Love Advice No. 132 (Sarah Geronimo)

Sa isang espesyal na Love Advice, bibigyan natin ng payo si Mommy Divine. At may mapupulot tayong aral sa nangyari sa kanila.

Magiging brutal at prangka tayo pagdating dito. Dahil ang lahat ng ito’y pawang katotohanan lamang.

Background

Noong panahon na di pa sikat si Sarah, lagi siyang lumiliban sa singing lessons dahil na rin sa pamimilit ni Mommy Divine. At kahit hanggang ngayon, ganyan pa rin ang ugali ng ina. Di na nakakagulat nang nag-breakdown si Sarah sa isang concert. Doon siya biglang lumuha at nag-sorry sa mga Popsters dahil di na niya kaya ang tindi ng pressure.

Lumabas sa isang blind item ang isa pang dahilan ng pang-aamok niya kay Sarah. Mas inuuna diumano ni Tatay Delfin ang mga manok. Being deprived of basic need, napagbalingan tuloy ng ina si Sarah.

Pagkatapos pagsilbihan ang magulang sa loob ng maraming taon, “pinagbabawalan” pa rin siyang magpakasal. At iyan ay hindi na nakakatuwa.

Ngayong napaangat ni Sarah ang buhay nilang pamilya, it’s time to let her go. Ito ang pinakamagandang regalo na puwede niyang ibigay sa kanyang anak.

Mothers not know best

Sa kanilang tatlo, nasa katuwiran sina Sarah at Matteo.

Dati, sinabi natin na “Mothers know best.” Pero dahil na rin sa inasal ni Mommy Divine, hindi na ito applicable sa kanya. Nang-aabuso na siya. Bakit?

Ipinakita rin ni Mommy Divine na wala siyang taste pagdating sa mga naging boyfriend ni Sarah. Ito’y sa kabila ng pagiging prominente ng pamilya ni Matteo. Doon pa lang may problema na siya sa pag-iisip.

Kaya, magiging understandable din kung hindi nila isasapubliko ang kasal. Sa tinagal-tagal ng panahon na nakikialam si Mommy Divine sa buhay ni Sarah, ewan ko kung alam niya ang salitang “respeto” at “delikadesa”. Kahit pa noong panahong sila pa, si Mommy Divine pa rin ang “nagtitimon” ng relasyon. Kung ganito ang ugali na ipinapakita niya, how much more kung siya’y maging biyenan?

Understandable din ang ginawa ni Matteo. Sino ba namang hindi magagalit pag naudlot ang moment na deserve nila? Dito pa lang niya ipinakita kung gaano siya kaseryoso kay Sarah.

Kung tutuusin, napakasuwerte ni Mommy Divine sa kanyang anak. Ubod ng bait at masunurin pa. Iyan ang isang bagay na di niya naiintindihan. Huwag sana niyang paabutin pa sa punto na dahil sa ginagawa niya, mapapasama ang pagkatao ng Popstar.

Ang inasal ni Mommy Divine ang dapat nang magkumbinsi sa kanila na bumukod at lumayo sa kanya. Magsisilbing leksyon ito sa ina para di maulit ang ganyang kalokohan.

Brutal truths

Sa totoo lang, hindi madadala ang yaman sa hukay. At hindi lahat ng bagay ay umiikot sa pera. Merong mga bagay na di matutumbasan ng kahit anong pera: Pamilya. Anak. Moments kasama sila.

Darating at darating din sa punto na maghahanap ang ating mga anak ng sariling buhay. Maghahanap ng makakasama. Magkakaroon ng sariling anak. Hindi ito maiiwasan kahit anong gawin natin. Ito ay likas na karapatan nating lahat bilang tao.

Financial woes

Gusto raw ni Mommy Divine na ipangalan sa kanya ang lahat ng makukuhang pag-aari ng dalaga. In effect, mapapasakamay niya ang kalahati ng combined properties ni Sarah at Matteo pag nangyari iyon.

Sa kondisyones na hiniling niya bago ang kasal, lumalabas ang tunay na motibo. Hindi ito ang gawain ng isang matinong magulang, kahit sa gipit na kalagayan.

Sa mga magulang, isaisip natin ang masakit na katotohanang ito:

Dapat pala, maaga pa lang, nag-iipon na si Mommy Divine. But don’t worry. Hindi pa huli ang lahat. May WFMA na tutulong sa kanya regarding financial matters. Ang tanong nga lang ay kung willing siya.

Joketime

May joke pa nga dito eh. Sa “Divine Intervention”, nakatikim ang guwardiya ng Tala. Feeling niya, siya’y nakalutang na sa langit.

Dagdag pa ni Marc Logan:

Final words

Ngayong naipaglaban ni Sarah at Matteo ang isa’t isa, abot-kamay na nila ang road to forever. Good luck and God bless sa kanilang dalawa!

Sana maging aral sa ating lahat ang nangyari sa kanilang tatlo: (1) Mag-ipon para sa sarili, at (2) Ipaglaban ang pag-ibig, lalo kung nasa tama.


Featured Image Credit: Photo of couple holding hands.

One thought on “Love Advice No. 132 (Sarah Geronimo)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s