Calvin Buenavidez: Investigative Report

Sino si Calvin Buenavidez?

Sa pagkakataong ito, babalatan natin siya nang buhay.

Ayon sa kanyang pamilya, si Calvin Buenavidez ay anak ni Victor (Albert Martinez) at ni Olivia (Eula Valdes), at kapatid ni Lorenzo “Enzo” Buenavidez (Jerome Ponce).

Nitong mga nakaraang araw, unti-unti na nating nalalaman na si Calvin (Nash Aguas) ay anak ni Diosdado “Dado” Castillo (Jeric Raval).

Matatandaan na nang pumunta sina Hazel (Loisa Andalio) at Joseph (Joshua Garcia) sa Bataan, doon nila nalaman sa kanyang lola na may iba pang anak si Dado. Hindi man sinabi ng lola kung totoo na nabuntisan na ni Dado si Olivia noon, nagkaroon na ng pahiwatig na may isa pang anak si Dado.

Matagal na inilihim nina Dado at Olivia ang bagay na ito:

At ngayon lang niya ito sinabi kay Enzo. Dahil dito ay sumama ang loob ng huli at napagbuntunan niya ng galit si Hazel nang naglalaro siya sa basketball court nang mag-isa:

So, hindi na nakakagulat kung sa tagal ng panahon ay espesyal si Calvin sa paningin ni Dado, at na lagi niya itong kasa-kasama, maging sa panahong alam ng anak na pinatay ng kanyang ama si SPO1 Colmenares (Michael Rivero). Hindi na rin nakakagulat na minsan na ring na-out of place si Calvin nang makipaglaro silang tatlo (sa basketball court) ng kanyang kinilalang ama at ni Enzo.

Kung sinubukang ilihim ni Olivia ang katotohanan kay Anthony Buenavidez, gumawa na ang huli ng paraan para alamin ang totoo. Lumabas ang resulta ng kanyang sariling DNA testing, at doon niya napag-alaman na hindi niya kadugo si Calvin. Iyon na ang bumuo sa kanyang isip na may nililihim sa kanya si Olivia.

Kung mapapansin, ang resulta kay Enzo ay Positive, at ang kay Calvin naman ay Negative. Anong ibig sabihin nito? Obviously, ang ginamit na sample ni Anthony ay ang sa kanya, at hindi kay Dado. Bakit pa niya kukuhanin ang sample kay Dado, kung sa totoo lang ay nagtatago na ang drayber? Isa pa, bakit pa niya kukuhanin ang sample kay Victor, kung matagal na din siyang patay?

Sa pakikipag-usap ni Anthony kay Joseph, doon niya naibulalas ang katotohanan sa pagkatao ni Calvin:

Maging si Calvin ay alam din ang katotohanang ito nang nasa loob siya, at nakita niya na nag-uusap ang drayber nila at si Olivia sa labas.

Wala si Justine?

Ngayon, ang tanong: Talaga bang nandiyan si Justine?

Kung maaalala, nang time na magkasamang pumunta sa sinehan sina Obet at Sabina, nakita nila si Cal na naglalakad nang mag-isa. Tinanong nila ang binata kung nasaan ang kasama niya, at ang sabi ni Cal ay nasa comfort room si Justine (Alexa Ilacad). As a consequence, nauna na sa sinehan ang dalawa. Hinihintay na lang ni Calvin ang dalaga.

Hindi natin alam kung magkakasama ba ang apat sa nanood ng sine, pero masasabi na natin na hiwalay silang nanood sa sinehan.

Pansinin din na sa “suspects board” na nakapaskil sa istasyon ng pulis ay hindi makikita ang mukha ni Justine.

Minsan na ding sinundan ni Joseph si Calvin para alamin kung saan nagtatago ang huli, at kung nakikitira din iyon kina Justine. Noong time na tinatawagan ni Obet si Joseph para samahan siya pag-uwi after ng taping, nakita ni Joseph na kasama ni Calvin ang kaibigan ng huli, habang nagtatago sa isang kotse.

Ibig sabihin ba nito ay namalik-mata lang si Joseph? Posible iyan.

Justine in a Bottle

Malakas ang hinala ni Joseph na wala si Justine nang makita niya ang nalaglag na mga gamot sa bag ni Calvin. Tinulungan niya si Cal na ayusin ang kanyang mga gamit nang makita niya ang gamot. Nang tanungin ni Joseph, tumugon si Calvin na iyon ang nirereseta ng doktor niya. Pero malamang, hindi iyon resetado ng doktor.

Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit palaging sinasabi ni Cal na nandito si Justine, kung sa totoo lang eh wala naman siya?

So, ibig sabihin ba nito, si Justine ay nasa bote lang ng gamot?

Nakumpirma natin na ang sagot ay oo.

Bakit? Sinabi din ni Olivia kay Cal na tigilan na niya ang pakikipagkaibigan kay Justine. Ang hindi niya alam, parang sinasabi niya rin sa bunso na itigil na rin ang pagtake ng gamot dahil iyon ang nagbibigay kay Cal ng thinking na nariyan nga si Justine, pero wala naman talaga.

Maging si Enzo ay nagdududa na kay Calvin. Nagtanong na rin siya sa mga staff at dean ng department kung saan diumano’y nag-aaral si Justine, at nagulat siya nang malamang walang “Justine” na nag-enroll sa kanilang school.

Nag-offer na rin si Enzo na samahan ang kanyang kapatid para makilala si Justine, dahil gustung-gusto niyang makilala ang babae, pero tumanggi ang bunso. Dito na siya nagduda, kaya sinundan niya ito nang natunugan niyang tumatawag si Cal kay Justine. Saka lang niya nalaman na ang lahat ng tungkol sa dalaga ay isang imahinasyon lamang.

Akala naman ni Calvin ay nasa magandang bahay sila ni Justine, pero ang totoo ito ay isang abandonadong bahay na.

Balatan si Justine

Sino ba talaga si Justine?

Tatlo ang posibleng sagot.

Gaya nga ng binanggit natin kanina, si Justine ay nasa bote lang na dala-dala ni Calvin.

Iyon na ang siguradong sagot sa pagkakilanlan ni Justine. Kasi naman, everytime na iinom ng gamot si Calvin, nawawala na sa kanyang paningin si Justine.

Merong isang episode kung saan pinagsabihan din siya ng kanyang mga magulang. Ngayon, kung si Justine ay nasa isip lang ni Cal, hindi kaya ang mga magulang ni Justine ay nasa bote niya rin? Yes, posible iyan.

Kung hindi naman siya nasa isang bote, posible rin na siya ay isang multo na nagbabantay kay Calvin. Nakakarinig kasi tayo ng mga kuwento sa mga unibersidad na may dalagang namatay dahil nagpakamatay, pinatay, na-bully, o ginahasa sa isang lugar sa school na iyon, at saka magpapakita sa mga susunod na estudyante doon bilang multo. Kung ganoon, posibleng isa sa mga biktima ng karahasan doon si Justine.

Minsan na rin silang nagkita sa isang building sa Brisard, kung saan hawak nila ang camera. At ang nakakamangha doon, hindi na nga napapansin ng mga taga-Brisard si Justine, nagmumulto rin pala si Justine sa isang abandonadong bahay! Ibig sabihin lang nito, naglalakad ang dalaga from the school papunta sa bahay nila.

Puwedeng nasa ibang portal si Justine. Dahil nasa ibang portal siya, may susi siya na puwedeng ibigay sa kahit sinong bisita na gusto niyang papasukin. Bisita si Calvin, at kung mapapansin din, nakikita niya si Justine samantalang tayong lahat ay hindi natin nakikita ang dalaga. Everytime na gusto niyang kausapin ang dalaga, bubuksan niya ang portal gamit lang ang susi, para siya lang ang makakakita sa kanilang dalawa.

Kung totoo man na merong portal, saang lugar, planeta, o dimension si Justine? Walang ibang nakakaalam ng lugar na iyon kundi si Calvin lamang.

Looks like Justine

Ang isa pang tanong: Ngayong nakikita din si Justine ng ibang tao nang magphotoshoot siya sa Blisard, ibig sabihin ba nito ay totoong tao siya?

Ang sagot: Hindi pa rin.

Nakita natin na nakuha ni Cal ang isang larawan ni Justine na nalaglag nang makabangga niya ang isang babae. Dito niya nakilala sa isang photoshoot, at nang makita niya na tumutugon ang mga taga-Blisard sa kaway-kaway ni Justine, alam niya na totoo iyon. Lalong nakumpirma ang naiisip ni Cal nang siya’y manood ng TV kung saan naroon ang dalaga.

Kahit na sabihin na totoong tao si Justine, hindi rin siya ang Justine na nilalapitan ni Calvin sa oras ng pangangailangan. Mas malaki ang tsansa na nagkataon lang na magkamukha ang dalawang Justine: Justine na nasa TV at ang Justine sa personal knowledge ni Cal.

Not a suspect

Sinabi rin ng isang psychiatrist na tumitingin sa lagay ng binata, bibihirang magkaroon ng chance na gagawa ng krimen si Calvin, kahit na bigla-bigla na lang siyang magagalit. Eh paano kung siya ang kasama sa “bibihirang gumawa ng krimen”?

Ngayon, siya na ba ang suspek sa pagkamatay ni SPO1 Colmenares?

Hindi na, dahil inamin ni Calvin ang totoong nangyari sa pagkamatay ng dating nag-iimbestiga sa kaso:

Another suspect?

Isa pang tanong: Siya na nga ba ang hinahanap na kasabuwat sa pagkamatay ni Victor Buenavidez?

Posible iyan.

Minsan na ring nagkaroon ng alitan sa pagitan ni Cal at ni Victor, na ikinasama ng loob ng una. Nang malaman ito ni Dado, naisip din niya na hindi dapat itrato nang ganoon si Calvin. Iyon ang nagtulak kay Dado na patayin si Victor.

Puwedeng palabasin na masama ang loob ni Cal sa kinilala niyang ama kaya nagsabwatan sila para patayin si Victor.

Matatandaan din na nakita ni Joseph ang jacket sa likod ng kotse ni Calvin. Iyon din ang jacket na nakita niya sa pagpatay diumano ni Dado kay SPO1 Colmenares. (Update: Alam na natin na parehong itim na jacket ang kanilang sinuot noon, at na hindi naman talaga si Calvin ang suspek.) Nang tanungin ni Joseph, nagtipid ng salita si Calvin at sinabing aalis na siya.

Kahit pulis ay maaring maghinala sa naturang kilos ni Calvin. Kung wala naman siyang kinalaman sa pagkamatay ng amain niya, bakit pa siya matatakot?

Kung nandiyan si Justine, nasaan siya?

May kinalaman kaya si Calvin sa pagkamatay ni Victor Buenavidez?

Meron ba siyang alam sa pagkamatay ng kanyang amain?

Abangan.


Featured Image Credit: From Eviil Meh’s Facebook page.

Advertisements

Moira sees a singer, bags music awards

QUEZON CITY, Quezon Province, Philippines – The newbie is in the house.

After doing various covers in two movies and a TV program, Moira Dela Torre has affirmed her status as a rising newbie singer after bagging an “Eye Award” in the Philippine version of I Can See Your Voice.

Picked a singer

Moira Dela Torre had obtained the award after picking a singer. According to her, she had made the right choice, despite various advices from Singvestigators (singing advisers) which tend to confuse her.

 

 

 

 

She noted, “Natatawa ako sa energy na lumalabas kay Andrew E. kapag siya’y nagsasalita” (I laughed with the energy emitted from Andrew E. everytime he speaks), referring to red bands of special effects placed upon the long-time rapper.

Gaining blessings

Aside from her stint in I Can See Your Voice, she had bagged another award for her interpretation of “Titibo-Tibo” (Even If I’m A Lesbian) in recently-held Himig Handog P-Pop Awards. This song describes a lesbian who stuck in love with a man, and this transformed her to become a beautiful girl:

 

Her way of interpreting the song, coupled with her new approach on singing with her freezing voice, had convinced avid fans of P-Pop to pick her entry as the winning song and Moira as the winning interpreter.

However, even if the song “Titibo-Tibo” was really intended as a happy song, many fans and listeners had complained of crying several times as they hear her voice:

“I cried for no reason.”

“Her song goes straight to my heart. It really hurts.”

“Her songs make me feel sad.”

“I’m crying right now.”

Moira was actually surprised by their reactions. “Sorry kung naiyak sila sa Titibo-Tibo dahil sa boses ko. Hindi ko talaga sinasadya.” (Sorry if they cried with “Titibo-Tibo” because of my voice. I did not really mean it.)

Level up

While studying the lyrics, Moira had noticed that the lines of the song was really very long. For her to compress this into the whole song, she had to sing fast.

Moira had recalled, “Merong mga times na dahil minamadali ko ang pagkanta sa live at sa recording studio, kinakapos ako ng hininga. Parang rap na ang kinakanta ko dito. Even listeners had took notice of this.” (There were times that I lost my breath because I sing fast in a recording studio and live shows. It’s like I sing rap genre in this song.)

Because of her newly-discovered ability to sing rap genre in “Titibo-Tibo”, many fans had requested her to sing a portion of “Beep Beep Beep” by Willie Revillame. This portion was called “Dubi Dubi Dap Dap” and became more popular than the original song itself due to its nature as a rap song.

“In fact, marami na nga ang nagre-request sa akin na kantahin ko ang ‘Dubi Dap Dap’. Super lodi po talaga si Kuya Wil, kaya mahirap po sa akin na tapatan siya dahil siya ang pinaka-Rap God. But I will try.” (In fact, many had requested for me to sing ‘Dubi Dap Dap’. He is extremely adored, so it’s difficult for me to beat him because Willie is the ultimate Rap God.)

Chubby or thin

Moira had remembered the times when people had been confused everytime they see her in the past and in the present through her pictures.

Minsan may mga nagtatanong, ‘Moira, ikaw ba talaga iyan? Bakit medyo iba yung face mo nung nag-perform ka sa Himig-Handog?’” (I was once asked, ‘Moira, is that you? What happened to your face when you performed in Himig-Handog?’)

Meron pa nga akong covers na payat ako dati. Kaya pag nakikita nila ang aking pictures sa mga album, nagtataka sila kung bakit ang taba-taba ko na daw, na biglang chubby ako nung sumikat na.”(I have covers which shows that I am thin. So everytime they see my pictures in albums, they were surprised, and are asking me why I am so fat, why I suddenly became chubby when I became famous.)

Pero nakatulong na rin ang pagiging chubby ko kasi doon ako nakakahugot ng boses na naririnig nila ngayon. Nahihiya nga ako kapag gusto nilang pisilin ang pisngi ko.” (But being chubby helped me as it was the source of the voice they hear today. I felt awkward if they wanted to hold and press my cheeks.)

Beating the playlist

Her songs “Malaya” (Free) and “Torete” (Stuck in Love), which had become respective songtracks for movies Camp Sawi (Camp Brokenhearted) and Love You To The Stars And Back, had generally got positive reviews. However, these songs rocked the waves with her soothing voice, which according to the netizens, had made listeners cry even if the message was not intended for them.

Reactions follows:

“What have I done to you, Moira? Why do you make me cry?”

“Is there a freezer in her lungs? It’s chilling inside.”

“I feel I had a boyfriend even if it isn’t real.”

“I’m happy with my girlfriend. Why, Moira?”

“Me: What are your special skills?
Moira: I can make people cry through singing.”

Because of her ability to make people cry by singing, many netizens had proposed some songs which they wanted her to sing.

Special request

At the same time, the immense popularity of the kiddie song “Baby Shark” by PinkFong had pushed a netizen to make a request:

 

 

(Even if she sang “Baby Shark”, I’d still cry.)

She gave one condition:

 

 

 

 

 

 

And because her entry won, and because of her love for her fans and listeners, Moira tweeted her thoughts:

 

 

 

 

 

Finally, Moira had granted their wish:

 

 

 

 

In fact, Moira had cried while singing it, as she remembers her grandmother who had recently died.

Her other side

Aside from doing various covers, she also takes her role as an interpreter of the song “Safe”, featuring Upper Room Worship. At present she is an active member of a church.

Moira had added, “My faith in God has inspired me to sing effortlessly and with ease. Kaya marami akong opportunities para kumanta. Isa pa lang ang nagagawa kong kanta sa church. Kung tutuusin, kulang pa nga iyan eh. But I will try na mag-compose pa ng worship songs para sa church namin.” (So I have many opportunities to sing. I had made only one song in our church. If you’ll look at it closely, that would not be enough. But I will try to compose many worship songs in our church.)

When asked on her future career, she replied, “Everytime na ako’y kakanta, sana marami pa akong mapaiyak. Joke lang.” (Hope I can make people cry everytime I sing. Just joking.)


WARNING: This article is a joke, is intended to be read for enjoyment, is intended for fun, and this should not be read seriously. TweetNewscaster is not responsible for any loss or injury associated in believing that this article is very real.


Featured Image Credit: Moira on ASAP

Fried Chicken Hugot Recipe

Nandito na naman tayo sa isa pang serye ng pagluluto kasama ang may-akda. Ngayon, magluluto tayo ng Fried Chicken. Yes, ang malutong at malinamnam na Fried Chicken ang lulutuin natin, dahil sa request ng mga tagasubaybay. Kahit na nai-publish ko na ito noon, meron tayong idadagdag na hugot para maging mas masarap at mas malinamnam ang dish natin.

Ingredients:

  • Manok. Siyempre pa, paano tayo magluluto ng fried chicken kung wala nito? At kung magluluto tayo kahit walang manok, eh ano ba ang tawag natin sa dish na iyan? Isa pa, huwag ka nang makulit sa pagsasabing isda, baboy, o baka ang gagamitin natin. Kaya nga fried chicken eh.

Isa pa, piliin mo rin ang manok na lumilipad. Tulad na lang ng feelings mo – ang daling lumipad nang makakita ka ng mas maganda.

  • Toyo. Bumili ka na lang sa kapitbahay. Oo, yung toyo na kasing-itim ng kukote mo. Sabagay, may toyo ka rin, lalo na nung time na lasing na lasing ka tapos binubuwisit mo pa ako.
  • Suka. Bilhin mo din iyon sa kapitbahay. Kasi nasusuka na ako sa pagmumukha mo tuwing makikita ko ang picture mo.
  • Kalamansi. This will give a twist sa fried chicken na lulutuin natin. Tulad ng twist na ginawa mo sa relationship natin. Okay na sana eh, almost perfect na nga ang relationship natin. Pero ang galing mo rin, noh? May twist-twist ka pang nalalaman. Sa kakatwist mo, nabali na tuloy ang pagmamahal ko sa iyo.
  • Asin. Huwag yung banda na umawit ng “Anak ng Pasig” at “Cotabato,” unless gusto mo silang kainin. Sorry na talaga kung dumating sa point na umalat ang relationship natin dahil nagiging moody at matampuhin ako. Pero this does not mean na iiwan mo na lang ako bigla. Kasi naman, nasaan na ang promise mo na di mo ako iiwan?
  • Mantika. Dapat umiinit ang mantika kapag inilagay sa kawali at nakasalang ang apoy. Matatawa na lang ako kung buhay ang apoy at mainit ang kawali, pero hindi pa mainit ang mantika. Manhid siguro. Tulad na lang ng ex ko, na sobrang manhid talaga. Lalo pa’t nang minsan akong umiyak sa harap niya, nagmamakaawa na huwag akong iwan. Pero anong ginawa? Kasing-manhid ng mantika, eh iniwan ako bigla.
  • Itlog. Mas maganda ang mga itlog na bilog at hindi square o rectangle. Siyempre, alam ko na bilog ang itlog. Pinapaikot din iyon, di ba? Tulad ng ginagawa mo sa akin. Pinapaikot mo ako sa mga pagsuyo-suyo mo. Tapos, kapag nahuli kitang may kasamang iba, binibilog mo pa ang utak ko.
  • Harina. Kung walang harina, dahil inuubos na iyon ng kapitbahay mo para gumawa ng tinapay, alternative choices mo na lang ang chicken breading o breadcrumbs.

Handa na ba tayo? Kung oo, ito na ang paraan ng pagluto ng pritong manok with feelings:

  1. Ibabad ang manok sa toyo, asin at katas ng kalamansi nang 1 oras o magdamag. Magdamag, kasi iyan ang gusto mong gawin sa ipinagpalit mo sa akin, di ba?
  2. Painitin ang mantika sa kawali. Kung ayaw mo namang mababad sa mainit na mantika ang manok mo, eh di kainin mo nang hilaw! Sabagay, sabi mo mahal mo talaga ako, pero yun pala, hilaw talaga ang feelings mo sa akin.
  3. Budburan ng arinang tinimplahan ng asin at paminta ang manok. Tulad ng plano ko na budburan ka ng apoy dahil sa pang-iiwan mo sa akin.
  4. Igulong sa binating itlog at pagkatapos ay sa breadcrumbs. O di kaya diretso na sa chicken breading kung wala ka nito. Dire-diretso ka kasi, kaya hayan, nahulog ka na sa kanya.
  5. Iprito hanggang maluto ang manok at lumutong. Mas malutong, mas masarap. Tulad ng mga malulutong na salita na lagi mong binibitawan sa akin nung mga panahong tayo pa.
  6. Patuluin ang mantika ng bawat piraso ng pritong manok sa paper napkin, paper towel, o tissue paper. Hindi ko malilimutan nung time na pinatulo mo ang luha ko nang iniwan mo ako nang walang dahilan, tapos nakikita ko pa na magkasama kayo.
  7. Ihain kasama ng ketchup, o gravy bilang sawsawan. Tulad na lang ng relationship natin, dami talagang nakikisawsaw.
  8. Kunin ang ginamit na mantika at ilagay sa loob ng baso, sabay inom. Hala, sige, magpakalasing ka na sa babaeng iyan!

Sana nagustuhan niyo ang mga tips kung paano magluto ng pritong manok with feelings. Sana naramdaman natin kung paano lutuin ang manok nang may damdamin. Kung naramdaman mo ang hugot natin for today, masuwerte ka na dahil kakain ka na ng mas masarap na pritong manok. Paano ba iyan? Enjoy your meal and happy cooking!

Love Advice No. 75

Sa post na ito, pagsasama-samahin ng may-akda ang mga tanong na nangangailangan lamang ng maikling sagot:


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano malalaman kung sex lang ang habol ng boyfriend mo?

My Answer:

Simple lang.

  • Yung tipong magagalit pa kapag ikaw ay conservative pagdating sa pananamit mo (at ang gusto niya ay suotin mo ang micromini shorts).
  • Yung tipong puro sex ang lumalabas sa bibig niya.
  • Yung tipong kahit na gusto niyang makipag-sex sa iyo (“Kung mahal mo talaga ako, patunayan mo”), at tumanggi ka ay nagagalit pa sa iyo.
  • Yung tipong in a relationship kayo sa loob ng ilang buwan, pero kapag magkasama kayo, halos maglapat ang kamay niya sa kaselanan mo.

From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang tinatawag na closure sa isang relasyon?

My Answer:

Merong closure kapag napag-usapan na ang problema na hindi ninyo naresolba dati. Maiintindihan niyong dalawa kung anong mali sa naging problema ninyo noon, at maiintindihan ninyong dalawa kung bakit kayo biglang naghiwalay. At dahil dito, nagkasundo na kayo na “tapos na” ang relationship ninyong dalawa. Maraming salamat sa pagtatanong.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ba nakita mo sa kanya ba’t nagustuhan mo siya? Normal lang din naman siya katulad ng iba, marami pa din namang kayang gawin ang iba na hindi niya kaya, pero bakit siya?

My Answer:

Ako na ang sasagot sa tanong na iyan.

Nakikita ko sa kanyang mga mata na kahit hindi siya magsalita, parang nakikipag-usap niya sa akin. Kahit ang kanyang mga ngipin ay hindi pa maayos, umaasa ako na maaayos pa rin ang ngiping iyan sa hinaharap. Na ito’y magiging kasingganda ng perlas oras na matanggalan ito ng braces.

Alam ko na normal din siya katulad ng iba. Pero gusto ko siya. Kahit na marami pa naman iba na kayang magmahal – di tulad niya na hindi niya kayang mahalin ako – siya pa rin ang nasa puso ko.


From the reader who asked a question via Search Box:

Okay lang magkaroon ng boyfriend/girlfriend kahit nag-aaral pa?

My Answer:

Okay lang na magkaroon ka ng syota habang nag-aaral ka.

Ang mahalaga, unahin mo ang pag-aaral.

Depende na rin iyan sa iyo. Meron kasing mga estudyanteng tulad mo na kahit may boyfriend o girlfriend, eh ginalingan ang pag-aaral. Kaya uwian ang iba. Meron ding iba na nawawala sa focus kapag nagkakasyota na.


From the reader who asked a question via Search Box:

Sa iyong opinyon, ano ang masasabi mo sa sitwasyon na sa isang seryosong relasyon may anim na taon silang pinagsamahan mayroon na silang nagawang pagtatalik?

My Answer:

Depende na iyan sa kanila.

Totoo ito lalo na sa actual practice. May mga magsyota na dahil sa pagtatalik ay lalo pang napalalim ang kanilang pinagsamahan. Ito’y dahil nadiskubre na nila ang pinakaloob nila sa isa’t isa. Haha. 😀 At dahil dito ay lalo pang napalalim ang pag-ibig nila sa isa’t isa.

May mga magsyota naman na naghihiwalay. Dahil merong pagsisising nararamdaman ang isa’t isa. Kasi naman, ang kanilang pagtatalik na ang pinaka-mataas na expression ng kanilang pagmamahal. Eh siyempre kapag naabot na nila iyon, at hindi pa kasal, aabot na sila sa punto na magiging mababa ang tingin sa sarili nila. Kaya naghahanap sila ng iba.

At may mga syota din naman na nang-iiwan. Dahil alam ng lalaki na kailangan niyang panagutan ang kanyang ginawa.

Yes, ipinahahayag ng pagtatalik ang kanilang malalim na pag-ibig sa isa’t isa, pero masyado na silang excited. Suggestion: Magpakasal na sila.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang naiambag ni Mocha sa lipunan?

My Answer:

Sa ngayon, ang naiambag ni Mocha Uson sa lipunan ay ang paghahatid ng magagandang ginagawa ni Pangulong Duterte.


From the reader who asked a question via Search Box:

Okay lang ba na mahalin ko ang pinsan ng ex-husband ko,tama ba o mali?

My Answer:

Kung naghiwalay na kayo ng dating asawa mo (gaya ng annulment o diborsiyo), walang problema.

Siguro, ang dapat mong ikonsidera ay kung matatanggap ba siya ng mga anak mo. Iyon na lang ang magiging problema mo sa ngayon.


From the reader who asked a question via Search Box:

Tips kung paano magluto ng fried chicken na may hugot

My Answer:

Dahil nagrerequest ka ng hugot mula sa pagluluto ng Fried Chicken, sige, lulutuin natin iyan with feelings. Sana makita mo ang hugot recipe kapag naipublish ko iyan.


From the reader who asked a question via Search Box:

Dapat ba na malaman mo ang background ng bf mo sa pag-uugali?

My Answer:

Yes. Kailangan mo ding malaman ang kanyang pag-uugali.

Kasi, baka sa hinaharap ay ito pa ang makabuo o makasira sa inyong relasyon.

Halimbawa, kung siya ay isang lasinggero o babaero, makakasira ang ugaling iyan sa relasyon ninyo. Lalo pa’t kung ayaw mo sa lalaking ganyan. Kasi dahil dito, maari kang pilitin na tanggapin iyan alang-alan sa mga anak ninyo.

Pero kung halimbawa siya’y magalang at matulungin sa kapwa, at kung tapat siya sa iyo, ito rin ang kukumpleto sa relasyon ninyong dalawa. Lalo pa’t kung gusto mo sa lalaking ganyan. Aani ng kabutihan ang lalaking iyan kapag ganyan ang ugali niya sa iyo.

Adobong Manok Hugot Recipe

Hello, dear readers! Narito na naman tayo sa isa na namang serye ng pagluluto mula sa may-akda. For the day, ang lulutuin naman natin ay isang katakam-takam na recipe, at tiyak na paborito nating lahat. Ito ang Adobong Manok.

At siyempre pa, hindi lang ito basta Adobong Manok, kundi ang adobong manok na may hugot. Ibinahagi ito sa atin ng isang netizen, and as usual, may idadagdag pa ang may-akda para maging mas masarap ang ating pagluluto. Sige, simulan na natin ang pagluluto!

Ano nga ba ang mga sangkap sa masarap na Adobong Manok?

Ingredients:

  • Manok. Mga isang kilo lang, sapat na iyon para sa ating lulutuin. Wag mong dadamihan. Alam ko naman na hindi ka na nga marunong makuntento sa isa. Kasi, kuha ka pa rin nang kuha ng ibang babae.
  • Paminta. Piliin ang mga pinakamaanghang na pamintang mabibili sa tindahan o supermarket. Kasing-init ng mga mata ko tuwing makikita ko ang bago mo.
  • Toyo. Dapat kulay-itim ang toyo. Sabagay, may toyo ang utak mo.
  • Suka. Tulad ng pakiramdam ko – na nasusuka ako sa pag-uugali mong iyan. Nasusuka ako sa pagiging mayabang mo. Feeling mo eh ikinapogi mo ang pagpalit mo sa akin?
  • Bawang. Bumili ka ng maraming bawang, tapos talian mo ang lahat na parang rosaryo. Akin na iyan pag natapos mo na. Isasabit ko ito sa leeg ko para matakot ka sa akin. May gana ka pang balikan ako pagkatapos ka niyang iwanan. Ang kapal mo rin, ano?

Ang daming sangkap, ano? Kasingdami ng ipinalit mo sa akin.


Paano lutuin?

  1. Durugin mo yung bawang, gaya ng pagdurog ng puso mo sa akin. Kaya ko namang tiisiin na saktan mo ako sa mga sinasabi mo. Ang hindi ko nga lang matanggap, yung time na dinurog mo ang puso ko nang sinabi mo sa akin na “Break na tayo.” Tapos yun pala ay may bago ka na. Nakakadurog talaga.
  2. Ilagay ang lahat ng sangkap sa isang palayok. Oo, sabay-sabay, tulad ng ginawa mo sa akin. Diyan ka naman magaling eh.
  3. Pakuluan mo para mag-init. Kasi darating din tayo sa point na manlalamig ka na sa akin. Sabagay, kung ganyan ang ugali mo, aba, huwag kang maghanap ng forever. Ikaw na mismo ang magrerequest ng cool-off pagkatapos ng paglalambing mo sa akin.
  4. At siyempre, babantayan mo siya. Kasi darating din tayo sa point na magsasawa ka sa akin at iiwanan mo ako. Kung hindi babantayan, aalpas ka at gagawa ng kalokohan. Baka matuyo pa ang adobo tulad ng pagmamahal mo sa akin. The Adobong Manok dish is now ready to be served.

Sana nakatulong ang mga tips na ibinahagi ng netizen sa atin upang makagawa ng isa pang katakam-takam na recipe. Kung naka-relate ka sa recipe na ito, eh di magaling. Pero kung nadala ka sa emosyon na ipinakita niya, mas magaling. Paano ba iyan? Have a good appetite, and happy cooking! 😀

Love Advice No. 74

From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang gagawin ko kung ang ex-boyfriend ko ay nakipagbalikan tapos may boyfriend na ako ngayon pero hindi pa ako nakapag-move on sa ex ko?

My Advice:

Tanungin muna kita: Sino ang mas mahal mo?

Isa pang tanong: Kaya mo din bang iwan ang boyfriend mo para sa ex mo? Kung iiwanan mo ang boyfriend mo, ibig sabihin lang nito ay hindi ka pa rin nakakamove-on sa ex mo. Pero kung mananatili ka sa piling ng jowa mo, ibig sabihin lang nito ay unti-unti ka nang nakakamove-on o nakamove-on ka na.

Kung wala ka pang boyfriend, wala sanang problema. Pero ang sama ng timing: Kung kailan ka may jowa, siya naman itong nakikipagbalikan sa iyo. At saan humuhugot ng kapal ng mukha ang boyfriend mo para balikan ka kung meron ka nang jowa? Sige, okay lang na mag-sorry siya. Pero no choice na siya, dahil meron ka nang iba.

Sasabihin ng iba na kailangan mong gamitin ang puso mo. Pero mas kailangan mong gamitin ang utak upang magkaroon ka ng tamang desisyon. Sino sa kanilang dalawa ang higit mong minamahal? Ikaw lang ang makakasagot niyan, dahil kilala mo na silang dalawa. Please refer to Love Advice No. 12 for further discussion.

Kung pipili ka, isaalang-alang mo ang magiging epekto nito sa ex mo at sa boyfriend mo sakaling magdesisyon ka na tungkol sa bagay na iyan. Isa pa, isaalang-alang din kung ano ang magiging epekto hindi lamang sa kanilang dalawa, kundi sa magiging epekto nito sa mga taong malapit sa inyo. Baka kasi may madamay na kapamilya, kaanak, o kaibigan niya/mo tuwing magdedesisyon ka. May sasang-ayon sa magiging desisyon mo, pero meron ding tututol.

Upang tulungan ka sa pagdedesisyon, isulat mo sa isang papel kung ano ang magaganda at hindi magagandang katangian ni ex at ng jowa mo. Pagkumparahin mo at tingnan mo kung sino sa kanilang dalawa ang mas lamang. Para sa higit pang detalye tungkol diyan, tingnan ang Love Advice No. 59.

Love Advice No. 73

From the reader who asked a question via Search Box:

Paano kapag mahal ng kasintahan mo yung bestfriend mo?

My Answer:

Maalarma ka na!

The mere fact na mahal ng syota mo ang bestfriend mo ay nangangahulugan na manganganib na ang relationship ninyong dalawa. Lalong delikado kapag pinabayaan mo ang ganitong problema.

Ang una mong dapat gawin ay tingnan mo kung saan ka nagkulang. “Ano ba ang ginawa ko o hindi ko ginawa na naging dahilan upang ang bestfriend ko ang mahalin niya, sa halip na ako?” Maaring kulang ka sa effort. At maaring hindi mo ginagawa ang lahat upang maging masaya ang relationship ninyong dalawa. Tuloy, may posiblidad na maghanap siya ng iba.

Paano kung nag-effort ka naman?

Paano naman kung hindi ka naman talaga nagkulang?

Paano kung siya naman talaga ang may kasalanan?

Komprontahin mo siya. May karapatan ka naman na gawin iyan, yamang ikaw ang boyfriend/girlfriend niya sa ngayon. Dito maari siyang mainis at magulat sa iyo, pero makikita niya kung gaano kagrabe ang ginawa niyang pagkukulang sa iyo bilang girlfriend/boyfriend sa iyo. Anyway, iyan din ang aabutin niya sa kanyang mga magulang dahil just the same ay grabe din ang kanyang ginawang mali.

Ipaintindi mo sa kanya na nagkamali siya. Ipaintindi mo rin sa kanya na sa anumang kasalanang ginawa niya, sisingilin siya dito pagdating ng araw. Yung tipong kapag hindi siya nagtino, walang forever na darating sa kanya. Iparealize mo sa kanya na sa ginagawa niyang iyan, hindi siya makakahanap ng lalaking tapat at totoo.

Ipaintindi mo rin na lumampas na siya ng pagtrato sa bestfriend mo. Na lumampas na siya sa limitasyon. At na kailangan niyang lumugar kung ayaw niyang makatikim ng paghihigpit sa iyo. Baka hindi niya namamalayan na ikaw ang boyfriend/girlfriend niya, which means na natutulog lang siya.

Maging handa na patawarin siya, lalo na kung nagsisisi na siya sa kanyang ginawa. Sa stage na ito, kung saan namumuro na maputol ang relationship ninyo, kailangan mo ring ibaba ang pride. Kung hindi mo siya papatawarin, most likely hindi niya mararamdaman na mahal mo siya. Mapipilitan na siyang maghanap ng iba.

Kailangan mo nang gumawa ng paraan upang magkalayo silang dalawa. This time, puwede mo nang ikatuwiran sa akin na binabakuran mo ang syota mo. Dahil unang-una, hindi ibig sabihin nito eh hinihigpitan mo siya. Isang uri na ito ng pagdidisiplina sa kanya. At iyan naman talaga ang responsibilidad mo bilang kanyang boyfriend/girlfriend.

Papaanong ang pagbabakod sa jowa mo ay isang uri ng pagdidisiplina? Pinoprotektahan mo lang siya sa kung ano ang maaring mangyari sa kanya, dahil maaring gumawa siya nang hindi maganda at maligaw ng landas. Patunay lang din nito na hindi mo kinukunsinti ang anumang pagkakamali na maaring gawin ng jowa mo.

Love Advice No. 72

From the reader who asked a question via Search Box:

Anong magandang payo para sa kaibigan mo na mayroon na siyang manliligaw at pinapatigil na niya ito?

My Answer:

Sabihin mo sa kaibigan na bigyan niya ng chance ang kanyang manliligaw.

Madalas kasi, kaya pinapatigil ng babae ang kanyang manliligaw ay dahil hindi pa niya kilala ang lalaking iyan. Ngayon, kung ganito ang magiging katuwiran ng dalaga, paano pa kaya niya makikilala ang naturang lalaki?

Tanungin mo din siya: Paano kung ang lalaking iyon ay siya palang magmamahal nang lubos sa kanya?

Hindi natin masasabi sa ngayon kung anong pag-ibig meron ang lalaking iyan para sa kaibigan mo, pero kung bibigyan niya ang lalaki ng chance, doon niya ipinapakita na marunong siya pagdating sa paghandle ng isang relationship. Makikita pa niya kung ang lalaking iyan ba talaga ay seryoso sa kanyang mga sinasabi sa kaibigan mo o hindi.

Bakit ko nasabi ito? Kasi kapag marunong na siyang maghandle ng relationship, meron kasi siyang mindset ng pagiging patas pagdating sa kanyang mga manliligaw. At dahil matured na ang kanyang pag-iisip, tinitingnan na lang niya ang lalaki hindi lang dahil sa kanyang hubog ng katawan o pagiging pogi, kundi sa kung ano ang kayang gawin ng lalaki para irespeto at pasayahin ang kaibigan mo.

Pero kung talagang ayaw niya sa guy na iyan, meron namang paraan para masabi ito ng kaibigan mo sa kanyang manliligaw. Please refer to Love Advice No. 42 for further discussion.

Love Advice No. 71

Sa post na ito, pagsasama-samahin ng may-akda ang mga tanong na nangangailangan lamang ng maikling sagot:


From the reader who asked a question via Search Box:

Mali ba kung pinunit ko yung effort ng boyfriend ko? May dahilan naman ako.

My Answer:

Depende sa sitwasyon mo.

Puwede kong sabihin na mali ang ginawa mo. Pero puwede ko ring sabihin na tama ang ginawa mo kung may malalim ka talagang dahilan. Ano ba talaga ang nangyari?

Kung naghahanap ka ng sagot, maari kang magpadala ng iyong problema sa e-mail na tweetnewscaster@yahoo.com. Sige na, ipadala mo na ang buong kuwento mo sa e-mail na ito. Gawin mo na ito hangga’t maaga pa. Kasi ngayong December eh marami akong oras para gawin ang mga artikulong ito. Doon pa lang ako makakareply sa iyong tanong agad-agad. Simula January ay unti-unti na akong magfo-focus sa mga importanteng bagay.


From the reader who asked a question via Search Box:

Iiwan ka ba ng boyfriend mo pag nakuha na niya virginity mo?

My Answer:

Depende na iyan sa lalaki.

Pero madalas, iiwanan ka niya.

Maari ka niyang iwan dahil hindi lamang sa nakuha niya ang iyong virginity, kundi nabuntisan ka pa niya.

Maari ka ring iwanan ng boyfriend mo dahil sa guilt na nararamdaman niya lalo pa’t ang bagay na iyan – na peak ng relationship ninyong dalawa – ay naabot na. Kapag naabot na kasi ang peak ng relationship, hindi magtatagal at unti-unti nang babagsak ang level ng relasyon ninyo.

Maari ka ring iwanan ng boyfriend mo dahil diyan. Since naibigay mo na ang lahat-lahat, pati na ang pagkababae mo, ang nasa isip na ng lalaki ay hindi na pagmamahal kundi pagkahumaling na lang, lalo na sa iyong katawan. At kapag nagsasawa na siya, iiwan na niya ang babae at maghahanap na siya ng iba.

Please take note na hindi pare-pareho ang pag-iisip ng mga lalaki. Maaring hindi ka niya iwanan dahil ikaw lamang ang nagmamahal sa kanya. O di kaya maaring hindi ka niya iwan dahil talagang mahal ka niya. O di kaya maaring hindi ka niya iwan dahil nakakaramdam siya ng pangangailangan na panagutan ka.


From the reader who asked a question via Search Box:

Bakit pakiramdam ko mahal pa niya ang ex niya?

My Answer:

Pakiramdam mo lang iyon.

Pero kung babae ka, ibig sabihin lang nito eh gumagana na ang girl’s instinct mo. Ibig sabihin, may malaking chance na magkaroon ng problema sa relationship ninyo.

Please see Love Advice No. 62 for further discussion.