Buffet of Roses Recipe

Good day, readers! Ngayong Valentines Day, siguro naghahanap kayo ng ka-date? O kung hindi man, hinahanap ninyo ang inyong boyfriend o girlfriend na mayayakap ninyo ngayon, di ba? Kasi, malamig pa rin ang panahon ngayon (yamang Amihan season ang February 14).

Nag-iisip ba kayo ng magandang puwedeng iregalo sa taong mahal mo? Kung oo, bakit hindi mo subukang magluto ng kakaiba? Magluto ka at ihain mo sa kanya ang pagkain! Dahil, ayon sa isang kasabihan, “The way to a man’s (or woman’s heart) is through his (or her) stomach.”

Tatanungin mo naman, “Ano ang bagong lulutuin ngayon ng may-akda?” Sagot: Buffet of Roses. Yes, you read it right. Buffet of Roses na ang lulutuin natin ngayon. Perfect ito para sa taong mahal mo, pero ayaw tanggapin ang dala mong roses, dahil nakokornihan siya dito. Ayaw niya ng roses? Eh di iluto na natin!

Ngayon, itatanong mo ulit sa akin, “Bakit Buffet of Roses? Di ba’t bouquet ang tamang salita para diyan?” Well, may ikukuwento akong kaunti, at mga 2 taon na ang nakalipas mula nang ipost iyan, pero relevant pa rin ito lalo’t Valentine’s Day na ngayon.

Ayon sa isang post:

Bto49_gCMAACxLh
Grabe! Ang sosyal naman ng lalaki. Kumuha pa siya ng catering para mabigyan ang dalaga ng buffet of roses. I also presume na hindi lamang ang girl na iyon ang nakakain ng buffet of roses, kundi pati ang kani-kanilang mga kaibigan at kamag-anak.

So, ano nga ba ang lasa ng buffet of roses?

Ito kaya ang inihain ni guy sa kanyang girlfriend?

Anong catering business ang nagluluto ng buffet of roses? Honestly, hindi ko masasagot ang tanong na iyan, kasi mahirap iyang iresearch. Kaya, TweetNewscaster had researched for a long time to create the dishes for the Buffet of Roses recipe. Technically, hindi lang isang dish ang lulutuin natin, but several kinds of dishes. Sa pagluluto ng ating Buffet of Roses recipe, sisiguraduhin natin na huling-huli nito ang lasa ng mga dishes na inihain ng guy na iyan noon pa.

Tara, ihanda na natin ang mga basic ingredients para sa ating Buffet of Roses Recipe:

  1. Roses. Siyempre pa, kailangan natin ang roses. Basic ingredient nga iyan eh. Bakit ka nga naman magluluto ng recipe na ito kung wala ito? Ano ang lulutuin mo? But anyway, maging maingat din sa pagpili ng roses na lulutuin natin, kasi iba’t ibang kulay ng roses, iba’t iba ang kahulugan nito. I will discuss to you kung anong rosas ang dapat mong gamitin sa iba’t ibang sitwasyon:
  • Red roses represent true love and romance. Sabi pa sa isang website, “Red roses convey deep emotions – be it love, longing or desire. Red Roses can also be used to convey respect, admiration or devotion. A deep red rose can be used to convey heartfelt regret and sorrow. The number of red roses has special romantic meanings associated with them. 12 red roses is the most popular of all which conveys “Be mine” and “I love you””. Kung talagang mahal mo siya, perfect ang bunch of roses para sa dish na iyan.

Red-roses-heart-for-sweetheart1

  • Pink roses represent love, gratitude, and appreciation. Perfect ito kung gusto mong maipakita na siya’y graceful and elegant, and if you admire or appreciate her, according to another site.

pink_roses_background_picture_166705

  • White roses kung kayo’y mag-asawa na. According to Reader’s Digest, white roses are associated with “purity, innocence, sympathy, spirituality”. Of course, when you give “a bouquet of white rose [it] is a perfect way to say, “I’m thinking of you””.

white-rose-flower-bouquet_130037

  • Orange roses naman kung ikaw ay enthusiastic at passionate sa iyong kapartner. Dito mo maipapakita sa kanya na interesado ka sa relationship ninyong dalawa.

8006382420_9f8ff32ee9_z

  • Lavender roses naman kung ikaw ay nainlove at first sight sa kanya.

10825551983_bf7c4c4b15_b

  • Yellow roses naman kung yung kapartner mo ay mahal mo and at the same time, friend mo. This rose represents warmth and joy, and this will awaken the mood of your partner.

104514Sz

  • Assorted roses naman kung gusto mo namang iparating sa mahal mo ang iba’t ibang emosyon na nararamdaman mo. Siguraduhin mo lamang na bagay sa emosyon at mensaheng ipapakita mo ang mga kulay ng rosas na pipiliin mo.

51PFyGBF3zL._SY300_

Bahala ka na kung anong kulay ng rosas ang gusto mong piliin. I would recommend that you pick roses from Benguet o kahit na yung mabibili sa Dangwa sa Maynila. Make sure too na fresh na fresh ang roses na bibilhin mo. Para mas romantic, yung mga rosas galing ng La Presa (Sitio Pungayan, Brgy. Sto. Tomas, Tuba, Benguet) ang bilhin.

  1. Other products of the rose family. Hindi kasi kumpleto ang buffet of roses kung nag-iisa lamang ang roses sa dish natin. Kailangan nito ng mga kapamilya’t kamag-anak. Para naman sa ating buffet of roses recipe, itong mga kamag-anak ng roses ang ating isasama:
  • Apples.
  • Pears.
  • Cherries. Wag lang Cherry Mobile.
  • Strawberries. Para hagip ang romantic experience, please choose only strawberries from La Presa.
  • Almonds.

Handa na ba ang ating mga basic ingredients? Kung oo, puwede na tayong magluto ng iba’t ibang putahe para sa ating Buffet of Roses:

Narito ang mga recipes na tiyak na kagigiliwan mo. Siguraduhin lamang na lulutuin mo iyan lahat at magdagdag pa ng bago mong recipe sa rose. Dadamihan mo rin ang pagluluto ng mga ito para magkaroon ka ng buffet of roses.


Fried Cracker Rose

Ingredients:

  • Rose petals. Dapat ang bibilhin mo ay 2 kilos or more.
  • Assorted fruits of the rose family.
  • Cooking oil. Any kind of cooking oil will do.
  • Salt/pepper/sugar to taste.
  1. Wash rose petals. Dapat hugasang mabuti ang mga rose petals, para matanggal ang maraming microorganisms na kumapit sa mga petals. Ayaw mo namang kainin ang mga microorganisms na iyan, di ba? Sige, hugas-hugas din pag may time.
  2. Chop and dice the assorted fruits of the rose family. Isama ito sa pagluluto natin ng rose petals.
  3. Add salt, pepper, and/or sugar to the rose petals.For extremely salty flavor, add more salt. For spicy crackers, add pepper and chili.
  4. In a pan, add cooking oil. Hintayin mo siya na uminit. At paano mo naman malalaman kung mainit ang mantika? Eh di hawakan mo.
  5. Stir-fry the mixture for 5 seconds or until golden brown. Siguraduhin din lamang na huwag sobrahan ang pagluluto, kasi kapag nasunog iyan, sayang lang ang paghahanda natin ng fried cracker rose. The Fried Cracker Rose is now ready to be served.

Sauteed Rose

Ingredients:

  • Rose petals. Dapat ang bibilhin mo ay 2 kilos or more.
  • Assorted fruits of the rose family, chopped into bits.
  • Cooking oil. Any kind of cooking oil will do.
  • Tomato sauce. Just make sure na talagang tomato sauce ang gagamitin, not banana sauce, or else mag-iiba ang lasa ng ating sauteed rose.
  • Onions, diced
  • Garlic, diced
  • Chili (either red or green)
  • Salt and pepper to taste
  1. In a pan, put a few cooking oil.
  2. Saute onions and garlic until golden brown.
  3. Add roses, fruits, and boiling water.
  4. If the dish boils, add tomato sauce, salt, pepper, and few chili.
  5. Simmer for five to eight minutes. The Sauteed Rose dish is now ready to be served.

Pinakbet with Roses

Ingredients:

  • Rose petals. Dapat ang bibilhin mo ay 2 kilos or more.
  • Assorted fruits of the rose family, chopped into bits. Ngayon, hindi lang gulay ang isasama natin sa pinakbet, pati prutas, kasama na rin! Di ba’t ang saya niyan?
  • Cooking oil. Any kind of cooking oil will do.
  • ½ kilo of squash, cut into cubes.
  • ½ kilo of stringbeans, cut into strips. For our special pinakbet recipe, the Baguio beans are highly recommended.
  • Onions, diced
  • Garlic, diced
  • Salt and pepper to taste
  • Soy sauce. According to Wikipedia, the soy sauce is made from soy beans. Ahh, so kapag gumawa ako ng sawsawan from string beans, ang tawag ba diyan ay string sauce?
  1. In a pan, add a little cooking oil. As usual, paiinitin mo rin siya. Ewan ko na lang kung lulutuin mo iyan nang frozen.
  2. Saute onions and garlic until golden brown. I repeat, golden brown, hindi black.
  3. Add squash and string beans. Saka, i-stir fry ang mga gulay na iyan. Takluban para lumambot.
  4. Add boiling water. Mas madaling maluto ang dish kapag boiling water ang gagamitin natin. Sige, try mo kayang maglagay ng yelo sa dish na niluluto mo.
  5. Add soy sauce and let it boil or until the vegetables become al dente. Magtanong ka na lang sa expert chef kung ano ang ibig sabihin ng al dente.
  6. You may add salt and pepper.
  7. Add rose petals and fruits.
  8. Simmer for five minutes. Kapag naluto na iyan, the Pinakbet with Roses is now ready to be served.

Rose Petals Salad

Ingredients:

  • Rose petals. Dapat ang bibilhin mo ay 2 kilos or more.
  • 1 carrot
  • 2 packs of elbow macaroni
  • 2 jars of mayonnaise
  • Apples, peaches, and almonds to taste. Dapat lahat ng mga ito ay diced already, unless kaya mong kainin ang mga ito nang buo.
  1. Sa isang kaserola, pakuluin ang elbow macaroni hanggang sa maging al dente ito. Pagkaluto, alisin ang tubig.
  2. Combine all the ingredients, then place the mixed ingredient into the refrigerator. Serve it cold.

Rose Milk Shake

Ingredients:

  • 1 kilo of rose petals
  • 1.5 L of milk (you may opt non-fat dairy milk)
  • 2 Ice
  • Achuete (as food coloring)
  • Assorted fruits of the rose family.

Combine all ingredients in the blender. For coloring, you may add achuete. Enjoy the milkshake!


Well, iyan muna ang ating mga recipes na niluto natin para maging kumpleto ang ating Buffet of Roses. Hindi lang iyan ang ating lulutuin. Sige, magpadala kayo ng suggested na recipes na isasama natin sa Buffet of Roses, na maaring ipadala sa tweetnewscaster@yahoo.com o di kaya ay i-PM sa official Facebook page ng TweetNewscaster. Maraming salamat sa pagbabasa, and Happy Cooking! 🙂