Love Advice No. 112

Narito naman tayo sa isa pang serye ng Love Advice sa site na ito. Sa totoo lang, ang susunod na love problem ay na-encode ko pa last April 2017, more than two years din.

Long overdue na, at mukhang hindi na ito applicable sa kanilang dalawa. Napakahaba ng love problem, pati ng advice. Kung naiinip ka, puwede ka nang dumiretso sa aking love advice. Sige, simulan na natin!


From University Secret Files:

“Kabit”

SPG

Bakit kapag ang lalaki may kabit natural na lang? Bakit kapag babae ang may kabit, parang sobrang baboy mo na? Sobrang laking issue? Sobrang hindi na makatarungan? Why?

Meron kasi akong loyal na boyfriend. As in loyal, may disiplina, guwapo, may diploma, may maganda nang trabaho, galante, nagiisip ng future kasama ako, at alam kong mahal ako. First love ko, first kiss, first sex. First niya din ako kaya that makes it extra special. Sabi nga ng mga tropa ko, suwerteng-suwerte na ako. Husband material na ang nabingwit ko.

Pero hindi lahat ng relasyon na akala niyo masaya, eh masaya talaga. Sobrang opposite kami ng boyfriend ko, as in lahat. Tahimik lang kasi siya at sobrang seryoso, well-organized at masinop sa pera. Walang bisyo at very brilliant pero mahina sa joke. Artistic sana pero masyadong sukat pa din ang gawa. Kumakanta siya pero hindi masyadong mahilig sa musika. Sayang daw sa oras, ika niya. Kailangan daw niyang magtrabaho. Hindi naman siya yayaman [sa musika].

Ako naman, on the other hand, ako ang type ng babae na makulit, madaldal, at baliw. Kumbaga sa classroom, ako ang laging nangungulit, tropa ng lahat, yung sa mga dulo umuupo, ganorn, at ganorn ako. Talented din daw ako. DAW. Ewan, nagbabanda ako dati. At saka, artistic talaga ako. Ako din ang tipo na maloko pero laging mataas ang grades. Ibang-iba sa boyfriend ko. Pero dahil mysterious ang boyfriend ko, doon ako na-inlove sa kanya. Iba kasi sa akin kaya nae-excite ako sa buhay niya kahit hindi [siya mismo] exciting. Humanga ako sa pagiging responsable niya. Sobra. Wala akong mapintas sa boyfriend ko. Sa sarili ko lang meron.

Nakilala ko si other guy nung sumapit ang 4th year namin ng boyfriend ko. Pinakilala siya ng tropa ko sa akin. Una pa lang, amoy ko nang fuckboy. Didiskarte pa lang siya, pero tinabla ko na. Pero ayaw paawat si gago, sanay na sanay lumandi. So kinulit ako. Ayoko talaga sa kaniya. At never talaga akong nagcheat sa boyfriend ko. Gwapo si other guy pero hindi ko talaga siya trip kasi mukhang babaero. Pero sabi nga nila, you can’t resist a playboy.

One time, nagkalabuan kami ng boyfriend ko. Nabadtrip ako sa kaniya. Lagi niya kasing kausap ang bestfriend niya. As in lagi. Minsan pinupuntahan niya pa yun agad kapag tinawag siya at umiiyak so automatic na cancelled ang date namin kapag nag-inarte si bisprin nya! (Ta@#$*!) Hindi naman ako selosa. Alam ko lang talaga na may gusto sa kanya bestfriend nya, KINGINA. Babae ako, alam ko ginagawa ng kapwa ko babae. So, dahil malabo kami ni boyfriend, pinagtyagaan ko na si other guy. Then that’s the start of it.

When I started knowing the other guy, dun ko napansin na madami kaming nakakaWTF na similarities. Una, yung nunal sa leeg at nunal sa kilay. Both on the very same spot. First time kong nakakilala na parehas ko ng nunal. Weird lang. Tapos pati mannerisms, mga ilang beses kaming nagkasabay nagpisil ng ilong and naghimas ng tyan Haha parehas din kami may birth mark sa binti. Hndi naman parehas pero halos parehas yung spot. NakakaWTF lang. Then, habang nagfofoodtrip kami sa bahay ng tropa nya, nag patugtog sya ng indie bands at put*ng*n* kami lang dalawa nakakaaalam ng kanta. Nagulat sya dahil sumabay ako sa kanta at kami lang nagsing along. Drummer din sya dati ng banda. Kaya nagclick kami parehas pa kami genre. At gumawa pa kami cover ng kanta, na nicompose nya. Pinasa namin yun sa himig handog pero hndi umubra e hahaha. At ako ang nagdesign ng pinatattoo nya sa binti. Marunong din pala si g*g* sa mga arts kaya mas lalo kaming swak. Sobrang parehas kami. Parehas talaga. Witty din sya. Parehas kami magjoke. Parehas kami trip. Parehas kami ng takbo ng bituka. Nung una talaga naging maayos kming tropa. Tropa talaga as in, murahan, g*g*han, bigla bigla magchachat skn para sabhing ang panget ko. Pag nakatambay kami sa dorm ng tropa ko, dadalhan ako ng ipis ng p&$/(&@!! Aasarin ako ng walang sawa. Huhusgahan lahat ng suot ko. Pipintasan yung ilong ko. Itatago yung mga gamit ko tapos ilalabas nalang kapag umiiyak nako. (T#$^#/^a, tinago nya iphone ko. Iyak talaga ko eh kala ko nanakaw ampota haha) makulit talaga. As in kaugali ko. Walwal talaga sya sobra pero may maayos na work. Graduate na din.

Eventually, nafafall talaga ko kay other guy, alam ko maling mali. Alam ko gago sya kasi pinormahan nya ko kahit may boyfriend nako. Alam ko niloloko ko na boyfriend ko. Alam ko sinungaling nako kasi minsan ssbhin ko mag OT ako, pero manunuod lang talaga kami ni other guy ng gig o kaya ppunta kami exhibit.

Lahat ng bagay kasundo ko si other guy. Ewan ko. Alam ko mali pero ngayon lang ako naging masaya. Yung totoong masaya. Nalabas ko yung side ko na matagal kong tinitimpi sa buhay ko dahil ayaw ng boyfriend ko pag madaldal ako at nakakahiya ginagawa ko sa public (e.g., nangungulangot) At nalaman ko pa sa tropa ko, nagka long term relationship naman daw yun. 5years. Kaso nga nagbreak na lang daw hindi nila alam dahilan tapos nagsimula ng magwalwal. As in nakikipag fubu daw si other guy. As in one week lang. Matagal na yung 1month. Nagulat nga daw sila nung una kasi loyal daw talaga yun sa ex nya. Pero eventually nasanay na silang fuckboy na talaga ang tropa nila. Aaminin kong nagulat ako sa kanya. Para sa kagaya kong isa lang ang nakasex ko. Boyfriend ko lang talaga. Kaya ako nagulat kasi he never initiated sex pagdting sa akin. Oo lagi kami magkasama pero tangina, nagmumurahan kami, nagjojoke kami about dicks and pussy. Pero he didn’t tell something about sex. He didn’t even kiss me. Hindi nya ko minanyak. For someone na sobrang fuckboy, hindi nya ko minanyak. Hello girls!!! Alama nyo naman pag nagpapahiwatig ng sex ang guy diba!? But hell no he didn’t.

Tumagal yung secret hangouts namin ni other guy, mga around 1year. Pero may mga times na bigla bigla syang maglalaho then lilitaw ulit. Fuckboy nga kasi diba? Di na nakakagulat. Pero pagnagkita kami..i can’t contain my happiness. Si boyfriend? Ayun. Laging kasama bestfriend nya. Napapaisip na nga ko kung meant to be ba talaga kami eh. Naiinggit ako sa bestfriend nya, nagkakasundo silang dalawa sa work dahil parehas sila ng linya. Parehas silang mahilig sa anime at na-oop talaga ko sa uspaan nilang mga putangina sila. Hindi nila kilala yung mga bands na gusto ko. Tangina. Feeling ko hindi ko kilala yung sarili kong boyfriend. Naaawa ako sa sarili ko.

Then until one day, pumunta ko sa apartment ni boyfriend. Papakita ko sana sakanya yung art work ko na ipapasa ko sa isang client. Pero nasurprise ako at andun yung bestfriend nya. Kumakain sila together. Wtf diba? Ako? Wala lang nag beso pa kami ng malandi. Umalis ako don then punta kay other guy. Baka kasi masubsob ko bestfriend nya sa sushi nila!!! Tangina. Parehas sila ng favorite na sushi!!! Ayoko non! Malansa!! Malansa kagaya nya.

Kinwento ko kay other guy, at di ko na din napigilan umiyak. Dun na din umamin si other guy na talagang seryoso na sya skn. Bakit ba daw hindi na lang kasi sya? Ngayon lang sya nakahanap ng taong sobrang katulad nya. As in. Tigang na nga daw sya eh. Dahil mula nung nakilala nya ko at naghahangout na kami, di na sya nakikipag sex sa mga kalandian nya na only one call away. Hahaha kadiri amputa. Haha tsaka umiyak sya skn. As in he confessed that he’s already in love with me. Ngayon na lang daw sya nainlove and alam nyang mali dahil may boyfriend ako pero mahal na nya talaga ko and he’s so sure about it daw dahil alam nya yung babaeng panglandi lang at hindi daw ako pang ganon pero mali lang talaga. Tangina. Ako? Ayun walang masagot. Naguguluhan din kasi ako. Tama bang ipagkatiwala ko ang puso ko sa ganon klaseng lalaki? May assurance ba? Iiwan ko ba yung long term boyfriend ko para mag take ng risk sa lalaking to? Pero very wrong, dun may nangyari samin. First sex sa ibang lalaki. Wtf. Di ko din alam pero yung gabing yon..ibang iba eh. Iba talaga nararamdaman ko kay other guy. Mahal ko na ata. Oo. Mahal na nga ata yung right word. He made me the happiest that night. A night that I will always look back to. Alam kong maling mali yun pero I can’t resist. I’ve drown myself into his.

Pero alam nyo yung ending? Kay boyfriend pa din ako. Kasi natatakot akong mag take ng risk. Natatakot akong baka bigla na lang akong iwan ni other guy at bumalik sya sa dati nyang gawi. Natatakot ako. Kaya after may mangyari smin, sinabi ko sakanya kalimutan nya na lang. Tangina. Ang playgirl ko sa part na yon. Feeling ko ang badass ko. One night stand naba tawag don? Tangina. Kaya eto, patuloy pa din ako sa boyfriend ko.

Sabi nila perfect relationship? Kasi matagal? Sige. I’ll post as many pics as you want para lagi kayong kiligin sa love story namin ng boyfriend ko. Kasi alam ko kapag nagpost ako ng pic namin ni other guy…everyone would judge me. Everyone will tell me na ang tanga tanga ko para iwan yung long term ko at palitan ng fuckboy. Sa panahon kasi ngayon, people believe in to what their eyes tell them.

Saklap. I was born in a very mad world.

Saklap. I was born to be so coward. Saklap. I was born in a judgmental era.

To the other guy, kung nababasa mo to alam ko malalaman mong ikaw tinutukoy ko. sorry hindi ako nagtake ng risk. Sorry hindi kita napaglaban. Sorry nakilala kita sa maling panahon. Sorry sinayang ko yung pagkakataon. Sorry tanga ko eh. Sorry at kinulong ko na naman ang sarili ko sa relasyon na hindi na ko masaya.

Sorry that I have to keep you as a secret. Sorry. But that was one hell of a journey. You’ll always be the best thing that I never had. You made me the happiest. Thank you. Hindi man kita napagmalaki sa ibang tao, hinding hindi naman kita makakalimutan. Pinaramdam mo sa akin na merong isang taong kagaya mong sobrang kaparehas ko.

If only we’d live in a different time; in a different place. Baka naging tayo. Baka sa past lives natin naging tayo na, or baka sa susunod na life natin maging tayo na. Sorry that I let you down. Tandaan mo, hindi mo ko karma don’t consider me as your karma. Dahil minahal kita hindi nga lang kita naipaglaban.

If magkita ulit tayo sana may babae ng magmamalaki sayo. Yung hindi ka itatago. Yung hindi ka gagawing kabit. Sorry.

You are the saddest playlist I’ve ever played.

-Babaeng Hindi Blooming

CEU-2015 

My Advice:

Wala namang masama kung piliin mo ang the other guy. Pero wag mo namang lokohin ang boyfriend mo.

Puwede mo din itong ikonsidera:

You: Alam mo, hon, feeling ko, kailangan nating maghiwalay.

Boyfriend: Ha? Bakit naman?

You: Alam mo kasi, napapansin ko na nagiging close kayo ng bestfriend mo. Bakit ba tuwing may kailangan siya, sugod ka agad na parang spaceship? Ano ba ang meron sa kanya, ha?

Aaminin ko na nung time na nakita ko kayo sa apartment mo, naiinis ako. Sana ako na lang ang nasa posisyon niya.

Hindi naman kita pinipigilan, pero dapat mo ring isaisip na ako pa rin ang girlfriend mo. Alam mo ba na mayroong nagkagusto sa akin, pero ayaw ko pa rin? Kasi iniisip kita. Mahal pa rin kita. Pero kung uunahin mo pa rin iyang bestfriend mo, wala na akong magagawa. Mas mabuti nang maghiwalay na tayo.

Isa pa, dapat mong pagsabihan iyang bestfriend mo. Dapat siyang matuto na maging independent. Maghanap na siya ng ibang masasandalan niya. Kayang-kaya naman niya, siya pa kaya?

[Bahala na kayong mag-usap, pero pag-usapan na ninyo kung ano ang problema niya sa iyo, at ang problema mo sa kanya.]

Sa pagkakataong ito, parang “magbabanta” ka na hihiwalayan mo siya. (Pero wag mong gagawin iyan kung ayaw niya.) Dito mo makikita kung ano ang naging ugat ng problema ninyong dalawa. Mas lalo mo ding makikita kung talagang mahal ka niya o mahal na niya ang bestfriend niya.

O puwede mo na siyang diretsahin kung gusto mo talaga ang future boyfriend mo. May basehan ka rin naman kung bakit kayo nagkakalabuan, dahil siya ang may kasalanan. Puwede mo na rin siyang hiwalayan. Mas makakabuti ito sa iyo para malaya kang magmahal.

(Side Note: Curious lang ako. Since may similarities kayo, mula sa nunal hanggang sa mannerisms, baka nga magkapatid kayo?)

Your problem?

Samantala, maaring sa parte mo ay nagkulang ka sa relationship ninyo. Tanungin kita:

  • Ipinaliwanag mo ba sa boyfriend mo na mali ang ginagawa niya? Kasi baka hindi niya namamalayan na nauubos ang oras niya sa bestfriend, sa halip na sa iyo. Maaring sumobra siya sa limitasyon nang hindi niya alam ang ginagawa niya. Pag nagmatigas pa rin, doon mo na siya hiwalayan.
  • Ginawa mo ba ang lahat para mas makilala ang boyfriend mo? Kasi kung tutuusin, mahigit apat na taon kayo, at marami pang time para mag-usap kayo. Pero sabi mo nga, “Feeling ko hindi ko kilala yung sarili kong boyfriend.”
  • Naiintindihan mo ba na kasama sa isang relasyon ang pagdaan sa maraming pagsubok, tulad ng pagpapansin ng bestfriend ng bf mo?
  • Nung dumating sa point na parang namemeligro ang relasyon mo sa existing bf, meron ka bang ginawa upang ipaglaban siya?
  • Kinompronta mo ba ang bestfriend niya? Kasi kung tutuusin, mas may karapatan ka kaysa sa bestie niya.
  • Nag-effort ka ba para ituon ang pansin niya sa iyo? Hindi talaga uubra sa akin ang alibi na “iniwan” mo siya dahil “iniwan” ka niya, lalo pa’t meron pa namang paraan para akitin si boy.

Kung susundin ko ang katuwiran mo, dapat mag-effort ka rin. Dapat ka nang dumiskarte. Hindi lang si guy ang lagi nang manunuyo at mag-eeffort sa iyo. Isa pa, sa panahon ngayon ay lalong tumitindi ang tukso sa paligid.

  • Tama ba ang reaksyon mo nang nagkakalabuan kayo? Kung ganyan ang diskarte mo sa pag-solve ng problema, hindi malabong maghiwalay din kayo ni the other guy, lalo pa’t kung may higit pa sa kanya.
  • Wala na ba talagang paraan para magkaroon kayo ng similarities? Kasi, kung ito ang major problem ninyong dalawa, aba’y gawan mo ng paraan. Maghanap kayo ng similarities ninyong dalawa, na mapapansin mo habang unti-unti mo siyang nakikilala. Baka mahilig kayong pareho sa ganyang pagkain o pelikula.

If you choose…

Isa pang tanong: Paano kung iniwan ko siya para sa the other guy? Ngayon, paano kung dumating ang panahong naging kayo na, tapos eh dumaan din ang ganyang pagsubok? Lilipat ka na naman sa iba? Wala namang ganern, bes.

Kung sa ngayon ay medyo okay pa kayo ng future boyfriend mo, darating ang panahon na lilitaw at lilitaw ang iba pang mga problema na hahamon sa inyong dalawa.

Take a risk

Sa kabilang banda, may pagkakamali din naman ang boyfriend mo. Di niya narerealize na kailangan mo siya. At wala din siyang ginagawang paraan para ipakilala ang sarili niya sa iyo.

Malinaw na personal choice mo kung gusto mong maging kayo ni other guy. Pero maiintindihan ko kung kay present boyfriend ka pa rin, dahil iyon ang tama since kayo pa nga that time.

Kung hiniwalayan mo na ang boyfriend mo, ngayon na ang panahon para maging masaya ka. Dahil kung sakaling pinili mo si the other guy, hindi na siya magiging “kabit”.

Isa pa, kung mahal mo naman si the other guy, bakit ka matatakot na sumugal? Dahil ba sa sasabihin ng ibang tao? Prove them wrong. Ito na ang pagkakataon mo para patunayan na ikaw lang ang magpapabago sa buhay niya.

Bakit? Nakikita ko na maingat din siya sa iyo, at nirerespeto ka din niya. Hindi ka niya itinuring na parang balewala, tulad ng ibang babae na nakasama niya. At mukhang malabo na bumalik siya sa dating gawi – kung tutulungan mo siyang magbago.

Base sa kuwento, naging fuckboy lang siya after ng breakup nila. Naiintindihan ko naman ang pinagdaraanan niya. Dahil may mga sitwasyon na kayang baguhin ang ating pagkatao, at ang masakit pa, dito siya naligaw ng landas.

So, take the risk. Kasi mas malaki ang tsansa na maging kayo. Mahal mo siya, at ibinabalik naman niya ito sa iyo. At kung may masabi ang ibang tao sa inyo, eh anong magagawa nila? Lalo na’t may trabaho din pala siya. May direksyon na siya pagdating sa trabaho at career niya. Ang kailangan lamang ay direksyon pagdating sa pag-ibig, at kailangan ka niya dito.

(Isa pang risk na dapat din ninyong i-focus ay ang pagkakaiba ninyong dalawa. Baka kasi dito ang magiging reason ng hiwalayan niyo, if ever. Kahit may similarities kayo, lilitaw din ang differences niyong dalawa.)


Additional Note: Gender issues

Ngayon, sa tanong mo, “Bakit kapag ang lalaki may kabit, natural na lang? Bakit kapag babae ang may kabit, parang sobrang baboy mo na?”

Hindi pa rin kasi uso noon ang “gender equality” gaya ng nakikita natin ngayon. At dahil sa panahon lang natin ito nangyari, di basta maiaalis ang pananaw na “kapag ang lalaki pag may kabit, natural na lang.” Kapag may kabit ang babae, parang “sobrang baboy” daw, dahil hindi tayo sanay sa ganitong sitwasyon.

Actually, wala namang masyadong problema kung pagsasabayin mo sila. Haha. Pero seryoso, meron akong nakausap na babae na hinayaan na maging Syota No. 1, No. 2, o No. 3. (Hindi ko na matandaan kung sino siya.) Kung sa iba na katulad niya ay okay lang, walang problema. Hindi pa naman kasi kasal ang magsyota. Kaya lang, mahirap ito dahil hahatiin ng bf niya ang oras at pagmamahal.

Pero may problema kung gusto mo nang magpakasal, which in this case kailangan mo talagang pumili ng isa.

Sa isang banda, mapa-babae o mapa-lalaki man, mali din naman na magkaroon ng kabit. Wala itong pinipiling kasarian. Yun nga lang, dahil nakasanayan na lalaki ang may kabit, nagiging normal na ito. Pero muli, mali din iyan.

Love Advice No. 111 (Pag CPA, Mataas Ang Suweldo?)

Malapit na rin ang CPA Board Exam. This is it! Ito na ang chance mo na maging CPA. Pagkatapos mong makapasa, what’s next?

Hahanap ka ng magandang trabaho, let’s say sa Maynila. Ang tanong: Tama kaya ang mindset na pag CPA, mataas ang suweldo? Alamin ang reyalidad sa love advice na ito:


From Accounting Coach Philippines:

“Naranasan niyo rin ba na masabihang “Oh, CPA ka na. Pero ang baba ng suweldo mo. Dapat nasa 50k na iyan.”

Sa Love Advice na ito, isasampal natin ang masakit na katotohanan, at kung ano ang dapat gawin para makasuweldo ang CPA ng 50k. Applicable din ang sagot sa iba pang propesyon.

Expected na maitutuwid nito ang mga maling impresyon sa mga CPAs (at pati na rin sa ibang propesyon). Ito ay para na rin sa gabay at kaalaman ng lahat.

Share ko din ang isang meme:

Bakit nga ba?

Una sa lahat, nasa Pilipinas tayo. Kung nasa ibang bansa ang mga CPAs, mas malaki pa diyan ang matatanggap nila.

Isa pang masakit na reyalidad: Di porke’t CPA na, ilalagay ka sa mataas na pedestal. Hindi kukunin ng company ang isang tao sa isang magandang position na walang experience, kahit pa CPA siya. Siyempre, sa mababang position ka muna. Para sa atin, possible position ang Accounting Staff o Audit Associate.

Bilang isang baguhang CPA, kailangang matutunan muna ang lahat ng kailangan sa actual practice. Minsan, magbibigay siya ng bookkeeping/tax compliance bilang sideline. After 3 years or more, saka pa lang siya kikita, lalo pag nagtayo ng sariling accounting firm.

Panghuli, tumataas din naman ang suweldo taun-taon. Ito ay bilang konsiderasyon na rin sa inflation, kung saan bumababa ang halaga ng perang kayang bilhin.

Supply and demand

Isa pang masakit na reyalidad: Dinidiktahan ng supply at demand (pati market competition) ang suweldo ng mga accountants, same din sa kahit anong propesyon o hanapbuhay. Sa madaling salita: Bilang ng trabaho > CPAs = Salary up. Bilang ng Trabaho < CPAs = Modest salary.

Honestly, kung tatanungin mo rin ang mga CPAs, especially sa mga nagsisimula pa lang, modest ang suweldo. Madalas ay kulang pa sa pangangailangan. Tapos, overworked pa. Gustuhin mang maghanap, no choice.

Mahirap maghanap ng trabaho na merong ganyang halaga. At kung meron man, isipin kung gaano kalaki ang workload na expected sa isang CPA pag ganyan. Isipin din ang tindi ng stress na aabutin since equal pay = equal work. Sa bandang huli, hindi na ito tungkol sa suweldo. “It’s about enjoying life.”

Memoirs

To tell you kung gaano kahirap ang inaabot ng mga CPAs, let me share you a bit of experience.

From the time na nakapasa ako last May 2018, hanggang February nito lang taon, paminsan-minsan akong tumitingin kung meron na bang improvement sa paghahanap ng trabaho. Pero hanggang ngayon, wala pa rin. Ganoon pa rin ang set-up na nadatnan ko noong 2017 bago maipasa ang board exam: Marami pa ring aplikante, kakaunti ang trabahong meron sa probinsya pero nakatambak sa Maynila, at walang magbigay ng ganoong halaga.

Habang naghihintay ng application (around November 2018), may isa na nag-offer sa akin na gawin ang BIR reports. Ang siste, 5k lang ang kaya nilang ibigay. Tapos, maraming kailangang tapusin. Sa probinsya yan. Sinong magtitiis sa ganyang setup?

From that extra two months na naghahanap pa rin ako ng trabaho sa probinsya, hanggang ngayon, walang trabaho doon. Mas lalong walang magbigay ng 50k na suweldo. So, paano iyan? No choice kundi bumalik sa dating trabaho. Itinigil ko na ang paghahanap ng trabaho sa siyudad, at wala na akong balak na ulitin pa ito. Dahil isa na itong malaking kalokohan. At dahil wala na rin akong mapapala after five months ng paghahanap ng trabaho doon.

Sa ngayon, bumalik nga ako, pero masaya na ako sa kung ano ang meron ako ngayon. At pasalamat din ako dahil very considerate din ang mga magulang ko pagdating sa ganyan.

What to do

Ano kaya ang puwedeng gawin para itaas ang suweldo?

Tama ang sagot ng isa na “Federalismo muna.”Sa panukalang ito, dadami ang trabaho na available sa mga CPAs. Kung luluwagan ang restriksyon sa ekonomiya, asahan ng mga CPAs ang dagsa ng mga foreign investors. Na magbibigay ng dagdag na trabaho, at dagdag na suweldo dito sa Pinas. At di na 50k lang, ha? Mas malaki pa. Pag ganito ang mangyayari, bakit pa tayo mag-aabroad pa?

(Malaking tulong din ito para di na magsiksikan ang mga major accounting firms sa Makati/MM lamang. Maikakalat din ang big bulk ng CPAs mula Maynila papunta sa mga probinsya, dahil naroon na din ang oportunidad.)

Love Advice No. 110 (Who’s Your K-Pop Ultimate Bias?)

In this part where we go beyond K-Pop, we’ll try to give advice to a fan. Hope these tips will be helpful for all of us, regardless of our preferences. Let’s start!


From an international Hallyu group page:

I have a problem. I’m trying to stan ASTRO and I can’t choose a bias. Help.

My Advice:

Take your time first. In your case, stan ASTRO. Take time first to know the six before choosing a bias.

Why? First of all, no one’s really going to stop you from picking this or that person. And this is not a big deal, since it’s all up to you. If you’re comfortable in choosing a bias, go for it. But if you’re comfortable by stanning them as a group, it’s okay.

You may try to stan them all, then pick a bias later. This tip is mostly helpful in your case.

Or pick a bias first before stanning them all. This is helpful especially if you are getting to like the attributes of each member in the group.

How do I pick?

It was hard for you to pick a bias in Astro. How much more if you’re a multi-fandom type? Let me share some experiences of picking my biases.

As part of 19 fandoms, picking biases is not a joke but is enjoyable. And as I am reviewing most of the acts this year, I am planning to add at least 9 groups to my bias list.

First consideration is on the visuals. Second, but equally important, is the attitude. Third is on their talents. Other factors would be on dealing with fans, making a humorous issue, cracking jokes, doing aegyo, and other things.

To wit, here are select biases: Jendeukie/Umji (visuals); all TWICE members (attitude); RM, Moonbyul (talent); Seungkwan (humor); Eunha (aegyo)

In some cases, I deem it right to pick all members as my biases, because I like them all, or as a sign of gratitude. This is the case with GFRIEND, SEVENTEEN, SATURDAY, Red Velvet, and TWICE. For Momoland, I decided to pick only seven members. Not Nayun or Dabin, as they still have issues to solve.

Ultimate Bias

Well, even if you have picked your bias, another member will try to catch your attention away from that bias. There goes the concept of “ultimate bias” and “bias wrecker”. Just Google it.

At some point, you might now know who is your most favorite member. That’s your ultimate bias. Now, define who is/are the other members catching your attention, too. You can call him/them as bias wrecker/s.

Let’s put it this way: You tell me later that your bias is Sanha. But later on, Eunwoo and MJ caught your attention. The two are casting doubts on you retaining Sanha as your lead pick. In this case, Sanha is your ultimate bias, and the two as bias wreckers. All in all, you have three out of six members as your faves.

Depending on your preference, you may place more than one person in these positions.

You may see My Bias List here. There I explain the reasons why I chose this or that as my biases, ultimate bias, or wreckers in each group I follow. That’s also updated. Hope that might be helpful as your guide.


Featured Image Credit: Astro members.

Love Advice No. 109 (IZ*ONE’s Chaewon)

For the first time, we will give love advice to a K-Pop star, this time IZ*ONE’s Kim Chaewon. While earlier, we reviewed the group, this time we’ll review their member to help them improve their personality. Let’s start!


From KPopMap:

Q: Do you dislike fat people?
Chaewon: Who doesn’t?

Q: What kind of guys do you like?
C: Don’t really have a preference. Lol as long as they’re not short.

Q: What kid of visuals in a guy do you like?
C: Handsome.

My Answer:

Take note that the word used is like (좋아). There’s no problem if we talk about liking him. This is more on having crushes. You can say that you like a handsome man at this point (say, Park Bo Gum), then forget it later. But if we go on loving him, Chaewon has a problem if that’s the case.

Honestly, my answer to these questions will be the same. Anyway, we have our own set of preferences, and we cannot deny that.

To add, this convo was taken at the time they are too young for relationships, or even marry. Therefore, this needs to be viewed in the context of teenager’s feelings.

Pointers

While this should not be a big deal for us, some points have to keep in mind.

One thing that should be kept in mind is this: Our preferences change as we age. We realize some points, we ponder on it, and therefore make us a better, mature person than yesterday. This makes us wiser when deciding on the ideal partner.

Another thing: There are some instances where we don’t like him/her at first (due to physique) but we later on love that guy. That includes me, who loved a not-so-good looking girl. For Chaewon to better understand my situation, here’s the description:

A guy who is tall and medium built, but has braces and wears glasses. He’s not the type of man you want to be with, as he is shy. His talking is also a bit off, especially if you treat him sarcastically.

Would Chaewon at that time like him? Definitely no. But spend time with him. Know him more, and she’ll later on fall in love with him unconsciously.

So, it’s very important to know the guy better first. Looks will fade, but personality remains. That’s the reality we will eventually face.


Photo Image Credit: From one of fanpages of IZ*ONE.

Love Advice No. 108 (GFRIEND and Honey Popcorn)

Missing out on my love advices? Well, here we go again!

For the first time, we are giving love advice to our fellow K-Pop reviewer. This is all about a guy, who upon being frustrated with GFRIEND, stumbled on another group called Honey Popcorn. As I am scanning MV Reviews of various artists, plus comments, I can’t help but be amused at his love predicament, which we will show later.

This is a way of helping fellow commenters as they’re undergoing various problems. And by the way, as you read it, this is just for fun, so never take these things seriously. This is not really a contest between two groups, but I do hope that you will learn some lessons here. Let’s start!

From a commenter in TheBiasList:

As you know, my GFRIEND and I are currently going through a trial separation. During this time, I met Honey Popcorn. She’s different from all the others. My friends are trying to convince me not to like her. They say she’s from a different neighborhood and she has a questionable past. I don’t care about that. I only know how I feel when I see and hear her.

Though we’ve only shared a couple of moments together, I feel that there’s a future for us. I want her to stay. I want my friends to realize she’s a real person with something to offer the world. Please stay, Honey Popcorn. Let us walk the flower path together.

Prior to that:

My GFRIEND and I are going to be spending some time apart during this release [of “Fever”].

My Advice:

Stick with GFRIEND.

As I see it, you and GFRIEND are on this trial stage. Your problem with GFRIEND is just temporary. Don’t feel bad about it. It’s just normal that all of us, like her, undergo some trials like this one.

I recommend that you stick with first love than find somewhere else. This is not a question of being purer among the two, but a question of commitment. In times of trials like this one, how willing are you to stick with her till the end? What if next time, she might make it up for all times she missed?

Now, what if Honey Popcorn later on made something you don’t like? Getting to know another girl again? Another scenario: Let’s say that your feelings with GFRIEND rebounded. More likely, she lost virtually all her love for you. Double brokenhearted for sure. Then, where will you go?

Plan B

If you eventually decide to leave GFRIEND in favor of Honey, some things must be remembered:

There’s a strong need for both of you to know each other. I’m afraid to admit that time will expose some of the problems that will be encountered on your new relationship, just like what you experienced in the past. Just look at Goo Hye Sun and Ahn Jae Hyun.

You just have to take more time. Take it easy. Time will tell if there will be a future for both of you, since we alone can’t tell the future.

Finally, you have to help Honey Popcorn redeem herself. Since as you say, she has a questionable past. Knowing more about her also helps you decide on giving her new look and character. Considering that neighbors already know her personality and attitude, she can’t redeem herself alone. Again, help her. This shows that you really care for her in her trials.

Love Advice No. 107 (Goo Hye Sun and Ahn Jae Hyun)

We’ll pause our reviews for a while, to give love advice to the recently split couple Goo Hye Sun and Ahn Jae Hyun. I only knew of her when she played the role of Jan Di in Boys Over Flowers, a Korean remake of Meteor Garden.

Background

The couple’s divorce came as a suprise, even for fans who are rooting for the two. But that’s not suprising at all if facts are considered, as we will discuss later.

The couple announced their relationship on April 2016, and married the following month. From that point, that marriage is bound to fail.

This August, news of break-up spread so fast. Added to the problem was Jae Hyun’s indifference towards Hye Sun’s mother.

He lost sense of responsibility by prioritizing work over dealing with Hye Sun’s mother. If one remembers, it was him who “begged so hard for her mom to let him marry her.” Now that he wants divorce, he does not want to speak to her mom personally (so as to inform of status). This is what Hye Sun wants from him, nothing else. This was important as sign of respect to parents. But instead, he prefers to call her mother, which must be ashamed of.

Aspect of marriage

Many people are taking for granted that marriage involves permanence. Marriage is a serious decision that must be thought of carefully.

If marriage only focuses on love, then that is more likely to fail. It also entails commitment, patience, hope, faith, responsibility, and sacrifice to keep going. Ask any couple about their status after marriage, and they will tell you the same answer: It’s a roller-coaster journey, but it needs these things to keep it going from start to end.

Know more

With sense of virtues of marriage breaking down, knowing each other is a task that cannot be overlooked. It is given that we cannot know him/her 100%, but still this must be stressed out to everyone. It takes time, even months or years, but it will benefit you in the long run.

You will know him/her 60% of the time before marriage, and 40% after marriage, which varies per person. In fact, some advisers will tell you that some hidden traits will appear after marrying the guy/girl.

There’s the danger of being madly and deeply in love. And there’s the danger if marriage is done out of infatuation. Time will come that once love is lost on him, everything’s over. Easy come, easy go, as they say.

Superficial love

Last time, she told that she loves Jae Hyun more than he loves her. If at a certain period it does not improve, she must consider breaking up with him. Also, his being lukewarm towards her, and that unequitable love must serve as red flags for her not to accept his proposal.

This serves as lesson for celebrities and many others not to rush into marriage.

Do not love

Text messages revealed Jae Hyun’s negative side: irresponsible, happy-go-lucky, and immature. With the attitude he has, is he qualified to love and be loved?

Jae Hyun wanted to divorce her, because he feels that their marriage lost “spark” and it was “boring.” It appears that he has shallow understanding of what love is. If that’s the case, then Jae Hyun must not love anyone at all.

He wrote, I love you, Goo Hye Sun but it’s not enough. For if he really loves her, why the divorce?

If he’s thinking, he must have realized that many guys wanted to be with her, and are more than willing to be commited with her. That’s the thing he should’ve thought of before going the divorce route. Aside from this, who wouldn’t love such a beautiful lady such as Hye Sun?

Speak out

Celebrities like Hye Sun would normally keep personal matters private. But if this is released by themselves, it means something’s terribly wrong.

Normally this issue would be dealt with privately, but she needs to reveal it to defend herself and her family. It would be best for Hye Sun to speak out and tell more the truth about it. In that case, it will counter any negative response she might receive, especially if she is not at fault here.

She made a good move to “write these promises we make with our lawyers,” considering that he breaks promises. This will make sure that he will comply to obligations he committed with her.

It would take time for her to recover from this unfortunate situation. Just in case Hye Sun wants to love again, she must be careful next time. If any man wants to marry her immediately, this will spell bigger problem for her.


Featured Image Credit: The couple during their marriage.

Love Advice No. 106 (Gerald and Julia vs. Bea)

Timeout muna tayo sa review, dahil meron tayong kailangang bigyan ng love advice.

Laman ng showbiz tsismis ngayon ang away sa pagitan ni Bea Alonzo at Julia Barreto. Sa pagkakataong ito, atin silang bibigyan ng payo sa pag-ibig, kahit na di ito hilingin sa atin.

Background

Nagsimula ang lahat ng ito sa shooting ng pelikula nina Julia at Gerald Anderson. Nagpatama si Bea sa diumano’y relasyon ng dalawa, at sinabi pa na “Enough”, implying na may nangyari kina Gerald at Julia.

Ito rin ang sinasabing dahilan ng break-up nina Julia at Joshua Garcia. Sa puntong iyon, nabunyag na nanliligaw na si Gerald kay Julia. Lumabas din na nakipag-break ang binata nang walang closure kay Bea. Nagkaroon na din ng word war ang dalawang babae, anupa’t nag-offer si Raffy Tulfo na ayusin ang away nilang tatlo, at may advice pa siya sa kanila.

Samantala, ito rin marahil ang nasa isip ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA, kung saan sinabi niya:

Nasa harap na ni Bea ang magiging karibal niya.

My Advice

Lumalabas na si Gerald at Julia ay naging immature sa paghandle ng relationship. Kung nag-iisip sila, sana naalala nila na may madadamay at masasaktan sa kanilang maling ginawa.

It’s best na maghiwalay na sina Joshua at Julia. Kahit na sabihing mahal pa rin ng dalaga si Joshua, wala nang silbi ito, dahil sinira niya ang tiwala ng binata. At kung talagang mahal, bakit kailangang iwan si Joshua, gayong mas marunong pa siyang magmahal?

Para kay Bea at Joshua, mag-time out na sa pag-ibig o maghanap na ng iba. Dahil wala na silang magagawa sa isyu na iyan. Isa pa, kung ano ang itinanim nina Gerald at Julia na di-maganda, aani din sila ng di-maganda.

Mas mabuti para kay Gerald na manatiling single na lang. Walang forever na dadating kay Gerald, hangga’t hindi siya seryoso sa mga nakarelasyon niya. Sa ganyang attitude, huwag na tayong magtaka kung sa susunod…

Siguro, mas mabuti rin na magkaroon ng “ban” sa pakikipagrelasyon, tulad ng nangyayari sa K-Pop (around 3-7 years). Dahil nakakahilo rin ang rigodon ng mga artista. At bago umalma ang ilan, ito ay nangyari na rin sa atin. Sina Kathryn Bernardo, Sarah G., at Liza Soberano. Bakit? Dito masusubok kung gaano kaseryoso ang isang male celebrity na makuha ang loob ng isang babaeng artista.

Mother knows best

Natatandaan ko pa noon na matindi ang batikos kay Mommy Divine, nang “pinaghiwalay” sina Gerald at Sarah Geronimo, 7 years ago. Sabi ko, bakit hindi na lang hayaan si Sarah na maging masaya?

Fast forward ngayon. Sa nangyari sa tatlo, doon ko narealize na tama pala si Mommy Divine. At tama din ang naging first advice ko noon kay Jea: Mother knows best.

Mukhang alam na ni Mommy Divine na sa bandang huli, sasaktan lang ng binata ang kanyang anak. Alam din niya na deserving ang isang lalaki na handang ipaglaban at irespeto si Sarah. Kaya nang nakita ang pagiging sinsero ni Matteo, doon lang niya hinayaan na magkatuluyan sila.

But here’s the catch: Parang wala lang kay Marjorie ang nangyari sa kanyang anak. Siguro, alam niya na mas maganda na maging masaya si Julia.


Featured Image Credit: Photoshopped pic of three stars on “Face to Face.”

Love Advice No. 105 (Sex and Virginity)

Bilang bahagi pa rin ng reflection sa Love Advice sa loob ng halos limang taon, tatalakayin ng may-akda ang isa pang sensitibong topic: Sex at virginity.

Ano ba ang wastong pagtingin tungkol sa pagtatalik at pagkabirhen? Kung mali ang pagtingin dito, ano ba ang magiging epekto nito sa pamilya, sa bansa, at sa ating lahat? Alamin dito:


Isa ang sex at virginity sa mga pinakasensitibong topic sa kahit anong love advice. Normally ay hindi ito pinag-uusapan. Pero dahil sa dami ng mga nabubuntis nang maaga, o nabubuntis nang di pa kasal, dapat lang na pag-usapan ito. Let’s settle this once and for all.

Siguro naman ay nakakarinig kayo ng mga kaibigan o kaanak na nabubuntis nang di pa kasal. Kung hahayaan natin ito, magkakaproblema tayo. Nakakatakot din na makasanayan ito at maging kultura na pag di inagapan.

Guidance

Tulad ng binanggit ko noon, importante sa isang nagdadalaga o nagbibinata ang magabayan ng tama dito. Importante rin na maipaintindi sa kanila ang magiging bunga pag mali ang desisyon nila.

Ang pagtuturo ng tamang pangmalas sa sex ay pangunahing responsibilidad ng magulang. Sunod ang paaralan at ang Simbahan. Hindi ng kung sinu-sino tulad ng mga artista.

General principle

Ang sex ay isang bagay na para sa mag-asawa lamang. Yes, ito ay isa pang paraan para ipahayag ang damdamin sa pag-ibig, pero reserved lang ito sa kanila. Kung nag-sex bago ang kasal, masyado silang excited. Di makapaghintay.

Minsan nakakarinig tayo ng katagang “Kung mahal mo ako, patunayan mo,” meaning need na mag-sex para ma-prove ang pag-ibig. Wala sanang problema kung kasal na. Eh paano kung hindi pa? Ito ba ang sukatan ng tunay na pag-ibig? Hindi.

Ano ang mangyayari pag nag-sex bago ang kasal? Depende sa magsyota. Pero ito ang most likely na scenario: Kung ibinigay mo na agad ang pagkababae nang di pa kasal, posibleng mawala ang excitement na nararanasan sa sex. Posibleng makaramdam ng guilt after makipagtalik.

Minsan, pag ibinigay na ang lahat, hindi masisiguro na mananagot ang lalaki, sakaling nabuntis ang babae. Pag kasi nabuntis nang di-oras, malamang ay iiwanan siya ng lalaki dahil ayaw panagutan ang ginawa. Mas malala pa, magiging uso na ang tinatawag na “single parent.”

Virginity

Ngayon, sa ilang tanong related sa virginity, meron pa kayang tatanggap sa iyo kahit hindi na virgin? Ang sagot ay oo. May mga tao na handang tanggapin ang kalagayan mo.

Sa isa pang tanong, kung iiwanan ka after ma-virgin. Depende na iyan sa lalaki. Most likely, puwede kang iwan dahil natatakot siya sa responsibilidad. O baka hindi ka iwan dahil mahal ka pa rin niya.

Job mismatch?

Ang problema, ilang kabataan ang may thinking na “Basta naka-sex na, okay na.” Ngayon, kung hindi sila magagabayan dito, isipin kung gaano katindi ang magiging problema. Sa kanilang pamilya. Sa ating bansa. At sa ating lahat.

Unang-una, sa paghahanap ng trabaho. Sa paglaki ng populasyon, dadami ang mga aplikante, pero kakaunti pa rin ang trabaho. Walang problema kung ang paglaki ng bilang ay dahil sa mga kasal/nagpakasal na, at nagkaanak. Wala ring problema kung hindi nabuntis ang dalaga. Dala-dala lang nila ang personal guilt kung meron sila niyan. Pero kung ipa-factor natin ang mga hindi pa (dahil sa PMS), well, doon lang may problema.

Hindi na nakakagulat kung magiging pahirapan ang paghahanap, at kung dumami ang tambay. At hindi na rin nakakagulat kung magkukulang pa rin ang suweldo ng ordinaryong Pinoy.

Other problems

Isa pang problema ay ang pagdami ng mga anak na kapos sa kalinga ng mga magulang. Ito ay natalakay na natin sa nakalipas na Love Advice.

Iba pang mga problema ay sa supply sa pagkain at ang disiplina. Sa supply sa pagkain, ito’y sa pag-convert ng lupa from agri to residential. Unti-unting ginagamit ang sakahan para pagtayuan ng residential houses, dahil dumadami na rin ang tao. Sa pagdami ng tao, tataas ang demand sa pagkain. Ang resulta: food shortage. Ito ang hihila sa presyo ng pagkain paitaas.

Ano pa ang ibang problema? Katulad lang din ng nabanggit na tungkol sa paglobo ng populasyon.

Kita mo, kahit sa simpleng pagwalang-bahala sa sex, puwede itong magdulot ng matinding problema sa ekonomiya at sa atin.

Love Advice No. 104 (Lessons of Love)

Bilang bahagi ng ating pag-review sa lahat ng artikulo ng Love Advice, simple lang ang tanong: Ano ang leksyon na makukuha natin sa pag-ibig? Tingnan ang sagot dito:


Sa loob ng halos limang taon na tumatakbo ang love advice sa site na ito, at dahil isandaang artikulo na ang na-publish, kailangan nating huminto at mag-reflect muna kung ano ba ang dapat matutunan at ma-realize dito:

  • Love is risky, and can be very costly. Magastos, at mahirap ang umibig. Susugal ka talaga sa isang bagay, na hindi ka sigurado kung ibabalik din sa iyo ang pag-ibig. Alam ko na hindi ka basta-basta susugal sa pag-ibig kung hindi ka sigurado sa resulta.
  • Simplify the process. Kung alam mo na gusto ka niya, at gusto mo siya, aminin na ang feelings. Wala nang paliguy-ligoy pa. Saka na magpakipot kung ganoon. Kasi, kung magtataguan lang din ng feelings, ang daming masisirang relasyon. At ang daming masasayang na pag-ibig.
  • Maging realista pagdating sa pag-ibig. Iyan siguro ang hindi naiintindihan ng lalaki sa Love Advice No. 99. Iibig lang daw siya ulit, kung kaya niyang ibigay ang lahat. Pero sa totoo lang, kailangang magtira sa sarili.

Sa Love Advice No. 2, umaasa pa rin ang una na gusto siya ni guy, pero wala namang aksyon. Anong nangyari? Eh di wala rin.

Iyan siguro ang isang bagay na hindi taglay ng mga nag-eexpect na mag-top sa CPA Board Exam. Considering na ito ang pinakamahirap na exam, at sa tindi ng kompetisyon, iilan ang pinalad na mag-top dito.

  • Hindi natin sigurado ang bukas. Kahit sabihin na “almost perfect” na ang relationship, darating ang panahon na susubok sa tatag ninyong dalawa. Hindi mawawala ang mga pagsubok na iyan. That is part of your relationship. At ang mas masaklap pa, pwede itong humantong sa breakup pag di inagapan.
  • Huwag basta-basta papasok sa isang relasyon na hindi mo panghahawakan. Mukhang ito ang isang bagay na nakakalimutan ng babae sa Love Advice No. 20. Kung hindi pala siya sigurado sa present bf niya, dapat in the first place ay hindi niya sinagot si guy.

Ito rin ang isang bagay na nakakalimutan ng mga lalaki na hihingi ng sex, and after mabuntis ay iiwanan ang dalaga. Kung hindi nila kayang panghawakan ang relasyon, anuman ang mangyari sa kanila, huwag na silang pumasok pa dito. Refer to Love Advice No. 95 for further discussion.

  • Kailangang maging resourceful sa pag-ibig. Kung ito ay higit pa sa chocolates at flowers, ok lang. Pero may mga sitwasyon kung saan kailangan nating maging mas resourceful. Kung napasubo sa sitwasyon na di mo gusto, need mong gumawa ng paraan. Think out of the box. Halimbawa, kung ikaw ay pinapipili sa studies o boyfriend, puwede namang mag-lie low muna.

Puwedeng si bf muna ang tutustos sa pag-aaral mo. Puwede kang tulungan ni bf sa studies mo. So when the time comes na nakatupad ka sa obligasyon sa magulang, puwede mo na siyang balikan. Makakabawi ka pa sa kanya.

  • Maging kuntento sa pag-ibig. Tingnan ang Love Advice No. 6, kung saan di nakuntento ang lalaki sa kanyang girlfriend. Pero mas malala pa sa Love Advice No. 99, kasi ang babae naman ang di makuntento sa kanyang bf na todo-effort sa kanya.

Bakit ko ito sinasabi? Ang daming nasasayang na pag-ibig. Marami pa rin ang naghahanap ng pag-ibig, pero di pa rin nila ito matagpuan. Samantalang ikaw na may boyfriend o girlfriend, ay higit na masuwerte.

  • There’s no such thing as “love at first sight,” pero puwedeng magka-crush sa kanya at first sight. Ang pag-ibig kasi ay nabubuo sa pagdaan ng panahon. Di tulad sa crush concept kung saan puwedeng magka-crush agad.
  • Kung siya ang tipong one of the kind, huwag mo nang pakawalan pa. Iyan siguro ang bagay na hindi naiintindihan ni Althea nang sinungitan niya si Chris (Love Advice No. 93). At iyan din ang pinagsisihan ni gal nang iwan niya ang lalaki (Love Advice No. 50). Mind you, mahirap maghanap ng lalaki na mabait, responsable, at masipag. Same goes sa mga lalaki.
  • Kung feel mo naman na nagseselos ka, try mong akitin ang lalaki. O haplusin din paminsan-minsan. Actually, effort mo na din iyan on your part. May mga tips akong binigay para diyan.
  • Kailangan ng mga babae ang matinding tapang para i-express ang feelings sa lalaki. Iyon ay kung gusto niya talaga si guy.

Kaya nga sinasabi ko ito: Pag di ka nag-open up ng feelings kay guy, tulad ng ginawa ni Kisses, wala ring mangyayari. Same goes sa mga lalaki.

  • Face the possibility na iwasan ka ng taong gusto mo, pag inamin mo ang feelings sa kanya. Maging totoo tayo dito, dahil hindi natin kontrolado ang emosyon nila. Mahirap timbangin ito lalo’t malaki ang risk na masira ang friendship niyo dahil lang sa pag-amin.
  • Bago makipag-break, “isipin kung kaya mo siyang makita na may kasamang iba.” Kasi sa totoo lang, suwerte na kung may babalikan ka. Pero hindi laging ganoon ang kaso. Baka pagbalik mo ay wala na ang feelings niya sa iyo. At baka pagbalik mo ay may kasama na siyang iba, na mas maganda pa ang hitsura at/o ugali sa iyo.
  • “If you can’t handle him/her at the worst, you don’t deserve him/her at the best.” Kung alam niya na sinamahan mo siya sa hirap, hindi ka niya iiwanan. At mas lalong titindi ang pag-ibig niya sa iyo.
  • Kung hindi kayang i-handle ang relationship, magpatulong sa magulang o kaibigan. Lalo pa’t kung hindi ka pa mature para sa pag-ibig. Iyan siguro ang dapat ginawa ng babae sa Love Advice No. 20, dahil nakikita ko na mali-mali ang mga desisyon niya pagdating sa pakikipagrelasyon.
  • Kailangan ng matinding pagpipigil lalo na pag sex ang usapan. Anong ibig sabihin? Sa usapang pang-kanto, ilagay sa lugar ang libog. Hindi yung tipong pag nag-init na ay magdedemand sa dalaga na makipag-sex.
  • Isa pang bagay: Ang pag-aasawa ay hindi parang kanin, na kapag napaso ay iluluwa na lang. Iyan ang isang bagay na madalas nakakalimutan natin ngayon. Kaya, hindi nakakagulat ang dami ng mga bata na kapos sa kalinga ng magulang, single moms/dads, o galing sa broken families.