Memoirs: Bulkang Taal

Habang nagsusulat sa site na ito, biglang dumating ang balita ng pagputok ng Bulkang Taal. Natatanaw namin sa labas ang usok. Nakakatakot ding pagmasdan ang kidlat na kukurap-kurap, lalo pag gabi.

Paminsan-minsan, binabasa ko ang mga comments sa status ng mga evacuees. Paliwanag ng isang netizen, ang isang evacuee ay principal pala. Sa puntong iyon, napaisip ako.

Paano kaya yaong mga kakilala ko doon? Yung mga kasabayan ko. Yung ilan sa mga kaklase ko na tagaroon. Yung crush ko. Paano na? Ano kaya ang kalagayan nila?

Hindi natin alam ang bukas, pero kailangan natin itong paghandaan. Somehow, there’s something in common sa sitwasyon nila noon sa naranasan ko dati, kahit magkaiba.

Sa ngayon, marami sa mga evacuee ay nagsiuwian na matapos ibaba ang Alert Level 3. Pero nakaamba pa rin ang isa pang pagsabog. Ito’y dahil na rin sa naiipong magma sa ilalim.

Negatives

Sa mga isyu na nangyayari ngayon, may mga tao na kahit wala talagang alam, sila pa ang matitigas ang ulo.

Nandiyan na ang isyu sa PHIVOLCS pagdating sa advisories nito. Kahit noon pa, ipinanukala dati ni Prof. Clarita Carlos (pati ng dating head na si Rey Punongbayan) na ideklarang no-man’s land ang bulkan.

Alam na natin kung ano ang reaksyon ng mga kababayan sa ahensya. Walang nakinig kay Prof, hanggang ipinagbawal na mismo ni Pangulong Duterte ang pagtira doon sa isla.

Ang nangyayari ngayon sa bulkan ang nagpapatunay na tama ang sinasabi ng mga eksperto. At sa ganoong klaseng mindset, inilalagay ng ilang kababayan ang kanilang buhay (at ng iba) sa panganib.

Positive notes

Samantala, pinapasaya ng mga evacuees ang maraming tao. Tulad na lang ng nai-feature ko noong isang araw, kung saan nagsuot sila ng pang-kasal. Nakakatuwa na ang inihahaing pagkain ay kaparis din ng catering services. At dahil tuloy pa rin ang buhay sa mga evacuation centers.

Lumitaw din ang bayanihan ng mga tagaroon. Meron ding mga bahay na nagsisilbing evacuation centers, na malaking tulong para hindi magsiksikan ang mga bakwit. Madalas sila na mismo ang nagkukusa nang hindi nanglilimos ng tulong sa gobyerno.

Contributions

Espesyal sa akin ang lugar sa palibot ng lawa. Kaya ganoon na lang ang lungkot ko nang malaman ang balita.

Malaki man ang halagang binigay ko para sa kanila, isa na rin itong paraan para magpasalamat sa kanila. Isang pasasalamat sa pag-alalay sa akin, sa ilang mga araw na nandoon ako. Pasasalamat na rin sa paghubog din sa akin para marating ang estado ko ngayon.

Love Advice No. 111 (Pag CPA, Mataas Ang Suweldo?)

Malapit na rin ang CPA Board Exam. This is it! Ito na ang chance mo na maging CPA. Pagkatapos mong makapasa, what’s next?

Hahanap ka ng magandang trabaho, let’s say sa Maynila. Ang tanong: Tama kaya ang mindset na pag CPA, mataas ang suweldo? Alamin ang reyalidad sa love advice na ito:


From Accounting Coach Philippines:

“Naranasan niyo rin ba na masabihang “Oh, CPA ka na. Pero ang baba ng suweldo mo. Dapat nasa 50k na iyan.”

Sa Love Advice na ito, isasampal natin ang masakit na katotohanan, at kung ano ang dapat gawin para makasuweldo ang CPA ng 50k. Applicable din ang sagot sa iba pang propesyon.

Expected na maitutuwid nito ang mga maling impresyon sa mga CPAs (at pati na rin sa ibang propesyon). Ito ay para na rin sa gabay at kaalaman ng lahat.

Share ko din ang isang meme:

Bakit nga ba?

Una sa lahat, nasa Pilipinas tayo. Kung nasa ibang bansa ang mga CPAs, mas malaki pa diyan ang matatanggap nila.

Isa pang masakit na reyalidad: Di porke’t CPA na, ilalagay ka sa mataas na pedestal. Hindi kukunin ng company ang isang tao sa isang magandang position na walang experience, kahit pa CPA siya. Siyempre, sa mababang position ka muna. Para sa atin, possible position ang Accounting Staff o Audit Associate.

Bilang isang baguhang CPA, kailangang matutunan muna ang lahat ng kailangan sa actual practice. Minsan, magbibigay siya ng bookkeeping/tax compliance bilang sideline. After 3 years or more, saka pa lang siya kikita, lalo pag nagtayo ng sariling accounting firm.

Panghuli, tumataas din naman ang suweldo taun-taon. Ito ay bilang konsiderasyon na rin sa inflation, kung saan bumababa ang halaga ng perang kayang bilhin.

Supply and demand

Isa pang masakit na reyalidad: Dinidiktahan ng supply at demand (pati market competition) ang suweldo ng mga accountants, same din sa kahit anong propesyon o hanapbuhay. Sa madaling salita: Bilang ng trabaho > CPAs = Salary up. Bilang ng Trabaho < CPAs = Modest salary.

Honestly, kung tatanungin mo rin ang mga CPAs, especially sa mga nagsisimula pa lang, modest ang suweldo. Madalas ay kulang pa sa pangangailangan. Tapos, overworked pa. Gustuhin mang maghanap, no choice.

Mahirap maghanap ng trabaho na merong ganyang halaga. At kung meron man, isipin kung gaano kalaki ang workload na expected sa isang CPA pag ganyan. Isipin din ang tindi ng stress na aabutin since equal pay = equal work. Sa bandang huli, hindi na ito tungkol sa suweldo. “It’s about enjoying life.”

Memoirs

To tell you kung gaano kahirap ang inaabot ng mga CPAs, let me share you a bit of experience.

From the time na nakapasa ako last May 2018, hanggang February nito lang taon, paminsan-minsan akong tumitingin kung meron na bang improvement sa paghahanap ng trabaho. Pero hanggang ngayon, wala pa rin. Ganoon pa rin ang set-up na nadatnan ko noong 2017 bago maipasa ang board exam: Marami pa ring aplikante, kakaunti ang trabahong meron sa probinsya pero nakatambak sa Maynila, at walang magbigay ng ganoong halaga.

Habang naghihintay ng application (around November 2018), may isa na nag-offer sa akin na gawin ang BIR reports. Ang siste, 5k lang ang kaya nilang ibigay. Tapos, maraming kailangang tapusin. Sa probinsya yan. Sinong magtitiis sa ganyang setup?

From that extra two months na naghahanap pa rin ako ng trabaho sa probinsya, hanggang ngayon, walang trabaho doon. Mas lalong walang magbigay ng 50k na suweldo. So, paano iyan? No choice kundi bumalik sa dating trabaho. Itinigil ko na ang paghahanap ng trabaho sa siyudad, at wala na akong balak na ulitin pa ito. Dahil isa na itong malaking kalokohan. At dahil wala na rin akong mapapala after five months ng paghahanap ng trabaho doon.

Sa ngayon, bumalik nga ako, pero masaya na ako sa kung ano ang meron ako ngayon. At pasalamat din ako dahil very considerate din ang mga magulang ko pagdating sa ganyan.

What to do

Ano kaya ang puwedeng gawin para itaas ang suweldo?

Tama ang sagot ng isa na “Federalismo muna.”Sa panukalang ito, dadami ang trabaho na available sa mga CPAs. Kung luluwagan ang restriksyon sa ekonomiya, asahan ng mga CPAs ang dagsa ng mga foreign investors. Na magbibigay ng dagdag na trabaho, at dagdag na suweldo dito sa Pinas. At di na 50k lang, ha? Mas malaki pa. Pag ganito ang mangyayari, bakit pa tayo mag-aabroad pa?

(Malaking tulong din ito para di na magsiksikan ang mga major accounting firms sa Makati/MM lamang. Maikakalat din ang big bulk ng CPAs mula Maynila papunta sa mga probinsya, dahil naroon na din ang oportunidad.)

Memoirs: Remembering DJ Jasmine

Nang malaman ko ang nangyari kay DJ Jasmine, natigilan ako. Bakit ganoon? Bakit ang bilis?

Biglang bumalik-tanaw sa akin ang mga alaala noong nasa unang trabaho pa lang ako, three years ago. Tuwing lunchbreak, laging napapakinggan si DJ Jasmine sa Dear MOR. Madalas siyang nagbibigay ng komento at love advice. Kung hindi man, siya ang madalas nagsasalita sa segment na “For MOR Information.”

Sa maghapon na pagtatrabaho, nasanay na ako sa boses niya. Sa mga panahong iyon ay medyo magaan ang lagay ko, kahit na mahirap ang trabaho. Pag naririnig ko ang mga boses nila, minsan ngingiti ako dahil alam ko na magiging maganda ang mga susunod na araw.

Simula nang umalis ako noong March 2017, hindi na ako nakatutok sa programang “Dear MOR”. Madalang akong nakinig, dahil siguro hindi na ako ganoong kasigasig sa pag-tune in sa MOR. Inabot ng halos dalawang taon bago ko nalamang nagkasakit pala siya. Sa puntong iyon ay nagsasalita siya sa radyo, habang nasa ospital pa. Doon na siya binawian ng buhay.

Dito ko ulit napagtanto kung gaano kaikli ang buhay. Minsan, ang sakit talaga ay hindi maiiwasan, at masakit tanggapin ang ganitong katotohanan.

Maikli man ang buhay ay nagsilbi kang malaking bagay lalo na sa mga sawi sa pag-ibig. Maraming salamat, DJ Jasmine, sa pagiging isa sa mga bahagi ng buhay naming mga nakikinig sa radyo.

Memoirs: Remembering Jea

Dear Jea:

Habang tinitingnan ko ang picture mo noong bata, napapaisip ako. Noong mga bata pa tayo, pinipilit nating matuto sa mga simpleng bagay, at hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin pagdating ng araw. Paano kaya kung ikaw pa rin ay buhay hanggang ngayon? Paano kung iba ang sitwasyon natin? Paano kaya tayo ngayon kung pareho tayong pasado sa exam?

Natatandaan ko ang mga panahong nagrereview pa tayo. Bumaba ako para tumaya sa lotto, dahil malaki nga ang jackpot noon. Doon mo na rin ako nahuli, pero tumaya ka pa rin sa ibang laro. Ako pa nga ang naging cheerleader mo sa pagtaya, kahit hindi ka pinalad. Natawa pa nga ako sa expressions mo pag natatalo ka sa ScratchIt.

Marami pa tayong pinagsamahan noon. Sabi mo pa nga, hindi ka muna kumuha ng board exam dahil kailangan mo pa ng dagdag review. After a few months, hindi namin agad nalaman na nagkasakit ka na. Kaya sobrang sakit nang huli kong malaman na wala ka na.

Ikaw na ang isa sa mga inspirasyon ko noong CPA Board Exam. Ipinangako ko sa sarili, na pag nakapasa ako, dadalaw ako bilang pasasalamat. That’s the least na magagawa ko para sa iyo.

Nito lang Sabado de Gloria, tinulungan ako ng mga kaibigan mo sa pag-locate sa iyong puntod. Laking pasalamat dahil sobrang bait nila sa akin, at pinaliwanag sa akin nang maayos kung nasaan iyon. Ang layo pala sa kabayanan, pero sulit din dahil tahimik, at nakakapagmuni-muni pa ako.

Nang makita ko nang malapitan ang puntod, hindi ko naiwasang umiyak. Ang bilis kasi talaga ng panahon. Mahigit dalawang taon na pala tayong di nagkita nang personal. Doon ko na ulit ibinuhos ang lahat ng galit, sakit, at frustrations na nararamdaman ko maipasa lang ang exam. Ito yung mga panahon na wala akong nagawa kundi tanggapin ang lahat ng sitwasyon.

Umiihip ang hangin, at sumasabay na ang mga halaman. Binalikan ko ang mga moments kasama ka. Maikli lang ang oras para dalawin ka. Time to go. Pero kahit paano, magaan na ang pakiramdam ko.

It has been two years since you’re gone. Masakit para sa akin ang nangyari, pero isa lang ang sigurado: Buhay ka pa rin. Sinabi mo rin iyan sa akin. Totoo iyan, kasi ikaw ang kaibigan ko, at mananatili ka sa aking puso habambuhay.

Salamat sa lahat. Kahit na maikli lang ang oras na pinagsamahan natin, binago mo ang buhay ko, at buhay ng mga taong nagmamahal sa iyo.