Auditing Problem No. 2: KAPA Community Ministry

Kamakailan lamang ay napabalita ang pagsara ng KAPA. Ito ay sa gitna ng diumano’y “scam” sa mga miyembro nito. Ang rason ng Securities and Exchange Commission: Marami ang nagrereklamo sa naturang institusyon. Nangako diumano ang grupo ng 30% “return” kada buwan bilang kapalit ng kanilang “donations.” Habang isinusulat ito, may mga galit pag itinutuwid sila sa financial literacy, at may mga galit pa kay Pang. Duterte.

Sa isyung ito, susubukan natin ang “analytic side”, na importante lalo na sa atin na nasa actual practice. Use all of the skills that you learned in Auditing, RFBT, and Practical Acctg 1. Solve this problem:

You were tasked by your firm to check on the veracity of financial statements from KAPA Community Ministry.

In connection with the engagement, you obtained the financial statement from SEC:

You also inquired members about the businesses engaged by KAPA. Here are their responses:

  1. You may also see our website and look on our various businesses.
  2. Visit GenSan and Tagum City. KAPA has four industrial fishing boats, lobster farm, bangus farm, poultry farm, mango plantation, rice plantation, mining, Tagum Doctor’s Hospital, Tagum Aces, Convention Center, heavy equipments for hauling, and cryptocurrency. You are most welcome to visit and see for yourself.
  3. We have also mining business having 10 billion yearly income. Added to that is our 1,200 hectare banana plantation, hotel, restaurant, and more.


  1. (Aud Prob: Audit Report) If you will prepare an audit report on KAPA, what type of opinion will you issue?

(a) Unqualified
(b) Unqualified with Emphasis on Matter
(c) Qualified
(d) Adverse
(e) Disclaimer of Opinion

Discussion Questions:

  1. With all the pictures and businesses presented to you, and given the current financial position, would you think they can give 30% interest to their members? Explain.
  2. Were the financial statements fairly stated, in all material respects? Define why or why not.
  3. (Prac Acctg 1: Substance Over Form) A member told that the contributions/investments and returns are “donations” and “love blessings”, respectively. Does it need to be recorded on the books of accounts?
  4. (RFBT: ObliCon) Does the members’ contributions qualify as donation? Explain.
  5. (RFBT: Corpo Code) Being registered as religious organization, is the corporation doing an ultra vires act? Cite also other legal or illegal acts committed, with BP 68 and Revised Corpo Code (R.A. 11232) as bases.

Suggested answers will be available via e-mail, upon request.

Auditing Problem prepared by: TweetNewscaster

Sass responds positively to messages, interacts with followers

THE HAGUE, Netherlands – Me love you long time!

Such was the favorite line of Sass Rogando Sassot, one of the most influential bloggers in the Philippines. This was her response to attacks made by Philippine Information Agency Director General Harold Clavite and by Akbayan’s sub-group iDefend wanting to expel her from Maastricht University.

Despite her very busy schedule defending President Duterte, she manages to have time with her followers. Through her live videos with resource persons, and her interactive approach with her followers, according to Sass, she had imparted practical knowledge with people who are following her.

Very responsive

Some of her followers had tried to spice up the ordinary discussions inside her page, hoping that Sass would respond to them in return.

Some want Sass to greet them:

Follower1: I love you long time
Sass: Me love you long time more! :*

Follower 2: First like ako. Kaya, batiin mo naman ako, Ma’m Sass?
Sass: Bati.
(F: I liked it first. So, would you greet me, Ma’m Sass?
S: Greetings.)

Follower3: Hi, Miss Sass. Pa-greet naman po. Birthday ko po ngayon, hihi. Me love you long time.
Sass: Happy birthday!
(F: Hi, Miss Sass. Greet me. It’s my birthday. Me love you long time.
S: Happy birthday!)

Follower4: Paki-shout out po ng name ko, Miss Sass.
Sass: Rudolph SHOUTOUT!
(F: Please shout out my name, Miss Sass.
S: Rudolph SHOUTOUT!)

Others just want to be noticed by the blogger:

Follower5: Sass, pansinin mo naman ako. 😉
Sass: K.
Follower5: Yown. Okay na ako dun.

Follower6: First comment. Notice me Ms. Sass. ❤
Sass: Notice

Follower7: Sana replayan ako ni Sass.
Sass: Reply
(F: Hope Sass sends her reply to me.
S: Reply)

Follower8: Pay me some attention, Sass. :* :*
Sass: Attention!

And Sass had make a joke on some issues. For instance, on a netizen curious with his looks:

Follower9: Hi, Sass! 😉 Sa tingin mo, ang kapogian ko ba ay may expiration?
Sass: Palagay ko ay depende sa oras kung kailan ka ginawa ng tatay at nanay mo.
(F: Hi, Sass! Do you think being handsome has its expiration?
S: I think it depends on the time your father and your mother created you.)

On issue of Harry Roque riding on MRT with media coverage:

Follower10: Kawawa talaga ordinaryong tao, Ma’m Sass. Pagsakay pa lang sa MRT, survival of fittest na. Haha. Nakakatawa, pero mas nakakaawa po kami.
Sass: Magdala kayo ng media para mas mabilis.
(F: Ordinary people are pitiful, Ma’m Sass. Once you’re in Metro Rail Transit, it’s survival of the fittest. It’s funny but we’re really in a sorry state.
S: Bring mediamen with you to make things easier for you.)

And finally, on Harry Roque “attacking” on social media personalities:

Follower11: May pinapatamaan ka, Ms. Sass. Baka mambato siya ng hollow blocks.
Sass: Babatuhin ko siya ng cement mixer.
(F: You are doing blind items, Ms. Sass. He might throw you hollow blocks.
S: I’ll throw him a cement mixer vehicle.)


In a separate interview, Sass had explained why she had to respond to requests from her followers.

“I am by nature inclined to be an interactive person. I had carried it with me up to the time I studied in the Netherlands. Interacting with Dutchmen, and OFWs working here, has sharpened my responsiveness, especially if it needs my attention. So you see, I entertain even trivial comments just to give delight to my followers.”

“As you see, I had entertained even some who attacked me and my stand, like what my recent posts show that I follow up several times on Clavite’s incompetence. If some netizens don’t know how foreign relations work, I take time to explain it to them. I defend it if necessary. Actually, as of now, no one had dared to show me evidence that I am paid, and no one dared to crack my password.”

Lack of hearing

She further noticed that Communist Party of the Philippines Founding Chairman Joma Sison’s statements on Duterte’s health were mere allegations. The chairman had knew of an unverifiable report from his source that the Mindanaoan President is in a state of comatose, and spread it to mainstream media. This prompted Duterte to tell Sison to live for a thousand years.

“Duterte might have said to him that ‘I’ll love you for a thousand years,’ like Christina Perri says. That will be the most beautiful reply that he will give.”

“What’s the basis for his statement that our President is in a coma? Maybe his ability to hear was fading. The source told him that ‘Duterte is in kama (bed)’ which suggests that he’s just sleeping. Sison thought differently – coma instead of kama (bed) – and thought that Duterte is really sick. “

Change for the better

Sass explained that despite the challenges in the administration, she must fight for change.

“I still remember the fresh blood pouring near our house, in Mendiola during my childhood days. I still remember also the protests we made just for our LGBT brothers and sisters to be accorded equal respect we deserve. These events moved me to push for change we need in our country, so that incidents like these will not happen again.”

“If they want to change our country for the better, they must change the current system. Change within ourselves will just follow. Me love you long time!”

WARNINGThis article is a joke, is intended to be read for enjoyment, is intended for fun, and this should not be read seriously. TweetNewscaster is not responsible for any loss or injury associated in believing that this article is very real.

Ang Bibig ni Duterte (?)

President Duterte with her daughter Veronica. Photo from Kitty Duterte’s Facebook page.

Matagal nang panahon ang nakalipas mula nang huli akong nakapagsulat tungkol sa Pangulo. Sa dami ng trabaho at dahil sa paghahanda sa isang eksaminasyon, nakalimutan kong magsulat tungkol kay Rodrigo Duterte. Subalit hindi dito magtatapos ang lahat. Ngayong tapos na ang eksaminasyon, may panahon na ang may-akda na makapagsulat ng mga artikulo. Bilang patunay, may sagot ang may-akda sa isang isyu na matinding iniuugnay sa Pangulo: ang kanyang pananalita.

From the reader who asked a question via Search Box:

Essay ano ang masasabi mo sa pananalita ng pangulo?

My Answer:

Talagang masakit sa tenga kapag nagmura na ang Pangulo.

Nasanay na kasi tayo sa turo na dapat hindi ganoon ang ugali ng isang lider, lalo na ng pinakamataas na lider sa ating bayan. Hindi na kataka-taka kung bakit nagulat ang marami sa sobrang dami ng maanghang na salitang ibinato niya nang nagtalumpati siya noong isang taon. At lalong hindi kataka-taka na marami ang nadismaya sa inasal ni Duterte.

Pero aminin na natin na minsan napapamura tayo kapag may sobrang nagpapagalit sa atin. Kung gayon, hindi naiiba sa atin si Duterte. Ang maling sistema ang nagpapagalit sa kanya, at dito siya napapamura.

Pangunahing tungkulin ng gobyerno

Ano ba ang masasabi ko dito? Dahil sa mura ni Duterte, nalaman na natin kung sino talaga ang totoong disente at mga nagde-desente-desentehan. Ngayon, alam na natin kung ano ba talaga ang pangunahing tungkulin ng gobyerno.

Bakit? Pangunahing tungkulin ba ng gobyerno ang maging absolute role model sa madla (lalo na sa mga bata)? Sa totoo lamang, pangunahing tungkulin ito ng DepEd. Pero ang pagiging absolute role model ang pangunahing tungkulin din ng mga nakakatanda pati na ng mga artista. Tanong lang: Ginagawa ba ito ng mga nakakatanda pati na ng mga artista? Kayo na ang sasagot niyan.

Dahil sa kanyang pananalita, unti-unting lumalabas ang pagiging inutil ng mga nag-aangking “disente” sila pagdating sa pagtulong sa kapwa at sa bayan. Lalo na noong Zamboanga siege, lindol sa Bohol, sa panahon ng bagyong Yolanda, paglaganap ng krimen sa Kalakhang Maynila, at sa marahas na pagsupil sa protesta sa Cotabato na nangyari sa taong ito. Na binigyan na sila ng panahon para tumugon sa isyung ito, pero dahil sa sobrang disente nila, ayaw nilang madumihan ang kanilang damit sa pagtulong sa kapwa at sa bayan.

Mahirap umintindi

Sa pananalita ni Duterte nasusubok ang kakayahan ng Pilipino na unawain ang kanyang kababayan. Lalo na sa mga Bisaya.

Dito din nasusubok kung aasa na lang ba sila sa ipinapakita ng media tungkol sa kanyang pananalita o iintindihin ang buong pahayag niya at ang kuwento sa likod nito bago humusga.

Tulad halimbawa ng isyu sa kanya tungkol kay Leni Robredo. Pinuna ni Duterte na makinis ang tuhod ni Leni. Palagay ni Leni at ng iba, isa itong anyo ng pambabastos sa mga babae, na hindi naman totoo. Feeling nila kasi, makinis ang hita ni Leni gayong malinaw na sinabi ng Pangulo na tuhod ang makinis.

Sa totoo lamang, ang pinupunto dito ni Duterte ay hindi naman masyadong nagtatrabaho ang pangalawang pangulo kaya ganoon na lamang kakinis ang tuhod (at dahil dito ay binigyan si Robredo ng deadline hanggang sa Disyembre para tapusin ang iniatas sa kanya). Pero ang tingin ng iba, tuhod = hita, na feeling eh parang mas magaling sila sa anatomy, tulad na lang ng kay Risa Hontiveros:

Kung ganoon, eh bakit hindi nila punahin ang kantang Legs?

Tanggap ba ng mga tao?

Nasusubok din ng kanyang pananalita kung hanggang saan siya maaring tanggapin ng taumbayan. Nasusukat din sa kanyang pananalita kung sino talaga ang sumusuporta sa kanya.

Dahil din sa mura niya, unti-unti siyang tinanggap ng mga tao. Wala na silang pakialam kung ganito siya, basta gampanan niya ang tungkulin bilang isang Pangulo.

Takot sa kanyang bibig

Ngayon, hindi na magkaintindihan ang ilan sa pananalita ni Duterte.

Isa pa, dahil sa mga pananalita ni Duterte, natatakot na ang mga kriminal.

Bumaba na ang krimen.

May nabasa ako dati na maaring ganoon ang bitiwan niyang salita, pero alam niya kung ano talaga ang dapat gawin.

Halimbawa, lagi niyang sinasabi sa mga sangkot sa droga, “Papatayin ko kayong lahat.” Pero ang binabanggit niya ay ito: “Palabanin mo muna, bago patayin.”

“Kapabayaan” sa Pilipinas

Dahil sa kanyang mga salita, nakita na natin kung gaano katindi ang “kapabayaan” ng Amerika sa ating bayan, lalo na sa usapin sa West Philippine Sea. Na kung kailan unti-unti nang babawasan ang pagiging palaasa sa Amerika, saka lang sila aangal.

Sa mga salita ni Duterte, nakita kung gaano katindi ang kawalang-respeto ng ibang bansa sa atin dahil masyadong kumikiling tayo at sumusunod tayo (at least dati) sa Kanluran.

Ang mga salita ni Duterte ang nagtulak sa ibang bansa upang hangaan at igalang tayo, bagay na hindi nila ito nagawa dati sa atin.

Gising ang bayan

Ang pananalita rin ni Duterte ang nagpapagising sa pagkamakabayan ng mga Pilipino.

Saan ka nakakita ng mga tao na handang magtiis ng ilang oras para mapakinggan ang kanyang mga talumpati?

Ganito ang nangyari noon sa panahon ng kanyang kampanya.

Makikita sa kanyang pananalita na tapat ang kanyang hangarin na paglingkuran ang bayan.

Sa totoo lamang, hindi na bago sa akin ang naturang istilo ni Duterte. Bago pa man siya tumakbo, ito na ang turing sa kanya.

Ito ang isang dahilan kung bakit ayaw ko sa kanya dati. Pero ito na ngayon ang dahilan kung bakit mataas pa rin ang respeto ko sa kanya hanggang sa mga oras na ito.

Duterte Serye: Bakit Ba Si Duterte?

By: TweetNewscaster

Matagal ko nang isinulat ang isang artikulo tungkol kay Duterte. Ang kakaiba nito, isinulat ko ito sa paraan ng pagsasalita ng mga Batangueño. Kung hindi mo maintindihan ang artikulong ito, “isinalin” ko na ito sa normal na paraan ng pagsasalita natin para maintindihan mo. Para sa orihinal na artikulo nito, paki-click dito.

Nag-Duterte na po kami. Kayo ba?

Mag-usap naman tayo.

Salamat naman kung nababasa mo ang artikulong ito. Makakausap naman kita ngayon.

Nasaksihan naman natin ang maraming gulo sa ating bansa.

Sino ba namang hindi mayayamot sa pagkarami-raming kalokohan na ito?

Nakakatulo ng pawis, at hindi ka makangiti sa lagay na ito.

Natatandaan ko pa nga nang minsang dinukot ng mga lalaki ang ilang bata dito sa Batangas. Sabi ba naman ng ilan, “Rody, daan ka naman dito at napakagulo dito! Tulungan niyo naman kami dito!” Hindi naman maaring pakialaman iyan ni Lolo Rody, dahil Davao lang naman ang hawak niya.

Dati ay nakakatiis tayo sa sistemang ito. Ngayon ay gutom na gutom na ang mga tao sa pagbabago dito sa bansa.

Sino naman kung ganoon ang magiging instrumento upang akayin tayo sa pagbabagong hinahangad natin?

Sino ba ang maglilinis ng mga alikabok at kalat sa ating bayan?

Gusto lang ni Duterte na magpahinga sa kanyang bayan.

Pero mga taong ito, napakakulit. Pinilit pa si Duterte na tumakbo, gayong wala nga siyang pera.

Ang ending, taumbayan na ang gumastos para sa kanya. Di ba?

Alam naman natin na tayo’y barako. Anong magagawa natin? Aminin na lang natin iyan.

Ngayon, kung tayo’y barako, di ba’t ang lider na kailangan natin ay barako din? Di ba?

Ang tanong: Sino ba si Duterte?

Simple lang. Si Duterte ay barako, parang Batangueño.

Ang kanyang istilo ay barakong-barako.

Inilalarawan niya ang kanyang sarili sa kasabihang laganap na sa ating mga Batangueño: “Di baleng mawala ang yaman, huwag lamang ang yabang.”

Kahit papaano naman ay may maipagyayabang naman si Duterte. Hindi ko na sasabihin, basta ikaw ay pumunta ng Davao at tingnan ang buhay doon.

Sinasabi naman na papatay daw siya, subalit ang totoo naman ay ipinipirmi niya ito sa tama. Hindi masama ang kanyang ugali na mabilis kung makapatay ng tao. Inuunti-unti niya at ng mga pulis ang proseso bago gawin iyan. Ika nga niya, “Palabanin mo muna, bago patayin.”

Sinasabi naman na siya’y bastos pagdating sa mga babae. Ngayon, eh ano naman? Sa totoo lamang ay pinoprotektahan pa nga niya itong mga babae sa lungsod. Itong mga pulitiko, gaya ni Estrada, di ba’t bastos din nila, ano?

Sinasabi naman nila na siya’y komunista, NPA, kinokompromiso ang pag-aangkin ng Pilipinas sa teritoryo nito. Jesus na mahabagin. Eh kung ganoon nga. Ano’ng gusto ninyo, mag-aaway na lamang nang mag-aaway tayong mga Pilipino? Handa ba tayo kung tayo’y susuntukin din ng China? Awayin mo na lang ang sarili mo kung ganoon ang katuwiran mo.

Sinasabi nitong iba na sila’y disente. Pati na ng ilang “banal” na kulang na lang ay laging pupunta sa simbahan. Patawarin [nawa sila]! Ewan naman kung ang mga taong ito ay mas masahol pa sa bastos. (Lalo na si Villegas, na mabilis din ang tabas ng dila. Na akala mo ay kung sinong hindi masama ang ugali.)

Isa sa mga gustong ipatupad ni Duterte ay ang paglilimita sa paglalasing at kantahan, lalo na sa madaling araw. Kahit na ikaw ay inom nang inom, kailangan ding magpahinga. At ang videoke, kapag gabing-gabi na at napakaingay, abot [ang lakas] hanggang sa kapitbahay, kaya hayan! Hindi na sila makaharok.

Minsan, kung hindi pa dadaan ang kapitbahay para sabihing tumigil na, hindi talaga titigil at tuloy pa rin [ang kasayahan]. Buti na lamang kung hindi ka ganoon.

Si Duterte ay isang Lolo na hindi naging diktador sa kanyang lungsod sa pagpapatigil sa mga gumagawa ng kalokohan.

Si Duterte ay isang Lolo na kahit na papaluin nang ganoong katindi ang mga pasaway, may pagmamahal din sa mga taong sumusunod sa batas.

Si Duterte ay isang Lolo na kahit mayabang ay handang tumulong at ipagtanggol ang mga tao.

Si Duterte ay isang Lolo na hindi tatanga-tanga at ubod ng tamad sa pagresponde sa mga nangyayari dito sa ating bayan.

Si Duterte ay isang Lolo na kikilos muna bago magsalita.

Kung aakyat si Duterte sa Malakanyang, susunod ba tayo sa batas? Kaya ba natin ang disiplina sa ating mga sarili?

Malilinis ba ni Duterte ang maraming alikabok sa ating bayan?

Aba’y siyempre naman, hindi naman niya iyon kaya nang mag-isa. Eh di tulungan natin siya.

Uunti-untiin natin ang pagbabagong gusto natin.

Hala, huwag nang maging pasaway!

Featured Image Credit: Si Duterte kasama ang maraming tao dito sa Batangas.

Duterte Serye: Eagle’s Weakness

By: Jo Barredo

Palagay ko, alam ng lahat ang ganitong uri ng kanyang kahinaan [at ito ay ang mga] bata. Oo, upang patunayan iyan, matindi ang malasakit ni Mayor Duterte sa mga bata kaya habang isinusulat ko ang seryeng ito, natanto ko na ang lahat ng kanyang mga programa sa Lungsod ng Davao ay nakatuon sa pagpapabuti ng buhay ng mga bata.

Tingnan natin ang ilang halimbawa. Una, ang Bahay ng Pag-asa. Ito ang “nakatagong mansiyon” ni Mayor Duterte. Sa madaling salita, ito ang isa sa dalawang bahay na pag-aari ni Mayor sa Lungsod ng Davao…. Ito ay nasa Bajada, malapit sa Southern Philippines Medical Center (SPMC). Ito ay ibinigay ni Mayor Duterte upang magsilbing tahanan para sa lahat ng mga pamilya na may mga batang nagdurusa sa cancer.

Sa totoo lang, nagsimula ang kuwento sa tuwing pupunta si Mayor Duterte sa children’s ward para sa mga pasyenteng may cancer sa SPMC. Kahit na pinakabago ang mga pasilidad ng ospital na ito sa buong rehiyon, ito pa rin ay isang institusyon ng gobyerno at lagi itong napupuno [ng mga pasyente]. Ito ang nag-udyok kay Mayor Duterte na ibigay ang kanyang bahay sa ospital upang magsilbing tahanan para sa mga batang ito. Pansinin, hindi lang mga Dabawenyo ang nakikinabang dito. Ang mga galing sa ibang lungsod at ibang rehiyon ay maari ding tumuloy sa Bahay ng Pag-asa.

Bilang dagdag na kaalaman, alam ba ninyo na ang lahat ng mga multang nakokolekta ng LGU ng Lungsod ng Davao mula sa mga lumalabag sa No Smoking Ordinance ay napupunta din sa mga batang may cancer? Milyong piso ang nagagastos para tustusan ang kanilang panggagamot at pagkain.

Ang halimbawa ng ganitong kahinaan ang isang dahilan kung bakit kakaunti ang mga batang palaboy sa Lungsod ng Davao. At ito ang isang dahilan kung bakit katawa-tawa ang isyu ng mga naninira kay Duterte na pinatay ni Mayor ang lahat ng mga batang palaboy. Inaalagaan ang mga batang palaboy sa CSSDO, ang bersyon ng DSWD sa Lungsod.

Ang mga batang nasa ilalim ng pangangalaga ng tanggapang ito ay palaging binabantayan at ipinapadala nang walang-bayad sa paaralan. Pansinin, ang mga pamilya na talagang nangangailangan at hindi kayang suportahan ang kanilang anak ay maari lamang makakuha ng ganitong serbisyo. Kapag nalaman ng tanggapan na talagang kaya ng pamilya na palakihin ang bata pero tamad naman, pinadadala sila sa tanggapan ni Mayor.

Natatandaan ko pa ang isang insidente na natagpuan ng isang police patrol ang dalawang bata na natutulog sa isa sa mga waiting sheds sa Barangay Obrero. Nang tanungin, sinabi nila na sila’y galing sa Buhangin (at para sa mga hindi galing sa Lungsod ng Davao, malayo ang Buhangin at Obrero sa isa’t isa. Nang dinala sila sa tanggapan ng CSSDO, pinakain at dinamtan ang mga bata nang maayos. Malas nga lamang para sa mga magulang ng mga batang ito at ipinabatid din kay Mayor Duterte ang kasong ito. Ipinatawag ni Mayor Duterte ang mga magulang at pinagsabihan sila. Madalas, ang sagot ni Duterte sa mga kasong tulad nito:

“Anak kayo nang anak, pero hindi ninyo sila kayang buhayin.”

“Kawawa ang mga bata.”

“Sinabi ko na libre ang pa-ligate at vasectomy dito, bayaran pa kita kung gusto [mong sumailalim diyan.]”

Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Drug Pushers in Davao City

By: Jo Barredo

Alam ng marami sa buong bansa na kapag ikaw ay pusher o adik sa droga, o druglord, at napadpad ka sa Lungsod ng Davao, mapapatay ka doon. Medyo totoo ito, kahit paano, para sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Kung ikaw ay drug lord o nagtutulak ng droga, at pumalag ka [sa pag-aresto sa iyo], patay ka. Pero may pagpipilian ang mga gumagamit ng droga. Dito pumapasok ang “mala-resort” na lugar sa Lungsod ng Davao para gamutin at ipa-rehab ang mga tulad nila (sa Davao City Treatment and Rehabilitation Center for Drug Dependents o DCTRCDD).

Sinumang lulong sa droga na gustong tuluyang magbago ay dinadala doon sa DCTRCDD. Sa simula, ito ay nasa pamamahala ng DSWD Region 11, pero naibigay ang pamamahala sa LGU ng Lungsod ng Davao noon pang 2001. At salamat sa Diyos at nangyari iyon. Bakit? Kasi nabigyan na ng pansin ang naturang pasilidad nang ito’y pamahalaan ng Lungsod.

Nabanggit ko sa unang talata na ang pasilidad na ito ay parang isang resort. At mukha talaga itong resort sa loob. Nandoon ako noong ako’y nasa kolehiyo pa nang nagpunta ang aming klase para sa isang field study (na ilang kilometro lang ang layo sa UP Mindanao). Labing-anim na kilometro ang layo nito sa Downtown area, punung-puno ng mga lugar para maglaro (kasama na ang swimming), mga punong nagbubunga, mga magagandang halaman, isang covered court, kiosks, at hindi pa kasama dito ang mga marurunong at napakamagiliw na mga staff, ano pa ba ang hindi magugustuhan dito?

Natatakpan ang [mga magagandang bagay na ito] ng pagmamalabis ng mainstream media sa ulat na napapatay doon ang mga gumagamit ng droga. Mukhang higit na nakatuon ang media sa pagiging patay nila at hindi binanggit ang katotohanan na binigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng napakagandang buhay (o mamatay). Palagay ko, hindi patas para kay Mayor Duterte at sa LGU ng Lungsod ng Davao na hindi kilalanin sa ganitong pagsisikap na tulungan ang mga nagtutulak ng droga na gustong magbago.

Nandito ang buhay sa Lungsod ng Davao. Pero kung ayaw mong magbago, at pinili mong ituloy ang iyong masamang gawain, dito nagtatapos ang iyong buhay.

Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Awit ng Davao

By: Jo Barredo

Ang seryeng ito ay iba sa lahat dahil hindi ito direktang nakatuon kay Mayor Duterte kundi sa kung ano ang Lungsod ng Davao. Lilinawin ko lang, ang pinakamagandang argumento na maari nating ibato laban sa mga naninira kay Duterte ay ang mga natamong karangalan ni Mayor Duterte at ng LGU ng Lungsod ng Davao upang [ilagay] ang Lungsod ng Davao sa kinatatayuan nito ngayon.

Nagdesisyon akong isulat ang artikulong ito nang marinig ko ang awiting iyan nong isang gabi sa isang local scouting encampment sa distrito ng paaralang pinaglilingkuran ko. Wala itong epekto sa akin noon pero ikinukuwento ng awiting ito kung anong klaseng lungsod ang Davao. At ipinakikita nito kung paano ito pinamahalaan [nang maayos] sa kabila ng pagiging isang lungsod na may halu-halong kultura. Nasasabik na akong sumulat tungkol dito, pero habang isinusulat ko ito, hindi ko mahanap ang angkop na mga salita upang sabihin kung ano ang aking nararamdaman. Mas mabuti ngayong magbanggit ng ilang linya at makinig dito:

“Halina’t sumama, tayo ay iisa
Tulad ng bahaghari, tayo ay pinag-isa
Sari-saring kulay, di nagkakahiwalay
Tungo sa maunlad at payapang buhay”

“Dito sa lupain ng sari-saring lahi
Sa pamumuhay tayo ay magkabahagi
At sa mga mata ng Dakilang Ama
Tayong lahat ay iisa…”

Siyanga pala, ang awiting ito ay maaring magsilbing buod ng lahat ng nilalaman ng Duterte Serye:

Translated by: TweetNewscaster

Duterte: Happy to be called Mayor

By: Monching Lumantas

Nagpatawag ng presscon si Duterte ng hapong ito sa Matina Enclaves sa Lungsod ng Davao. Ginulat niya ang mga nakikinig sa kanyang mga bagong patalastas:

“Magiging masaya ako kung tatawagin lang ninyo ako na Mayor. Ako ay isang lingkod-bayan lamang.”

Sa mga tiwaling tauhan ng pulis at militar: “Mag-resign o magretiro na. Ayaw kong ipabatid ang inyong pangalan sa publiko. Sa mga may kaso, lumayas kayo!”

“Dapat may curfew sa mga menor de edad. Hindi dapat arestuhin ng mga pulis ang menor de edad, sa halip ay arestuhin ang kanilang mga magulang.”

Sa susunod na Hepe ng PNP: “Tatlo ang pagpipilian: Apolinario, Dela Rosa at Aspera.”

“Makukuha ni Atty. Art Tugade ang DOTC. Magaling siya.”

“Huwag hihingi ng endorsement galing sa mga senador, kongresista, gobernador, o sa kahit sino.”

Kay Senator Alan Peter Cayetano:

“Maari niyang piliin na maging miyembro na lang ng Senado, kung saan igagalang ko ang kanyang pasya. Ikaw pa rin ang aking Pangalawang Pangulo.”

(Mga larawan sa kagandahang-loob ni Richard Reyes.)

Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Pugoy Part 2 (Metrodiscom)

By: Jo Barredo

Kung hindi mo pa nababasa ang unang bahagi ng kuwentong ito, inirerekomenda ko na puntahan mo muna iyon bago basahin ito. Kung hindi, maaring hindi mo maintindihan kung ano ang nangyayari.

Ilang araw matapos ibalik ang mga hostage takers, kasama ang kanilang lider na si Felipe Pugoy, sa Davao Penal Colony (Dapecol) dahil sa pagsisikap ng Davao City Police at ni Mayor Duterte, sinubukan nila ulit na makatakas. Sa oras na ito, sinamantala nila ang pag-aaral ng Bibliya na ginanap para sa kanila upang makakuha ng bihag. Ito ang ikalawang bunga ng utos ni Pangulong Cory Aquino.

Ayon sa balita, nagsimula ang insidenteng ito nang nilinlang at nahigitan nila ang lakas ng mga guwardiya ng kulungan na nagbabantay sa kanila habang nag-aaral ng Bibliya. Saka sila nakapunta sa barracks at nakakuha ng mga armas. Sa madaling salita, mas mapanganib sila kaysa noong una nang sinubukan nilang kumuha ng mga bihag.

Nang malaman ito ni Mayor Duterte, sinubukan niyang makipagnegosasyon ulit. Pero ayaw nang sumuko ng mga preso. Ito ay maaring dahil nalinlang sila noon ni Mayor Duterte. Ang kailangan na ngayon ng mga kriminal ay ibigay ang kanilang hinihiling.

Nagtagal ang insidente nang tatlong araw… at sa panahong iyon napatay na ang mga bihag. Napuno na ang pasensya ni Mayor Duterte. Inutusan niya ang kanyang mga tauhan na sugurin at patayin ang mga hostage takers. Nakisali na rin mismo si Mayor Duterte sa pagsugod [sa kanila].

May barilan. Sinabi ni Mayor Duterte sa “Gikan sa Masa, Para sa Masa” na ito na lang ang maaring pagpilian. Papatayin na ng mga hostage takers ang mga natitirang bihag.

Nang matapos na ang barilan, naging malinaw na ang resulta. Dalawampu’t isa ang patay, kasama na rito ang labing-anim na preso at limang bihag. Ang mga limang bihag na pinatay ay sinasabing binaril ng mga nakakulong bago ang pagbihag, kasama na rito ang isang siyam na taong gulang na bata at ang dayuhang misyonaryo na nagsagawa ng pag-aaral sa Bibliya. Sampung bihag ang nasagip at ligtas. Pero, ito ay isa ding madugong katapusan.


Habang isinusulat ko ang seryeng ito, may natanto lang ako. Paano kung hindi pinigilan ni Pangulong Cory Aquino si Mayor Duterte sa kanyang unang plano na gamitin ang mga snipers upang patayin ang mga hostage takers sa unang insidente? Ganoon din kaya ang magiging resulta? Palagay ko hindi. Naniniwala ako na kung ginawa iyon ni Mayor Duterte sa simula pa lang, walang inosenteng buhay ang masasayang. Pero sa ngayon, hanggang “paano kung” na lang ito. Hindi na maibabalik pa kung ano ang nangyari noon.

Translated by: TweetNewscaster