Love Advice No. 118 (EXO’s Chen)

We have been bombarded now with celebrities engaging on dates. First instance is on Momo and Heechul.

EXO’s Chen gained attention with his announcement of marriage. As this news startled the fandom, some Knetz are still not happy over it.

Sadly, some Korean fans demonstrated total disrespect towards him by holding hate parties and throwing hate remarks. And still, with this kind of incident becoming more intense, SM Entertainment is still silent towards it.

My Advice:

As fans, we have to prepare eventually for life-changing events. Time will come where one by one, they leave the group, and/or venture on other business, marry, and have a family. Even us fans have no choice over these things.

These celebrities are humans too. As what the author emphasized in previous review, they have the innate right to love and be loved. As they make us happy for various reasons, this time, we have to let them be happy on decisions like this. EXO-Ls, especially Korean fans, should accept this unmistakable fact.

Precedence

We wish to point out how ridiculous dating is being considered a scandal. This has been a major issue with HyunA and Dawn. While this might be quite correct, as this tests how he/she can be more committed in choosing a partner, this also prevents them from experiencing how to love and be loved, and be hurt also.

Fans’ jealousness on their celebrities reached to a point where the latter are “prohibited” to marry. Take the case of Super Junior’s Sungmin, where some fans demanded to be kicked for the same reason. SM Ent nevertheless provided engagements for him. In this precedent, some K-ELFs themselves are trying to destroy the group.

So it’s not surprising that BTS’ Jin and V (Taehyung) wanted to live normal lives.

With all the incidents happening in K-Pop, respect is the least we can do to prevent it from happening again.


Featured Image credit: AllKPop

Love Advice No. 117

Sa pagkakataong ito, ating bubuhaying muli ang Love Advice. Ang love problem ngayon ay base sa tunay na kuwento. Nag-react kasi ang isang netizen sa isang post:

May isang netizen na naglabas ng matinding sama ng loob sa kanyang mga kamag-anak. Dahil na rin sa kurso na gusto niya. Sayang nga lamang at hindi ko na-screenshot ang kanyang sinabi. Pero ito lang ang masasabi ko:

Mahirap talagang makipagtalo sa mga titos and titas, dahil kadalasan, sila ang laging tama. Given na iyan. Pero kung meron kang maeencounter na open-minded, iyon ang dapat nating ipagpasalamat.

Throwback

Share ko lang ang naging experience ko.

Ang pinakamatinding insulto para sa akin ay tungkol sa paghahanap ng trabaho. Hanggang ngayon, nakatatak pa rin sa isip (ang sabi ng lola ko) na: “Iba pa rin ang may diskarte.” While this is an advice, iba ang dating nito sa akin.

Masakit ito sa akin dahil wala akong nagawa noong time na iyon. Pero ngayon na inaalok na akong magtrabaho (kung kailan meron na), napapatawa na lang ako.

What to do

So, kung gusto mong itama ang maling assumptions sa iyo, better speak out to defend yourself. Never mind kung marinig ito ng iba. Mas mabuti na rin ito para hindi ka mapahiya. Lalo na’t kung ikaw ay nasa tama.

Madalas makakarinig tayo na iniinsulto ang kurso na gusto natin. Kung ganoon, maganda ring sabihin ito sa kanila:

“Kung lahat kami ay nag-nursing (dahil mataas ang suweldo), baka wala nang magpapakain sa atin. Baka wala nang mag-aartista.”

Even basic respect will do. Pero minsan, try mo ring mag-reflect kung bakit ganoon ang puna sa iyo.

Root cause

Merong tinatawag na generation gap. Kung ano ang natutunan ng ating mga tita noon, ibang-iba ito sa natutunan natin ngayon. Kung ngayon, flexible at open-minded pa tayo sa mga bagay-bagay, fixated naman sila sa kung anong meron sa kanila noon.

Kaya, mahirap baguhin ang kanilang mindset. Nakasanayan nila ito simula’t sapul pa lang. Di natin kontrolado ang bagay na iyan. Ang tanging magagawa natin ay patunayan sila na mali ang impression sa atin. Iyon ang pinakamabuting gawin.

Tiis muna

Sa ngayon, tayo na mismo ang mag-aadjust. Tiis-tiis lang muna. Balang araw, darating din tayo sa pagiging Titos and Titas, and that’s the time na hindi natin ito ipaparamdam sa ating magiging mga pamangkin.

Kung tutuusin, sila pa ang lesser version ng mga ninuno natin. Kung para sa atin ay judgmental na ang kanilang remarks, mas matindi pa sa mga Titos and Titas nila. At malamang, nag-adjust din sila sa sobrang tindi ng toxic remarks na binabato sa kanila noon.

Have a good time

Personally, tinatanong din ako kung kailan ako magkaka-girlfriend. I treat this lightly, at hindi ko itinuturing na insulto. Sinasabi ko na lang na “mahirap maghanap,” which is true. Sa totoo lang, lately nagiging sakit na ng ulo sa akin ang paghahanap ng girlfriend…

So, on your part, never take these things very seriously. Kung ginagawang biro iyon, better dismiss it. Have fun. Because life is too short to deal with serious matters.

Love Advice No. 116

From Papa Jack Advice Facebook page:

Meron po akong problema… Ang bf ng kaibigan ko, crush ko. Nagagalit ako sa kaibigan ko kasi hindi niya sineseryoso ang boyfriend niya. Magkaibigan din kami ng boyfriend niya.

Ang problema ko po, ano ang gagawin ko eh mahal ko siya, pero nasasaktan ako? Kasi yung kaibigan ko ang crush niya eh hindi naman siya sineseryoso.

My Advice:

Wait lang. Dahil darating din sa point na maghihiwalay sila.

Pinakamagandang paraan ay hayaan mo silang maghiwalay. Kasi naman, dahil laging tinetake for granted ng kaibigan mo si guy, may matinding rason na ang huli para hiwalayan siya. Hayaan mong harapin ni bes ang resulta ng pambabalewala niya.

Mas mabuti rin na huwag ipahalata sa kanila na nasasaktan ka. Huwag ka ring magtanim ng sama ng loob sa kaibigan mo o sa lalaki. Otherwise, pag pinairal ang emosyon, sasama din ang loob sa iyo. Masisira pa ang friendship, at ikaw pa ang magiging masama sa kanilang paningin.

Kung dumating sa punto na naghiwalay nga sila, now is your chance to shine. Huwag mo nang hintayin na ikaw ay suyuin pa, dahil di natin alam kung gusto ka niya talaga. Iparamdam mo na lagi kang nandiyan. Treat him nicely. Sometime ay maapreciate niya ang efforts mo, at baka mahulog pa ang loob niya sa iyo.

Love Advice No. 115

From Papa Jack Advice Facebook page:

May bestfriend po ako na umamin sa akin na gusto niya ako. Pero friend lang ang turing ko sa kanya mula pa noong una kaming nagkita.

May boyfriend po ako ngayon. Actually, di ako seryoso sa kanya. Pero tanggap niya. Nakita niyang niyakap ako ni friend, tapos nagselos. Pinapili niya ako kung sino sa kanilang dalawa – yung kaibigan ko o yung boyfriend po. Please paadvice.

My Advice:

Wala kang pagpipilian sa kanilang dalawa.

Obvious ang sagot. Dahil di mo gusto si bestfriend, at hindi ka seryoso sa boyfriend mo. Wala ni isa sa kanila ang mas matimbang para sa iyo.

Katamtaman lamang ang pagtrato sa isang relasyon. Kahit na sabihin ko na “kailangang seryoso ang relasyon,” hindi dapat umabot sa punto na magiging boring ito. Hindi rin ito isang laro kung saan parang balewala ito sa inyong dalawa.

Kung hindi ka seryoso sa relationship mo, mas maigi na makipag-break sa boyfriend mo. Dahil parang nakikipaglokohan ka lang sa kanya. At iyan ay hindi nakakatuwa. Hayaan mong ibigin siya ng babae na mas deserving kaysa sa iyo.

Sa totoo lang, nagiging “training ground” ang relasyon para sa long-term commitment ninyong dalawa. Dito sinusubok ang kakayahan ninyo na magsama nang matagal. At sa kasong ito, di ka pa handa para mag-commit sa kanya. Ibigin mo muna ang sarili mo bago ka maghanap ng syota.

Love Advice No. 114

Five years ago, isang simulated Facebook page ni Papa Jack ang ginamit ko upang simulan ang love advice. Sa pagkakataong ito, binalikan ko ang page para suriin kung meron pang humihingi nito. Simulan na natin!


From Papa Jack Advice Facebook page:

Paano po ba ang gagawin ko? Kasi po yung bf ko po ay naalala pa ex niya. Sa tingin ko po, mahal niya pa rin. Ano po ba ang dapat kong gawin? Pagpapatuloy ko po ba o ititigil ko na? Thank you po sa mag-aadvice.

My Advice:

Kung apektado nito ang relasyon ninyo, itigil mo muna iyan.

Hindi maganda para sa iyo at para sa kanya na ituloy ang relationship. Kasi in the first place, kulang ang pagmamahal na ibinibigay sa iyo.

Mahirap ibigin ang isang tao na hindi mo alam kung mahal ka niya talaga. Kung mahal ka niya talaga, palalampasin niya ang nangyari sa kanila. Maalala man, hindi na ito magiging sanhi ng problema niyong dalawa. Pero hindi eh.

Ang nakakatakot pa, may possibility na magkabalikan sila. Lalo pa’t bukal sa loob na mahal niya ang babaeng iyon. Ang ending, naging panakip-butas ka na lang, instead na real girlfriend niya ngayon.

So, iwan mo muna siya. Hanapin niya muna ang sarili. He has to take time first bago ka niya ibigin ulit. Kasi aabutin ng mahabang panahon bago niya patawarin at palayain ang ex niya. Kung naka-move on na siya, puwede na siyang umibig ulit. Pero dahil hindi pa siya naka-move on, di kayo puwedeng magsama.

Love Advice No. 113

Habang naghihinay-hinay tayo sa K-Pop, inuunti-unti ko rin ang pagsusulat ng Love Advice. Dahil alam ko na ito pa rin ang hinahanap. Sige, simulan na natin!


From a group page:

Sinong puwedeng makausap at mahingian na din ng advice?

Kasi yung gf ko ay buntis, pero inamin niya sa akin na hindi ako ang ama o nakabuntis sa kanya?

My Advice:

Iwanan mo na siya.

This time, may matinding rason ka na para tuluyang iwan siya. Bakit? Dahil mahirap nang magtiwala sa kanya. Iwanan mo lang siya nang bahagya, papatong na sa iba. Kung tutuusin, sarili din niyang desisyon kung magpapabuntis siya sa iba o hindi.

Sa kasong ito, wala siyang respeto sa sarili at sa iyo bilang boyfriend niya. Hindi ito ang asal ng isang matinong babae. Bakit hindi ka niya pakasalan, kung hahantong lang din sa ganito? Siya lang ang makakasagot niyan.

Nasa sa iyo na rin kung tatanggapin mo ba siya sa kabila ng lahat. Nasa sa iyo na kung aakuin mo ang responsibilidad bilang ama. Ang importante, kung saan ka mas masaya.