Love Advice No. 129

Author-constructed problem:

Nagkakagusto na po ako sa isang reviewer sa ReSA. Minsan na rin akong nag-request sa kanya na magpatasa ng lapis. Ang problema ko po, marami rin ang nagkakagusto sa kanya.

My Advice:

Assess mo muna ang sarili mo.

Gusto mo ba talaga siya? Baka crush mo lang siya, which in this case ay kailangan mong palipasin ang oras. Then assess yourself again, since it might take some time before love can be developed. Pag nag-iba na ang approach mo sa kanya, baka gusto mo na talaga si Prof.

Mahirap na kung crush mo pa lang, mahal na agad. Walang ganoon.

Huwag mo ring hintayin na siya ang gagawa ng first move. Sa dami ng mga nagkakagusto, maiiwanan ka pag ganyang ka-obsolete ang mindset mo.

Get yourself interacting with him. Take initiatives. Mas mabuti na rin na ikaw ang magyaya sa kanya – for the meantime. Kasi hindi rin natin masasabi kung ano ang feelings niya.

Love Advice No. 128

Author-constructed problem:

Meron po akong nililigawan. Tawagin na lang po natin siya bilang si Missy. Kasama ko po siya dati sa pinagtatrabahuan namin sa isang pabrika.

Dumating yung time na humingi ako ng permiso sa kanya para manligaw. Nang lalapit sana ako dahil may sasabihin ako sa kanya, itinulak niya ako, na para bang seryoso siya sa kanyang sinasabi.

Mula nung time na sinabi ko ang totoong nararamdaman kay Missy, unti-unti na niya akong iniiwasan. Hindi na nga siya nagrereply sa mga sinesend kong messages sa kanya. In short, lagi akong ‘seen’. Ako man ay nahihiya na rin para sa kanya after kong masabi ang totoong feelings ko sa kanya.

Noong isang araw, nabalitaan ko na lang na kasa-kasama niya ang kanyang boyfriend. Nalaman ko lang din mula sa kanyang mga kaibigan na di pa boto ang mga magulang sa kanyang bagong boyfriend.

Kuwestiyonable din ang naturang lalaki dahil kilala na siya sa kanilang lugar bilang isang babaero, at sa katunayan ay mayroon na itong dalawang anak mula sa dalawang babae. Ayon pa sa mga kaibigan ng babae, pangatlo nang beses na nabugbog si Missy dahil sa matinding selos. Gustuhin ko man siyang tulungan, wala naman akong magawa dahil uulitin pa rin ni Missy sa akin yung time na itinulak niya ako palayo.

My Advice:

Kung ang turing sa iyo ay kaibigan pa rin, kailangan mo rin siyang alalayan. Lalo na kung siya mismo ang humihingi ng tulong sa iyo.

Aminin natin: Darating sa point na iiwasan talaga tayo pag inamin ang feelings. At iyan ang isang bagay na hindi natin makokontrol.

Mas maigi rin na huwag pakialaman ang relasyon nilang dalawa, kahit na binubugbog siya. Kasi, kung papakialaman mo, baka ikaw pa ang madamay sa away nila. Baka mademanda ka pa. At lalong sasama ang loob ng dalaga sa iyo. Hayaan mong magulang at kaibigan niya ang makialam diyan. Saka mo lang gagawin iyan kung siya mismo ang hihingi ng tulong sa iyo.

Kung sakaling matauhan ang dalaga, gagawa na siya ng paraan para layuan ang lalaking iyan.

What if?

Ngayon, paano kung naghiwalay na sila? Kung tuluy-tuloy naman ang communication ninyo kahit ganyan siya, mas maigi.

Hintayin mong ma-realize niya na nandiyan ka. Give more time, pero suportahan mo pa rin siya. Pagdating ng araw, ma-appreciate niya ang efforts mo, at baka siya pa ang magkusang-loob na aminin ang feelings sa iyo.

Kung iniiwasan ka pa rin niya hanggang ngayon, better move on. Let her face the consequences of her actions. Ginusto niya iyan.

Love Advice No. 126

From Papa Jack Advice Facebook page:

Pa advice po plzzzzzz cnu po ba mas my right sa bby ko soon lalo na sa magiging apelyedo nya…ayw po ng parents ko sa ama ng dinadala ko..mahal ko po bf ko lalo na may bby na kami soon gusto namin dalawa na dalhin ni bby apelyedo nya kaso lng ayw ng parents ko…

wala ho ba talaga kaming karapatan kaming dalawa ng bf ko para sa anak nmin dhil ayw ng parents ko sa kanya…nasa legal age na po kami…….

My Advice:

May karapatan kayo sa bata.

Dahil nasa legal age na kayo. At kung tutuusin, wala nang problema kung magpakasal kayo. Nasa batas ito, at iyan rin ang natural na karapatan ninyo bilang magulang.

Anuman ang dahilan ng parents mo, labas na ang bata sa isyu. Hindi nila puwedeng gawing depensa ang katuwiran nila para pagkaitan ang karapatan ninyo sa bata. Hindi rin ito rason para pagkaitan ang bata ng apelyido sa kanyang ama, pati na rin ang pagkakaroon ng masayang pamilya.

Medyo nakakapagtaka rin. Kung sa maraming magulang, ipapanagot sa ama ang batang dinadala, baligtad naman sa kaso mo. Di ba nila naiisip na napakasuwerte nila sa magiging asawa mo?

Sa totoo lang, wala na silang magagawa diyan. Mas mabuti ring ipaliwanag sa kanila na maraming bata ang kapos sa kalinga ng magulang.

Ayusin mo rin kung ano ang di niyo pagkakaintindihan sa parents mo. Baka ito ang rason kung bakit hindi si lalaki ang tipo nila. Minsan, may mga bagay na kailangang baguhin ang lalaki para siya’y tanggapin.

Kung igigiit pa talaga ng magulang mo ang kanilang gusto, gumawa ka na ng legal na aksyon. Maari kang sumangguni sa abogado mo o sa Public Attorney’s Office para sa legal na hakbang na puwede mong gawin.

Love Advice No. 125

From Papa Jack Advice Facebook page:

Dear Papa Jack:

Hihingi lang po sana ako ng advise.

Ako nga po pala si Ken 24 yrs old taga Koronadal South Cotabato at may dati po akong Gf ang name Rose 20 yrs old.

Nagkakilala kami ni Rose sa isang Private School dito sa Koronadal City. Nag simula po kami sa text2x hanggang sa nagkikita na kami. One time na pumunta siya sa bahay namin na kami lang dalawa ang nandoon nag aminan kami ng nararamdaman namin sa isa’t isa hanggang sa ibinigay niya ang kanyang pagkababae niya sa akin.

Papa Jack dahil sa nangyari gusto niya na magsama na kami, pero hindi pa ako handa kaya umalis ako at pumunta sa Lola ko sa Davao Del Norte ng hindi nagpaalam sa kanya hanggang sa nawalan na kami ng cominikasyon sa isa’t isa. Pagkalipas ng ilang taon nabalitaan ko nalang sa mga kaibigan niya na kakilala ko, na si Rose ay nag trabaho noon bilang G.R.O sa isang Bar sa Cotabato City at ngayon nasa Malaysia na siya at ganun pa rin ang trabaho niya.

Noong May 14, 2018 hinanap ko ang Facebook Account niya kaya chenat ko siya agad naman siya nagreply at nagtanong kung saan ako ngayon kaya sinabi ko na nandito ako ngayon sa Samal Island nagtatrabaho at naninirahan. May 16, 2018 kaarawan ko Papa Jack pumunta siya dito sa Samal Island upang magkita kami at mag usap ng personal. Dinala ko siya sa isang sikat at napakagandang resort dito sa Samal Island.

Sinabi niya sa akin noong panahon na iniwan ko siya ng walang paalam, deepress at hindi na niya alam ang gagawin. Kaya ng may kaibigan siya na isinama siya upang mag trabaho sa Cotabato City na akala niya sa isang Karenderya ay hindi pala kundi sa isang Bar kaya wala na siyang nagawa kundi nag trabaho doon. Hanggang sa may kumuha sa kanya upang mag trabaho sa Malaysia bilang isang entertainer ay agad naman siyang pumayag dahil sa isip niya noon na madali niyang nakalimutan ang lahat kapag nasa malayo na siya.

Pero noong 2016 ay nabuntis siya ng isa niyang costumer doon kaya umuwi siya dito sa Pilipinas. Papa Jack napaluha ako at na konsensiya sa [mga ginawa ko noon sa kanya.]

My Advice:

Sa panahong ito, kailangan mong alalayan at samahan si Rose.

Hayaan mo munang magkuwento at magpaliwanag si Rose. Mas mabuti na rin ito para mailabas niya ang lahat ng trauma na naranasan niya noon.

Nakakatuwa ang mga taong tulad mo, na determinadong balikan ang babae anuman ang sitwasyon. Wag ding kalimutang humingi ng tawad sa kanya. Malaking tulong ito para mapalubag ang loob niya.

Nang pumunta siya sa inyo sa Samal Island, maaring indikasyon ito na handa siyang balikan ka kung sakali. Ang krisis na nangyari sa inyo (tulad ng pagbubuntis niya) ay oportunidad para makapagsimula kayong muli. At makabuo ng sariling pamilya.

Napagtibay na kayo ng ganitong katinding pagsubok. Importante ito lalo na sa mga magsyota na gusto nang mag-asawa.

Dahil nandiyan ka na, at sinikap mong balikan siya, gawin mo na ang lahat ng paraan para makabawi sa kanya. Kung anuman ang pangarap na naudlot sa mga panahong nasa Malaysia siya, ituloy niyo na agad. Now is the chance. Sayang ang oras.

Love Advice No. 124

We’ll resume tomorrow select reviews.


From Papa Jack Advice Facebook page:

Magpapa-advice ako. I have this girlfriend na long time best friend ko. Maayos at maganda naman ho yung relasyon namin although we’re a LDR kind of couple. She is working at Cebu while I’m working and studying at Mindanao. Hindi naman naging sagabal ang layo namin sa isa’t isa at parati ho kaming nagkakausap through calls and video calls.

Although madalang lang along makauwi sa Cebu because of my study and work pero di siya nagreklamo. She’s very supportive girlfriend pero nagbago ang lahat nang iyon these past few months nang di na ganoon kadalas yung communication namin. Sa tuwing nagkakausap po kami’y parating awayan at sumbatan yung nangyayari. I’m really trying my best ho para maunawaan niya yung situation namin.

Pero wala ho eh. Mas naging worst pa po yung sitwasyon namin nang pagbintangan niya akong niloloko ko siya at madalas niyang pagselosan yung mga co-workers ko, kahit na wala naman akong ginagawa na makakasira sa amin. Inintindi ko po siya at pinalampas iyon pero mas naging malala po ng pagbantaan niya ang mga katrabaho kong layuan ako.

Hindi ho ito yung unang pagkakataon na ginawa niya, when I was courting her ay pinilit niya akong layuan ang isang kaibigan sa online chatting na kanyang pinagseselosan. Nilayuan at di ko na ho kinausap ang kaibigan kong iyon hanggang ngayon kahit na alam kong nasaktan ko ang kaibigan kong iyon sa desisyon kong iyon. Ano po ba ang dapat kong gawin?

My Advice:

Sa pagkakataong ito, pagsabihan mo na siya. Ipaintindi mo rin sa kanya kung para saan ang lahat ng ginagawa mo. Kasi, kung lolokohin mo lang din siya, wala nang silbi ang lahat ng efforts na ginagawa mo para sa kanya.

Ikaw ba ang mag-aadjust? Hindi. Siya dapat ang mag-aadjust. Lalo pa’t pinaghahandaan mo na ang kinabukasan ninyong dalawa. Maging prangka tayo dito: Mas mahirap na magkasama kayo pero nahihirapan kayong maghanda, di ba?

She must adjust

Sinabi mo pa nga na “working and studying” ka pa. So, what’s the point para pagselosan ka? Bakit? Sa dami ng trabaho na ginagawa mo, meron ka pa bang oras para pumatol sa iba? Wala naman, di ba?

Kailangan talagang pagtiisan ng girlfriend mo ang sitwasyon ninyo. At ang mas masakit, dapat din siyang mag-adjust. Wala na tayong magagawa diyan.

Minsan, meron ka ring kailangang gawin para mapahupa ang sitwasyong iyan. Try mong mag-trabaho malapit sa Cebu. O yakagin mo siyang sumama sa iyo pa-Mindanao.

Extreme measures

Kung susundin ang paraan ng pag-iisip niya, may mali. Paano ka makakakilos sa trabaho mo kung ang “mata” niya ay nakatutok sa iyo? Paano ka magkakaroon ng bagong kaibigan kung magkakaganyan siya?

At the extreme, kung di pa rin siya makikinig sa iyo, kailangan mo na siya talagang iwan. Mahirap nang ituloy ang relationship kung wala na siyang tiwala sa iyo. Ibig sabihin, hindi na niya kayang ibigay iyan sa iyo. Magsisilbing aral din ito sa kanya para hindi siya magselos nang walang basehan.

Love Advice No. 123

Author-constructed problem:

May reklamo po ako sa boyfriend ko. Hindi siya marunong makisama sa akin. Kung hindi ko sabihin na mag-effort siya para sa akin, hindi niya gagawin.

I am in the process of ending our relationship, dahil hindi pa rin siya natuto.

My Advice:

Huwag mo muna siyang hiwalayan.

Baka naman nahihiya lang siya sa iyo. O baka naman nag-aadjust pa rin siya sa relationship ninyo. O baka naman first time na ikaw ang girlfriend niya, which in this case ay kailangan niyang matuto sa bagay na iyan.

Mas mabuti na ring pagsabihan siya nang ganyan, para madala. At kung maari ay ulit-ulitin mo ito sa kanya. It might take some time para ma-realize na mali siya.

Better yet, kailangan niyo muna ng cool-off. Para naman mag-reflect siya sa kanyang ginawa. Otherwise, lalo lang kayong mag-aaway. And in the end ay pareho kayong masasaktan.

End this game

Pero kung di pa rin nakikinig, better end this. Ibig sabihin nito na hindi siya seryoso sa pagsasama ninyo. Mahirap i-sustain ang relationship kung laging hindi nagrerespond ang isang partner. Masakit din para sa isang tao na hindi binibigyang-halaga. So, what’s the use of continuing the relationship?

It takes two to tango, ika nga. Kung binibigyang-halaga mo siya, dapat ganoon din ang gawin sa iyo.

Malamang ay hindi ka niya mahal. Kasi, kung mahal ka niya talaga, siya na mismo ang gagawa ng efforts para sa iyo. In the first place, kung hindi niya ibinalik ang feelings sa iyo, you have to move on.

Love Advice No. 122

From Papa Jack Advice Facebook page:

Gusto pa rin ba ako ng taong binalewala ko at pinaasa ko noon, kahit na nangibang-bansa na siya? Kahit na malayo na kami sa isa’t isa? Kahit na limang taon at apat na buwan na siya doon? Ako pa rin ba ang mahal niya?

My Answer:

Baka hindi na.

Bakit? Dahil napakabilis na ng mga pangyayari ngayon. Sa loob ng limang taon, baka doon pa lang siya nakatagpo ng taong magmamahal sa kanya. Isa pa, sa sobrang layo ninyong dalawa, imposible din na magkatagpo kayo. Panghuli, mukhang dala-dala pa rin niya kung anong nangyari sa inyo noon.

Para sa mas malinaw na sagot, bakit hindi mo rin siya tanungin? Malay mo, baka may natitira pa rin siyang feelings sa iyo. Lakasan mo lang ang loob.

Love Advice No. 121

Author-constructed problem:

Problema ko po yung tao na gusto ko. Sa tingin ko, may gusto siya sa akin. Pero parang nahihiya siya sa mga magulang niya, dahil hindi raw ako maganda. Mahirap din na hindi ako laging sinusundo, at na lagi akong iniisnab.

My Advice:

Love needs to grow. Kung inamin mo ang feelings sa kanya, mas maigi. Ang challenge na lang ay kung matuturuan mo siyang mahalin ka. Hindi rin naman puwedeng apurahin na ibigin ka, especially kung wala pa siyang feelings sa iyo.

Isipin mo rin na hindi sa lahat ng oras ay susunduin o papansinin ka. Iyan ang reyalidad. Siyempre dahil iyan sa maraming factor na kontrolado niya o hindi. Maaring na-delay lang, o busy lang siya.

Regarding sa sinabi niya na hindi ka maganda, depende na iyan sa tumitingin. Take note na sinabi niya iyan dahil hindi ka pa niya gusto. Pero kung ibinalik ang feelings sa iyo, doon pa lang siya magagandahan sa iyo. Please refer to Love Advice No. 82 for further discussion.

What to do

Assess mo rin ang behavior niya. Baka nga mahiyain talaga siya.

May panahon pa para i-develop ang feelings sa iyo. Pero kung sa loob ng ilang buwan ay ganoon pa rin, mas mabuting iwanan na siya. Kaysa naman umasa sa wala, tapos in the end, masasaktan ka rin.

Kung kaya mong resolbahin ang problema kahit di pa kayo, malaki ang bentahe nito sa iyo. Sakaling kayo na nga, mas malaki ang chance na maagapan kahit ang maliit na problema. Otherwise, magagamit mo ito kung maharap ka sa ganoon ding sitwasyon.

Love Advice No. 120 (James Reid and Nadine Lustre)

Naging usap-usapan na rin sa showbiz ang nangyaring hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre, o mas kilala bilang JaDine. Ito ay sa kabila ng pagtanggi noon ng huli na hiwalay na sila, nang ibulatlat ito ni Ricky Lo nito lang ding Enero.

Overview

Sumikat ang tambalang JaDine sa Diary ng Panget, at sa paglipas ng panahon ay naging totohanan na ang relationship last 2016. At that point, binansagan silang Team Real.

Lumalabas na hindi naging tapat si James Reid, nang makipag-harutan diumano kay Issa Pressman. Ang masama pa nito, kinukunsinti din ng mga kaibigan ng huli ang sitwasyong iyan. Dito na sila nagkaroon ng “irreconcilable differences”, na humantong sa hiwalayan. Kaya pala di sila nag-celebrate nang magkasama nitong Bagong Taon.

Further notes

Masasabi natin na naging immature si James sa pag-handle ng relationship. Take the word “contentment,” which he didn’t understand. Sa tindi ng pagmamahal na binibigay ni Nadine, at sa sobrang ganda niya, wala sanang rason para siya’y palitan.

But no, he took it for granted. Naghanap pa ng iba. So, kung nais niya na ituloy ang love adventure sa ibang babae, this time dapat na siyang magseryoso dito.

Ginawa lang ni Nadine ang lahat, sapat na. The burden was on James to prove that he’s still faithful, which in this case ay hindi niya nagampanan.

Sa totoo lang, hindi maiiwasan na masaktan ang isang tao. Parte na iyan ng relasyon. Pero kung ito ay sinasadya, at mas nasasaktan tayo kaysa sa iniibig, dapat nang mag-isip-isip.

Dahil ngayon ay “liberated” na ang mga tao, unti-unti ring nawawala ang sense of loyalty. Sa ating parte, kailangang paghandaan ang panahon na iiwanan nila tayo. Kahit na sabihin pang di na kayo maghihiwalay pa.


Featured Image Credit: JaDine on ASAP last 2015