Love Advice No. 132 (Sarah Geronimo)

Sa isang espesyal na Love Advice, bibigyan natin ng payo si Mommy Divine. At may mapupulot tayong aral sa nangyari sa kanila.

Magiging brutal at prangka tayo pagdating dito. Dahil ang lahat ng ito’y pawang katotohanan lamang.

Background

Noong panahon na di pa sikat si Sarah, lagi siyang lumiliban sa singing lessons dahil na rin sa pamimilit ni Mommy Divine. At kahit hanggang ngayon, ganyan pa rin ang ugali ng ina. Di na nakakagulat nang nag-breakdown si Sarah sa isang concert. Doon siya biglang lumuha at nag-sorry sa mga Popsters dahil di na niya kaya ang tindi ng pressure.

Lumabas sa isang blind item ang isa pang dahilan ng pang-aamok niya kay Sarah. Mas inuuna diumano ni Tatay Delfin ang mga manok. Being deprived of basic need, napagbalingan tuloy ng ina si Sarah.

Pagkatapos pagsilbihan ang magulang sa loob ng maraming taon, “pinagbabawalan” pa rin siyang magpakasal. At iyan ay hindi na nakakatuwa.

Ngayong napaangat ni Sarah ang buhay nilang pamilya, it’s time to let her go. Ito ang pinakamagandang regalo na puwede niyang ibigay sa kanyang anak.

Mothers not know best

Sa kanilang tatlo, nasa katuwiran sina Sarah at Matteo.

Dati, sinabi natin na “Mothers know best.” Pero dahil na rin sa inasal ni Mommy Divine, hindi na ito applicable sa kanya. Nang-aabuso na siya. Bakit?

Ipinakita rin ni Mommy Divine na wala siyang taste pagdating sa mga naging boyfriend ni Sarah. Ito’y sa kabila ng pagiging prominente ng pamilya ni Matteo. Doon pa lang may problema na siya sa pag-iisip.

Kaya, magiging understandable din kung hindi nila isasapubliko ang kasal. Sa tinagal-tagal ng panahon na nakikialam si Mommy Divine sa buhay ni Sarah, ewan ko kung alam niya ang salitang “respeto” at “delikadesa”. Kahit pa noong panahong sila pa, si Mommy Divine pa rin ang “nagtitimon” ng relasyon. Kung ganito ang ugali na ipinapakita niya, how much more kung siya’y maging biyenan?

Understandable din ang ginawa ni Matteo. Sino ba namang hindi magagalit pag naudlot ang moment na deserve nila? Dito pa lang niya ipinakita kung gaano siya kaseryoso kay Sarah.

Kung tutuusin, napakasuwerte ni Mommy Divine sa kanyang anak. Ubod ng bait at masunurin pa. Iyan ang isang bagay na di niya naiintindihan. Huwag sana niyang paabutin pa sa punto na dahil sa ginagawa niya, mapapasama ang pagkatao ng Popstar.

Ang inasal ni Mommy Divine ang dapat nang magkumbinsi sa kanila na bumukod at lumayo sa kanya. Magsisilbing leksyon ito sa ina para di maulit ang ganyang kalokohan.

Brutal truths

Sa totoo lang, hindi madadala ang yaman sa hukay. At hindi lahat ng bagay ay umiikot sa pera. Merong mga bagay na di matutumbasan ng kahit anong pera: Pamilya. Anak. Moments kasama sila.

Darating at darating din sa punto na maghahanap ang ating mga anak ng sariling buhay. Maghahanap ng makakasama. Magkakaroon ng sariling anak. Hindi ito maiiwasan kahit anong gawin natin. Ito ay likas na karapatan nating lahat bilang tao.

Financial woes

Gusto raw ni Mommy Divine na ipangalan sa kanya ang lahat ng makukuhang pag-aari ng dalaga. In effect, mapapasakamay niya ang kalahati ng combined properties ni Sarah at Matteo pag nangyari iyon.

Sa kondisyones na hiniling niya bago ang kasal, lumalabas ang tunay na motibo. Hindi ito ang gawain ng isang matinong magulang, kahit sa gipit na kalagayan.

Sa mga magulang, isaisip natin ang masakit na katotohanang ito:

Dapat pala, maaga pa lang, nag-iipon na si Mommy Divine. But don’t worry. Hindi pa huli ang lahat. May WFMA na tutulong sa kanya regarding financial matters. Ang tanong nga lang ay kung willing siya.

Joketime

May joke pa nga dito eh. Sa “Divine Intervention”, nakatikim ang guwardiya ng Tala. Feeling niya, siya’y nakalutang na sa langit.

Dagdag pa ni Marc Logan:

Final words

Ngayong naipaglaban ni Sarah at Matteo ang isa’t isa, abot-kamay na nila ang road to forever. Good luck and God bless sa kanilang dalawa!

Sana maging aral sa ating lahat ang nangyari sa kanilang tatlo: (1) Mag-ipon para sa sarili, at (2) Ipaglaban ang pag-ibig, lalo kung nasa tama.


Featured Image Credit: Photo of couple holding hands.

Alamat ni Rapunzel

Ano ang meron sa mahabang buhok ni Rapunzel? Simulan natin sa isang kuwento:

Sa isang kastilyo, mayroong isang dalaga na nagngangalang Rapunzel. Dati ay maikli ang kanyang buhok. Ikinulong siya ng isang witch, na isinumpa ang kanyang mga magulang. Hindi natin alam kung ano na ang nangyari sa mga magulang niya mula nang isinumpa sila.

Ang batang Rapunzel ay lumaki na at nagdalaga. Sa katunayan, ang balita ng kanyang pagkakakulong sa kastilyo at ang kanyang natatanging ganda ang tumulak sa mga lalaki na ligawan siya.

Sa dami ng mga nanliligaw sa kanya, lalong humahaba ang hair niya. Bawat lalaking dumadaan sa kanyang kastilyo ay nagdagdag ng isang pulgada sa buhok ni Rapunzel.

Samantala, ang witch ay nasa bakasyon. Tulad ng iba, dumaan ang Prinsipe upang masilayan lang si Rapunzel. Dito na nabihag ang puso ng dalaga, at ibinaba ang kanyang mahabang buhok para makaakyat ang Prinsipe. Doon na nagsimula ang pag-iibigan nilang dalawa. Araw-araw ay laging dumadalaw ang Prinsipe, at lagi ding ibinababa ng dalaga ang buhok.

Nang umuwi ang witch, nagtaka siya kung bakit maikli na ang buhok ni Rapunzel. Actually, hindi ang witch ang pumutol sa buhok ni Rapunzel. Pinutol na ito ng dalaga dahil nag-break up na sila ng Prinsipe.

And she lived sadly ever after.

The end.

Krabby Patty Recipe

Many of us have been intrigued by the secret formula of Krabby Patty, the most-sought recipe in Krusty Krabs. Would anyone dare to open the recipe inside the bottle? Fortunately, Spongebob shares to us this wonderful secret to the tasty dish.

I deem this recipe as fairly simple, and can be cooked right at your home. We are going to divulge this for our benefit, for you to taste it also. But don’t show this to Plankton! This is strictly confidential, and it is for our eyes only. Now, how do we cook it?


Ingredients:

  1. Buns. This is a very important part in any patty recipe.
  2. Cheese. Any kind of solid cheese will do.
  3. Cooking oil.
  4. Crab meat. This can be obtained by deboning several crabs. Otherwise, you may use lobsters, fish, chicken, or beef as substitutes.
  5. Eggs. We’ll use these to bind the crab meat.
  6. Flour. We’ll use these to coat the patty mixture. Breadcrumbs may be used as substitute.
  7. Ketchup. Please use one made from tomatoes, not from bananas.
  8. Lettuce.
  9. Mustard.
  10. Onions.
  11. Pepper, to taste.
  12. Pickles. We’ll add this due to an unfortunate incident. It can be recalled that Spongebob got humiliated because of this missing stuff.
  13. Salt, to taste.
  14. Tomatoes. Preferred choices are on red, ripe ones.

Let’s start cooking!

  1. Combine one egg for every kilo of crab meat in a container. Observe this proportion regardless of crab meat that you have.
  2. Season the mixture with salt, pepper, and other flavorings of your choice.
  3. Upon combining these ingredients, form it into disk-shaped patties that you know. Coat it with flour or breadcrumbs.
  4. In a pan, place a moderate amount of oil. When it starts to emit smoke, fry the patties for five minutes or until golden brown.
  5. In a steamer, place the lettuce, onions, and tomatoes, and steam for five to ten minutes. The heat will be sufficient to cook these without frying. Otherwise, you may serve them fresh.
  6. (Optional) Place buns in a microwave oven for two minutes under low heat. Remove burnt areas if there’s any.
  7. At the burger’s bottom bun, arrange there the various ingredients in ascending order: patty, lettuce, cheese, onions, tomatoes, ketchup, mustard, pickles, and top bun. The Krabby Patty is now ready to be served.

Hope the author helped you in preparing Krabby Patty right at your doorstep. Just don’t tell Mr. Krabs that you made one. Otherwise, he might charge you large bucks for that. So, have a delicious meal, and happy cooking! 🙂

SB19 – Alab: MV Review

Sa pagkakataong ito, ating suriin ang isa pang awitin ng SB19: ang Alab.

Ngayong nasuri na natin ang Grow Up, ano kaya ang posibleng i-alok sa atin sa bago nilang awit?

Sinimulan ang kuwento sa isang babae, na pinapili ang grupo sa iba’t ibang mga card. Depende sa kulay ng card, sila ay pupunta sa kani-kanilang “booth”. Dito nila ipapakita ang iba’t ibang mukha at kulay ng pag-ibig. Ito ay nakabuod sa isang mensahe:

Iba’t iba ang pagtingin natin sa pag-ibig at kung paano natin ito matatamo. Kung tingin ng karamihan ay masaya, ito naman ay malungkot sa iba. Pero ang lahat ng ito ay nagbibigay ng kulay at saysay sa pag-ibig.

Sa madaling salita, ito ang mensahe ng Alab:

Kahit na maraming hadlang, ang nag-aalab na pag-ibig ang magiging gabay upang magkaroon ng happy ending.

Sinasalamin ng ilang bagay ang ilang reyalidad na nais ipakita ng Alab. Una, ang tungkol sa pulang tali, na para bang laser. Kapag ito ay pinutol, ibig sabihin lang nito na nalampasan na ang malaking hadlang. Pangalawa ay ang dami ng itinatapong papel. Meaning, nalilito pa tayo sa kung anong nais sabihin sa taong gusto natin. Panghuli ay ang larawan, na nang malaon ay nagpatak. Sinasabi nito na ang pag-ibig na nasa larawan lamang ay naging totohanan na.

Simple lamang ang ginagamit na electronic music sa awitin, maging ang sayaw na ipinakita sa video. Hiniram din ang konsepto ng matubig na stage sa Violeta ng IZ*ONE. Pero kumpara sa Grow Up, ito ang mas kailangan pang paghusayan. Bukod sa kailangang dagdagan ng angas factor ang sayaw at instrumentals, kailangan ding paghusayin pa ang raps (2:01 – 2:09).

TweetNewscaster’s Overall Rating: 88.89%
Grade: B+
Assessment: Good

Scoreboard

Aspeto Puntos Kabuuan
Kuwento 10 10
Anyo 30 30
Awitin 8 10
Sayaw 10 10
Aral 7 10
Aliw Factor 15 20
Iba pang salik    

Question and Answer Portion (TNC Edition)

Para sa espesyal na write-up mula sa may-akda, ating sasagutin ang mga kakaibang tanong.

Minsan, nagtatanong tayo sa mga bagay na hindi natin maipaliwanag. Sa kasong ito, magiging makuwela ang approach natin sa mga ganyang bagay. Sige, simulan na natin!

  1. Kung ikaw si Batman, sino ang bahala sa’yo? Give 3 examples.
  • Mar Roxas. Sabi niya noon kay Romualdez na bahala siya sa buhay niya.
  • Pedro Penduko. Sa mga nakakalimot sa karakter niya, isa siyang tao na may power na labanan ang mga masasamang elemento. Sabi pa nga niya, “Ako’ng bahala sa iyo.”
  • James Reid. Pati si Nadine Lustre, kasi sabi nila, “Bahala na.”
  1. Alin ang mas malaki? BAG NI DORA o BULSA NI DORAEMON? Ipaliwanag.

Bulsa ni Doraemon. Bakit? Dahil kasya sa bulsa niya ang mga malalaking kagamitan na binibigay kay Nobita. Samantalang kay Dora, iilan lang ang kaya nitong ilaman.

  1. Sa produktong Crayola, ano ang pinagkaiba ng yellow green sa green yellow? Explain using logarithmic functions.

Positions. Malamang, pag yellow green, inuna munang ibuhos ang yellow bago ang green sa coloring machine. Reverse technique is used for green yellow. Kahit nga noong bata pa ako, nagtataka ako kung bakit may ganoong kulay.

  1. Ano ang meron kay Brand X at galit na galit ang ibang brands sa kanya? Explain.

Meron kasing taglay na special power si Brand X na wala sa ibang brands. So, ang ginawa ng ibang brands ay nag-improve sila sa kanilang teknik. Kaya mapapansin niyo, every commercial, comparing Brand X sa ibang brands, mas lamang ang huli.

  1. Masasabi mo bang fair ang Ms. Universe kung lahat ng contestants at judges ay galing sa Earth? Explain.

Yes. Masasabi ko na fair enough kung lahat ay galing sa Earth. Bakit? Ang mga aliens at iba pang nilalang ay mahihirapang makapunta sa Earth at mag-prepare para sa pageant. Dahil sobrang layo ng distansya nila sa Earth.

Sabihin natin na ang mga contestants galing sa pinakamalapit na bituin ay pupunta sa atin. Aabutin sila ng 378.2 billion years bago makarating sa Earth. By that time, matagal nang natapos ang Ms. Universe.

  1. Bakit ang tawag sa “building” ay building kung tapos na sya? Justify.

Dapat sana tinawag nating “finished big house” itong building. Pero ano ang nangyari at bakit ito tinawag na building?

Tandaan natin na bago pa man natapos ito, ginagawa na ito. Ika nga, “building”. Siguro, dahil nakalimutan na nilang tawagin ang naturang gusali bilang “finished big house” kaya building pa rin ito kung tawagin. O di kaya, nasanay na kasi silang tawagin ito bilang building at that time na ginagawa pa ito.

  1. How did Adele set fire to the rain? Write the chemical formula.

Cloud-seeding of kerosene + fire = fire in the rain

  1. Kapag ang ipis nahulog sa tubig na may sabon, dudumi ba ang tubig o lilinis ang ipis?

Wait. Kapag ang ipis ay nahulog sa tubig na may Champion, hindi dudumi ang tubig. Sa halip, malilinis pa ang ipis. Meron kasi itong mga sangkap na talagang nakakapagpalinis ng ipis. Ika nga nila sa kanilang commercial, “Tapat po sa inyo.

  1. Kung may nakatusok na baboy ay barbecue, ang nakatusok na saging ay bananacue, bakit ang kabayo, carousel?

Wala lang. Nasanay na kasi sila na ganoon ang pagtawag. Sa totoo lang, dahil imposible namang ihawin ang carousel, naisipan ng mga gumawa nito na ibahin na lang ang pangalan.

Meron ding kuwento na noong inihanda ang samu’t saring mga nakatusok na kabayo para gawing laruan ng mga bata sa halip na ihawin, may dumaang bata. Nang makita ito ng isang bata, naalala niya ang mga karosa na dumadaan sa kanilang bahay tuwing pista. Ang mga karosa noon ay hila-hila ng mga kabayo.

Dito na nagsabi ang bata sa kanyang ina,”Sakay tayo sa karosa.” Nang madinig ito ng mga gumagawa ng carousel, nagdesisyon sila na ipangalan ang palaruang ito bilang ‘karosa’ na nang maglaon ay naging “carousel.”

  1. Ilan ang butas sa isang cracker ng skyflakes? Illustrate.

54 ang butas sa isang cracker ng SkyFlakes.

  1. Nauuhaw din ba ang mga isda? Ipaliwanag.

Hindi. Bakit hindi sila nauuhaw? Sa dami ng mga iniinom nilang tubig, hindi sila kailanman mauuhaw. Dalawa kasi ang papasukan ng tubig sa kanilang katawan. Ang isa ay nasa kanilang bibig, at ang isa ay nasa kanilang mga hasang.

  1. Bakit pag rush hour tsaka mabagal ang daloy ng trapiko? Explain your answer using sign language.

  1. In 140 characters (including spaces), ibuod ang talambuhay ni Jose Rizal.

Si Jose Rizal ay pinanganak at namuhay sa Calamba. Naglakbay siya para matuto, mag-aral, mag-isip, at maging bayani. Binaril siya sa Luneta.

  1. Ang breakfast ba at dinner, pwedeng ilagay sa lunchbox? Prove your answer.

Hindi puwedeng ilagay ang breakfast at dinner sa lunchbox. Lunch lang ang puwedeng ilagay sa lunchbox. Bakit?

The term itself is very descriptive. Kung ilalagay mo ang breakfast sa lunchbox, hindi na “lunchbox” ang tawag diyan kundi “Breakfastbox.”

Same is true when it comes to dinner. Kapag inilagay mo naman iyan sa lunchbox, hindi na “lunchbox” ang tawag diyan kundi “Dinnerbox.”

  1. Kapag bumili ba ako ng Happy Meal sa MCDO, magiging masaya na ba ako?

Happiness is a personal decision. Kaya, bahala ka na kung magiging masaya ka ba o hindi kapag bumili ka ng Happy Meal. Ang meal kasi ang laging happy, hindi ikaw.

Magiging oo ang sagot sa tanong mo kung ang nakalagay diyan ay “Happy User Meal.”