About TweetNewscaster

1010112_230821340457572_1556256191_n

Sa panahon ngayon, karamihan sa mga balitang nasasagap natin ngayon ay seryoso. Stereotypical kumbaga ang mga balitang iyan. Bagaman mahalaga na malaman natin ang seryosong balita, ang sobra nito ay nakakasawa.

At ano ang masasabi mo kapag ikaw ay nagsasawa na sa balita?

Ibang Balita Naman…

Iyan ang misyon ng TweetNewscaster: Ang maghatid ng kakaiba, makulay, at out-of-this-world na pagbabalita sa buong daigdig. Hangarin ng blog na ito na magbigay ng kasiyahan sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paghahatid ng “other side of the news.”

Kaya, ano ang dapat ibigay ng TweetNewscaster? Ibang Balita Naman!

Sa likod ng blog na ito ay ang maikling kuwento ng may-akda nito:


Ang may-akda na ito ay mapagmahal, mapagbiro, mapagbigay, at kung ano pa ang mapagpa na magpapalito ng iyong isipan.

Siya ay gumagawa ng balita at iba pa, na minsan ay lubhang nakakatawa pa. Sinasabi niya sa iyo na kanya itong ginagawa kasi nais niya na maiba naman ng balita.

Nais niya na aliwin ka sa gitna ng seryosong buhay na iniaalok ng reyalidad. Sa paggawa ng blog na ito, hangad niya na mawili ka, maaliw ka, at mapulot mo ang aral sa likod ng mga artikulong kanyang nililikha.

Bukod pa rito, nais niyang tulungan ka sa iyong problema pagdating sa pag-ibig. Sa pagpapayo, humuhugot siya ng aral at karanasan sa loob ng matagal na panahon na siya’y umibig at nasaktan.

Kaya, tweet mo na ang newscaster mo, newscaster ko, at newscaster nating lahat!

Mahilig naman siyang magsulat ng mga akda, tula, sanaysay, at iba pa, lalo na kung nais ay talakayin ang trip mo, trip ko, at trip nating lahat.

One thought on “About TweetNewscaster

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s