ang laging kinukuha sa mga handaan, ating ile-level up ito.

Para sa lumpia:

  1. Lumpia wrapper. Mabibili lang iyan sa mga palengke.
  2. Giniling na baboy. Siguraduhin lamang na hindi yung sumasayaw na baboy ang piliin. Puwede rin ang giniling na isda o manok.
  3. Asin at paminta.

Iba pang sangkap:

  1. Mantika.
  2. Toyo.
  3. Suka.
  4. Sibuyas.
  5. Bawang.
  6. Patatas (optional). Ito ay para sa dagdag na kulay sa dish natin.
  7. Laurel leaves (optional). For added aroma.

Simulan na natin!

  1. Timplahan ang giniling na baboy, asin, at paminta sa isang lalagyan. Puwedeng magdagdag ng iba pang sangkap.
  2. Ilagay ang mixture sa lumpia wrapper, at balutin.
  3. Iprito ang lumpia sa mainit na mantika. Kapag naluto, hiwain sa maliliit na piraso.
  4. Sa isa pang kawali, igisa ang sibuyas at bawang, at saka ilagay ang maliliit na lumpia.
  5. After 2 – 3 minutes, buhusan ng tubig o sabaw. Dagdagan ng toyo, suka, patatas, at laurel leaves. Timplahan din ng asin at paminta.
  6. Pakuluin sa loob ng limang minuto, at tikman ayon sa panlasa. The Adobong Lumpia Recipe is now ready to be served.

Sana nakatulong ang bagong recipe na ito para ganahan ang inyong pamilya at kaibigan. Kahit na marami ang magtataka sa ganyang klaseng dish, magbubukas ito ng maraming pagkakataon para sa ibang luto ng lumpia. So, enjoy your meal, and happy cooking! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s