Leeg ng Manok Recipe (Chicken Neck Recipe)

Good day, readers! Narito na naman tayo sa isa pang serye ng pagluluto ng manok. This time, lulutuin natin ang malasang dish para sa leeg ng manok. Kung ready ka na, ihanda na natin ang mga ingredients:

  • Leeg ng manok. Useless ang pagluluto natin kung walang leeg ng manok. Sabagay, ito rin ang sinasabing “one of the useless parts” ng manok. 😥
  • Mantika. Any kind of cooking oil will do. Basta masarap. Kung gusto mo naman ng gaas, go ahead.
  • Luya. Preferred na gamitin ang turmeric para mas masarap. Kung wala nito, puwede na ang ordinaryong luya. Ito ang magtatanggal ng lansa sa manok na lulutuin natin.
  • Toyo. Na mabibili sa kapitbahay. Wag gamitin ang may toyo sa ulo. Haha.
  • Suka. Na mabibili din sa kapitbahay.
  • Asin. To taste.
  • Worcestershire sauce. Iyon din ang tinatawag nilang “Sarsa Perrins”. Iyan ang magbibigay ng dagdag na lasa sa ating leeg ng manok. Kung nahihirapan ka sa pagbigkas ng “Worcestershire,” puwede na ang “Sarsa Perrins”.
  • Sesame Seeds (optional). Ang mga sesame seeds ay magbibigay ng sustansya sa naturang dish. Ito rin ang magbibigay ng dagdag na kulay sa manok.
  • Cassava starch (optional). Ito ang magsisilbing pampalapot sa dish na niluluto natin.
  • Sikretong sangkap. Alam natin na hindi ito ireresearch ng team ni Jessica Soho. So, preferred natin ang Magic Sarap bilang pampalasa natin. Ay, bakit ko sinabi iyon? Never mind.
  • Spring onions, chopped (optional). Ito ang pinaka-dahon ng sibuyas, na magsisilbing dekorasyon sa ating dish.

Paano lutuin?

  1. Ibudbod ang sikretong sangkap sa manok.
  2. Sa kumukulong mantika, iprito ang leeg ng manok hanggang maging golden brown. Set aside.
  3. Sa natirang mantika, igisa ang sibuyas, bawang, at luya hanggang maging lanta.
  4. Ilagay ang leeg ng manok, toyo, suka, Worcestershire sauce, at asin. Isama na rin ang kaunting tubig. Takluban at hintaying kumulo.
  5. Oras na kumulo, tikman nang ayon sa panlasa.
  6. (Optional) Sa isang mangkok, ilagay ang cassava starch, saka ang tubig. Ratio is 1:1/2 by weight. Haluin hanggang sa matunaw ang starch. Ilagay sa dish natin at haluin habang pinakukuluan.
  7. Kapag malambot na ang manok, patayin ang apoy. Ilagay ang spring onions at ang sesame seeds sa dish. The “Leeg ng Manok” dish is now ready to be served.

Sana nag-enjoy tayo sa pagluluto ng ating dish sa leeg ng manok. Kung nasarapan ka sa luto natin, yehey! Kainan na. Have a good appetite, and happy cooking! 🙂

Adobong Manok Hugot Recipe

Hello, dear readers! Narito na naman tayo sa isa na namang serye ng pagluluto mula sa may-akda. For the day, ang lulutuin naman natin ay isang katakam-takam na recipe, at tiyak na paborito nating lahat. Ito ang Adobong Manok.

At siyempre pa, hindi lang ito basta Adobong Manok, kundi ang adobong manok na may hugot. Ibinahagi ito sa atin ng isang netizen, and as usual, may idadagdag pa ang may-akda para maging mas masarap ang ating pagluluto. Sige, simulan na natin ang pagluluto!

Ano nga ba ang mga sangkap sa masarap na Adobong Manok?

Ingredients:

  • Manok. Mga isang kilo lang, sapat na iyon para sa ating lulutuin. Wag mong dadamihan. Alam ko naman na hindi ka na nga marunong makuntento sa isa. Kasi, kuha ka pa rin nang kuha ng ibang babae.
  • Paminta. Piliin ang mga pinakamaanghang na pamintang mabibili sa tindahan o supermarket. Kasing-init ng mga mata ko tuwing makikita ko ang bago mo.
  • Toyo. Dapat kulay-itim ang toyo. Sabagay, may toyo ang utak mo.
  • Suka. Tulad ng pakiramdam ko – na nasusuka ako sa pag-uugali mong iyan. Nasusuka ako sa pagiging mayabang mo. Feeling mo eh ikinapogi mo ang pagpalit mo sa akin?
  • Bawang. Bumili ka ng maraming bawang, tapos talian mo ang lahat na parang rosaryo. Akin na iyan pag natapos mo na. Isasabit ko ito sa leeg ko para matakot ka sa akin. May gana ka pang balikan ako pagkatapos ka niyang iwanan. Ang kapal mo rin, ano?

Ang daming sangkap, ano? Kasingdami ng ipinalit mo sa akin.


Paano lutuin?

  1. Durugin mo yung bawang, gaya ng pagdurog ng puso mo sa akin. Kaya ko namang tiisiin na saktan mo ako sa mga sinasabi mo. Ang hindi ko nga lang matanggap, yung time na dinurog mo ang puso ko nang sinabi mo sa akin na “Break na tayo.” Tapos yun pala ay may bago ka na. Nakakadurog talaga.
  2. Ilagay ang lahat ng sangkap sa isang palayok. Oo, sabay-sabay, tulad ng ginawa mo sa akin. Diyan ka naman magaling eh.
  3. Pakuluan mo para mag-init. Kasi darating din tayo sa point na manlalamig ka na sa akin. Sabagay, kung ganyan ang ugali mo, aba, huwag kang maghanap ng forever. Ikaw na mismo ang magrerequest ng cool-off pagkatapos ng paglalambing mo sa akin.
  4. At siyempre, babantayan mo siya. Kasi darating din tayo sa point na magsasawa ka sa akin at iiwanan mo ako. Kung hindi babantayan, aalpas ka at gagawa ng kalokohan. Baka matuyo pa ang adobo tulad ng pagmamahal mo sa akin. The Adobong Manok dish is now ready to be served.

Sana nakatulong ang mga tips na ibinahagi ng netizen sa atin upang makagawa ng isa pang katakam-takam na recipe. Kung naka-relate ka sa recipe na ito, eh di magaling. Pero kung nadala ka sa emosyon na ipinakita niya, mas magaling. Paano ba iyan? Have a good appetite, and happy cooking! 😀