Careers

Hinahanap Ka Niya!

Ang TweetNewscaster ay isang site na may misyong maghatid ng kuwela at naiibang balita sa buong daigdig. Sa mga nakalipas na buwan, matagal nang hindi nakapag-post ang may-akda ng mga naiibang balita dahil sa trabaho at paghahanda sa nakalipas na eksaminasyon. Upang maging tuluy-tuloy ang paghahatid ng naiibang balita, nangangailangan ang TweetNewscaster ng mga tagapagbalita:


(2) Freelance Writers:

  • Dapat may interes sa pagsusulat. Hobby lang ang pagsusulat. Wala lang. Gagawin lang niya ito dahil nag-eenjoy siya dito.
  • Walang age limit. Bata man o matanda, puwedeng magsulat dito.
  • Ano ang pagkataong dapat niyang taglayin? Dapat makuwela at palabiro.
  • May kakayahang makisabay sa mga uso.
  • May kakayahang magsulat ng tatlong artikulo o higit pa sa isang buwan.
  • Isang advantage ang kakayahang magbigay ng love advice.
  • A caveat: Walang suweldo.

Paano mag-apply?

Requirements:

Sa pag-aapply, ilagay ang mga sumusunod:

  • Pangalan (Real name)
  • Picture/s mo (full body). Puwedeng kasama ang pamilya, syota, ex mo, kaibigan, ka-tropa, at/o iba pa.
  • Ang gusto mong maging username sa site
  • Ang iyong personal e-mail
  • Your skills

Uunahin ng may-akda ang mga may kumpletong requirements. What’s the next step?

  1. Kung kumpleto na ang requirements, bibigyan ka ng may-akda ng isang task na dapat mong gawin sa loob ng isang linggo.
  2. Hintayin ang kumpirmasyon mula sa may-akda.
  3. Kung confirmed na, maari ka nang magsulat sa kanyang site. Puwedeng bigyan ka ng task o magsulat ng iyong sariling artikulo sa site na ito.
  4. Ngayong tapos na ang iyong pagsusulat, paano mo ito isa-submit sa may-akda? I-send mo ito sa e-mail na nakalagay sa itaas.

Siyempre, dadaan din ito sa editing ng may-akda. Ako na ang bahalang mag-publish nito para sa iyo.

Ang mapipiling mga tagapagbalita ay mabibigyan ng pagkakataon na makapagsulat dito sa site na ito. Goodluck and God bless sa inyong lahat.😀

Advertisements