Leeg ng Manok Recipe (Chicken Neck Recipe)

Good day, readers! Narito na naman tayo sa isa pang serye ng pagluluto ng manok. This time, lulutuin natin ang malasang dish para sa leeg ng manok. Kung ready ka na, ihanda na natin ang mga ingredients:

  • Leeg ng manok. Useless ang pagluluto natin kung walang leeg ng manok. Sabagay, ito rin ang sinasabing “one of the useless parts” ng manok. 😥
  • Mantika. Any kind of cooking oil will do. Basta masarap. Kung gusto mo naman ng gaas, go ahead.
  • Luya. Preferred na gamitin ang turmeric para mas masarap. Kung wala nito, puwede na ang ordinaryong luya. Ito ang magtatanggal ng lansa sa manok na lulutuin natin.
  • Toyo. Na mabibili sa kapitbahay. Wag gamitin ang may toyo sa ulo. Haha.
  • Suka. Na mabibili din sa kapitbahay.
  • Asin. To taste.
  • Worcestershire sauce. Iyon din ang tinatawag nilang “Sarsa Perrins”. Iyan ang magbibigay ng dagdag na lasa sa ating leeg ng manok. Kung nahihirapan ka sa pagbigkas ng “Worcestershire,” puwede na ang “Sarsa Perrins”.
  • Sesame Seeds (optional). Ang mga sesame seeds ay magbibigay ng sustansya sa naturang dish. Ito rin ang magbibigay ng dagdag na kulay sa manok.
  • Cassava starch (optional). Ito ang magsisilbing pampalapot sa dish na niluluto natin.
  • Sikretong sangkap. Alam natin na hindi ito ireresearch ng team ni Jessica Soho. So, preferred natin ang Magic Sarap bilang pampalasa natin. Ay, bakit ko sinabi iyon? Never mind.
  • Spring onions, chopped (optional). Ito ang pinaka-dahon ng sibuyas, na magsisilbing dekorasyon sa ating dish.

Paano lutuin?

  1. Ibudbod ang sikretong sangkap sa manok.
  2. Sa kumukulong mantika, iprito ang leeg ng manok hanggang maging golden brown. Set aside.
  3. Sa natirang mantika, igisa ang sibuyas, bawang, at luya hanggang maging lanta.
  4. Ilagay ang leeg ng manok, toyo, suka, Worcestershire sauce, at asin. Isama na rin ang kaunting tubig. Takluban at hintaying kumulo.
  5. Oras na kumulo, tikman nang ayon sa panlasa.
  6. (Optional) Sa isang mangkok, ilagay ang cassava starch, saka ang tubig. Ratio is 1:1/2 by weight. Haluin hanggang sa matunaw ang starch. Ilagay sa dish natin at haluin habang pinakukuluan.
  7. Kapag malambot na ang manok, patayin ang apoy. Ilagay ang spring onions at ang sesame seeds sa dish. The “Leeg ng Manok” dish is now ready to be served.

Sana nag-enjoy tayo sa pagluluto ng ating dish sa leeg ng manok. Kung nasarapan ka sa luto natin, yehey! Kainan na. Have a good appetite, and happy cooking! 🙂

Love Advice No. 84

Sa post na ito, pagsasama-samahin ng may-akda ang mga tanong na nangangailangan lamang ng maikling sagot:


From a reader who asked a question via Search Box:

kapag sinabi ng ex na di kita malimutan hanggang ngayon iniisip parin kita

My Answer:

Naaalala niya ang mga masasayang alaala na kasama mo siya. Nami-miss niya ang mga moments na kapiling ka niya.

Siyempre pa, masakit din naman para sa kanya ang nangyaring paghihiwalay ninyo. Kaya para mawala ang lungkot na nasa kanya, binabalikan niya ang mga alaala na kasama kayo. At doon ka niya laging naaalala.


From a reader who asked a question via Search Box:

sign na inaakit ka ng babae

My Answer:

  • Kapag lagi siyang lumalapit sa iyo.
  • Kapag nagpapa-cute siya sa iyo. Don’t expect it pag di ka niya gusto.
  • Malambing ang kanyang boses pag kinakausap mo siya. Hindi mo iyon madidinig sa kanya kung casual o normal lang ang tingin niya sa iyo. Gagamit lang siya ng normal voice pag nagkataon.
  • Kapag masyadong maikli ang suot ng babae everytime na nandoon ka. I would like to emphasize the fact na di porke’t nakashorts at spaghetti shirt ka ay pang-akit na. Hindi ganoon. The point is if she wears it and at the same time ay hindi nahihiya pag kasama ka niya. Doon ka na kabahan.
  • Yung tipong pag pupunta ka, lagi siyang sumasama sa iyo. Hindi ka aakitin ng babaeng iyan kung ayaw niyang sumama sa iyo tuwing niyaya mo siya.

Depende sa babae, puwedeng iyan ang signs na inaakit ka. Puwedeng ibang signs ang makita mo kung inaakit ka niya. Well, anyway, kailangan nating mag-ingat.


From a reader who asked a question via Search Box:

luto sa leeg ng manok

My Answer:

Since naghahanap ka ng luto para sa leeg ng manok, sige, gagawan din natin iyan ng recipe. Paki-browse ng page na ito para sa lutong iyan. Please do share the article pag naipublish ko na iyan.


From a reader who asked a question via Search Box:

Sino ang mga batangueno?

My Answer:

Ang mga Batangueño ay mahahalata mo sa paraan ng pagsasalita ng Tagalog. Ang kanilang istilo ng pananalita ay barako ang dating. Magandang sample ang artikulong “Duterte Serye: Ay Bakit Ga Si Duterte?” na isinulat ng may-akda sa istilong pam-Batangueño. O di kaya’y tingnan mo din ang balitang “Batangas town builds monument after laying egg statue.

Sa mga hindi pamilyar sa punto nila, lalo ng mga taga-Maynila, aakalain nila na laging pasigaw kung mag-usap ang mga Batangueño. Pero iyon ang normal na pag-uusap nila.

Kung sino ang mga Batangueño, meron tayong mga sikat na Batangueño: Marcela Agoncillo, Felipe Agoncillo, Apolinario Mabini, Claro M. Recto, Senator Ralph Recto, President Jose P. Laurel, Vice President Doy Laurel, Aiai delas Alas, Jayson Gainza, Vilma Santos, at iba pa.


From a reader who asked a question via Search Box:

pag masyadong maalat pa ang bagoong alamang anu dapat ang ilagay?

My Answer:

Kapag masyadong maalat pa ang bagoong alamang, dapat ilagay ang patatas. Hihigupin ng patatas ang sobrang alat na nasa bagoong alamang.


From a reader who asked a question via Search Box:

paalala about sa mga taong nagkakacrush

My Answer:

Ang paulit-ulit kong paalala, ang crush ay paghanga lamang. Hindi porke’t crush mo na ay mahal mo na kaagad.


From a reader who asked a question via Search Box:

habang tumatagal ang panahon tumataas ang presyo in english

My Answer:

Wow, pati itong isyu sa ating bansa ay may request din. Sige. Ito ang translation sa English:

The prices are increasing as time goes by.


From a reader who asked a question via Search Box:

anong mangyayari kapag na cool off kayo ng mahal mo

My Answer:

From the term itself: “cool off”, manlalamig ang feelings niya sa iyo. Hindi naman puwedeng mag-init ang feelings ninyong dalawa pag cool off na kayo. Haha. 😀